Kabanata 1: Sampung Kahilingan

1142 Words
Steffi's P.O.V: Pagdilat ko ng aking mga mata'y isang puting ilaw ang sumalubong sa akin. Nakakasilaw ito. Ikinusot ko pa ang mga mata ko saka unti-unting bumangon sa pagkahiga. Nasaan ako? "Doc, tinawagan ko na po ang mga magulang niya. Ang sabi po nila ay papunta na sila." I looked at her. Base sa suot niya, masasabi kong nurse siya rito at ang kausap niya ay doktor? Wait. Why am I here by the way? Naglakad pa ako at saka pinagmasdan ang ibang mga pasyente na nakahiga sa hospital bed. Pakiramdam ko'y masusuka ako. All nurses and doctors are busy. Pero bakit tila walang nakakapansin sa presensya ko? Hey people, are you blind? Biglang bumukas ang pinto ng kwartong ito at iniluwa ng pinto na 'yon ang mga magulang ko. They look worried. My mom is crying, and Dad is calm but seems worried. Ano'ng ginagawa nila rito? "Doc! Nasaan ang anak kong si Steffi? Iyong naaksidente kanina. Kami po ang magulang niya," Dad said nang makasalubong niya ang isang doktor. "Good you're here. Samahan ninyo ako," the doctor calmly said. Sumunod naman ang mga magulang ko sa kanya. Steffi? I am Steffi—sino ba ang Steffi na tinutukoy nila? Damn. This is so frustrating! Out of curiosity ay sumunod ako sa kanila. Sino kaya ang pupuntahan nila? Wait. Papunta ba sila sa kaninang hinigaan ko? I froze when I realized something. The road. The car. The truck. The loud horn. I immediately checked myself. I am still wearing my clothes. Wala naman akong nararamdamang sakit sa katawan. Not unless… "Your daughter is in critical condition. Masyadong malakas ang impact ng hampas sa ulo niya which affects her brain. We need to undergo different tests at kailangan niya rin ma-CT scan as soon as possible," the doctor said. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. I am not ready for this. Am I even dreaming? Nang makalapit ako sa kanila'y dumako ang tingin ko sa hospital bed where my body is lying now. Duguan ang damit nito at nakapikit ang mata. Beside her is an oxygen and a vital sign monitor. I am still breathing but why am I here? I shook my head in disbelief. No, this can't be! "Please do everything to save my daughter," umiiyak na sabi ni Mommy. My dad remained silent at walang tigil na pinapatahan ang mommy ko. No, I am here. This is not true! "We'll do everything we can. I have to go to process her CT scan right away." Pagkatapos sabihin ng doktor iyon ay umalis na ito. Mabilis na lumapit si Mom sa katawan ko. She held my hand. "Anak, please. Please magpagaling ka. Hindi namin kaya ng daddy mo na makita kang ganito," umiiyak niyang sabi. Gustuhin ko mang umiwas ng tingin ay hindi ko naman magawa. Wala akong naramdaman na kahit na anong awa for them. Malay ko ba na baka nagpapakitang-tao lamang sila. Ngayon pa sila nagkaroon ng pakialam? Really. Shame on them. For sure magiging maayos din naman ako. But what am I going to do now? People can't even see me. I want my life back! Wait, does my girls know about what happened to me? Bakit wala sila rito? Where are my things? Damn. Tumalikod na ako sa kanila. I hate dramas—especially when it's fake. "Anak, alam namin na nagkulang kami ng mommy mo sa'yo… Pero anak, ginagawan naman namin ng paraan para bumawi. Next week birthday mo na, kailangan mo nang gumising. Please give us a chance to make it up with you. We can't lose you…" I froze when I heard my dad speak. "You never loved me. You never cared for me. I hate you. I hate you both—and I'll forever regret na kayo ang naging magulang ko. Hanggang sa kamatayan, hinding-hindi ko kayo patatawarin," I said though I know they won't even hear it. Biglang sumikip ang dibdib ko kasabay no'n ang pag-panic ng mga magulang ko. Mabilis akong lumingon and saw my vitals going down. "Doc! Doc! Ang anak ko!" "Please help us!" My parents shouted. Hawak-hawak ni Mommy ang kamay ko. No, hindi ako puwedeng mamatay. Hindi! "Save me, please! I don't wanna die!" sigaw ko—losing hope. Pinalibutan ako ng mga nurse at ang doktor na kinausap ng mga magulang ko kanina. They are trying to revive me. No, I need to live! Kailangan ko pang mabuhay. I still have a lot of things to do! "No—" "Steffi, your time is over." I immediately turn around to know who spoke. Kung sino man siya, alam kong nakikita niya ako. She's wearing a white dress. She's even glowing. Maputi ito, mahaba't kulot ang buhok. "Who are you?" "I am your guardian angel. Your time here on earth is over." "No! I need to be alive! Ni hindi ko pa nga naaayos ang buhay ko! Kailangan ko pang hanapin si Nanay. You can't take my life!" Nanay was the only person who understands me. Siya ang naging kasama ko sa bahay when my parents are not around. Siya ang tumayong ina ko. Sa lahat ng tao, siya lang ang nakakaintindi kung bakit ako ganito. She's the only person I treasure. Pero nang makauwi ang magulang ko galing Paris ay sinisante na nila ito without even informing me. My nanay knows me better than my real parents. It's been a month since the last time I saw her, and I promised to myself na hahanapin ko siya no matter what it takes. But how can I do it kung hanggang dito na lang ako? "Pero wala ka nang magagawa." "I can do whatever I want." She shook her head. "Hanggang sa huling oras mo ay hindi ka pa rin nagbabago?" "Why will I change myself? People around me are the ones who made me this kind of person! Sinasabi mo iyan dahil hindi mo ramdam ang nararamdaman ko!" singhal ko sa kanya—not even thinking about who she is. "You really still want to live?" she asked. I nod at her. "Sinong tao ba ang ayaw mabuhay?" "Then…" She smiled. "You need to grant at least 10 wishes to someone in exchange for your life," she said. "Are you kidding me?! Sa tingin mo may supernatural powers ako to do that?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango naman siya. "Bad wishes is bad. Kapag hindi ka nagtagumpay, hindi ka na mabubuhay. You have two months to do that." Well, easy. Puwede namang humiling 'yong tao na iyon ng dalawang beses sa isang araw. I believe I can make it. But wait— "Who's that someone?" kuryosong tanong ko. "You'll find out." Then she immediately disappeared. Paglingon ko'y maayos na ulit ako. My vital signs went back to normal. Wala na rin dito ang magulang ko. I wonder where they are.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD