NAKAUWI na sa kaniya-kaniyang bahay ang mga biktima, pati na rin sina Dylan at Jacob. Naihatid na rin si Belle sa bahay nila. Nagkamalay na rin ito habang papunta sa bahay nila.
“What a night!” Pabagsak na naupo si Franz sa sofa. Halo-halong pagod, hirap, sakit ng katawan at pagkahapo ang nararamdaman niya. Pero masaya siya. Masaya siya na may nagawa siya para sa iba. Ganoon pala ang pakiramdam na nakatulong ka sa kapwa.
Naupo si Fin sa kaharap na sofa. Inilahad ni Fin ang kamay upang pagalawin ang vase sa center table. Ayaw. Ano 'yon? Panaginip lang ba ang nangyari kanina? Pero sigrado siyang sa kaniya nagmula ang kakaibang pakiramdam na iyon na nagpatalsik sa bruhang 'yon. Saka teka, may kailangan pang ipaliwanag sina Nitz at Cory.
“Tita Nitz. Tita Cory.” Tawag sa dalawang tiyahin na papalabas ng kusina. “May dapat pa kayong ipaliwanag sa amin ni Franz.”
“Ngayon na ba? Kaya n'yo pa ba? May lakas pa kayo?” paninigurong tanong ni Cory.
“Puwedeng bukas na lang 'yan, ‘Ma, Fin? Pagod na pagod na ako.” Tumayo si Franz. “Pero kung ano man iyan, ‘Ma, Tita Nitz, that was awesome! Ang galing n'yo kanina. Thanks for saving us. Pero bukas na lang lahat ng kwentuhan. Matutulog na ako. Goodnight everyone.” Sabay akyat ng halos lupaypay na si Franz.
“Sige po, Tita, bukas na lang. Napagod din ako kanina. Nakakatakot ang itsura niya. Imagine, ang lapit ng naaagnas niyang mukha sa mukha ko? Ew!” Kinikilabutan pang sabi ni Fin. Ewan niya kung makakatulog siya ng hindi binabangungot.
“JANA! Anak ko!” Naiiyak na salubong ng ina ni Jana, ang Mayor ng San Isidro. Sumalubong din ng yakap ang amang si Don Antonio.
“Mama!” Palahaw na iyak ni Jana. “Mama, pinatay nila ang dalawang babae kasi hindi daw sila birhen! Waaaah!”
“Ang kawawa kong anak.” Hinagod-hagod ng mayor ang buhok ng anak.
“Sige ho, Mayor, aalis na ho kami. Hinatid lang ho namin ang anak n'yo at pamangkin n'yo.” Paalam ng punong hepe ng pulisya.
“Salamat. Salamat sa pagligtas nyo sa anak ko.” Maluha-luhang pasasalamat sa mga pulis.
“Naku, wala ho 'yon. Isa pa, hindi ho kami ang nagligtas sa kanila. Pagdating ho namn doon ay nakatakas na ang mga kulto, at nakalaya na ang mga bihag. Ang pamangkin n'yo ho at ang mga kaibigan niya ang nagligtas sa anak n'yo at sa iba pang biktima,” pahayag ng pulis.
“Dylan?” Napalingon ang Mayor sa gawi niya. Napansin nito ang malaking pasa sa pisngi ng pamangkin.
“Hala, nasaktan ka. Ayos ka lang ba? Manang Pining, kumuha kayo ng gamut, madali!”
“Ayos lang po ako, Tita.” Pag-awat ni Dylan.
“Hijo, anong ayos lang eh ayan at magang maga ang mukha mo,” sabat ni tito Anton. “Huwag nang matigas ang ulo. Manang Pining, pakibilisan at nang hindi na lumala ang pasa ng batang ito.”
“Hijo, buti at hindi kayo napahamak? Bakit kayo sumugod doon nang kayo lang?” nag-aalalang tanong ng Tita Ada niya.
“Gusto ko pong iligtas si Jana at iba pang biktima, Tita. Wala pong mangyayari kung walang kikilos paakyat sa bundok. Ayos na naman po ako, at ayos lang din po si Jana.”
“Dylan, salamat. Salamat sa pagligtas mo sa pinsan mo. Sige na at umakyat ka na sa kwarto mo, magpahinga ka na. Pasusunurin ko na rin si Manang Pining doon.”
"Si Papa po ba, umuwi na?"
"Naku, hijo. Wala ka ng aasahan do'n sa papa mo. Alan mo 'yan." Sagot ng Tito Anton niya.
“Sige po, Tita, Tito. Aakyat na ako. Jana, magpahinga ka na rin. Ilang araw ka nang nakakulong doon.” Pagod na paalam ni Dylan.
“Sige. ‘Ma, pero pahingi muna ng pagkain. 'Di kami pinakakain do'n, eh. Gutom na gutom na ako.”
“Manang Lourdes, maghanda kayo ng pagkain, madali!” Utos ng natatarantang ina.
ஜ۩۞۩ஜ
NAGHIHIKAB pa habang patungong hapag-kainan si Fin. “Good morning, mga Tita.” Bati ni Fin sa dalawang. “Handa na akong makinig.”
“May pasok ka pa, Hija. Mamaya na lang pag-uwi nyo ni Franz. Mahaba ang kwento na maririnig n'yo,” sabi ni Nitz. “Pero wala sanang makaalam ng mg kakaibang nangyari kagabi. Huwag nyo ng ikwento sa iba ang mga nasaksihan n'yo. Ang alam lang nila, nasundan natin sila at nagtabukhan na ang mga kulto dahil nabunyag na ang kuta nila.”
“Ang daya naman!” Reklamo ni Fin.
“Mamaya na 'yan, Ate Fin, pumasok na muna tayo. Malelate na tayo, oh.” Patakbong naupo si Franz ang nagmamadaling kumain ng agahan.
“Uy, dahan-dahan naman! Mabulunan ka!” Saway ni Fin sa pinsan.
“Bahala ka. Iiwan kita. Ang bagal mo.” Gutom na gutom pa at panay subo habang nagsasalita si Franz. Grabeng gutom ang nararamdaman niya dahil sa pagod kagabi.
“Hoy, do not talk when your mouth is full! Kadiri ka!” Sabay hampas sa braso ni Franz.
“Aray, naman, Ate! Umaabuso ka na ha. Iyong maskels ko, nasasaktan.” Pagpapa-cute na iyak ni Franz.
“Itong mga batang 'to, nag-isip bata na naman. Parang hindi kayo iyong mga matatapang na nakipaglaban kagabi.” Natatawa pa ang dalawang tiyahin sa mag-pinsang nagkukulitan.
“Belat, ang maiwan, panget!” Sabay takbo ni Fin bitbit ang bag.
“Sandali lang! Ang daya mo talaga!”
“Hindi ba kayo magpapahatid?” Habol ni Cory.
“Hindi na po!” sigaw ni Franz habang palabas ng gate.
“Ang mga batang ito talaga, oo.” Napailing na lang si Cory.
ஜ۩۞۩ஜ
BALITANG_BALITA ang pagkakaligtas ng grupo nila Dylan Sylvester sa mga babaeng nabiktima ng kulto. Nakapaskil sa News Bulletin Board at sa school Prime Newspaper ang kabayanihan nilang lima. Pinagkakaguluhan ng mga estudyante ang naka-paskil sa board.
Nakangiti at nagbubulungan ang mga estudyante habang papasok ng main building sina Franz at Fin. May mga pumupuri at nag-congratulate sa kabayanihan nila.
“Good morning, class.” Pambungad na bati ni Miss Tamayo.
“I heard the news, and the school is proud to have brave students like them." Tumingin si Miss Tamayo sa apat na estudyante niya. “The administration would like to proceed with the Yearly Acquaintance Party this Saturday and also, the school would like to give awards of appreciation to our 5 brave students, and I’m proud to say that four of them belong to my class.” Nakangiting pagmamalaki ni Miss Tamayo. “Don’t they deserve a round of applause?” Nagpalakpakan naman ang buong klase.
Lumubog sa kinauupuan ni Fin. Gosh. Ayokong sumikat.
ஜ۩۞۩ஜ
NAGTUNGO sina Fin at Belle sa Cafeteria. “Fin, let’s go to our house later. Pasukatin kita ng dress. Sige na please, attend ka na ha.” Sabay papungay ng singkit na mga mata.
‘Ay naku, oo na ang kulit!” Sumuko din si Fin sa kakulitan ng kaibigan.
"Yehey!" Pumapalakpak pa sa tuwa si Belle.
“Hi Belle.” Nagmamadaling naupo si Franz sa tabi ni Belle. “Ako ang escort mo sa Sabado ha. Susunduin kita.” Sabay kindat nito.
“Pag-iisipan ko pa.”
“Ay, grabe siya. Dalawang araw na lang party na, pag-iisipan pa. Saka may mahahanap ka pa bang kasing-guwapo at kasing kisig ko?” Nagpalaki pa ng muscles sa braso.
“Mayro'n, marami.” Sabay irap ni Belle.
“Wala na, nag-iisa lang ako. Kita mo nga pati 'yong bruha type ako.”
“O, eh, 'di do'n ka na sa bruha. Hmp!” Inambahang hahampasin ang binata.
“Uy, 'wag ka nang magselos. Sa’yo lang ako, swear.” Mag-cross pa sa dibdib si Franz.
“Ewan ko sa’yo.”
“O, ang aga-aga may LQ na naman kayo.” Bati ni Jacob.
“LQ ka dyan, 'di kami magjowa ano!” Tanggi ni Belle.
“Hindi daw eh magka-holding hands pa nga kayo do'n sa bundok.” Pang-aasar ni Dylan. Kadarating lang din nito at narinig ang asaran ng dalawa.
“Oy, hindi ah!”
“Asus, sasagutin mo rin ako soon.” Paniniyak ni Franz.
“Tse!”
"Eh, teka Jacob, mataas ba ang araw?" baling na tanong ni Franz kay Jacob. Tinangkang alisin ang shades nito.
"Heh!" Singhal ni Jacob. Ayaw niyang alisin dahil makikita ang black eye niya.
"Hala, aattend kayo ng party, ang isa ay may black eye at ang isa ay may black patch sa pisngi. Isang panda at isang doggie!" Tawa ng tawang pang-aasar ni Franz.
"Buset!" sabay na singhal ng dalawa.
Aliw na aliw naman si Fin na panoorin ang mga kaibigan at pinsan na nagkakasiyahan. Sana palaging ganito. Sana wala nang g**o….
ஜ۩۞۩ஜ