Kabanata 4: Secret Surprise

1396 Words
Steffi's P.O.V Convincing that guy named Yohan is one of my mission. But aside from that, Nanay Aurora is also part of my mission. I want to help her. I want to help her get out from this place. Pero paano ko gagawin 'yon kung ganito ako? Ni hindi ko makausap ng matino si Yohan. I need to think of an idea para makumbinsi ko si Yohan. Now, that I know where Nanay Aurora is, mas kakailanganin ko na ang tulong ni Yohan. Hinayaan ko na muna sila sa loob. Sakto naman na may mga bakanteng upuan dito sa labas ng bahay ni Yohan. Kung hindi ako nagkakamali, siguro ay tambayan nila ito. Iginala ko ang mata ko sa paligid. How can people stay at this place? This environment is unhealthy. Madumi, maingay, dikit-dikit ang mga bahay. Hindi ba sila nagkakasakit dito?  But one thing I also observed… they're happy. Paano nila nagagawang naging masaya sa ganitong klaseng lugar? Walang-wala ito sa buhay na mayroon ako. Somehow, I miss my life—not to mention my parents. Kung hindi ba ako umalis sa araw na ito, magiging ganito kaya ang buhay ko? Sana pala ay mas pinili kong manatili na lang. Edi sana wala ako sa lugar na ito ngayon. "At talagang sinundan mo talaga ako papunta rito?"  I quickly turn around to see him. He's now glaring at me. I rolled my eyes at him then I stood up. "Just like what I've told you, hindi kita titigilan hangga't hindi mo ako tutulungan. Ano ba ang kailangan kong gawin para tulungan mo ako?"  He remained serious. "Wala. Dahil wala akong balak na tulungan ka. Tsaka, paano mo nagawang sundan ako? Hindi naman kita nakita kanina." "I will never tell you unless you'll help me." Humalukipkip ako saka tinaasan siya ng kilay. Bigla naman siyang ngumisi.  "Ayos lang. Hindi naman din ako interesado na malaman iyon." At mabilis niyang sinarado ang pinto ng bahay nila and just leave me dumbfounded. I heaved a deep sigh. "This is so frustrating!" I exclaimed in anger. Hindi na ako nagtangka pang pumasok para kulitin siya. Nawawalan na rin ako ng pag-asang matutulungan niya ako. I have to do something.  Kinabukasan ay alas kwatro pa lang ng umaga'y gising na si Yohan. Paano ko nalaman? Rinig ko na ang tunog ng kaldero sa kusina nila. Alam kong magluluto siya. But, duh? Ganito ba araw-araw ang ginagawa niya? Hindi ba siya napapagod? Well, he's poor, so what should I expect? Naisipan kong pumasok ng bahay nila. I want to talk to him, but this time gusto kong maisiguro na makumbinsi ko siya. At dahil nga sa kaluluwa lamang ako ay nagawa kong tumagos sa dingding ng kanilang bahay. Hindi niya ako agad napansin dahil nakatalikod siya sa gawi ko. Humalukipkip lamang ako nang nakatayo habang pinagmamasdan siyang abala sa ginagawa.  Nang dumako ang pares ng mata ko sa kurtina kung saan ko nakitang lumabas si Nanay Aurora'y naisipan kong pumasok doon sa loob. I saw Nanay peacefully sleeping on the mat. Hindi ba sumasakit ang kanyang likod sa posisyon niyang iyan? Paano niya nagagawang tiisin ang sarili sa ganitong buhay? Where did her salaries go? Malaki naman ang sweldong nakukuha niya sa pagtatrabaho niya bilang kasambahay namin pero bakit hindi siya lumipat ng ibang bahay kung saan ay mas kumportable siya?  Ang liit ng kwarto nila. Sakto lang para sa kanilang dalawa. May isang drawer lang akong nakikita. Hindi ba siya naiinitan sa lagay na ito? Hindi rin nakatakas sa mata ko ang malilit na butas sa dingding ng kanilang kwarto.  "Nanay, don't worry. I'll help you get out of this place. You don't deserve to be here," I said, kahit na alam kong hindi rin naman niya ako naririnig.  Somehow, lalo ko lamang kinamumuhian ang mga magulang ko. Kung hindi nila sinisante si Nanay, edi sana nasa magandang bahay siya ngayon. Edi sana, doon siya sa amin nakatira. But, how about Yohan? Mag-isa lang ba siya rito sa tuwing wala ang kanyang lola? But duh. I don't care. Ang sama kaya ng ugali non!  Paglabas ko ng kwarto ay saktong nakasalubong ko si Yohan. Parehas kaming nagulat. Lumabas na ako ng tuluyan habang siya naman at sumilip muna sa kanyang lola na mahimbing na natutulog sa kwarto.  "Anong ginagawa mo rito? Tsaka, anong ginagawa mo sa loob ng kwarto namin?" Bakas ang pagiging seryoso ng boses niya habang tinatanong 'yon sa'kin.  "Masama bang sumilip sa loob?"  "Oo. Alam mo bang trespassing iyang ginagawa mo?"  "Excuse me!" Hindi makapaniwalang sabi ko. "What do you think of me? A thief?" Taas-kilay kong tanong sa kanya ngunit nanatiling seryoso ang kanyang mukha.  "Hindi ka talaga titigil?" He walked near me and tried to grab my arm. Confusion covered all over his face when he didn't succeed.  Ngumisi ako. "What? Hindi ka rin ba titigil na paalisin ako? You can't do that. You can never shut me out."  "Tigilan mo na ako sa kaka-ingles mo dahil dumudugo na ang ilong ko sa'yo! Tsaka ano bang dapat kong gawin para lumayas ka na? Hindi na ako natutuwang makita ka!"  "I am not happy to see you as well. I want my life back and—" "Oh, bakit sa akin ka lumalapit? Ano tingin mo sa'kin, albularyo? Magikero? Gumagawa ng himala? Tigil-tigilan mo ako sa kapraningan mo—" "Can you please shut up? Paano mo malalaman kung hindi mo ako pakikinggan?!"  Sasagot pa sana siya ngunit parehas na napunta ang atensyon namin sa kurtina ng kwarto niya kung saan kalalabas lamang ni Nanay habang nakakunot ang noo. Iginala pa niya ang kaniyang mata sa sulok ng bahay nila saka muling tumingin kay Yohan. Si Yohan naman ngayon ay halatang nagulat nang makita si Nanay.  "Sino ang kausap mo, Yohan?" nagtatakang tanong ni Nanay.  Tiningnan ako sa mata ni Yohan. Naging matulis din ang titig ko sa kanya.  "Wala po, La." Nagkamot pa ito ng batok. "Nagpa-practice lang po ako paano umakting."  Halata sa mukha ni Nanay na hindi siya kumbinsido sa naging sagot ni Yohan. I burst out in laughter. Ngayon lang sumagi sa isipan ko na parang timang nga pala siya kanina. Imagine, may kausap siya pero siya lang naman ang nakakakita.  Kita ko ang pagkunot ng noo ni Yohan habang nakatingin sa'kin. Napatingin naman sa gawi ko si Nanay. I covered my mouth to stop myself from laughing.  "Yohan? May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" tanong ni Nanay.  Umayos ng tayo si Yohan saka mabilis na naglakad papunta sa kusina. Inabala niya muna ang kanyang sarili bago sumagot.  "Wala po, La. May iniidolo kasi akong artista. Tapos grabe! Ang galing niya umakting. Gusto ko maging kagaya niya," sagot pa nito.  Dahan-dahang tumango si Nanay sa naging sagot ni Yohan.  "Nga pala, La, bakit gising na po kayo? Naingayan ho ba kayo sa akin?" tanong ni Yohan.  Umiling naman si Nanay. "Napanaginipan ko kasi iyong alaga ko. Pakiramdam ko kasi may nangyaring masama sa kaniya. Iba ang kutob ko."  Natigilan ako sa sinabi ni Nanay. Napunta sa kanya ang buong atensyon ko. "Paano niyo naman po nasabi, La?" tanong ni Yohan.  "Umiiyak kasi siya sa panaginip ko. Tsaka kaninang tulog ako, pakiramdam ko'y narinig ko ang boses niya na para bang kinakausap niya ako," paliwanag ni Nanay.  Narinig niya ako? Napunta ang tingin ko kay Yohan upang tingnan ang ekspresyon ng kaniyang mukha ngunit nagulat ako nang mapagtantong sa akin siya nakatingin. It was a suspicious look.  "Birthday niya naman sa susunod na Linggo, hindi po ba? Makikita niyo rin naman siya. Kaya dapat hindi na kayo nag-alala. Masama ho iyan sa inyo, La."  I froze when I heard what Yohan said. Paanong nawala sa isip ko iyong kaarawan ko? Oo nga. Next week na ang birthday ko. How can I celebrate it kung ganito ako? Kung nasa ospital ang katawan ko? Kung pagala-gala ang kaluluwa ko?  Tumalikod na ako sa kanila. I can hold back my tears. I don't want Yohan seeing me cry. Before I left, narinig ko pa ang huling usapan nila.  "Hindi ko nga alam kung anong susuotin ko sa party niya," ani Nanay Aurora.  "Engrande ho ba ang party niya, La?" "Oo. First time magdiwang ng kaarawan 'yon kasama ang mga magulang niya. Kaya naisipan ng mga magulang niya na gawing engrande ang kaarawan niya. Siguradong matutuwa ang alaga ko sa surpresa ng mga magulang niya." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD