CHAPTER 9

1796 Words
MAY anino na sumulpot sa harapan ni Luka. "Sa wakas ay nahanap na rin kita." Bungad ng babaeng naka-hood ng itim kay Luka. "Sino ka?" Napatayo si Luka sa kaniyang trono. "Dito ka lang pala nagtatago. Ninuno ko si Nubisia, ang nagbigay sa'yo ng tungkod na hawak mo." Sabay tingin sa tungkod na hawak ni Luka. "Ikaw pala. Patawad, Panginoon." Sabay yukod ni Luka. "Ako ay nalulugod sa ginagawa mong paghahasik ng lagim sa bayang ito. Ipagpatuloy mo 'yan." "Salamat, panginoon." Naglaho ang misteryosang babae. Hinarap ni Luka ang anim na alagad na nasa kaniyang harapan. "Bakit wala pa ang mga kasamahan ninyo? Nasaan na ang mga pinapadukot ko?" "Parating na po sila, Mahal na Luka," sagot ni Bruno sa pinuno. "Sandali, mukhang may iba pang nilalang na nakapasok sa aking balwarte." Lumakad si luka papalapit sa malaking gintong kawan na may itim na tubig. Ikinumpas ang kamay sa ibabaw nito, at may lumabas na imahe na grupo ng mga kabataan. "Mga pangahas! May mga taong nakapasok sa gubat. Teka." Napatitig si Luka sa isa sa mga bisita. "Kita mo nga naman, siya pa mismo ang lumapit sa akin." Humalakhak ng malutong si Luka. "Pupuntahan na namin sila, Mahal na Luka." "Huwag. Hayaan n'yo silang makarating dito. Hayaan n'yong makapasok ang mga daga sa ating lungga." Nasasabik na si Luka na mahaplos ang mgandang mukha ng dalaga. Bakit pa niya pagtitiyagaan ang katawan niyang ito na naaagnas na, kung maaari naman niyang sakupin ang katawan ng dalagang iyon? Tutal ay nakaharap na niya ang kadugo ni Nubisia, maaari siyang humiling dito na ilipat ang kaniyang kaluluwa sa napakagandang dalaga na iyon. Muling ikinumpas ang mga kamay sa ibabaw ng tubig. ஜ۩۞۩ஜ NAKARATING agad ang lima sa pinakagitna ng gubat. Paano nangyari 'yon? Para silang hinila ng kung ano papunta doon. Tumingala si Fin at nakita niya sa tuktok ng bangin ang isang lumang building, sa ibabaw nito ay ang bilog na bilog na buwan. May hagdang bato na halos sira-sira na sa gilid ng bangin papunta sa malapit sa kanilang kinaroroonan. "Paanong...." Manghang tanong ni Fin. Napakapit ng mahigpit si Belle kay Franz. "Mukhang nahanap na natin ang kuta nila." May halong kaba at excitement na pagkakasabi ni Dylan. "Makikita ko na rin ang pinsan ko." "Mayroon palang ganito dito? Dito na kami ipinanganak at lumaki pero walang nakakaalam na mayroong lumang building dito sa bundok." May pagkamanghang sabi ni Jacob. "Halika na." Inakay ni Franz si Belle. Umakyat ang lima sa batong hagdan patungo sa building. May kataasan ang hagdan at halos pasira na rin ito dahil sa pagkaluma. Nakarating sila sa harap ng lumang building na mukhang may tatlong palapag. Nangingitim na ito na tila nasunog noon at pinaglumaan na ng panahon. "Ready na ba kayo?" May kaba sa dibdib ni Fin. Tmatambol ng mabilis ang kaniyang puso. Pumasok ang lima sa pinakagintnang pintuan papasok sa building. Nangunguna si Franz habang kasunod ang kahawak-kamay na si Belle. Sunod si Jacob at si Fin, sa likod naman nakaalalay si Dylan. Nagpalinga-linga ang lima. Maraming lagusan ang loob ng building. "Saan tayo dito?" Tanong ni Franz. Tumuro si Fin sa lagusan sa harap. "Doon." "Paano mong...?" Nagtatakang tanong ni Jacob. Hindi sumagot si Fin, naunang pumasok ito sa lagusan na tinuro nito. May nagsasabi sa kaniya na may kung ano sa lugar na 'yon. Pagpasok nila sa loob ay isang malaking silid, may malaking parang kawan na ginto sa gitna nito, at sa pinakadulo ng silid ay isang gintong upuan na may kakaibang disenyo. May babaeng nakaupo dito. Ang babaeng nakabanggaan niya sa mall. "Ikinalulugod ko ang pagbisita nyo sa tahanan ko." Naliligayahang bungad ni Luka. "S-Sino ka? Ikaw ba ang nagpapadukot sa mga babaeng estudyante?" kabadong tanong ni Fin. "Ako nga. Ako si Luka. Ang reyna ng kabundukang ito." May pagmamalaking pagpapakilala ni Luka. "Hulihin sila!" Naglabasan ang anim na tauhan ni Luka. Napaatras ang grupo, inihanda ang mga sandata. "Dalhin sa akin ang magandang dilag na iyan." Sabay turo kay Fin. Nahintatakutan si Fin. Humarang naman sa harap niya si Jacob. Iniumang ang hawak na baseball bat. "Hindi mo makukuha ang pinsan ko," sagot naman ni Franz, sabay handa ng arnis. "Mahal na Luka, siya ang lalakeng sumagupa sa amin at pumaslang kay Drego." Itinuro ni Bruno si Franz. "Hmmm, makisig na lalake at guwapo. Kunin n'yo rin siya. Gusto ko siyang gawing hari ng aking kaharian!" Nasasabik na humalakhak si Luka. "Halika na Fin!" Hinatak ni Jacob si Fin. Humarang naman ang isa sa mga hoodie. Hinambalos ni Jacob ng baseball bat ang lalakeng hoodie. Nabitawan nito si Fin habang nakikipagbunuan sa myembro ng kulto. Mabilis na tinungo ni Luka si Fin. Hindi namalayan ng dalaga ang papalapit na bruha sa kaniya. Nahawakan ni Luka si Fin sa leeg. "Akin ka!" Napatili si Fin. Nahintatakutan sa itsura ng babae. Sa malapitan ay hindi maitatago ang naaagnas nitong mukha na natatakpan ng ginantsilyong itim na tela. "Ate Fin!" Nawala sa konsentrasyon si Franz. Tinamaan siya ng suntok ni Bruno. Napaluhod si Franz. Hinawakan ni Bruno ang kwelyo ni Franz at tumulong ang isa pang kasamahan nito. Hinawakan ng mga ito si Franz sa magkabilang braso. Nahuli naman si Belle ng dalawa pang tauhan. Natakot si Belle sa mga humahawak sa kaniya kaya bigla itong nawalan ng malay. Bagsak naman sina Dylan at Jacob. "Bwahahhahaha! Napakagandang regalo naman ng mga ito." Tuwang tuwa si Luka habang tinitingnan ang limang kabataan. "Bitiwan mo ang pamangkin ko!" sigaw ni Nitz sabay tira ng hangin kay Luka. Tumilapon ito at humampas sa pader. "Sa wakas ay nakarating din tayo. Nakaliligaw ang bundok na ito. Madaming mapaglarong engkanto." Sabay pahid ng tila pawis sa noo ni Cory. "T-Tita Cory, T-Tita Nitz?" Nakaawang ang bibig ni Fin. Tama ba ang nakita ko? Pinatamaan ni Nitz ng hangin ang may hawak kay Franz at kay Belle. Tumilapon din ang mga ito. Bumangon si Luka at gumanti. Nagbuga ito ng dalawang apoy patungo sa direksyon nina Cory at Nitz. Nakaiwas si Cory gamit ang Berbo samantalang hinarang naman ni Nitz ng kapangyarihang hangin ang apoy na papunta sa kaniya. Napatili si Luka. "Aaaahhh! Sino ba kayong mga pakialamera kayo?" "Wala ka na ro'n." Sabay palabas ng hangin sa direksyon ni Luka. Nakailag ito at tumakbo sa gawi ni Fin na nakaupo at na estatwa. Nahintatakutan si Fin sa papalapit sa kaniya kaya napatili siya at itinaas ang kamay upang harangan ang bruha na tangkang dakmain siya, "Ahhhh!" Biglang naglabas ng enerhiya ang kaniyang kamay at muling tumilapon ang bruha. "A-anong ..." Napatitig si Fin sa mga kamay niya. Muling nagpakawala ng hangin si Nitz. Iniangat ang bruha ng hangin sa ere, sabay nagpalabas ng puting apoy si Cory patama sa bruhang nagpupumilit kumawala. Lalong napalakas ng hangin ang apoy na galing kay Cory. "Cinis cinerem, pariter ut pulvis. Ad inferos quo pertinent!" Usal ng magkapatid. Tumili ng pagkalakas-lakas si Luka. Dama sa kaniyang tili ang sakit na nararamdaman. Unti-unting naaagnas ang kaniyang kamay, braso, paa, binti, hanggang sa tuluyan na siyamg maging abo at nag-evaporate. Maging ang mga natitirang tauhan nito ay unti-unti ring naagnas at nag-evaporate sa hangin. Namamangha pa rin si Fin, hindi maipaliwanag kung ano ang mga nangyari sa kaniya maging ang mga nasaksihan niyang ginawa ng kaniyang mga tiyahin. Si Franz ay tulala rin habang pinagmamasdan ang kaniyang ina. Nakasuot ito ng puting mahabang bestida, samantalang ang kaniyang Nitz naman ay naka-itim na Leather Jeans at Leather Jacket. Dinampot ni Tita Cory ang tungkod ni Luka at iyon ay sinunog gamit ang puting apoy na nagmumula sa kaniyang mga palad. Ang tungkod ay naging abo hanggang sa unti-unting naglaho. "Ayos lang ba kayo?" Tanong ni Cory sa pamangkin at anak, sabay tingin sa tatlong kabataang nakahandusay sa sahig. "Ayos lang kami, 'Ma. Pero ano 'yong—“ "Saka na namin ipapaliwanag sa inyo, pagdating sa bahay. Sa ngayon ay iligtas muna natin ang mga bilanggo nilang kababaihan saka tayo umuwi." "Sige po," tipid na sagot ni Fin. Hindi pa rin niya maipaliwanag ang mga nasaksihan kanina. Umakyat si Franz sa second floor at doon niya nakita ang mga babaeng nakakulong. May dalawa ring babae na wala ng buhay ang nasa labas ng kulungan ng mga ito. Nagtilian ang mga babae pagkakita sa kaniya. "Huwag kayong matakot. Narito kami para iligtas kayo." Hinampas ng hinampas ng baseball bat ang kadena at kandado hanggang sa ito ay masira. Nabuksan ang kulungan at isa isang inilabas ang mga babaeng bihag. "Jana at... Sabrina?" Tanong ni Franz. Lumapit ang dalawang babae. Maganda ang mga ito at mapuputi. May hawig ang isa kay Dylan. "Naroon sa baba si Dylan." "S-si Dylan?" Nagkukumahog na bumaba si Jana. "Sabrina? Ihahatid ka na namin pauwi. Matagal ka nang hinahanap ng kakambal mo." "Si Kuya." Naiiyak na sabi ni Sab. Inalalayan ito ni Franz pababa ng hagdan. Maya-maya ay nakarinig sila ng mga yapak ng paa mula sa labas. Mga pulis na tinawag ng dalawang babaeng kanilang iniligtas kanina. Mahigit kwarenta na pulis yata ang naroon. Sabagay, anak ng mayor ang isa sa mga nadukot. "Nasaan na ang mga kriminal?" tanong ng pinuno ng pulisya kay Fin. Hindi makasagot si Fin. Paano nila sasabihing naagnas na ang mga salarin? "Nakatakas na sila. Sa pagmamadali nila ay naiwan na nila ang mga bihag nila. Pero meron silang napatay na dalawang babae, naroon sa taas ang bangkay nila," sagot ni Franz. "Let's go, men!" Utos ng pinuno. "Dylan. Dylan!" Ginising ni Jana sa pinsan. Naalimpungatan ang binata at hinawakan ang namamagang pisngi na nasuntok ng malakas ng isang nakaharap kanina. "J-Jana?" "Ako nga Dylan." Naluluhang sabi ni Jana. Niyakap ni Dylan ang pinsan. Parang kapatid na niya ito dahil halos sa kanila siya lumaki. Madalas kasing wala ang papa niya noong mga panahong wala pa ang Stepmom niya at ang magulang na ni Jana ang tumayong magulang niya. Napirmis lang ito sa bahay nung dumating si mama sa buhay namin, subalit ngayon ay nawawala ang kaniyang ina-inahan kaya't bihira ulit umuwi ang kaniyang ama. "Halika na at umuwi na tayo." Aya ni Cory sa mga bata. Inalalayan ni Dylan si Jacob, samantalang binuhat ni Franz si Belle na wala pa ring malay. "Sandali lang," Pigil ng pinuno ng pulisya, "kailangan n'yo pong mag-file ng report para sa nangyari ngayon, at makapagbigay ng statement." "Sabihin n'yo na lang po na sinundan ng mga kabataang ito ang mga dumukot dun sa dalawang babaeng tumawag sa inyo, kaya nagawa nilang iligtas ang mga bihag. 'Yon lang naman po ang nangyari." kuwento ni Nitz habang tinititigan ang pulis. Tila nahipnotismo ang pulis at tumango na lang. "O-Oo, sige, iyon na lang ang ire-report ko." ஜ۩۞۩ஜ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD