Yohan's P.O.V: "Ste—Sam!" Muntik ko na siyang matawag sa pangalan niya nang bigla niya ako talikuran at nagmamadaling maglakad palayo. Hinabol ko siya saka hinablot ang kanyang braso. Tumigil ito at nilingon ako. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. "Why are you asking me?" wala sa emosyong tanong niya. "Dadalawin mo ba ang sarili mo?" Ramdam kong natigilan siya sa tanong ko. "I need to go home. Bitiwan mo ako," may halong pagbabanta na sabi nito sa akin. Tatalikuran niya na sana ako nang harangan ko ang daan. "Ba't hindi mo sinabi sa akin na ikaw pala ang dating inaalagaan ng lola ko?" tanong ko ngunit hindi man lang ito nag-abalang sumagot. Hindi siya nakatingin sa akin. Ramdam kong iniiwasan niyang magtagpo ang mga mata namin. Seryoso ang mukha nito. "Umalis ka sa harapan