APPLE:
MAAGA PA LANG ay nagising na ako na kumakalam ang sikmura. Kakamot-kamot akong bumangon at nagtungo ng banyo para gawin ang morning routine ko bago lumabas ng silid at nagtungo ng kusina. Napalunok ako na maabutan ko dito si Melon na nagkakape habang nakatutok sa kanyang cellphone. Kabado akong lumapit sa kanya at nagtimpla ng kape ko. Hindi naman ito namamansin na tutok na tutok sa ka-chat nito online. Lihim akong napangiti na mapasadaan ang itsura nito. Wala na siyang make-up na suot at nakalugay lang ang mahabang buhok. Napakakinis ng balat mula ulo hanggang paa na walang ni anong peklat sa katawan. Naka-short at sando ito na terno, labas na labas na naman ang cocomelon niyang kay lulusog na ikinalakas lalo ng kanyang datingan.
"M-magandang umaga Melon" alanganing bati ko pagkaupo ko sa harapan nitong napaangat ng mukha sa akin. Napakunotnoo itong napaismid na ikinangiwi ng ngiti ko.
"Anong maganda sa umaga na ikaw ang makita?" pabalang sagot nitong bumaling muli sa cellphone.
"Sorry"
"Tsk. Umalis ka nga sa harapan ko" pagtataray nitong pilit kong ikinangiti na tumayo at kinuha na lamang ang kape kong lumabas ng kusina at nagtungo sa mini garden nitong club sa rooftop.
Napangiti akong naupo sa bench na nakaharap sa araw na papasikat pa lang. Napapikit akong ninanamnam ang sarap sa balat ng init nitong katamtaman lang.
"Nandito ka pala" napalingon ako sa malambing boses na nagsalita mula sa likuran ko.
"Hi, good morning" nakangiting bati ng mga itong may dala ding kape na nakiupo sa tabi ko.
"Good morning too. Nasungitan kasi ako ni Melon eh. Nasa kusina siya kanina. Pinaalis ako" nangingiting saad ko sa mga itong ikinahinga ng malalim ni Quince.
"Maldita talaga si Melon. Kaya hwag mo na lamang damdamin kung anong sasabihin nun. Matabing ang dila non eh" ani Quince na matamis ngumiting tinapik ako sa balikat.
"Oo nga naman Apple, masisira ang beauty mo kapag nagpaapekto ka sa mga 'yon" pagsang-ayon ni Peach na ikinangiti at tango-tango ko.
"Salamat. Mabuti na lang nandidito kayong karamay ko"
"Nemen! That's what friends are for" masigla at kwelang saad ni Quince na nakipag-apiran sa amin ni Peach.
KAHIT PAANO ay gumaan ang bigat sa dibdib ko na meron akong mga bagong kaibigan dito na nakakasundo. Matapos naming magkape habang nagkukwentuhan ng aming buhay ay magkakasama na kaming bumaba ng club para makaligo. Napagdesisyunan ko kasing bisitahin saglit sina nanay at tatay sa hospital bago magsimula mamayang tanghali na mag-rehersal at ng makapagsimula na ako sa trabaho. Kailangan ko ng kumita para makapagsimulang kumita para sa operasyon ni nanay.
Habang naglalakad ako palabas ng club ay hindi maiwasang pagtinginan ako ng mga tao sa paligid na nang-uuyam ang tingin na nagbubulungan. Marahil dahil sa isang club ako nanggaling kaya hindi maiwasang mababang uri ng babae at bayaran ang tingin nila sa akin. Hindi ko na lamang inintindi ang mga ito at pumara ng paparating na jeep.
Mabuti na lang may extra pocket money si Peach na nagawang pahiraman ako ng perang magagamit at maiaabot ko kay tatay sa hospital. Mariin akong napapikit na isinandal ang sarili. Kabado akong ipagtapat kay tatay ang trabahong pinasok ko. Panigurado kasing magagalit 'yon kaya kailangan ko pang gumawa ng kwento kung saan ako magtatrabaho dahil tiyak na hindi siya papayag mamasukan akong dancer sa isang club kung saan halos ipakita sa lahat ang aking kaluluwa!
Hindi ko naman gusto ang ganong trabaho. Pero kung sa paraan na 'yon ko madaling mahagilap ang pera na kakailanganin ko para sa operasyon ng ina ko? Bakit hindi. Sabi ko nga, mas kakayanin kong mawalan ng iniingatang puri at dangal kaysa mawalan ng ina na siyang nagbigay ng buhay sa akin dito sa mundo.
Nagmamadali akong pumasok ng hospital nang may makabunggo akong ikinatapon ng dala nitong kape sa dibdib kong ikinatili ko sa sobrang init!
"Ahhh! Ang init!"
"Sorry mis, does it hurt?"
"Tang-ina--" nabitin ang pagmumura ko sana dito nang magtama ang aming mga mata.
Napalunok akong natigilan katulad nito na matamang nagkakatitigan sa aming mga mata. Dinig na dinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko na hindi ko na matanggal ang pagkakatitig dito.
"Are you okay mis?" untag nitong nangingiting napapisil sa baba kong isinara ang pagkakanganga ko!
"Um, b-bitaw nga!" inis kong tinabig ang kamay nitong mahinang ikinatawa nito.
Napairap ako ditong bahagyang binunggo ito sa balikat na nagtungo ng banyo! Nagngingitngit ang mga ngipin kong nilinisan ang damit kong natapunan nito ng kape!
"Kainis!" nanggigigil kong asik na kinukusot nilalabhan sa sink ng lababo ang damit kong hinubad ko. Puti pa naman na manipis kaya basang-basa at nag-mantya ang chocolate coffee nito.
"Here, use this mis. Again, I'm sorry"
"Ayt!!" napapitlag ako na may baritonong boses ang nagsalita mula sa likuran kong ikinatakip ko sa malulusog kong hinaharap na sinamaan ito ng tingin!
Napakagat ito ng ibabang labi na pasimpleng sinuri ako ng tinging ikinamilog ng mga mata kong nasugod ito!
"Bastos! Manyak! Lumabas ka dito! Mamboboso!" sigaw kong pinaghahampas ito ng damit kong sinasalo nito.
"What the fūck mis. I'm just trying to help you" inis nitong asik na hinuli ang dalawang kamay kong ikinatigil at lunok ko.
Nag-init ang mukha ko nang bumaba ang mga mata nito sa dibdib kong nakalantad sa harapan nito na ikinalunok nitong kita ang pagdaan ng pagnanasa sa kanyang kulay abong chinitong mga mata!
"Fūck" mahinang mura nitong binitawan ang mga kamay ko at isinuot sa akin ang long sleeve white polo nitong ikinaawang ng labi kong napatitig dito.
Hindi ko tuloy namalayang ito na ang nagbihis sa akin ng kanyang polong kahuhubad lang kaya tanging puting sando na lamang ang suot kung saan nakalitaw ang mga maskuladong braso at malapad nitong dibdib!
"Are you done checking on me hmm?" napabalik ang naglalakbay kong diwa na napaatras at wala sa sariling nasampal itong ikinatagilid ng gwapong mukha!
Nanlaki ang mga mata kong napaatras na makitang bumakat ng pulang marka ang palad ko sa makinis niyang pisngi! Dahan-dahan itong napalingon na naniningkit ang mga matang ikinaatras ko lalo hanggang maramdaman ang malamig na pader sa likuran kong ikinangisi lang nito na itinukod ang magkabilaang braso sa gilid ko!
"Balik" madiing utos nito sa akmang pagyuko ko para lumabas sa pagko-corner nito sa aking muling ikinatuwid ng tayo ko.
"S-sorry-ummpt!!" nanigas akong napakapit sa kanyang matitigas na braso sa paniniil nito sa mga labi kong ni minsan ay wala pang ibang labing nakakalapat dito!!
"Sa susunod tuhurin mo ako at hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin mis" anas nitong naghahabol hininga na muling siniil ang mga labi ko!
"Uhmm....so sweet huh, why can't you kiss me back hmm? Fist time?" tudyo nitong ikinangilid ng luha kong napatitig ditong nabahala at napatuwid ng tayong napahilamos ng palad sa mukha.
Tumulo ang luha kong napayuko. Dama ko ang pangangatog ng mga tuhod sa mga sandaling ito. Dinig kong ilang beses itong napahingang malalim na may hinugot sa kanyang bulsa at kinuha ang kamay kong nilapagan ng ilang lilibuhin ang palad ko!
"Here. Take it. I hate weak women. Halik lang iiyak ka na?" sarkastikong saad nitong tumalikod ng lumabas ng restroom!
Naiwan akong nakatuod sa kinatatayuan na hindi makakilos. Awang ang labing napatingin sa salaping nasa palad kong sunod-sunod kong ikinalunok na masuri kung gaano ito kakapal! Tumulo ang luha kong napalapat ng labing dinala ito sa tapat ng dibdib ko at piping nagpasalamat na may maidadagdag ako sa perang iiwan ko kay tatay dito sa hospital kahit na kabayaran ito ng pamboboso at, ang unang halik ko!