Kabanata 3: Small World

1180 Words
Steffi's P.O.V:  Nang maabutan ko siya'y saka ko siya tinapik sa balikat. He turned his gaze at me. Nang makita niya ako'y kumunot muli ang noo niya. It's like he's not happy to see me again. Lumingon-lingon siya sa paligid saka ako muling hinarap.  "Alam mo ikaw, tigilan mo na ako. Ano ba ang kailangan mo sa'kin?" tanong niya.  Nakapamewang akong sumagot sa kanya. "You really wanted me to answer your question right now? Baka nakakalimutan mong ikaw lang ang nakakakita sa akin."  Biglang may napadaan sa kinaroroonan namin kaya natahimik siya't kunwaring may inaayos sa loob ng malaking plastik na dala niya kung nasaan ang mga basahang binebenta niya. Nang lagpasan na kami ng dumaan kanina ay saka lamang siya muling nagsalita.  "Ba't ka ba sunod nang sunod? Tsaka bakit hindi ka nakikita ng ibang tao? Multo ka ba?"  "Hey, no! I am still alive! Kaya kita sinusundan because you need to help me." Sarkastiko siyang tumayo. "Paano mo nagagawang hingiin ang isang bagay na ikaw mismo ay ipinagdamot mong ibigay?"  Humalukipkip ako. "If you help me, then I can help you. Mayaman ako. So, you can name your price."  "Hindi ko kailangan ng pera mo. Kaya tigilan mo na ako." Muli siyang tumalikod sa akin saka naglakad muli. I am starting to lose my patience! How can I even convince this guy to help me? Tsaka bakit sa dinami-dami ng mga taong puwede akong tulungan ay ito pang lalaking nagbebenta lang ng basahan to feed himself?  Patago ko siyang sinusundan. Wala rin naman akong choice but to follow him and wait until I convince him. Two months isn't bad. I am always born ready. Nakita kong pumila siya sa sakayan ng jeep. I raised my eyebrows when I saw him patiently waiting para makasakay. Wala ba siyang pera to take a bus? Or a grab? Pati ako'y nababagot na rin kahihintay, e. Umabot rin kami ng kalahating oras bago siya makasakay ng jeep. Paano ba ako makakasakay nito? I know he will be frightened kung sakaling makita niya ako.  The next thing happened, I was already sitting sa taas ng jeep. Tutal, wala namang nakaupo ro'n. It took us 30 minutes bago siya makababa kaya bumaba na rin ako saka sinundan siya. Ngayon ko lang din napansin na he's living on a squatters area? Paano niya nasisikmuraan na manirahan dito? This place is very dirty and poor. Dikit-dikit pa ang bahay. Maraming tambay. Buti na lang wala akong naaamoy because I'm sure this place smells bad.  Dire-diretso lang ang naging lakad niya. Hindi siya lumingon man lang. May mga napadaan siyang nakilala niya and he just waved at them saka nagpatuloy sa paglalakad. It took him almost 10 minutes until he stops. Hinintay ko siyang makapasok sa isang bagay na sa tingin ko'y sobrang liit. It doesn't look good. Ang luma na ng dating. Walang-wala ito sa kwarto ko. Mas maganda pa nga siguro ang CR ko.  "Lola, nandito na po ako!" I heard him. So totoo pala na may lola siya? Naglakad ako palapit sa pintuan na pinasukan niya saka ako lumingon sa loob. My jaw literally dropped when I saw what's inside. Tama nga ako dahil ang liit ng espasyo sa loob. Dito pa lang at kita ko na ang kusina nila. Ni wala silang sala set, o kahit TV man lang. I saw a pink curtain that cover the door of his room perhaps? Kasalukuyang nasa lamesa ng kusina nila si—wait, I didn't know what's his name. Isa-isa niyang binuksan ang mga nakataklob na pinggan na nakapatong sa lamesa.  "Lola, kumain na ho ba kayo?" he asked.  That's when the curtain opened because someone parted it. I blinked many times when I saw who that person is. Nagkakamali ba ako ng nakikita? Muli akong napatingin sa matandang lumabas ng kurtina. She was walking towards to the guy.  "Kumain na ako, apo. Kumain ka na rin. Pasensya na kung bagoong lamang ang ulam natin ngayon. Hindi ko na kasi naabutan iyong pansit kay Aling Nene. Ayaw na rin niya akong pautangin dahil hindi pa natin nababayaran ang utang natin sa kanila."  Ngumiti naman ang lalaki saka nagmano sa kanyang lola. "Ayos lang, Lola. Pasensya na po at ginabihan ako."  His lola even served him plates and even a glass of water.  "Kumusta pagbebenta mo?"  "Medyo mahina po ngayon, e. Pero Lola, may lumapit na tao sa akin kanina. Akala ko nga bibili siya ng basahan kaso, nagbigay po siya ng pera sa akin. Sa tingin ko'y sapat na ito para sa isang buwan nating pagkain. Five hundred din po iyon."  Five hundred is already enough for their supply of food in just one month? Really? Kulang nga ang five hundred sa akin sa isang araw. Is he kidding me?!  I saw the old woman smiled. "Oh kay buti ng Diyos. Nagpasalamat ka naman ba?"  Mabilis na tumango ang lalaki habang nilalantakan ang pagkain na inihanda sa kaniya ng lola niya. I can see no food except his rice. And from what I have heard earlier, bagoong ang ulam nila? That's gross. My stomach will be upset once I'll eat that. "Ang bait nga po niya, e. Hindi katulad no'ng isang babaeng nakilala ko. Napakatigas ng puso."  I froze a bit when he said that. Is he pertaining to me?  "Sino naman 'yan, apo?"  Nagkibit-balikat naman ito. "Hindi ko kilala, Lola. Mayaman. Matapobre."  I glared at him kahit na alam kong hindi siya nakatingin sa akin. Umupo ang kanyang lola sa tabi niya.  "Paano mo naman nasabi na matigas ang kaniyang puso? Yohan, sinasabi ko sa'yo na huwag husgahan ang isang tao base lang sa kung anong nakita mo."  "Alam ko naman po iyon, La. Pero ibang klase itong babaeng nakilala ko, e. Sobrang sungit. Walang pakialam sa ibang tao. Sa tingin ko nga, walang nagmamahal do'n. Masyado ring mataas ang tingin niya sa sarili niya porke mayaman siya."  Maraming nagmamahal sa akin! Maraming humahanga sa akin! I have my friends. I have my followers. I have my— "Alam mo ba, iyong alaga ko dati…" she paused as if she remembered something. "Masungit din iyon. Minsan pakiramdam ko, may galit siya sa mundo. Wala rin siyang pakialam sa iniisip ng iba. Pero naniniwala akong hindi siya ganoong tao." Kumunot naman ang noo ng lalaki ng banggitin iyon ng kanyang lola. "Bakit naman po, La?"  "Dahil naiintindihan ko kung bakit ganoon siya. Alam kong lahat ng pinapakita niya ay pagpapanggap lamang. Pinili niyang maging matatag at matigas ang puso sa harap ng maraming tao. Pero sa tuwing mag-isa siya, alam ko at ramdam ko kung gaano siya kalungkot."  A tear escaped from my eye when she said that.  "Paano ninyo nagawang tumagal sa kaniya sa kabila ng ugali niya?"  The old woman smiled at him. "Dahil hindi iyong maling ipinapakita niya ang tinitingnan ko. Mahal na mahal ko ang batang iyon, e." Yes, aside from my friends and my supporters, I also have Nanay Aurora who loves me unconditionally. Who would think that Nanay Aurora is the woman whom this guy calls "Lola"?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD