Steffi's P.O.V: Kinabukasan ay maaga akong nagising. This will be my first time working on our hotel as a housekeeper, even if I don't want to. Hindi ko lubusang maisip na ganito ang magiging unang trabaho ko sa mismong hotel na pinagmamay-arian ng mga magulang ko. I know how to be fair that's why I applied for a work as a housekeeper, the only thing that isn't fair ay iyong s*******n kong pangungumbinsi kay Ysabelle to hire me. That's not the right ethic to do, but I left no choice. Una akong nagising kay Nanay. Nang lumabas ako ng kwarto ay naabutan kong nagsasaing si Yohan. Kumunot pa ang noo niya nang makita ako. Hindi ko naman siya pinansin at dumiretso na lang sa banyo at doon na rin nagbihis. Nang lumabas ako ng bathroom ay sumilip ako sa orasan. Mag-aalas sais na pala ng umaga.