APPLE:
NANGILID ANG LUHA kong ginagap ang kamay ni nanay na wala pa ring malay. Ayon sa doctor nito, kahit stable na ang lagay nito ay hindi pa rin daw kami pwedeng pakampante sa kanyang sitwasyon.
"Nay, kumusta po kayo? Laban lang po ha. Gumagawa na kami ni tatay ng paraan para mapa-opera kayo at gumaling. Hwag niyo lang po kami iiwan" napalapat ako ng labi na napayukong hinayaang tumulo ang luha.
Napahigpit ang kapit ko sa kanyang kamay na hindi na mapigilan ang sariling mapahagulhol. Sobrang bigat sa dibdib bilang anak na wala kang magagawa para isalba ang buhay ng iyong magulang. Kung sana ipinanganak akong mayaman? Madali lang ang lahat sa sitwasyon ngayon ni nanay. Dahil may nakahandang pera na anumang oras ko kailanganin ay nandidyan lang.
Pero hindi eh. Pinanganak akong mahirap na hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Ni hindi ko maalala kung nakapagtapos ba ako ng sekondarya? Mapait akong napangiti na nagpahid ng luha.
"Lahat po gagawin ko mapag-ipunan lang ang halagang kailangan niyo para sa operasyon. Kaya ko pong tiisin Nay, mabuhay lang kayo. Mahal na mahal ko po kayo" pagkausap ko dito na nagpahid ng luha.
"Mis Apple Batumbakal?" napalingon ako sa likuran ko nang may baritonong boses ang nagsalita mula doon.
Napatayo akong napapahid ng luha na napakunotnoong may tatlong pulis ang nandidito.
"Yes Sir, ano pong kailangan niyo?" magalang tanong ko.
Nagkatinginan pa ang mga ito na tila nagtuturuan kung sino ang magsasalita. Napalunok akong nilukob ng kakaibang takot at kaba sa dibdib sa nakikitang reaksyon sa mga itong tila may dala silang hindi magandang balita.
"Uhm, ma'am. Pasensiya na po kayo. Pero nasa prisinto namin ang ama niyo"
"Po?!"
"Ma'am, pinagtangkaan ng ama niyo na patayin si mayor kanina lang. Kaya ngayon nakakulong siya sa ginawang attempted murder kay mayor. Kung gusto niyo pong maayos ang kaso ng ama niyo, maari po kayong sumama sa amin" ani ng isang pulis na ikinalunok ko.
Napasapo ako sa ulo. Hilong-hilo sa mga nangyayari. Kung paanong pinagtangkaan ni tatay ang buhay ni mayor at ngayo'y nakapihit siya sa kulungan. Para akong matatakasan ng bait. Kahit paulit-ulit kong inaalisa sa utak ko ang mga nangyayari ay hindi mag-sink in ang mga ito. Para akong pinipiga sa braincells ko na ikinakikirot ng ulo ko!
"Ma'am, okay lang po na kayo?" untag sa akin ng isang pulis na ikinabalik ng naglalakbay kong diwa sa kawalan!
"Sasama ako Sir" aniko na natutulala.
TAHIMIK AT TULALA akong sumakay sa patrol ng mga itong nagtungo ng prisinto kung saan nakapihit si tatay. Hindi ko mapigilan ang mga luha kong nagsisilaglagan habang nakamata sa labas ng bintana at hindi na alam kung sinong uunahing tulungan sa mga magulang ko. Sa laki ng halagang kakailanganin ko para sa operasyon ni nanay ay napaka-imposibleng makakahagilap ako ng kalahating milyon sa loob ng isang buwan. Idagdag pa ang pagpyansa ni tatay sa kasong kinakaharap.
Napatampal ako ng noo. Parang mahihibang na sa mga nangyayari. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Mariin akong napapikit na napapahinga ng malalim para kalmahin ang isip at puso ko at makapag-isip ng tama.
"Ma'am, nandito na po tayo" untag sa akin ng kasama kong pulis na ikinamulat kong napahilamos ng palad sa mukha at nagpahid ng luha sa aking mga mata.
"Thank you" mahinang saad ko sa pagbukas nito ng pinto at pag-alalay sa aking makalabas ng kotse.
Napalinga ako sa paligid. Mapait na napangiting napasunod sa tatlong pulis na pumasok ng headquarters ng mga ito. Nangangatog ang mga tuhod na lumapit ako sa kulungan ng mga ito na tinawag si tatay.
"Lupicito Batumbakal, nandito ang anak mo" pagbibigay alam ng pulis na ikinalapit ni tatay.
Napaawang ako ng labing makitang puro pasa ang mukha nito at may mga bahid pa ng dugo ang suot nitong damit. Napahagulhol akong inabot ito mula sa mga rehas na napapagitnaan naming mag-ama.
"Tay! Bakit huh?" humahagulhol kong tanong. Napahagulhol din itong mahigpit na hinawakan ako sa mga kamay ko.
"Anak, makinig ka kay tatay huh? Ano't-ano man ang mangyari, hwag na hwag kang papayag makipag-areglo kay mayor kung ikaw naman ang kapalit. Hwag na hwag kang lalapit sa kanya naiintindihan mo?" tumango-tango akong napapalapat ng labing patuloy sa pag-iyak na nakamata lang dito.
Inabot nito ang mukha ko at pinahid ang luha ko. Mapait itong napangiti na kita ang awa, lungkot at takot sa kanyang mga mata.
"Patawarin mo si tatay. Naghihirap ka ng dahil sa amin ng nanay mo. Hwag mo akong alalahanin dito anak, kaya kong magtiis. Kayo ng ina mo ang inaalala ko" mabilis akong umiling na hinaplos ito sa magkabilaang pisngi at pinakatitigan sa kanyang mga mata.
"Hwag mo kaming alalahanin ni nanay, Tay. Gagawan ko ng paraan para mailabas ko kayo kaagad dito. Kahit ano papasukin ko makahagilap lang ng perang magagamit niyo" napalapat ito ng labing napayukong yumugyog ang balikat.
Napahagulhol akong nakamata dito. Awang-awa ako kay tatay ngayon. Masyado na siyang matanda para magdusa dito sa loob ng kulungan! Lahat gagawin ko mailabas ko lang siya dito. Para akong nabuhayan ng dugo na maalala ang perang binigay sa akin nung gwapong lalake kanina sa hospital!
"Um, Tay sandali lang po" kaagad akong bumitaw dito at nagtungo sa front desk para maitanong kung magkano ang pyansa ni tatay.
"Ahm, excuse me Sir" pag-aagaw attention ko sa pulis na nakaupo ditong napaangat ng mukha mula sa computer na kaharap.
"Yes ma'am?" magalang sagot nito na may matamis na ngiti.
"Uhm, Sir magkano po ang pyansa ni Lupicito Batumbakal?"
"Batumbakal?" anito na may ni-check sa computer nito.
"Hmm.... Ma'am nasa 50 thousand po ang kakailanganin niyo para makalabas si mr Batumbakal" anito na ikinalaglag ng panga kong napakapa sa perang nakasilid sa bulsa ng jogger pants ko.
Napapalunok akong nangangatal ang kamay na isa-isang binilang ang perang ibinayad sa akin. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko na napapalapat ng labing binibilang ito!
"Oh my God. Salamat po Diyos ko" bulalas kong napaluhang mabilang na nasa fifty thousand pesos ang ibinayad sa akin!
"Um Sir, heto po. Pwede ko ba siyang i-release ngayon?" aniko na inabot ang pera ditong napaawang ang labi at alangang tinanggap ang perang muling binilang.
MATAPOS KONG mapyansahan si tatay ay hinatid ko muna ito sa hospital at iniwan dito ang perang natitira sa akin na bigay ni Peach. Mukhang blessings in disguise pa ang nangyari na nakabunggo ko ang gwapong binata na 'yon na siyang dahilan kaya nailabas ko kaagad si tatay ng kulungan. Habang nakasakay ng jeep pabalik ng club ay natutulala ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Kahit nakahinga ako bahagya na nakalaya si tatay ay may kaso pa rin itong kinakaharap laban sa kampo ni mayor. Napahinga ako ng malalim na bumaba na ng jeep na makitang nasa tapat na ako ng Mariposa Strip Club.
Napatingala ako sa logo nito. Mapait na napangiti pero dito ko nakikita ang pag-asang, makakapagligtas sa mga magulang ko sa madaling panahon. Mariin akong napapikit at ilang beses humingang malalim.
"Kaya mo 'to Apple. Lahat ng pagsubok kakayanin mo. Ang mahalaga sa legal na paraan mo kitain ang perang gagamitin mo" piping usal ko na napabuga ng hangin bago humakbang papasok ng club.