CHAPTER 14

1931 Words
CHAPTER 14 Naglabasan ang mga estudyante nang marinig ang paparating na mobile police patrol car. "What happened?" nag-aalalang tanong ni Belle. Bitbit nito ang saya ng gown niya at ingat na ingat na 'di matapilok habang tumatakbo palapit kina Fin at Dylan. "Sabi nila ay may namatay daw?" "Ayun, oh." Umusod si Fin at inunguso ang nakahandusay na katawan malapit sa van ni Dylan. "Oh my... what happened to her? Poor kid." Napatutop ng bibig si Belle. Dumating sina Jacob at Franz, nakita rin ang sitwasyon. "Please kids, stay away from the crime scene. Miss Tamayo, please paki-assist ang pagbarikada sa area." Utos ni Mrs. Alcantara. "Dylan, Serafina, ahhh..." Pag-alala ng principal sa estudyanteng naka-red gown na nangagatog pa rin sa takot. "Ikaw, Katrina, dumito kayo para makapagbigay ng statement." "Y-yes, Ma'am," sagot ng babaeng unang nakakita sa bangkay. Lumapit na ang mga pulis at naglagay ng barricade tape. Nilapitan ang nakahandusay na katawan ng estudyante. Dumating din si Dra. Lian, ang resident doctor ng school na dumalo din sa party. "I'm a doctor here, may I see the body?" tanong ng doctor sa mukhang team leader ng police force. "Yes, Doc, you may check the body." Lumapit ang doctor sa katawan at umupo ito. Tiningnan ang pulso, ang leeg, ang sugat sa leeg, ang hininga. Nakita niyang mukhang namatay ang biktima na takot na takot base na rin sa expression ng mukha nito at ang pagkadilat ng mga mata. Maputla ito kaya tila naubusan ng dugo. Ipinikit nito ang mga mata ng biktima at umusal ng maiksing panalangin. "She's dead. We do not know yet the exact time of her death. We need to do an autopsy. Masyado siyang maputla. Mukhang naubusan ng dugo eh." Sumang-ayon naman ang pulis. "Tama po kayo, pero kailangan po nating humingi ng pahintulot sa magulang ng batang ito para sa autopsy." "Mrs. Alcantara, do you know this student?" Tanong ng doktora sa Principal. "No, I haven't seen her. I'm not even sure if she's our student." Pilit inaalala ng principal ang pangalan ng biktima habang nakatingin dito. "Leah!" sigaw ng isang binatilyo mula sa 'di kalayuan. Tumakbo ito palapit, tinangkang hawakan ang katawan ng bangkay pero inawat siya ng pulis. "You can't touch her, kid. You will ruin the evidences left on the body." "No! Bitiwan n'yo ko! Leah!" nagpupumiglas ito. "Men, hold him. We can't let him touch her until we're done with forensic." Utos ng leader. "Who is he?" tanong ni Fin kay Dylan. "Alfred Samaniego, isa sa student council representative ng 3rd year Junior High, Grade 9." "Alfred? Do you know this girl?" Tanong ni Mrs. Alcantara kay Alfred. "S-She's my date for tonight. She's my girlfriend. W-What happened? Buhay pa siya, hindi ba? Buhay pa siya! Kausap ko pa siya kanina, eh! May kukunin lang daw siya sa kotse kaya siya lumabas, eh!" Nagwawala si Alfred habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng dalawang pulis. "Alfred, calm down. As what the police said, you can't touch the body until they have completed the forensic procedure. Just hold on for a few minutes, shall we? Please, give me her parents' contact information so I could tell them what happened." Pagpapakalma ng Principal. May negative impact ito sa school nila kahit hindi nila estudyante ang biktima, pero kailangan niyang gawin ang tungkulin niyang ipaalam sa magulang ng bata ang nangyari sa anak nila. "Miss Espiritu, Mister Sylvester, can you give a statement tomorrow morning in the police station? Alam kong medyo pagod na rin kayo kaya you should rest. Besides, si Miss Katrina Yuson ang nakakita sa bangkay kaya her statement will weigh more than your statement," pahayag ng pulis. "Sige po. Let's go, Fin. Ihahatid na kita sa inyo." Aya ni Dylan kay Fin. "I'll do it, Dylan, she's my date anyway. Ako ang nagdala sa kaniya, kaya ako rin ang maghahatid sa kaniya. You should stay here, ikaw ang president ng SC." Pigil ni Jacob kay Dylan. Natigilan si Dylan. Oo nga naman, epal talaga ako. "Sige, Jacob. Mas mainam 'yon." "Belle, let's go, ihahatid na rin kita." Hinawakan ni Franz sa kamay si Belle saka inakay palayo sa crim scene. NAGBIGAY ng statement kinabukasan sina Fin at Dylan sa police station. Ipinaliwanag nilang narinig lang nila ang sigaw ng babae kaya sila napatakbo do'n. Sabay silang lumabas ng police station. "Are you planning to go home now, Fin?" "I'm not sure yet. Gusto kong mag-alis ng stress. 'Di ako makatulog magdamag. 'Di ko makalimutan 'yong mukha ng biktima. Kawawa naman." "Gusto mong mag-mall? Ikot lang tapos lunch tayo right after." "I like that. Let's go!" Naunang naglakad papuntang parking lot si Fin. "May driver ka na ba this time?" "Mayro'n na. Don't worry." Inalalayan ni Dylan si Fin pasakay ng van. NAG-IKOT ang dalawa, nag-shopping ng kaunti si Fin, bumili ng comics si Dylan, kumain sa ice cream parlor at nag-arcade. They had fun, nakalimutan ang naganap na g**o kagabi. "Fin, ihahatid na kita sa inyo. Alas-singko na. Delikadong magpagabi." Nagkakamot pa ng ulo si Dylan. Cute. ""Sige." Ngumiti muna si Fin saka naglakad na papuntang carpark. "GUYS, have you heard?" sigaw ni "Balang" habang hinihingal na nagsasalita. Galing ito sa pagtakbo kaya parang hingal-kabayo. Umaalog-alog pa ang malaking tiyan nito sa paghinga. "Ano na namang tsismis 'yan, Balang?" sabi ng isa nilang kaklase. "Iyong babae daw na natagpuang patay nung party, wala raw dugo. As in ubos, parang sinipsip, gano'n," kinikilabutan pa habang nagkukwento. "Aw, scary? Sino ang may gawa no'n? Bakit kailangan pang ubusin ang dugo niya? Kailangan nila ng blood donor?" tanong ng isa pang kaklase nila. Nagkatinginan sila Fin at Belle. "That's scary!" Napakapit si Belle kay Fin. "'Eto pa." Hinihingal na pahabol ni Balang. "Ang dami mo namang tsismis, daig mo pa ang paparazzi ah!" Biro ni Belle. "Heh! Makinig ka muna." Saway ni Balang. "May babaeng natagpuang patay sa plaza kagabi. Same thing, wala rin daw natirang patak ng dugo sa bangkay." Nagtilian ang mga estudyante. "Scary!" "I wanna go home!" "Mommy!" "Class, listen up." Pagpasok ni Miss Tamayo, kasunod sina Dylan at Jacob. Naupo ang dalawa sa mga upuan nila. "It seems we are having unsolved crimes these days. The police does not know yet if these killings have something to do with the cult we had before. Pero tingin nila ay iba ang gumagawa nito dahil iba ang estilo nila." Tiningnan isa-isa ang mga estudyante. "So we advise everyone to be extra careful, okay? We are also cutting the afternoon classes by four o 'clock, to make sure that you guys are home as early as five o'clock. Go home straight, okay? Wala nang malling pa." "Yes, Ma'am," sabay-sabay na sagot ng buong klase. "Also, we have new transferees. Come in, Lynx, Lanz." Pumasok ang dalawang bagong transfer. Parehong mapuputi ito. No, kulang ang salitang maputi. Maputla. Parang ibinabad sa suka. Mapupula ang labi, malamlam ang mga mata, at ... may kakaiba akong naramdaman sa kanila. Ewan ko. Something inside me is kicking me hard and telling me whatever di ko maintindihan. Bulong ni Fin sa sarili. "Introduce yourselves, please." Naupo si Miss Tamayo sa vacant seat sa tabi ni Balang. "Hi, I'm Lanz Van Hugh, 17." Pagpapakilala no'ng lalake. "I'm Lynx Vanessa Hugh, 17. We're Twins." Malamig na malalim na boses ang narinig ni Fin. Parang galing sa balon. Pandinig lang niya yata 'yon. Weirdo din ang dating nila sa akin pero iyong iba kasi sa room ay kinikilig sa dalawa. Guwapo daw at maganda. Ewan. Malalabo na yata ang mga mata nila. Tumunog na ang bell. Hudyat ng lunch. Papalabas na sila ng classroom nang nakabangga ni Fin ang babaeng bagong transfer, si Lynx. Nagdilim ang kaniyang paningin. "S-sino ka?" Tanong ng babaeng naka-white gown. Palapit naman ang isang babaeng naka-balck leather jacket, pants at boots. "Ako ang magfi-fiesta ngayon." Namula ang mga mata nito at ibinuka ang mga bibig. Napatili ang babaeng naka-white gown at napaatras ito. "Aaaahhh!" Subalit walang tao sa paligid kaya walang nakarinig sa kaniya, at masyadong malakas ang music sa gym. Napakabilis ng naging paglapit ng babaeng naka-black, hinablot sa buhok ang babaeng naka-gown, niyakap, saka kinagat sa leeg. Napaatras si Fin. A-ano yung nakita ko? Si Lynx, may pangil, at.... Nahilo si Fin at nawalan ng malay pero maagap na nasalo naman ito ni Belle. "Fin!" "Hala, dalhin n'yo siya sa clinic, bilis!" sigaw ni Balang. Nakita ni Jacob ang nangyari ng papalabas ito ng classroom. "Fin!" Binuhat nito ang dalaga papuntang clinic. Nakasalubong nila sa hallway si Franz. "Ano ang nangyari kay Ate Fin?" Nag-aalalang napasunod ng lakad ito. "Ewan ko, basta na lang siyang hinimatay." Maluha-luha pa si Belle. Inakbayan ito ni Dylan habang sumusunod kay Jacob papuntang clinic. NAGPALINGA-LINGA si Fin na palinga-linga sa paligid. Puro puti ang nakikita niya. "A-ano'ng nangyari?" "Fin! Mabuti naman at gising ka na. Kanina pa kami nag-aalala sa'yo. Nasa clinic ka. Hinimatay ka kanina." Sinalat ni Belle ang noo ni Fin. "Ate, ano ba ang nangyari?" tanong ni Franz. Napatingin ito kina Belle at Jacob. "Mamaya na lang Franz... pero okay na ako, guys, salamat sa pag-aalala n'yo. Gusto ko nang umuwi at magpahinga." PINIGILAN ni Fin si Franz sa pinto habang papasok sa bahay nila. "Franz." "Bakit, Ate Fin?" "I think, nabuksan ang isa ko pang kapangyarihan kaya ako nag-collapse kanina." "Ano'ng kapangyarihan, Ate?" "Regression." "Ha? Ano 'yon?" "I can see the past of anyone, hidden deep within... by toucing them, I guess," nag-aalalang sabi ni Fin. "Pumasok tayo. I need to talk to Tita Cory and Tita Nitz." Pumasok sila sa bahay. Natiyempuhan ang mga tiyahin sa sala. "Bakit parang seryoso ka, Fin, nagpulong pa tayo dito sa kwarto ko," Nag-aalalang na tanong ni tita Cory. "I need your help, Tita Cory, Tita Nitz." "What kind of help?" "I don't know where to start." Nag-isip muna si Fin bago nagpatuloy sa pagsasalita. "There were killings happening around. 2 bodies were found. Drained ang dugo nila na parang sinipsip ng kung ano, with bites on their neck." Nagkatinginan ang magkapatid na Mago. "Vampires?" "I think so, Tita. I saw it." Pag-sang-ayon ni Fin. "Ha? What how? When? Delikadong makalaban ang vampires. Oo may powers tayong witches pero may kakaiba silang bilis at lakas. They can't easily be killed. Only the strongest witches can match a single vampire. 'Di uubra ang baguhang tulad mo na pasulpot-sulpot ang mahika. Nagbibigkas ka pa lang ng engkantasyon mo ay malamang na nakagat ka na nila." May pagkabahalang sabi ni Cory. "Oh my... then paano natin sila mapupuksa?" Tanong ni Franz. "I can, Ate Cory can, but you both can't," sagot ni Nitz sabay turo kina Fin at Franz, "for now. Teka, paano mo nakita itong vampire?" "Regression po. Nakabungguan ko po. Kaklase namin sila." "Regression? You can see the past? Kailan pa?" "Kanina, 'Ma, hinimatay pa nga si Ate Fin," napatigil si Franz, "teka Ate, sino 'yong nakita mong vampire?" "Iyong bagong transfer student na kaklase namin. Nakabungguan ko si Lynx, iyong babae. Then I saw how she killed the girl last Saturday, do'n sa parking lot. It was like a real video playing kung ano ang nangyari." Nare-recall pa rin ni Fin ang nakita niya. "May kakambal siya, so I assume they're both vamps." "Two vampires in San Isidro? Siblings?" Nagkatinginang muli ang magkapatid. "At nakakapaglakad na sila sa araw?" Nahintatakutan sina Fin at Franz. This is crazy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD