Steffi's P.O.V: Maaga akong dumating sa hotel. Nang tanungin ko ang guard kanina kung dumating na ba si Ysabelle ay sinabi nitong wala pa. Itinuro na sa akin kahapon ni Ysabelle kung saan ako kukuha ng gamit, kung saan ako magpapalit, at kung saan ang lobby ng mga housekeepers. I never imagined myself cleaning rooms, dahil usually ang mga maids namin ang pinapalinis ko noon ng kwarto ko. Ipinakilala niya rin ao kahapon sa supervisor namin. I guess wala pa siya rito. Sa tingin ko, kailangan ko na ring bumili ng relo para naman updated ako kung anong oras na. Ilang sandali pa'y unti-unting nagsidatingan ang mga kasamahan ko. I didn't bother to smile at them. I'm here for work and not to be friends with them. Err. May ibang tinatanong ang pangalan ko at tipid ko naman silang sinasagot ng 'S