CHAPTER 13

1697 Words
"G-GOOD evening po, Ma'am." Bungad na bati ni Jacob kina Cory at Nitz. Guwapong-guwapo ito sa navy blue Prince-Inspired outfit. Makisig at matikas. "S-si Fin po?" "Hijo, Tita Cory na lang ang itawag mo sa akin. Halika at pumasok ka muna saglit at pababa na iyon. Kanina pa inaayusan ng Tita Nitz niya kaya malamang ay patapos na sila." "S-salamat po, Tita Cory." Pumasok ang binata at naupo sa 3-seater sofa. "Ikukuha na muna kita ng maiinom." Pumasok si Cory sa kusina. Nagpalinga-linga si Jacob sa kabuuan ng bahay. Expensive antique collection ang karamihan ng nakita niya. Hindi niya napansin ito noon dahil busy sila sa pagsunod sa kulto. Maganda ang bahay, maluwang at naalagaan ng husto. "Heto, magpalamig ka muna." Inabot ni Cory ang iced tea at slice ng cake. Sumubo ng konti si Jacob at naubos ang iced tea ng dahil sa kaba. Maya-maya pa ay may narinig na siyang yabag ng takong ng sapatos pababa ng hagdan. Kumabog ang dibdib ng binata habang ina-anticipate ang pagbaba ng prinsesa niya sa gabing 'yon. Napanganga ito ng makita niya ang isang napakagandang prinsesa na nakasuot ng midnight blue princess gown na off-shoulder, naka lugay na nakahawi ang buhok at fresh na fresh ang look. Para siyang nakakita ng aparisyon sa ganda. "Hi, tara na?" Aya ni Fin. "Gosh, ang guwapo ng prince charming ko," sabi ni Fin sa sarili. Aminin man niya o hindi, kinilig siya ng slight. "You look stunning, Fin." Papuri ni Jacob. "You don't look bad yourself. Let's go?" Sabay ngiti ng matamis ni Fin. "S-sure. We'll go ahead, Tita Cory." Sabay abot ng braso ng binata para alalayan si Fin, at kumapit naman ang dalaga doon. Lumakad na ang dalawa papunta sa Jaguar ng binata. Pinagbukas muna ng pinto si Fin sa back seat bago ito sumakay sa kabilang side. "Tara na po, Kuya Allan." "Dalaga na talaga ang pamangkin natin." Sabi ng nangangarap na si Nitz. "Bagay na bagay sila!" "Ikaw kasi, ayaw pang mag-asawa." Panunukso ni Cory. Hindi kumibo si Nitz. "Umaasa ka pa rin ba sa kaniya?" Malungkot na napatingin na lang sa labas ng bahay si Nitz bago isinara ang pinto. ஜ۩۞۩ஜ DUMATING ng maaga sina Fin at Jacob upang makatulong sa pag-aayos ng venue. Naroon na rin si Dylan at nag-uutos sa staff ng mga dapat gawin ng makita niya ang dalawa na paparating. "Hello, buti dumating na kayo. Jacob, kailangan na nating ayusin ang sound system. Medyo palpak yung kinuha ng organizer. We can help setting it up." Aya ng parang mainit ang ulo ni Dylan. "Nice outfit Fin, you look great." Bati ni Dylan pero mukhang walang buhay at nakasimangot. "Thanks." Ang guwapo din ng kolokoy, try niya kayang ngumiti? Nagsusungit na naman eh. Ano ba problema nito? Sound system? Bulong ni Fin. Ang ganda niya, pero bakit gano'n? Naiinis akong makita silang magkasama? Nasabi ni Dylan sa sarili. Ipinilig nito ang ulo at itinuloy na lang ang ginagawa sa equalizer. "Hi Fin! Ang ganda-ganda mo talaga! Wow!" Bumeso si Belle kay Fin. "Ano ka, ikaw nga eh, ang ganda mo. Mukha kang Chinese Doll. Nakaka-tibo." "Sabi ko na, butch ka, eh!" Pang-aasar ni Belle. "Pero totoo, ang ganda mo. Ikaw ang magiging Queen of the Night. Promise." "O, sige, magbolahan na lang tayo hanggang mamaya." "Ate Fin, pahiram muna si Belle, magsasayaw lang kami." Sabay alok ng kamay kay Belle. "May I have this dance?" "Sure." Iniabot ang kamay kay Franz at lumakad sa gitna ng gym. "Ehem... Fin, sayaw din tayo?" Nahihiyang aya ni Jacob. "S-sige." Inabot din ni Fin ang kamay bilang go signal kay Jacob. Kinuha naman ito ng lalake at inalalayan papuntang dance floor. Sa isang sulok naman ay may nagpupuyos sa galit dahil sa nakikitang nagsasayaw sa gitna. "Cassey, relax." Pagpapakalma ni Pinky sa kaibigan. "Makikita ng Fin na 'yan mamaya," sagot ni Cassey habang nakakuyom ang mga kamay. Si Dylan ay patingin-tingin sa dalawa habang nasa gitna ang mga ito at nagsasayaw. Nagseselos ba ako? Hindi ito maaari. Kinakapatid ko si Jacob. Itinuon na lang ang pansin nito sa pagdi-DJ. "Good evening ladies and gentlemen. We are proud to give our appreciation to 5 people who saved San Isidro from the cult. May we call in Dylan Sylvester, Jacob Alcantara, Isabelle dela Rama, Serafina Espiritu and Francisco Sarmiento. The award will be given by our beloved mayor Alfonso." Introduction ni Mrs Alcantara proud na binanggit din ang pangalan ng anak. Nagpalakpakan naman ang mga estudyante. Umakyat sa stage ang lima. Isa-isang inabutan ng plaque of appreciation bilang pagkilala sa kabayanihang kanilang ginawa sa pagligtas sa mga biktima ng kulto. "Ang galing naman nila." "Oo nga, ang tatapang. Naku, 'di ko kakayanin 'yon." Bulungan ng mga estudyante na humahanga sa kanila. Pagkatapos silang bigyan ng award ay bumaba na ang mga ito. "Ia-anounce naman natin ang ating King and Queen of the Night," sabi ni Miss Tamayo. "At ang napili bilang pinaka-makisig na lalake ngayong gabi ay si Dylan Sylvester." Nagpalakpakan ang mga babaeng may crush sa binata. Puro mga kinikilig at hindi mapakali. "Ang guwapo talaga niya, eeehhhh!" Tilian ng mga babae. Umakyat si Dylan sa stage at hindi pinansin ang mga nagtilian na lalong nagpalakas ng presence niya at pagiging misteryoso. "At ang ating Queen of the Night is, Serafina Espiritu." Umugong ang palakpakan ng tinawag si Fin. Nagdadalwang-isip pa ang dalaga habang paakyat ito ng stage. Sinuotan ng crown at sash ang King and Queen. "May we request for the dance moment of the King and Queen on the center stage?" "H-ha?" Nag-aalangang tanong ni Dylan. "Yes, please, get in the center of the stage and have a dance with your Queen," sabi ni Ms Tamayo. Nag-aalangang lumapit si Dylan kay Fin at inabot ang kamay. "S-shall we? Pagbigyan na natin." "S-sige." Iniabot ni Fin ang kamay sa nag-aantay na binata. Inilagay ni Dylan ang dalawang kamay ni Fin sa kaniyang balikat, at humawak naman siya sa magkabilang baywang nito. Sabay silang umindayog sa saliw ng kantang Changes In My Life. "A-ayos ka lang ba, Fin? D-Di ka ba maiilang?" nag-aalalang tanong ni Dylan. "A-ayos naman. Magkaibigan naman tayo, hindi ba?" sinabi ni Fin ito upang mawala ang ilangan sa pagitan nila. Hindi niya gusto ang tensyon na nararamdaman niya habang kasayaw ang binata. Ano ba 'tong nararamdaman niya? "Baka magalit si Jacob?" tanong ni Dylan. "Bakit naman? Wala naman kaming relasyon, at wala naman tayong ginagawang masama. Magkakaibigan naman tayo, 'di ba?" "Ano ba itong kanta, nakikisabay pa sa kabog ng dibdib ko?" Bulong ni Fin. Natapos sila ng buong sayaw at inihatid si Fin sa kaniyang upuan kasama sina Belle, Jacob at Franz. "Jacob, isinosoli ko na si Fin." Sabay tawa na parang guilty. "Iningatan mo naman kaya okay lang," pabirong sagot naman ni Jacob. Mataas ang tensyon na naramdaman ni Fin kaya nagpaalam ito. "Guys, sandali lang, may kukunin lang ako sa locker." Tumayo ito at lumakad palabas ng gym. "Girls, palabas 'yong babaeng makiri. Sundan natin." Aya ni Cassey sa mga kaibigan. Lumabas din ito sa gym kasama sina Pinky at Terry. Kung kinakailangang bugbugin niya ito at wasakin ang mukha, gagawin niya. "Serafina!" Tawag ni Cassey kay Fin. Lumingon naman ang dalaga. "Ano'ng kailangan mo?" "Ikaw. Ikaw ang kailangan ko. Ang yabang-yabang mo, ang kiri-kiri mo. Humahanap ka talaga ng paraan para mapalapit sa'yo si Jacob tapos 'di ka pa nakuntento, pati si Dylan ay inaakit mo," akusa ni Cassey. "Kaya nga. Sa akin si Dylan!" sabat naman ni Pinky. "Wala akong alam sa sinasabi n'yo. Nagdedeliryo na yata kayo. Bahala kayo d'yan." Sabay talikod ni Fin. "Huwag mo kong tatalikuran, hindi pa tayo tapos." Hinabol ni Cassey si Fin at hinablot nito ang buhok ng dalaga. Napaliyad at napaaray naman si Fin dahil sa lakas ng pagkakahila sa buhok nito. "Aray!" Hinawakan ni Fin ang kamay ni Cassey na nakasabunot sa kaniya upang mabawasan ang pwersa ng pagkakasabunot sa kaniya. "Anong g**o 'yan?" galit na sawata ni Dylan. Lumabas ito para kumuha pa ng extrang upuan sa stock room nang makita niyang mukhang pinagtutulungan ni Fin. "Huwag kang makialam dito, Dylan." Banta ni Cassey. "Kung nakakalimutan mo, I am the President of Student Council, at may kakayahan akong ipa-reprimand ka. Bibitiwan mo ba si Fin o ipapa-suspend kita?" Binitiwan ni Cassey ang buhok ni Fin at tinitigan ito ng masama. "Hindi pa tayo tapos." Sabay talikod nito. Sumunod naman ang mga alalay nito. "Ayos ka lang ba? Bakit hindi ka lumaban?" nag-aalalang tanong ni Dylan habang tinitingnan kung nagka-galos ang dalaga. "Okay lang ako. Ayoko lang silang patulan dahil hindi worth it." "Kahit na. 'Di ka no'n titigilan 'pag 'di ka lumaban. Bakit ba sila galit sa 'yo?" "Dahil kay Jacob... at sa 'yo. Type ka ni Pinky. Nilalandi ko raw kayo eh. Ay, naku. Wala akong pakialam sa kanila." "'Di ko naman siya gusto. At sigurado akong hindi rin gusto ni Jacob si Cassey. Anyway...." "Aaaaaaaaahhhhhhhhh!" Naputol ang sasabihin ni Dylan ng may tumili mula sa parking lot. Nagmamadaling pinuntahan nila Dylan at Fin ang pinagmulan ng tili. Isang babaeng naka-red gown ang nakaupo at tila takot na takot habang nakatingin sa isang babaeng estudyanteng naka-white gown na nakahandusay sa simento at tila maputla ito. Nilapitan nila ang babaeng nakaupo, "Miss, ano ang nangyari?" Tanong ni Dylan. Itinuro ng babaeng nanginginig pa ang babaeng nakahandusay. Nilapitan ito nila Dylan at Fin upang i-check kung ayos lang ang babae. Paglapit nila ay nakita nilang dilat ang mga mata nito, may ilang patak ng dugo ang leeg at mayroong dalawang magkalayong maliit na sugat na parang kinagat ng aso. Patay na ang babae. Napayakap si Fin kay Dylan dahil sa awa at takot. Inalo naman ito ng binata. "Sandali, Fin." Dinukot ni Dylan ang phone sa bulsa ng pantalon at tumawag sa presinto. Ano na naman ang nangyayari dito? Nag-aalalang sabi ni Fin sa sarili. ஜ۩۞۩ஜ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD