Yohan's P.O.V: "Nandoon ba raw si Stephanie, apo?" tanong ni Lola habang naglalakad kami papunta sa kwarto ng dating alaga niya. Ito ang kauna-unahang araw na makikita ko siya. Nang matapat kami sa pintuan ng kwarto ni Steffi-iyon ang pangalan na binabanggit ni Lola sa'kin. Ang ganda nga ng pangalan niya. Mukha siyang maganda at mabait. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok. Naabutan pa namin si Ma'am Stephanie na kaharap ang laptop niya sa sofa. Ang ganda pala ng kwarto na ito. Halatang magarbo. Parang bahay lang. Halata nga talagang mayaman sila. Napatayo naman si Ma'am Stephanie pagkakita niya sa amin. "Andyan na po pala kayo. Nakapag-almusal na kayo?" bungad niya sa amin habang sinasalubong kami. "Oo naman, Steph. Maupo ka na lang. Huwag mo na kaming alalahanin." Bini