CHAPTER 8

2191 Words
PUMASOK ang lima sa bahay nila Fin para maghanda ng mga gagamiting pagmamanman mamayang gabi. Magi-sleep over naman si Belle kina Fin, iyon ang plano nila para masundan mamaya ang tatlong binata. "Dumito na lang kayo ate Fin ha. Masyadong delikado ang lakad namin." Paalalang muli ni Franz. Mukhang nakakatunog ito sa plano ng dalawa. "Opo, kuya Franz." Labas-ilong na pagsang-ayon ni Fin. "Oh, itutuloy nyo ba ang pagtulong sa pagro-ronda mamaya?" tanong ni Cory. "Yes po, Tita, ayaw naman po naming tumunganga na lang at pinapanood ang pagdukot sa mga kababaihan, saka ..." putol ni Franz at tumingin kay Dylan, "dinukot din ang pinsan ni Dylan, kaya pursigido siyang mag-ikot mamaya. Baka sakaling mahanap namin ang pinsan niya. Si Dylan nga po pala, presidente ng Student Council, at si Jacob, Vice President namin." Pakilala ni Franz sa dalawa. "Magandang araw ho." Bati ng dalawa. "Magandang araw naman. Buti at mukhang matitino naman itong mga kinakaibigan n'yo sa school. Sige, mag-iingat kayo mamaya. Teka, ipaghahanda ko kayo ng hapunan para may lakas kayo mamaya." Paalam ni Cory bago ito pumasok sa kusina. ஜ۩۞۩ஜ MATAPOS makapagluto ng hapunan ay umakyat si Cory at pumasok sa silid upang silipin ang kapatid na pinag-aaralan ang De Libro Vires. "Ate, nakakatuwa naman ang aklat na ito. Bakit hindi ito itinuro sa atin ni Ama? Hindi ko nakita ito noon." "Dahil ito ang aklat para lamang sa magiging pinuno ng Ora Mago, ng Orakulo at ng Pontafex (High Priest). Hindi ito basta-basta dapat mapasakamay ng sino mang salamangkerong hindi karapat-dapat matutunan ang mataas na uri ng salamangka dahil makapangyarihan ang mga nilalaman nito. Pero tulad ng ginagawa natin, ano mang enkantasyon ang ating likhain ay may bisa, dahil may dugo tayo ng salamangkero, at isa tayong Mago." Kinuha ni Cory ang apat pang aklat ng salamangka. "Tulad nito, likha ito ng mga sumunod na salin-lahi ng mga Mago." "Bakit alam mo ang lahat ng ito? Nakakaloka ka, Ate." "Dahil itinuro din sa akin ito ni ate Alicia na hindi batid ng ating Ama, at lagi kang wala sa isla." Malungkot na pahayag ni Cory. "Ayaw niyang maging pinuno ng ating lahi." "Dahil kay Arnulfo?" Paniniyak ni Nitz. "Oo. Pero hindi na rin ako maaaring mamuno sa atin dahil nag-asawa ako ng ordinaryong tao." Tumingin ito kay Nitz. "Kaya ikaw, ang maaaring mamuno sa atin." "Uy, ayoko nga, 'no! Ang sarap kayang mamuhay ng malaya, kesa nakakulong do'n sa kastilyo at sa Isla Ora Mago. Huwag na, uy!" Mariing pagtanggi ni Nitz. Natawa si Cory sa reaksyon ni Nitz. Kahit kailan talaga ay hindi maitatali sa isang lugar ang bunsong kapatid nila. Free-spirited kumbaga, at hanggang ngayon ay dalaga pa. Dahil kaya sa isang salamangkerong naiwan sa isla? "Huwag kang mag-alala. Si Fin na ang susunod na tagapagmana. Iyon ay kung mababawi pa natin ang Ora Mago." "Teka, paano ba natin tutulungan ang mga bata?" "Tayo lang ang maaasahan ng mga tao dito. Wala silang makakapitan o mahihingan ng tulong." Binuklat ni Cory ang isa sa mga aklat na may nakasulat na Historia at sa baba ay lagda ni Magno Mago na kanilang ninuno. Itinuro nito ang isang ilustrasyon na kaniyang nakita kaninang umaga habang naghahanap ng clue. Isang babae na may sunog ang kalahating mukha na may hawak ng tungkod na may ahas na nakapalibot at may mga kababaihang nakahandusay sa lapag na mga duguan. "May hinala akong siya ang may kinalaman sa nagaganap ngayon," saad ni Cory. "S-Si Luka!" gilalas na sabi ni Nitz. Naikwento ito sa kanila ng kanilang Ama. "Siya nga. Nakaharap na siya ng ating ninunong Magno may isandaang taon na ang nakararaan subalit nakatakas siya sa tulong ng isang masamang salamangkerang si Nubisia. Si Nubisia ang bruhang nagbigay ng kapangyarihang walang hanggang kabataan kay Luka. Ang kapalit ay pagaalay ng mga birhen sa kaniya." "Paano natin magagapi ang impaktang pangit na 'yan?" "Madaling gapiin si Luka. Isa tayong Mago. Salin-lahi ni Marcus at Asarea at may dugo ni Hekate. Ang mahirap ay kung nariyan pa rin ang masamang salamangkera para tulungan siya." "Wow, ate, confidence! Wooh!" Natatawang biro ni Nitz sa tono ni Ruffa Mae. Naglabas ng puting apoy si Cory gamit ang mga kamay. "Alalahanin mong ako ang may hawak ng Banal na Apoy." "Oh e 'di ikaw na, Ate." Sabay kumpas ng kamay at naglabas ng hangin upang patayin ang apoy. "Nagsalita ang 'di mayabang." Natutuwa si Cory na muling makitang ginagamit nila ang kanilang mahika. Ang kanilang kapangyarihan ay nakabase sa kalikasan at sa mga elemento ng daigdig. Si Alicia ang may telekinesis, kapangyarihan ng kidlat at ilan pang malalakas na kapangyarihan. Si Cory naman ang may hawak ng Banal na Apoy, at may kakayahang magbasa at makipagusap gamit ang isip, samantalang si Nitz ang gumagamit ng hangin bilang opensa at dipensa, may kakaibang bilis at compulsion. Bukod pa sa kakayahan nilang gumamit ng Berbo at ilang uri pa ng mahika. "Maaari tayong matunton ng mga alagad ni Luisa oras na gamitin natin ang ating mahika, subalit hindi maaaring magsawalang kibo na lang tayo dito habang taon-taon, sa marami pang taon, ay mangunguha ng labindalawang dalaga ang nilalang na ito." Sabay turo sa babeng may sunog ang mukha. "Para ialay sa bruhang si Nubisia." Kinilabutan si Nitz habang iniisip na marami pang dalaga ang magbubuwis ng buhay sa marami pang taon para lang sa kapritso ng pangit na ito upang bumata at gumanda. "Sige, Ate, handa na ako." "Nilawakan ko nga rin pala ang proteksyon sa buong bahay. Naniniguro lang." Pagtatapos ni Cory. Bumaba sina Cory at Nitz at inaya ang mga kabataan upang maagang makapaghapunan. Mukhang magiging abala ang lahat ngayong gabi. Nagsalo-salo sila sa hapag at nagkuwentuhan ng mga plano nila sa pageespiya sa kabundukan ng San Isidro. "Mag-iingat kayo. Maliwanag?" Paalala ni Cory sa anak at sa mga kaibigan nito. "At kayong dalawa, dumito kayo." Patungkol kina Fin at Belle. "Opo." Sang-ayon ng dalawa, pero naka-krus ang mga daliri sa likod nila. Umalis na ang tatlo bago umakyat ng bahay sina Cory at Nitz upang maghanda. Mula doon ay gagamit sila ng Berbo papunta sa kabundukan ng San Isidro. ஜ۩۞۩ஜ PINAGKISKIS ni Belle ang mga palad dahil sa nerbyos. "Sa Plaza sila magmumula, hindi ba?". "Natatakot ka ba? Maaari namang huwag na nating ituloy." Habang inaabot ni Fin ang helmet sa kaibigan. Umangkas ito sa scooter at inantay ang sagot nito. "Hindi, narito na tayo. Kaya tara na." Sabay angkas sa likod ni Fin. Pagdating sa plaza ay nakita nilang nakaparke ang van ni Dylan sa gilid ng daan. "Ayun ang sasakyan nila!" Bulalas na ininguso ni Belle. Huminto sila sa tapat nito at ipinark ang scooter. "Teka, nilakad nila hanggang do'n sa highway sa paanan ng bundok? Ang layo pa no'n, ah!" "Hindi pa sila nakalalayo malamang. Halika, habulin natin." Aya ni Fin. Nalalayuan din siya. Grabe ang energy ng tatlong 'yon. Tatlong kilometro pa yata ang layo no'n. Lakad takbo ang ginawa ng dalawa baka sakaling maabutan nila ang tatlo. Hingal na hingal na napatigil si Belle at bumangga si Fin sa likuran niya. "Aray! Bakit ka huminto?" "Shhh ... Ayun sila." Sabay turo sa 'di kalayuan. Tanaw nila ang tatlo na naglalakad na tila hinihingal na rin. "Tara. Dahan-dahan lang." Payukong naglakad si Fin. Sumunod naman si Belle na yumuko habang pilit tinatanaw ang tatlo. ஜ۩۞۩ஜ "MALAPIT na tayo." Saad ni Franz. Tanaw na nila ang bukana ng paa ng bundok na may bakas na tila may mga dumadaan dito. Walang gaanong ligaw na d**o ang bahaging iyon na parang trail papasok ng gubat. Inihanda ni Dylan ang stun g*n, arnis kay Franz at baseball bat naman kay Jacob. Pumasok sila sa kakahuyan at dahan-dahang naglakad ng nakayuko. Nagtatago sila sa mga halaman sa tuwing pakiramdam nila ay may dumarating. Hindi rin nila namalayang nakasunod sa kanila sina Fin at Belle. May dalang pamalong bakal si Fin at arnis naman kay Belle. "Wala bang ibang naglalakas ng loob na pasukin ang gubat na 'to? Alam na pala ng mga pulis na dito nagtatago ang kulto na 'yon?" pabulong na tanong ni Fin. "Takot silang mawala dito." Sagot ni Belle. Nagtago sina Fin at Belle sa kumpol ng halaman ng may marinig silang yapak ng mga paa mula sa likuran. May mga lalaking naka-hood ang natanaw nila paakyat ng bundok. 4 ang mga ito at may mga buhat na dalawang babaeng estudyate suot ang uniform ng isang public school sa bayan. Pawang mga walang malay ito. Kinabahan ang dalawang dalaga. Bumilis ang t***k ng mga puso nila. "Heto na ang mga pangit," nanggigigil na bulong ni Belle. Lumagpas ang mga ito sa gawi nila. Dire-diretsong naglalakad patungo sa direksyon nila Franz. "Bitawan nyo ako! Ehhhh!" palahaw ng isa nang magkamalay ito. Narinig nila Dylan ang tili na iyon. Nagsitago ang tatlo sa mga halamanan. Natanaw nila ang paparating na mga lalaking naka-hood at ang dalawang babaeng nakasampay sa balikat ng dalawang lalakeng hoodie. Iyong isang tumili ay nagpupumilit makawala sa pagkakabuhat sa kaniya. Nainis ang may buhat dito kung kaya't ibinaba ito saka sinuntok sa sikmura ang babae. Napa-igik ang dalaga at nawalan ng malay. "Anak ng ...." Panggigigil ni Franz. Nang makalapit sa direksyon nila ang ang apat ay biglang lumabas si Franz at hinampas ng arnis ang nasa unahan. Hindi niya ito tinigilan hanggang hindi niya ito napapabagsak. Isang malakas na hampas sa noo nito ang nagpatumba at nag-evaporate ito. "Franz!" Hindi na naawat ng dalawa ang pagsugod ni Franz kaya't lumabas na rin sila upang tulungan ang binata. Binitiwan ng dalawang naka-hood ang mga buhat at sabay-sabay sumugod ang tatlo. Hinarap ni Franz ang sumuntok do'n sa babae. "Ako ang harapin mo, hindi ang babaeng walang laban." Hamon ni Franz. Inundayan naman ni Jacob ng Baseball bat ang pangalawa. Ito ang naghagis sa kaniya noon. Tandang-tanda niya ang number 4 na naka-tag sa jacket nito. Napaatras ito. Ininda ang hampas niya. "Ah, baseball bat lang pala ang katapat mo ha!" Hinampas ulit niya ito sa katawan. Si Dylan naman ay naghanda sa pagsugod ng isa pa. Mabaho ito. Amoy na amoy niya ang parang nabubulok na karne kahit tatlong dipa halos ang layo nito sa kaniya. "Naliligo ka ba? Ang baho mo eh!" Sabay takip ng ilong. Umungol lang ang kaharap. Sumugod ito kay Dylan. Hinawakan ng kaliwang kamay ni Dylan ang balikat nito sabay dikit ng stun g*n sa tiyan ng mabahong kalaban. Nagkikisay ang hoodie. Ginamitan ulit niya ng stun g*n sa gilid ng leeg, kumisay ulit ito ngunit nakatayo pa rin. Nainis si Dylan kaya ini-stun g*n ang mukha nito at bumagsak ito. Nawalan ng malay at unti-unti itong nag-evaporate. Nanlaki ang mga mata sa nakita at hindi makapaniwala sa nasaksihang kababalaghan. Nahawakan ng lalakeng kalaban ni Jacob ang baseball bat na ihahampas sana niya at inagaw ito. Sinipa si Jacob. Tumumba ang binata sa lakas ng pagkakasipa. Iniamba ng naka-hoodie ang bat upang hambalusin si Jacob ng biglang may malakas na pumalo sa batok nito. Pagharap ng naka-hoodie sa pumalo sa kaniya ay hinambalos muli ito sa noo. Tumumba ang naka-hoodie at nag-evaporate. "Fin!" Gulat na gulat si Jacob pagkakita sa dalaga. "Ano’ng ginagawa n'yo dito?" 'di ba't sinabihan na namin kayong h'wag sumunod?" Galit na may pagaalalang panenermon ni Jacob. "Care to say thank you, Fin?" nakapamewang pang sabi ni Fin. Lumapit kina Fin si Franz. "Ate, ang tigas ng ulo n'yo!" Itinayo ni Franz si Jacob. "'Di n'yo ba ako tatanungin kung paano ko napabagsak ang hoodie na 'yon?" Tanong ni Fin habang tinitingnan ang mga kuko. "Paano?" Tanong ni Belle. "Achilles Heels." Sagot ni Fin. "Ano kamo?" kunot-noong tanong ni Jacob. "May umiilaw na tattoo sa noo nila. Napansin ko iyon ng 'di nyo sinasadyang tamaan bago sila mag-evaporate. Kahinaan nila ay nasa noo nga lang. Malamang na nilagay iyon ng lumikha sa kanila para ma-control sila at para hindi maging mas malakas kesa sa lumikha." Konklusyon ni Fin. "Now I get it. May panlaban pala tayo sa mga pangit at mababahong iyon. Para silang nabubulok na patay," nanggigigil na sabi ni Dylan. "Huwag kayong lalayo sa amin." Diin ni Franz. "Ang titigas ng mga ulo." Sabay hawak sa kamay ni Belle. Kinilig naman ang dalaga. Romantic pa rin pala ito kahit nasa peligro kami. "Thank you." Malambing na tiningnan ni Jacob si Fin. "Wala 'yon." "Teka, paano iyong dalawang babae?" Sabay turo ni Dylan sa dalawang walang malay na estudyante. Nilapitan nito ang dalawa ang ginising. "Eeehhhhh!" Tili ng isa. "Huwag kayong matakot, mga kaibigan kami. Wala na ang mga dumukot sa inyo," sagot ni Dylan. "Kaya n'yo bang bumaba ng bundok nang kayo lang? Humingi kayo ng tulong sa mga otoridad at sundan kami dito." Utos ni Fin sa dalawa. "S-sige, baba na kami. Salamat sa inyo." Sabi ng isa. "Tara na." Aya ni Franz. Umakyat na ang grupo papunta sa kuta ng mga kulto. ஜ۩۞۩ஜ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD