CHAPTER 11

2167 Words
"Fin." Tawag ni Dylan habang pabalik sila sa classroom. "Yes?" "A-ano kasi... k'wan." Sabay kamot sa ulo ni Dylan. "May kailangan ka ba?" Nagtatakang tanong ni Fin. Ano ba ang problema ng taong 'to? Parang maiihi na 'di mapakali. "H-hindi, wala." Sabay talikod ng binata. Hindi niya malaman kung bakit 'di niya masabing gusto niyang siya ang maging escort nito sa party. Ramdam din niyang gusto ito ng kinakapatid na si Jacob, kaya hindi niya alam kung ano'ng gagawin niya. Gusto niya itong nakikita at nakakasama, pero hindi pa niya tiyak ang nararamdaman niya. "Okay. Ah, sige mauna na ako." Pumasok na si Fin sa room. ஜ۩۞۩ஜ EXCITED na umuwi ng bahay sina Fin at Franz. Maraming kailangang ipaliwanag sa kanila ang kaniyang mga tiyahin. Handa na rin silang makinig kung anuman ito. "Tita Cory, Tita Nitz, we're home." Bati ni Fin sabay mano sa mga tiyahin. Nagmano rin si Dylan kay Nitz at halik sa noo sa kaniyang ina. "Handa na ba kayong makinig sa mahabang kwento?" Tantya ni Cory sa dalawa. "Yes po," sabay na sagot pa ng dalawa. Kabado sila na excited sa sasabihin sa kanila. "Bueno, maupo kayo." Naupo silang lahat sa sala. Magkatabi sina Fin at Franz sa 3-seater sofa, sa katapat naman na 2-single sofa ang dalawang tiyahin. "Tayo ay mga angkan ng Wiccan." Panimula ni Nitz. "Wiccan? Witch? As in mangkukulam?" maang na tanong ni Fin. Weh, 'di nga? "Oo, tayo ay nabibilang sa Tribo ng mga Mago, mga mabubuting salamangkero na gumagawa ng kabutihan sa kapwa at gumagamit ng mabuting salamangka. Tayo ay kasapi ng Wiccan Organization sa buong mundo." Dugtong ni Cory. "Ang ating angkan at mga kapwa salamangkero na kasapi sa ating tribo ay naninirahan sa Isla Ora Mago. Ito ay nakatago sa paningin ng mga ordinaryong tao at maging sa mga masasamang elemento." Okay. Teka, hindi pa ma-absorb ng utak ko. Sa loob-loob ni Fin. So mangkukulam pala ako? At 'yon ang dahilan kaya ko nagawa 'yon kagabi? Kaya rin ba may kakaibang lakas si Franz? Woah! "Okay, Tita. Ibig sabihin matagal na kayong may kapangyarihan? At bakit wala kami no'n ngayon? Bakit hindi namin ito alam? Bakit ngayon n'yo lang sinasabi sa amin ito? Bakit nandito tayo at wala do'n sa islang tinutukoy n'yo." Biglang naalala ni Fin. "Ako ba ang may gawa no'n sa estatwa sa museum? Pati 'yong iba pang kakaibang nangyari sa akin noon?" "Andami mong tanong, Fin," natatawang sabi ni Nitz. "Pero masasagot namin 'yan habang kinukwento namin sa inyo ang mga nangyari noon." "Sige po, 'Ma. Ituloy n'yo ang kwento. Mamaya ka na kasi magtanong, Ate. Marami din akong tanong mamaya." Awat ni Franz sa matanong na pinsan. "Tatlo kaming magkakapatid sa una- Si Ate Alicia, ako at si Nitz. At mayroon kaming kapatid sa labas- si Luisa. Ang aming ama- ang inyong lolo- ay si pinunong Amadeo. Siya ang kasalukuyang namumuno sa buong tribo ng Ora Mago. Ang tribo na itinatag ng ating pinunong si Marcus Mago at ng asawa nitong si Asarea." "Tayo ay direct descendant ni Hecaate, ang diyosa ng mga Wiccan, witchcraft, ng gabi, ng buwan at ng mga kaluluwa. Sinasabing nagkaanak ito sa isang tao, at sila ang ninuno ni Marcus." Dugtong ni Nitz. "Si Ate Alicia— ang iyong ina— ang siyang dapat na susunod na pinuno ng ating tribo at ng libo-libong salamangkero na nasa isla. Subalit umibig ang iyong ina sa iyong ama, si Arnulfo. Isa siyang dayong salamangkero na inimbitahan ni Pontafex Osualdo upang maging guro sa mga batang salamangkero. Tumutol ang aming ama sa kanilang pag-iibigan at ninais ipakasal si Ate Alicia kay Jeffer, anak ni Janus, ang kanang kamay ng kataas-taasang salamangkero ng Inglatera. Nalaman ni ama na nabuntis ang iyong ina, kaya ikinulong ng aming ama si Arnulfo bilang parusa. Bilang kapalit ng iyong Ina na mapapangasawa ni Jeffer ay ang aming kapatid sa ama na si Luisa. Dumating sina Jeffer sa kastilyo at ninais pa rin nitong pakasalan ang iyong ina sa kabila ng lahat subalit tumutol si Luisa. Namumuhi siya sa amin, lalo na kay Ate Alicia. Nagalit ito kung kaya't pinagtangkaan niyang patayin ang iyong ina. Humarang ako gamit ang aking Banal na Apoy bilang pananggalang subalit lubhang malakas siya." Hinawi ni Cory ang damit, ipinakita ang peklat sa balikat niya, nag-keloid na ito, malaking lapnos ang naging danyos sa magandang kutis nito. "Ikinulong niya si ama sa isang botelyang ginto ng umawat ito sa pagwawala niya, pagkatapos no'n ay ninais niyang balikan kami subalit tumakas na kaming tatlo at umalis ng isla." Mahabang salaysay ni Cory. "Kaya ba tayo narito? Palipat-lipat, 'Ma?" Paniniyak ni Franz. "Oo. Tatlong taon pa lamang si Fin nang matunton ng mga tauhan ni Luisa ang kinaroroonan ni Ate Alicia at ni Fin, sa lumang bahay baksyunan namin sa nayon sa labas ng Isla Mago. Ang kapatid ng aming ama na si Tito Nicasio ang nakatira doon. Doon kami tumuloy ng makatakas kami. Doon ko rin nakilala ang iyong ama, Franz. Nagpakasal kami ng iyong ama at lumipat ng tahanan. Ang Tita Nitz n'yo naman ay madalas na nasa Maynila, sa tiyahin naming si Tita Nela na kapatid din ng aming ama. Namuhay din namang tahimik sina Ate Alicia at Fin doon, ginawan ng proteksyon upang hindi matunton ni Luisa subalit may isang taga-isla ang nagtraydor at nagturo ng kinaroroonan nina Ate Alicia." "Dumating ako na nasusunog na ang bahay, at naroon ka sa loob, Fin. Natyempong dadalaw ako sa inyo noon. Samantalang nakikipaglaban ang iyong ina sa maraming itim na salamangkerong ipinadala ni Luisa."Singit ni Nitz. "Hinawi ko ang apoy upang makuha ka. Takot na takot kang nakasiksik sa ilalim ng mesa. Kinuha kita. Tinawag ko sa aking isip si Ate Cory upang tulungan kami. Dumating si Ate at tinulungan si Ate Alicia sa pakikipaglaban. Nang hindi namin matantya ang dami nila, napagpasyahan naming tumakas." "Ginamit ng iyong ina ang gintong medalyon na nasa kaniyang katawan upang mailigtas kami." Dugtong ni Cory. "Audi me: CLYPEUM intra me. Servo nos a malis, immortuos vincere possumus omnes. Et audivit clamorem meum et desuper." Nagliwanag ng kulay ginto ang katawan ni Alicia. Yumanig ang paligid at bumuka ang lupa, nilamon ang lahat ng kalaban na nasa kanilang harapan. Naglabas ang medalyon ng malakas na enerhiya. Inabot ang ibang tauhan ni Luisa at nagsipag-laho ang mga ito ng matamaan ng liwanag. Napaupo si Alicia sa sobrang pagod at sobrang gamit ng kapangyarihan. "L-ligtas na tayo pansamantala," humihingal na sa pagod na sabi niya. "Ayos ka lang ba, Ate?" May pag-aalalang tanong ni Nitz. "Ayos lang ako." "Tara na sa bahay." Ikinumpas ni Cornelia ang kaniyang mga kamay at naglaho sila sa isang iglap. Nakarating ang mgakaakapatid at ang walang malay na si Fin sa bahay nila Cornelia. Hinang-hina na rin si Alicia. Hindi na niya maigalaw ang mga paa. "Cornelia. Umalis na kayo dito ng pamilya mo. Lumayo na kayo. Isama n'yo si Fin." Utos ni Alicia. "Bakit, ikaw? Hindi ka sasama sa amin?" tanong ni Cornelia habang inilalapag sa sofa ang batang si Fin. "Hindi ko na kakayanin." Sabay pakita ng kaniyang mga kamay. Unti-unti itong naglalaho. "Ate! A-anong nagyayari sa'yo?" Naiiyak na niyakap ni Nitz ang kapatid. "I-ilapit n'yo ako kay Fin. Pakiusap." Tinulungan ng magkapatid si Alicia upang makalapit ito sa anak. Sinubukang tawagin ni Nitz ang kanilang Tita Margaret subalit walang dumating na tulong. "Anon kaya ang nangyayari sa White Kingdom? Sandali lang, Ate, aalis muna ako. Tatawag ako ng tulong. Pupuntahan ko lang si Tita Nela upang magamot ka." Sabay naglaho si Nitz. May kapangyarihang magpagaling ng anumang sakit ang kanilang Tita. "Ano ang gagawin mo, Ate Alicia?" nag-aalalang tanong ni Cornelia. "Gagawa ako ng enkantasyon upang itago ang kapangyarihan ni Fin mula sa masasamang elemento, kay Luisa at sa mga alagad nito," matatag na sabi ni Alicia. "A-ano? Ano bang sinasabi mo? Kakayanin na ba ng bata iyan? Saka kaya mo pa bang gumawa ng enkantasyon at gumamit ng mahika?" Sabay tingin sa unti-unting paglalaho maging ng mga braso nito. "K-kaya ko. Dapat ko itong gawin. Siya ang itinakda upang gapiin ang masasamang elemento na magtatangkang sakupin ang Ora Mago. Siya rin ang pupuksa kay Luisa. Iyon ang habilin ng Orakulo ng dalawin niya kami noong ipinagbubuntis ko pa lamang siya. Hindi pa kakayanin ng anak ko na protektahan ang kaniyang sarili sa ngayon, pero balang araw, siya ay magiging isa sa pinakamakapangyarihang salamangkero." "Sandali, Ate Alicia. Maaari mo bang itago rin ang kapangyarihan ni Franz? Gusto ko rin siyang maprotektahan. Baka malaman din ni Luisa na nagkaanak ako at saktan siya." Saad ni Cornelia. "Sige. Kuhanin mo ang anak mo at dalhin mo rito." Saad ni Alicia. Saglit na naglaho si Cornelia at agad na bumalik bitbit ang natutulog na anak. Inihiga ito sa tabi ni Fin. Umusal ng dasal si Alicia. "Audi me: CLYPEUM intra me. Celare sua magica, protegere eos. Sit magia quod aliquando conversus emittam furorem sedecim annos natus." Binalot ng gintong liwanag ang dalawang bata. Umungol ang mga ito na tila nasasaktan. Nahihirapang huminga. Nag-aalala si Cornelia subalit alam niyang alam ni Ate Alicia ang ginagawa nito. Naglaho rin ang liwanag na bumabalot sa dalawang paslit. "Cornelia. Ginawan ko ng enkantasyon ang De Libro Vires. Ito ay lalabas lamang sa oras na kakailanganin n'yo ng tulong. Hindi ito maaaring mapasakamay ng iba." Ang mga binti ni Alicia ay unti-unting naglalaho, paakyat sa buong katawan nito. "A-Ate!" "Paalam, mahal kong kapatid. Hanggang sa muli nating pagkikita." "Maghihintay kami. Maghihintay kami sa'yo ng anak mo." Umiiyak na sabi ni Cornelia habang yakap ang dalawang bata. "Ate Cornelia, nasaan na si Ate Alicia? Narito na si Tita Nela." Biglang sulpot ni Nitz na walang kamalay-malay sa naganap. "Cornelia, bakit ka umiiyak? Ano'ng nangyari? Nasaan si Alicia?" Tanong ng tita Nela niya. "Wala na siya, Tita. Naglaho na si Ate Alicia." Napasubsob si Cornelia sa dalawang batang yakap-yakap. Umiiyak si Fin habang nagsasalaysay si Cory. "Nasaan na siya, Tita? Ano ang nangyari sa kaniya?" "Hindi rin namin alam, Fin. Ang tagal na namin siyang hinahanap. Kahit ang Tito Ed mo ay tumutulong para mahanap ang iyong ina. Kaya siya madalas magtravel para tulungan kami. Baka daw sakaling napadpad lang sa ibang lugar," pahayag ni Tita Nitz. Maluha-luha ito. Naalala ang kapatid ng magkwento si Cory. "Isa lang ang tiyak ko, Fin. Buhay pa ang iyong ina. Ang medalyon ay karugtong ng aklat. Sisidlan nito ang aklat na natagpuan mo, Ang De Libro Vires. Ang iyong ina ay kaisa na sa diwa ng medalyon mula ng makipagsanib siya dito upang protektahan ito. Hanggan't nariyan ang aklat at wala ang medalyon sa sisidlan nito, ibig sabihin ay buhay ang inyong ina. Kaya kailangan nating protektahan ang aklat, hindi ito dapat mapasakamay ng iba," paliwanag ni Cory. Naliligayahan at naluluha si Fin sa narinig. Buhay pa ang kaniyang ina. "Pero, 'Ma, kung pagtuntong pa namin ng 16 saka lalabas ang magic namin, bakit ang agang lumabas ngayon? Next year pa ako magsi-sixteen, si Ate Fin naman sa December. Saka, Ate, kailan mo simulang napansin ang kakaiba sa iyo?" "No'ng grade 7 ako bago matapos ang school year," sagot ni Fin. "Hindi rin namin alam kung bakit paminsan-misan ay sumisilip ang kapangyarihan ninyo. Maaari humihina ang kapangyarihan ng medalyon— na imposibleng mangyari, o humihina ang kapangyarihan ni Alicia— na imposible ring mangyari, o maaaring ang katawang lupa niya ang may hindi magandang nangyayari, o maaaring..." Putol ni Nitz. "Sobrang lakas ng taglay n’yong kapangyarihan ngayon, kaya nagpupumilit itong kumawala mula sa inyo," Nagpalabas ng hangin si Nitz gamit ang mga kamay. Humanga naman ang dalawa sa nakita. "Parang sa hose ng bumbero. Habang pinipilit mong takpan ang tubig na nagmumula sa hose nito, lalo namang nagpupumilit umagos ang tubig at mas malakas pa ang tagas nito." Pagkukumpara ni Nitz. "Maaari ring dahil nanganganib ang tahanan ng kapangyarihan, ang iyong katawan, kung kaya't ikaw ay itong pinrotektahan." Konklusyon naman ni Cory, "Kahit ano pa man, mag-iingat kayong dalawa. Hindi dapat ito malaman ng iba. Maliwanag?" "Yes, Tita." "Yes, 'Ma. pero ano ang itsura ng De Libro Vires? 'Di ko pa 'yon nakikita." "Halika sa silid ko at ipapakita ko sa inyo pati ang paggamit nito." Aya ni Cory. "Siya nga pala. Pag-ingatan ninyo ang inyong mga salita. Bawat hiling, enkantasyon o dasal ay may kaakibat na responsibilidad. Hindi nyo alam na sa simpleng hiling n'yo ay nagamit na ninyo ang kapangyarihan n'yo, at may ibang tao ng naapektuhan o nasaktan. Maliwanag?" "Hindi pa kayo bihasa sa paggamit ng kapangyarihang nasa loob ninyo kaya paalala lamang ang sa amin. Hindi n'yo pa alam kung tatalab ang simpleng enkantasyon na inyong nabanggit, tulad ng pagsasabi ng madapa ka sana o mamatay ka na." Pahabol ni Nitz. "Opo," sagot ng dalawa. Grabe naman 'yon. Ang hirap ha, sa loon-loob ni Fin. ஜ۩۞۩ஜ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD