Kabanata 2: Ang Pagtatagpo

1572 Words
Steffi's P.O.V: Kasalukuyan akong nasa daan ngayon. It's already evening. Hindi ko alam kung anong oras na but before I left the hospital, alas syete na roon. I think, almost an hour na rin akong naglalakad ngayon. I don't know where to go or where my feet will bring me. I should find that someone who will be my savior. I only have two months to do this task—punishment or what the hell do we call this. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako sumang-ayon, kung bakit ngayon hinahanap ko na ang taong iyon. But since I am so desperate to take my life back, then i'll do this. Two months isn't bad. Sana lang naman maki-cooperate ang taong iyon kung sino man siya. I want my life back as soon as possible! "But how can I find him kung wala namang nakakapansin sa'kin?" I asked myself. Is that guardian angel kidding me? Paano niya ako bibigyan ng ganitong task kung wala namang makakakita sa akin. I should think other way— "Aray!" sigaw ko nang may nakabangga sa'kin. "Sorry, miss. Hindi kita agad napansin. Pasensya na," sabi nito habang pinupulot ang mga basahan na nalaglag na sa tingin ko'y bitbit niya kanina. "Next time kasi tumingin ka sa dinadaanan mo!" singhal ko sa kanya saka siya nilagpasan. Dire-diretso lang ang naging lakad ko habang iniisip kung paano ko mahahanap ang taong— Wait. Did that guy just saw me? Muli akong lumingon sa lalaking nakabangga sa akin kanina ngunit hindi ko na siya naabutan. I need to find him. Nakita niya ako. Totoong nakita niya ako! I run as fast as I could hoping na maabutan ko pa siya. I can no longer remember the color of his dress, ni hindi ko nga alam ang itsura nito. "Stupid, Steff. You're so stupid!" sermon ko sa sarili ko. I should've realized it kanina pa, edi sana solve na ang problema ko. This is so frustrating! Paano ko siya makikita ulit? I don't know what time is it now. I gave up. I really can't find him. Kahit na gabi ay marami pa ring tao sa Lungsod ng Quezon. They are all busy, hindi pa rin nawawala ang traffic. Dinala ako ng mga paa ko rito sa Quezon Memorial Circle. Nang may makita akong bakanteng upuan ay umupo muna ako. Luminga-linga ako sa paligid hoping I could find that person. That person is the key for me live. Wala pa isang araw but I already miss my life. Gustuhin ko mang bumalik sa ospital kung saan ako ngayon, ayoko nang makita ang mga magulang ko roon. Baka nga wala rin sila ro'n dahil wala namang pakialam ang mga 'yon sa akin. Habang lumilinga-linga ako, naagaw ng atensyon ko ang isang grupo ng magkakaibigan. I smiled remembering my girls. Did they already know what happened to me? Binisita na kaya nila ako? Well, what happened to me will be a social media trending. Inaasahan ko nang pagkagising ko ay marami ng mga messages ang sasalubong sa'kin. Since I am a social media influencer, alam kong marami ang mag-aalala sa akin. That what popularity benefits you. Kung kanina ay may nakita akong magkakaibigan na naglalakad, ngayon naman ay isang masayang pamilya naman. They really look so happy together. "Tay, halikan mo si Inay! Kunan ko kayo ng litrato! Bilis," sabi ng isang babae na sa tingin ko'y anak nila. I think, magkaparehas lang kami ng edad. Sumunod naman ang mga magulang nito sa sinabi ng anak. Kinuha ng babae ang kanyang cellphone sa bulsa saka kinunan ng litrato ang magulang nito na sinunod ang sinabi niya. The shot is so perfect kahit hindi ko iyon nakita. I am a photographer too kaya alam kong sinakto niya ang anggulo sa musuleyo na nasa likod ng mga magulang niya. Sabay nilang tiningnan ang litrato na kinuha ng anak. "Ang ganda naman nito!" ani ng kanyang ina. Sa nakikita ko, hindi kamahalan ang cellphone na ginamit ng babae sa pagkuha ng litrato nila. But why are they so happy? "Tara na. Kailangan na nating umuwi dahil marami nang nag-aabang sa sakayan ng jeep ngayon," ani ng Tatay saka sila masayang umalis sa harap ko na sinundan ko lamang ng tingin. I sighed. My life will be so perfect kung gano'n din kami kasayang magkakasama ng mga magulang ko. But, life seems so unfair. Hindi ako masuwerte sa magulang, e. That's why wealth and popularity is what matters to me now. Hindi ko na hinihiling na maging maayos ang pamilya ko. I already have loyal friends and that's enough. But what I have to think about is, kailan ko ulit makikita ang lalaking bumangga sa akin? Sa lawak ng Lungsod ng Quezon, mahahanap ko pa kaya siya? "Miss, may kasama ka ba? Puwede ba akong maupo sa tabi mo? Kanina pa kasi ako naghahanap ng bakanteng upuan dito." Mabilis akong lumingon sa nagsalita. "Ikaw/Ikaw?!" sabay naming sigaw sa isa't isa. "Hindi ba ikaw 'yong babaeng walang puso na inalok ko ng basahan kanina? Bakit ka nandito?" Tiningnan ko siya ng maigi. Sh*t. Siya nga. Sa dami ba naman na puwedeng makakita sa akin, itong lalaki pa?! Napatingala ako sa langit. "Ano ngayon kung ako nga?" pagsusungit ko. "Tsaka, binangga mo rin ako kanina. May kasalanan ka rin sa'kin!" "Akalain mo, pangatlong beses pa lang nagsalubong ang landas natin? Nag-sorry naman ako kanina. Ikaw nga, grabe ka kung makapagsalita. Akala mo wala kang pamilya!" "Can you please stop mentioning my family here? Wala kang alam sa buhay ko, so better shut your mouth!" He laughed sarcastically. "Kawawa ka naman. Kaya siguro wala kang puso para sa ibang tao. Wala kasing pagmamahal diyan sa puso mo dahil walang nagmamahal sa iyo dahil sa ugali mo. Ang malas mo naman." I clenched my fist in anger and didn't bother to speak at him. "Ano? Wala kang masagot? Sana kapag ikaw din ang nangangailangan, sana walang mag-atubiling na tumulong sa iyo." "How dare you say that!" Ngumiti siya sa akin. "Hindi kita masisisi. Mayaman ka kasi. 'Yon nga lang, mukhang lumaki ka rin sa sama ng loob." Saka niya ako nilagpasan. Sinundan ko siya ng tingin. Biglang may kumausap sa kanya. "Sino'ng kausap mo kanina, bata? Baliw ka ba?" tanong ng isang lalaking mukhang nasa mid-30's. Sa tingin ko'y ka-edad ng daddy ko. Even me, I already forgot na hindi pala ako normal na tao. I am not visible to everyone except this boy who insulted me a while ago. Tiningnan ko siya na may ngiti sa labi—tila nang-aasar. "Ha? Kausap ko po 'yong babae na nakaupo banda ro'n," sagot niya habang tinuturo ako. Sinundan naman ng lalaki ang hintuturo niyang nakaturo sa direksyon ko. "Wala kang kausap. Wala naman akong nakikita." Hindi ko na mapigilan ang sarili ko't tumawa na lang. Kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Tumayo na ako saka nilapitan sila. Hindi naman naalis ang tingin niya sa'kin. "Sabihin mo na lang na kinakausap mo lang ang sarili mo," sabi ko nang makalapit sa kanya. Halatang nahimasmasan siya saka kumurap ng ilang beses. "A-ah wala po 'yon. Kausap ko sarili ko. Kailangan ko na kasing maibenta itong mga dala kong basahan. Gusto mo ba? Mura lang. Kailangan ko po kasi ng gamot para sa lola ko," saad niya. Nagawa niya pang umalok, ah. Tumango-tango naman ang lalaking kausap niya saka kinuha ang wallet na nakasilid sa loob ng bulsa niya. "Magkano ba? Mukhang wala ka na talaga sa sarili mo. Umuwi ka na dahil baka hinihintay ka na ng lola mo," sabi nito at naglabas ng limang daang piso. How can a stranger trust this boy? What if he's lying and just pretend na may sakit ang lola niya? Duh. "Ilan po ang bibilhin ninyo?" Umiling naman ang lalaki sa kaniya. "Hindi na. Bigay ko na iyan. Puwede mo pang ibenta 'yan bukas. Umuwi ka na," sabi nito saka inabot ang limang daang piso. "Maraming salamat po. Malaking tulong na po ito sa akin, lalong-lalo na sa lola ko," aniya saka tinanggap ang perang inaabot sa kanya. "Walang anuman. Mukha ka namang mabait na bata. Wala akong anak, e. Wala namang masama kung tumulong ako sa hindi ko kakilala. Basta, huwag mong iiwan ang lola mo. Ipagpatuloy mo ang ginagawa mo." Nakangiting tumango naman ang lalaki. "Opo, sir. Mahal na mahal ko po ang lola ko, e. Maraming salamat po. Uuwi na rin po ako," aniya. Nagpaalam na rin ang lalaking tumulong dito sa lalaking kasama ko. Magpasalamat siya dahil kung hindi dahil sa'kin, baka walang lumapit sa kaniya at tulungan siya. Hinintay ko munang ilagay niya ang pera sa loob ng bag niya saka ako nagsalita. Baka kasi nakakalimutan niyang kasama niya ako. "Well, you owe that to me. If not because of me, hindi ka tutulungan ng taong 'yon," sabat ko. Ramdam kong natigilan siya saka dahan-dahang lumingon sa akin. Muling nanlaki ang mata niya. "Lumayo ka sa akin bago pa ako mapagkamalang baliw ng mga tao rito," sabi niya sa akin habang lumilinga-linga sa paligid. "Hindi kita titigilan hangga't hindi mo ako tutulungan. Humalukipkip ako. "You will help me even if you want or don't want to." He sighed and even shook his head. Akala ko'y sasagot siya ngunit mabilis itong tumakbo palayo sa akin. "Grrr!" I exclaimed in so much frustration. Kinalma ko muna ang sarili ko bago siya hinabol at baka mawala na naman siya sa paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD