CHAPTER 12

1572 Words
"HALIKA, pumasok kayo." Binuksan ni Cory ang pintuan ng kaniyang silid at pinauna niya kaming pumasok. "Ang silid na ito maging ang buong bahay ay aming ginawan ng enkantasyon upang hindi tayo matunton ng mga tauhan ni Luisa o ng sino mang may itim na salamangka." Sa gitna ng silid ay mayroong mataas na parang mesa na pantay sa dibdib ni Fin, iyong parang ginagamit sa simbahan na pinapatungang ng bible 'pag may nagbabasa ng aral ng Diyos kapag misa, at doon nakapatong ang De Libro Vires. Nilapitan ito ni Fin at hinawakan ang sisidlan ng medalyon. "'Ma...." Naalala ni Fin ang pagpapakita nito sa panaginip. Ito rin kaya ang naghatid sa amin ng De Libro Vires kung kaya't natalo nila ang bruhang nangingidnap ng kababaihan? "Ito pala ang libro? Ang ganda! Parang lumang-luma na ito ah, pero na-preserved ang itsura." May paghangang binuksan ni Franz ang aklat. "Nye, wala naman akong maintindihan." Sabay kamot sa ulo. Salitang Latin kasi ang mga nakasulat doon. "Eh paano naman, in-enroll ka ni auntie sa Latin class no'ng isang taon pero ano ang ginawa mo, 'di ka pumapasok tapos nag-enroll ka sa piano lesson." Sermon ni Fin. "Eh kasi eh...." 'Yon kasi ang fetish ng nililigawan ni Franz noong time na 'yon, musikerong guwapo, kaya nag-aral siya ng piano kesa sa Latin class, kaso basted pa rin siya. "Ito ang sinaunang aklat, panahon ni ninunong Marcus. Sila ni Asarea ang gumawa nito, katulong sa pagbuo ang isang Latin na banal na Orakulo. Binasbasan at ginawan ng orasyon ng Orakulo ang aklat maging ang medalyon. Ibinase ang mga nakasaad mula sa nakaraan, kasalukuyan at sa hinaharap. Ang mga lumang salamangka at pangontra sa lumang itim na salamangka ay nakasaad din dito," pagpapaliwanag ni Cory. "Maaari n'yong basahin, pag-aralan at alamin ang mga nakasaad dito, pero katulad ng sinabi ko huwag nyong gagamitin ng basta-basta. Maging responsable kayo. May paliwanag sa itaas na bahagi ng bawat pahina kung para saan ang orasyon, ilustrasyon naman ang nasa gitna at itong nasa ibabang bahagi ang mismong orasyon." "Tuturuan namin kayo sa simula kung paano mag-concentrate, okay? Para alam n'yo kung paano tawagin ang inyong kapangyarihan 'pag kailangan n'yo. Siguradong mayroon kayong ilan na magagamit since nagamit n'yo na ang mga ito minsan. Ito ang mga sobrang kapangyarihan na umapaw at kumawala sa sobrang tagal ng pagkakaselyo. Nainip kumbaga!" Ginamit ni Nitz ang kapangyarihang magpalabas ng mansanas sa palad ng mula sa kawalan. "Wow!" mangha na bulalas ng dalawa, pumapalakpak pa. Ilang ulit sinubukan ni Fin na magpalabas ng kahit ano sa palad pero wala siyang napala. "Hinay-hinay, Fin. Telekinesis ang unang lumabas sa 'yo kaya malamang iyon ang magagamit mo pansamantalang wala ka pang 16 years old. "Kumuha ng ballpen si Nitz sa tokador at inilagay sa ibabaw ng kama. "Sige Fin, tingnan mo ang ballpen, alalahanin mo ang itsura, pumikit ka. Huminga ka ng malalim. Huwag kang mag-isip ng kung ano, tapos idilat mo ang iyong mga mata at isipin mong titilapon ang ballpen sa direksyon na gusto mo." Ginawa nga ito ni Fin. Tiningnan ang ballpen, inisip na tatalsik ito sa kanan at pumikit sabay dumilat subalit walang nangyari. "Ulitin mo Fin. Focus lang ang isip sa ballpen. Pakiramdaman mo ang loob mo. Hanapin mo paglakas sa sentro ng katawan mo. Hmm... gamitan mo ng kamay. Iyon ang nagawa mo no'ng nakalaban natin ang bruhang 'yon." Tiwala si Tita Nitz na magagawa ito ng pamangkin. Nag-concentrate ng mabuti si Fin. Nang naramdaman niya ang parang mainit sa loob niya ay iniumang ang kamay at ini-muwestra pa-kanan. Tumalsik ang ballpen patungo sa direksyon ng bintana. "A-ako ang may gawa no'n? Nagawa ko? Seryoso?" Tuwang-tuwa na tumayo ito at lumapit sa pinaghagisan ng ballpen para damputin. "Magaling, Fin." Papuri ni Cory sa pamangkin. "Wow, Ate Fin, gusto ko din n'yan!" "Franz, kakaibang lakas ang unang lumabas na kapangyarihan sa'yo kung kaya't iyon ang magagamit mo sa ngayon hanggang sa mag-16 ka na." Tumayo si Cory at tumuntong sa antique na king-sized bed niya na gawa sa solid na Narra at may makapal na kutson. "Heto, mahigit 100 kilo ang bigat nito kasama ako. Iangat mo ng todo ang unahang bahagi ng kama hanggang sa kaya mo." Umunat si Franz para i-challenge ang sarili niya. "Huminga ka ng malalim, pumikit ka, huwag kang mag-iisip ng kahit ano, hawakan mo ang ilalim na bahagi ng kama at saka mo buhatin pataas. Isipin mong papel lang ang bihubuhat mo." Dumagdag si Nitz sa bigat, tumuntong ito sa kama. Ginawa ni Franz ang utos ni Nitz. Huminga ito ng malalim at nag-concentrate. Ilang saglit pa ay unti-unti na niyang naiangat ang kama. Hanggang sa maiangat niya ito hanggang dibdib niya. Itinaas pa ng kaunti hanggang leeg sabay bagsak ng kama. Napaupo sina Nitz at Cory dahil sa impact ng pagbagsak ng kama. "Araaaay!" Napahawak sa balakang si Nitz, "Dahan-dahan naman Franz!" Binato nito ng unan si Franz. "Eh, nawala ang concentration ko, kaya nabitawan ko. Sorry, Tita, sorry, 'Ma." Pilyong ngumiti ni Franz. "Puro ka kalokohan!" singhal ni Cory sa anak. "Peace, 'Ma. ‘Di naman masakit sa inyo 'yon dahil witch kayo. Peace, yow!" Sabay takbo palabas ng silid ni Franz. "Bumalik ka dito, bata ka!" Gigil na tawag ni Nitz. Tawa naman nang tawa si Fin sa kalokohan ng pinsan. "Ano'ng nakakatawa, bata ka." Sinubukan ni Fin na paliparin ang unan gamit ang telekinesis patama kay Nitz, gumana ito at tinamaan ang tiyahin sa mukha kaya agad na kumaripas ng takbo palabas si Fin. "Hoy, bumalik kayo dito, mga bata kayo! Mga pilyo at pilya talaga ‘tong mga pamangkin ko!" 'Di rin napigilan ni Cory na natawa rin. "Ate naman eh!" Reklamo ni Nitz. ஜ۩۞۩ஜ "BUKAS na ang party! Sumama ka mamaya sa bahay para maisukat mo iyong gown. Prince and princesses daw ang theme. May maisip na akong babagay sa'yo." Excited na si Belle sa nalalapit na party. May escort na rin siya, si Franz. "Eh teka, may escort ka na ba?" tanong ni Belle. "Pupunta na lang ako ng mag-isa. 'Di naman kailangan ng escort dyan, 'di naman JS Prom 'yan." Nakapangalumbaba si Fin. 'Di siya concern sa escort pero deep inside affected siya. Bakit walang nag-iinvite sa akin? Napabuntong -hininga na lang ang dalaga. Oh well, as I've said, I can go there alone. "Hi, guys." Bati ni Jacob. "Oh, Jacob, kamusta ang preparation sa party?" worried na tanong ni Belle. Maigsi masyado ang preparation, baka maudlot pa. "Don't worry, tuloy ang party. Nag-hire si Dylan ng professional organizer kaya hindi mabibitin ang party natin." Sabay tingin kay Fin "Uhmm... Fin, maaari bang sabay tayong pumunta sa party? Medyo agahan nga lang natin kasi VP ako ng Student Council." "O, sige, wala naman akong kasabay, eh. Balak ko na ngang h'wag um-attend dahil baka maging wall flower lang ako do'n." May kaunting excitement sa tono ni Fin. "Okay, it's a deal. I'll pick you up quarter to six, will that be okay?" "That's fine," maikling tugon ni Fin. "Great, see you tomorrow! Una na ako, kailangan pa ng tulong sa gym." At umalis na ang binata. “Kinikilig ako sa inyo!" namimilipit pang sabi ni Belle. "Nye! Bakit naman eh friendly invitation lang 'yon?" Natatawang deny ni Fin. Ayaw niyang pabuko na kinikilig din siya. "Ano ka ba, last year walang in-invite na babae 'yon, ‘no, mag-isang umattend 'yon. I smell romance!" Sabay sundot sa tagiliran ni Fin. "Halika na pumunta na tayo sa inyo. Half day daw ang klase ngayon." "Nagmamadali ka ngayon makapamili ng gown, ha!" panunukso ni Belle sa kaibigan. "Tse!" Namumulang sagot ni Fin. ஜ۩۞۩ஜ "HAYAN, may tatlo akong naisip na babagay sa atin, itong yellow na inspired kay Belle, Oops that's me, itong blue na inspired kay Cinderella, o itong pink na kikay?" Natatawang parang nandidiri sa paghawak ng pink gown. Narito sila ngayon sa silid ni Belle. "Ikaw nga nandidiri sa pink na 'yan eh, puro bulaklak, halo-halo pa ang kulay, ipapasuot mo pa sa akin. Bakit mo pa kasi binili 'yan?" "Ginamit lang to sa play, 'no, pero nungkang isusuot ko ito sa totoong party." "I think I will go for Cinderella." Kinuha ni Fin ang gown at isinukat sa banyo. Paglabas nito ay hangang hanga si Belle sa ganda ng kaibigan. Litaw ang hubog ng katawan nito at bumagay ang blue sa makinis at maputing kutis. "Ang ganda-ganda mo! Nakaka-tibo ka!" Sabay yakap kay Fin. "Hoy, 'di tayo talo!" "Babae ako, 'no, pero marunong akong mag-appreciate ng ganda ng kabaro ko." Sabay sipat ulit kay Fin. "Ikaw, ano'ng isusuot mo?" "Eh 'di iyong hindi mo napili." "'Yong pink?" Pang-aalaska ni Fin. "Ew! Hindi, 'no, iyong yellow!" Sabay hampas ng unan ni Belle kay Fin. Gumanti naman ng hampas si Belle. Naghampasan ang dalawa hanggang sa magkasira ang mga unan at kumalat ang feathers sa loob ng kwarto. "Hayan, nagkalat na tayo." Palinga-linga si Fin sa buong kwarto. "Hayaan mo 'yan." Sabay hampas ulit ng natirang unan kay Fin. "Ah, naghahamon ka ha! Um! Um!" Pagod na pagod na nahiga ang dalawa sa hampasan at kakatawa. "Sana laging ganito kasaya ano, wala na ulit problema...." Hiling ni Belle. "Sana...." Sana nga, sa loob-loob ni Fin. ஜ۩۞۩ஜ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD