CHAPTER 7

1367 Words
Magkakasama ang lima sa van ni Dylan. Hindi pa rin sigurado kung ano ang plano nila at saan sila pupunta. "Uuwi na ba tayo?" Tanong ni Belle habang nakakapit kay Fin. Nakaupo sila sa gitnang bahagi ng van, katabi si Franz. Sa harap naman sina Jacob at driver si Dylan. "Gusto kong hanapin ang mga halimaw na 'yon at iligtas si Jana," gigil na bigkas ni Dylan. "Saan natin sila hahanapin? Ano naman ang laban natin sa kanila? Mukhang hindi sila ordinaryong tao." Naalala pa rin ni Jacob ang pagkakahagis sa kaniya sa basurahan. "Mag-iikot ako gamit itong van ni papa bukas. Baka sakaling matyempuhan natin sa daan ang mga kolokoy na 'yon, at makahuli tayo ng isa. Pakantahin natin. Ano payag kayo?" Suhestyon ni Dylan. "Ay ang daya, sasama kami!" Duet na sagot nina Fin at Belle. "Hindi puwede!" Sabay-sabay na sagot ng tatlo. "Okay, fine! Taas-kamay na kami, oh." Sumuko din ang dalawa. ☆ “TITA, nakakatakot. Ang dami ng nakikidnap na dalaga. Ang iba nailigtas pa ni Franz. Kung hindi pa dahil sa kaniya, may apat pang babae ang nakuha ng mga hoodie na 'yon." Napayakap sa sarili si Fin. "Si Franz? Bakit, ano ang ginawa niya?" nag-aalalang na tanong ni Cory. "Kanina, Tita, nakita niya ulit na may dinudukot na estudyante ang mga hoodie. Sinugod at napatumba niya 'yong isa. Ang isa naman, nakatakas." May dinukot sa backpack si Fin. "Heto, Tita, suot no'ng mga taong hoodie." Ipinakita sa mga tiyahin ang black hoodie na nakuha ni Franz matapos mag-evaporate ng isa sa kanila. "Nag-evaporate daw 'yong isang hoodie, tita, matapos niyang mapatulog sa suntok. Tapos naiwan ang mga suot na damit at sapatos. Heto 'yong hoodie, pinauwi sa akin ni Franz." Inabot ni Cornelia ang hoodie. Hindi iyon ang kasuotan ng mga alagad ni Luisa na sumulpot sa dating bahay nila noong labing dalawang taon na ang nakakaraan. Depende na lang kung nag-change outfit ang mga 'yon. "Maaari bang mahiram muna itong hoodie? Dadalhin ko sa pulisya para mapaimbestigahan." Palusot ni Cornelia. Mukhang may pinaplano siya. "Sige po, Tita." Napalingon sila sa pintuan habang papasok ng kusina si Franz. “Mag-iikot kami bukas para tumulong sa pag-ronda. Nag-iikot na rin ang mga tanod at kapulisan para makaiwas na makapambiktima ulit ang mga kultong iyon." "Franz! Hindi ka sasama do'n! Paano kung mapahamak kayo?" Pag-aalalang suway ni Cory. "Ayos lang kami, 'Ma. Hindi maaaring wala kaming gawin. Puro kababaihan ang biktima, at karamihan sa mga kalalakihan dito ay nagtutulong-tulong na para maiwasan ang pagdami ng pangingidnap." Pangungumbinsi ni Franz. "Paano kung si Ate Fin ang matyempuhan ng mga 'yon? Hindi ko papayagang mangyari 'yon , 'Ma." Over-protective si Franz pagdating sa Ate Fin niya. Kahit madalas silang mag-asaran, sobrang mahal niya ito na parang kapatid na niya. Napa-buntong hininga si Cory. Binata na talaga ang anak niya at tunay na dugong Mago. "Oh, siya, pero tawagan n'yo kami agad kapag may hindi magandang mangyari, ha. Huwag basta-basta sugod na lang ng sugod. Naiintintindihan mo ba, Anak?" Paalala ni Cory. "Yes po, 'Ma." Yumakap ito sa Ina. "Sama ako!" Sabay-taas ng kamay ni Fin. "Hindi puwede!" Duet pa ang mag-ina sa pagtutol. Nanlumo na lang si Fin. "Pero walang makapipigil sa akin...." Bulong ni Fin. ☆ "FIN!" Tawag ni Belle habang humahabol ito sa nauunang si Fin. Naglalakad sila papasok sa main building. "Oh, sis. Himala ang aga mo." Pang-aasara ni Fin. "'Di ako mapakali sa bahay eh. Wala nga akong tulog, oh." Sabay turo sa eyebags. "Bakit? Iniisip mo ba ang pinsan ko? Uy!" "Hindi ‘yon!" Natatawang sabi ni Belle. "Well, slight." Kinikilig pang muwestra ng kamay ni Belle. "Pero mas iniisip ko 'yong mga naka-hoodie. Natatakot ako, nag-aalala, at curious. Natatakot ako dahil babae ako, at tayo ang target nila, pero curious ako. Curious ako kung saan nila dinadala ang mga babaeng nakukuha nila. Buhay pa ba sila? At gusto ko ring ako ang makahuli sa kanila at maka-isang suntok man lang. Magamit ko man lang ang natutunan ko sa arnis at karate. Hya, hya!" Umasta pang mangangarate si Belle. Tawa ng tawa si Fin habang pinapanood ang kaibigan. "Mamaya, magroronda sila Franz... Gusto mong sumunod tayo?" May kapilyahang ngiti ni Fin. Nagliwanag ang mukha ni Belle at namilog ang mga mata. "Are we going to start our little adventure?" Maluwang na ngiti ni Belle. Pagtaas-baba naman ng dalawang kilay ni Fin ang naisagot niya. "Susundan lang naman natin sila. Hindi tayo lalayo sa kanila." Gusto pa rin ni Fin na ligtas silang dalawa at hindi maging pabigat sa pinsan at mga kaibigan. ☆ PINUKAW ni Benita si Cory. "Ano 'yang hawak mo, Ate?" "Ito ang hoodie na suot ng mga nangingidnap ng kadalagahan. Sa 'di inaasahang pagkakataon, naka-engkwentro ulit ni Franz ang grupong iyon, at napabagsak niya ang isa. Ito ang kasuotan na naiwan ng napabagsak niya." May paghangang puri ni Cory sa anak. "Ano ang pinaplano mo ngayon d'yan?" "Halika, samahan mo ako sa silid. Kailangan ko ng tulong mo. Hindi maaaring wala tayong gawin. Ang ating kapangyarihan ay ginagamit upang protektahan ang nangangailangan." Dinampot ang De Libro Vires na natagpuan ni Fin. "Gagawa tayo ng encantasyon upang hindi tayo mahanap ni Luisa habang gamit natin ang ating kapangyarihan." Naglakad ang dalawa papasok sa silid ni Cory. Hinila ang long stool na nasa sulok papunta sa gitna at ginamit na patungan ng libro. Binuklat ang aklat na minsan na niyang nahawakan nung mga bata pa sila. "Nagamit mo na ba 'yang aklat na iyan? Hindi iyan itinuro ni Ama." "Pumapasok ako minsan sa silid ni ama noon upang paglaruan at basahin ang mga nakasulat dito. Pinahiram din sa akin ni Ate Alicia 'to. Nakakatuwa. Minsan ay delikado rin." Natatawang naaalala ni Cory ang mga kalokohan niya nuong bata pa siya. " Nostros vires fueris. Defendat nos a tenebris magicae. Cadat oratio nostra in voces audiri desuper." Paulit-ulit na bulong ni Cory sa hangin. Nakibasa at nakibulong na rin sa hangin si Benita upang makatulong lumikha ng malakas na proteksyon laban sa magtatangkang tuntunin ang kanilang kapangyarihan. Nagliwanag ang mga salitang binigkas mula sa libro. Naglabas ito ng asul na enerhiya at pinuno ng liwanag ang buong silid. "Hayan na. Nararamdaman mo ba ang presensya ng baluti?" tanong ni Cornelia. "Ang galing!" tuwang-tuwa na saad ni Nitz. "Katulad nito ang baluti kung saan ikinulong si Arnulfo. Ang kaibahan lang, maaari tayong gumamit ng mahika dito, at hindi malalaman ng sinumang may itim na kapangyarihan sa labas ang nangyayari dito sa loob ng proteksyon." May paghangang hinagod ang aklat ng salamangka. "Katulad din ito ng salamangkang nilikha ni Ate Alicia upang itago ang kapangyarihan ng dalawang bata, upang hindi sila matunton ni Luisa. Mabuti at naitakas ko ito noon. Akala ko nga nasunog na 'to nuong sinalakay tayo ng mga tauhan ni Luisa. Hindi ito dapat mapasakamay niya." Isinara ni Cory ang libro, at ipinakita ang tila nakaukit na bilog na may bituin sa gitna. "Ito ang sisidlan ng medalyon." Sabay turo sa bahaging iyon. Napaawang ang bibig ni Nitz. "Kung gayon ..." "Oo, ibig sabihin, buhay pa si Ate Alicia. Iisa na ang medalyon at si Ate mula ng pag-isahin niya ito at ang kaniyang katawan. May bisa pa ang libro. May bisa pa ang medalyon. Buhay pa si Ate Alicia." Maluha-luha si Nitz sa narinig. Buhay pa ang kapatid niya. "Dapat nang malaman na rin ni Fin at ni Franz ang tungkol sa kanilang pagkatao. Sa ating mga Wiccan. Malapit nang mag-labing anim na taon ang mga batang 'yon. Malapit nang mawalan ng bisa ang pagkulong ni Ate Alicia sa kapangyarihan nila. Unti-unti na ngang nagpapakita ang mga taglay na kapangyarihan ng dalawang bata." "Hindi ko alam na ikinulong din pala ni Ate Alicia ang kapangyarihan ni Franz." Ani Nitz. "Ipinakiusap ko. Hiniling ko sa kaniya na isama si Franz sa proteksyon." Paliwanag ni Cory. "Maaari nang gamitin ang silid na ito upang lumikha ng mga enkantasyon." "May plano ka sa hoodie?" "Hahanapin natin ang kuta nila." May galit sa tinig ni Cornelia. Hindi niya nais pang dumami ang biktima ng kampon ni Luisa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD