bc

Last Wish

book_age12+
2.2K
FOLLOW
7.4K
READ
second chance
badgirl
drama
twisted
no-couple
genius
female lead
city
self discover
stubborn
like
intro-logo
Blurb

[COMPLETED] [FILIPINO]

[TEEN FICTION/SLICE OF LIFE/FANTASY]

[FREE]

Steffi Yusan is a rich young girl living the life anyone wishes to have. The wealth, popularity, considered that she is also beautiful, and smart. Sa kabila ng kaniyang halos perpektong buhay, kabaligtaran naman nito ang ugali niya and her relationship between her parents. One rainy day, Steffi had a car accident which lead her to coma. As she saw her body laying on the hospital bed, she was worried about the life she'd left. Her guardian angel appeared to her and said that her time is over. But, she insisted to stay and said she's willing to do everything in exchange of her life.

"You need to grant atleast 10 wishes of someone in exchange of your life"

"Who's that someone?"

"You'll find out."

chap-preview
Free preview
Simula: The Accident
Steffi's P.O.V: I am grounded for almost four days and it sucks. Wala akong magawa sa kwarto kundi ang kumain at manood ng TV. Pinagbawalan ako ng mga magulang ko kahit lumabas man lang ng kwarto. They took all my gadgets. Little did they know, may extra akong cellphone. I can still browse my social media accounts, update a post on my twitter, and even post a picture on my i********:. Nag-aabang kasi ang mga followers ko sa mga ipo-post ko sa aking social media accounts, so I need to update them every now and then. Kasalukuyan akong nasa groupchat namin magkakaibigan. Mayaman din sila gaya namin but their parents isn't that strict unlike my parents. That's why I really hate them. Kung umasta kasi sila akala mo perpektong mga magulang sila—funny 'cause they're not. Trexie: Paano 'yan? May lakad pa naman later. You can't go with us na? Angel: Steffi naman. You said pa naman na it will be your treat. I rolled my eyes saka pabagsak na humiga sa kama. May ideyang bumubuo sa isip ko. I smiled, devilishly. Me: I'll be there. 6pm sharp. Althea: Are you sure? Pero 'di ba you're grounded? Don't tell me na tatakas ka? Nako, that's bad, ah. Sa aming magkakaibigan, si Althea ang masyadong anghel mag-isip. Kung hindi lang siya mayaman, I will never be friends with her. Siya itong laging nagsasaway sa tuwing may gagawin kaming labag sa kalooban niya. Laging iisipin niya na mali iyon, kesyo sabi ng parents niya o di kaya magagalit ang Diyos sa gagawin namin. Er. How will she enjoyed her life kung laging magpapakaanghel siya? Sometimes, we need to break the rules and make a rules for ourselves. They don't have the rights to control our life—we, have the rights. Trexie: Lol, Althea. She can do whatever she wants. If that's the only way then, why not? Angel: Stop being so angelic, Athena. C'mon! Me: Althea, stop. See you later, girls. Ayoko ng late. Bumangon na ako saka naghanap ng puwedeng suotin later. I miss going at a bar—getting drunk, dancing, and have fun with my girls. Kung hindi lang dahil sa mga magulang ko na umuwi galing Paris, ay baka malaya ako ngayon. I really don't want to see them, I am already happy na wala sila rito. Sana pinanindigan na lang nila na manatili sa Paris kaysa umuwi rito para samahan ako. I went inside my closet and look for anything to wear. Naisip kong tumakas mula balcony. Alam kong may nagbabantay sa labas ng kwarto ko, kaya hindi ako puwedeng lumabas do'n. Alam ko namang wala rito ang parents ko so wala akong dapat na alalahanin—bukod sa mga bantay na andito. I guess they're four of them? Isa na nasa labas ng kwarto ko. Dalawa sa gate, dalawa sa garden. My parents really made sure na hindi ako makakatakas. I need to think of an idea para ma-distract sila. Mamaya ko na muna iisipin iyon, dahil kailangan ko munang maghanap ng maisusuot. Pumili ako ng neutral na color ng damit. I love pastel colors, especially nudes. I want a relaxed and comfy outfit so I chose a white tee teamed with an abstract multi-floral lightweight skirt and paired it with my draped safari style coat—I bought this when I was in Japan. I matched it with my espadrille slip-ons which I also bought when I went to Mexico. Inilagay ko ang cellphone, my car key, wallet for my cash and a wallet where my atm's are placed on my pastel brown backpack. This one's so cute—regalo ito ng isa sa mga followers ko. Nilagay ko rin sa loob ang pang-retouch ko. I need to bring this everytime I go somewhere. I usually take pictures to post on my i********:. I browse my reflection on the mirror. Habang pinagmamasdan ko ang repleksyon ko sa salamin, napansin ko ang telepono na nakalapag sa drawer storage na nasa tabi ng kama ko. I smirked when an idea pops up on my mind. Mabilis akong umupo sa kama ko at kinuha ang telepono na nandoon. I dialed our home hotline. Wala pang dalawang ring ay may sumagot na. "Magandang hapon po. Sino ito?" I think that's Manang Lourdes voice. "Manang, this is Steffi. Can you please buy two boxes of pizza for me? The larger one please," I said. "Sige, ma'am. Kaso wala po si Berto ngayon. Siya po kasi ang nag-drive sa kotse na ginamit ng mommy at daddy ninyo," aniya. "I can't wait him. I-utos mo na lang sa mga bodyguards diyan. I need the pizza as soon as possible! Kung hindi, sasabihin ko sa mga magulang ko na hindi ninyo ginagawa ng maayos ang trabaho ninyo!" I tried threatening her hoping it will be effective. "S-sige po, ma'am. Sasabihan ko po sila." "Bilisan mo. Tsaka puwede bang sabihan mo ang mga bodyguards sa garden area na kung puwede ay umalis sila ro'n? I'm getting distracted!" "Pero ma'am—" "Ano? Aangal ka? Gusto mong matanggal sa trabaho?" "H-hindi po," diretsang sagot niya. "Kaya sundin mo ang inuutos ko kung ayaw mong mawalan ng trabaho. Let all the guard rest. Ang isang box ng pizza ay para sa meryenda ninyo riyan dahil baka isipin ninyo na hindi ko kayo pinapakain. Bilisan mo." Hindi na ako naghintay pa ng sagot niya at agad nang binaba ang tawag. Tumayo ako at nagtago sa sliding door na pumapagitna sa kwarto at balcony ko. I heard Manang Lourdes talking with the bodyguards there. "Utos kasi ni ma'am," rinig kong sabi nito. "Pero kailangan naming magbantay dito at baka tumakas siya." "Sa tingin ko'y hindi naman ibubuwis ni Ma'am Steffi ang buhay niya para tumalon diyan sa kaniyang balkonahe at tumakas." Pakiramdam ko'y nakatingin sila ngayon sa balcony. "Oo nga naman. Sige. Tara! Nagugutom na rin ako. Alis na tayo baka mawalan pa tayo ng trabaho rito." Sumilip ako sa kanila at napansing paalis na ang mga ito. Mabilis naman pa lang paikutin ang mga utak nito. Well, kailangan ko na lang na mag-antay pa ng ilang minuto bago bumaba. Kanina ay naghanda na rin ako ng pantali. Ipinagsama-sama ko ang mga damit kong hindi ko na sinusuot, ang iba nama'y mga towel ko. Sa tingin ko'y sakto na ito para makarating ako sa baba. Nang makarinig ako ng tunog ng sasakyan na paalis ay mabilis kong itinali sa railings ang mga telang pinagsama-sama ko kanina, saka hinagis ang dulo nito sa baba. Mabilis kong kinuha ang backpack na nasa kama ko. Hinubad ko rin ang slip-ons na suot ko saka hinagis ito sa baba. Nang masiguro kong mahigpit na ang pagkakatali ko'y dahan-dahan na akong bumaba gamit ang ginawa kong tali. This is just a piece of cake for me. Nang tagumpay akong nakababa ay tahimik akong naglakad papuntang gate. Napangiti pa ako nang makitang walang bodyguard doon. Patakbo kong narating ang gate namin saka binuksan ito. Wala namang kaso kung sakaling marinig nilang bumukas ito. They might be thinking na dumating na ang mga magulang ko, o di kaya'y dumating na ang pizza. Mabilis kong kinuha ang susi ng kotse ko sa backback na dala ko. I opened the door of my car and start the engine. Sa huling pagkakataon ay lumingon ako sa pintuan ng bahay namin. "Mawawalan talaga kayo ng trabaho sa ginawa ninyo." I smirked saka mabilis na pinaharurot ang kotse paalis ng bahay. It's already 4:30 in the afternoon. Sakto lang dahil it takes an hour for me to arrive at the bar, but this bar is new to us. Si Trexie ang nag-suggest ng bar na ito and we want to go there. Gusto kasi namin iyong malayo because we want new faces. Napansin kong medyo makulimlim ang panahon, siguro'y uulan ngayon. Damn! Ang traffic naman. Sa kalagitnaan ng traffic ay may lalaking nag-aalok ng basahan sa mga jeepney drivers, even motor drivers. Natuon sa kanya ang atensyon ko. How can he even do that? Wala ba siyang magulang to feed him? Bakit hinahayaan siyang magbenta ng basahan sa kalagitnaan ng traffic? Hindi ba siya nahihiya sa ginagawa niya? Naglakad na siya papunta sa direksyon ng kotse ko. He knocked on my car window, but I decide to ignore him. Halos tatlong beses na itong kumakatok sa bintana ng kotse ko kaya sa inis ko'y binaba ko na lang ito. Bigla siyang napangiti. "Ma'am, pasensya na kung makulit ako. Mukha po kasing mamahalin ang kotse ninyo kaya nagbabaka sakali ako na bilhin ninyo ang mga basahan ko? Gawa po ito ng lola ko—" "Wala akong panahong makipagkuwentuhan sa'yo. Can’t you just leave? Sa iba ka na mag-alok. Hindi ko bibilhin 'yan!" Isasarado ko na sana ang bintana ng kotse nang mangulit pa ito lalo. "Sige na po. May sakit po kasi ang lola ko—" "Hindi ako charity case na puwede mong hingian ng tulong kapag nangangailangan ka. Wala akong panahong tulungan ka." Bago pa man ito makapagsalita ay sinarado ko na ang bintana ng kotse ko. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Oh s**t. What a day! Great. Just great. Nang umusad na ang traffic ay biglang tumunog ang cellphone na nasa loob ng backpack ko. "Damn!" I murmured nang hindi ko mahagilap ang cellphone ko. I diverted my attention inside my backpack and my phone is actually there—not even moving. Nang bumalik ang tingin ko sa daanan ay saktong may nakasalubong akong truck— And a sound of a loud horn was the last thing I heard before everything went black.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

Game of Love (Buenaventura Series #3)

read
31.2K
bc

Andriano's Fat Baby

read
44.1K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
283.9K
bc

Law of Love (Buenaventura Series #1)

read
40.6K
bc

The Greek Badass' Addiction

read
58.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook