APPLE:
PALAKAD-LAKAD AKO habang napapaisip kung paano ako makakahagilap kaagad ng halagang kakailanganin namin para kay nanay. Kailangan ko na ring .agawan ng paraan ang paghaharap namin ni tatay sa isinampa ni mayor sa kanyang kaso. Idagdag pang nasa one hundred thousand pa ang natitira sa utang namin dito. Sa laki ng halagang kakailanganin ko ay para na akong matatakasan ng bait kung paano ko kikitain ang halagang 'yon!
Natigilan ako na masulyapan ang grupo ni Melon na paparating dito sa gawi ng kusina na ikakubli ko. Tiyak kasing matatarayan lang ako ng mga ito kapag nakita ako dito. Wala pa naman si Quince at Peach na kasama kong tagapagtanggol ko laban sa mga itong mapang-api.
"Gaga ang sakit pa rin ng pwēt ko! Animal naman kasi yong costumer ko kagabi! Nakalimang-rounds kami sa banyo pero isangdaang piso lang ang ibinayad sa akin ng walanghiya! Bente pesos talaga ang binayad sa akin per rounds!" dinig kong nanggigigil na saad ng isang kasama nito.
"Bruha ka talaga Jenny kaya pala ang tagal niyo sa cr kagabi. Sa likod tuloy kami humantong nung costumer kong matanda. Dalawang rounds may kainan pa akala ko naman malaki ang datung na iti-tip sa akin na kinain ko ang lutaytay niyang talong pisti fifty pesos lang pala ang isinuot sa bulsa ko!" ani ng isa pa na nandidiri ang tono.
"Hahahah atlis nasarapan ka Belle. Hindi na masama. Twenty five pesos ang isang round mo hahahah!" tawang-tawang pang-aasar ng isa pa nilang kasama.
"Paano naman ako? Bente pesos lang kinita ko dun sa kalbo kong costumer kagabi anak ng pūta unlimited kiss pa na naman ako dun kahit amoy bulok na imbornal ang hininga! Nandidiri talaga ako hanggang ngayon!" ani Airen na ikinahagalpak ng tawa ng mga kasama nito.
"Okay lang 'yan girls kaysa naman ligwak ang beauty niyong invisible na kayo lang ang nakakaalam kung saan banda nakalagay" natatawang saad ni Melon na ikinalapat ko ng labing pinipigilan matawa sa mga kasama nito.
"Joga naman. Ang sama mo talaga sa amin" reklamo nung tinawag nilang Belle.
"Hwag niyo akong artehan, nagpapakatotoo lang girls" ismid ni Melon sa mga ito habang nagkakape sila na may kasamang asaran tungkol sa mga nakasalo nila kagabi sa mga costumers nila.
"Eh ikaw Vanessa, bakit napakahaba ng nguso mo dyan?" baling nito sa isang kasamahan na binato pa nito ng tinapyas na pandesal.
"Masakit lalamunan ko Joga" namamalat ang boses na saad nito.
"Bakit?"
"Yong costumer ko kasi kagabi, sa bunganga ako tinusok eh. Walang dalang cōndōm eh ayoko namang ipasok niya ang putotoy niya sa butas ko at baka makakuha pa ako ng sakit" reklamo nitong napapahagod ng lalamunan.
"Malaki ba tip sayo?" ani Melon na ikinailing nitong naluluha.
"Nag-thank you lang. Ang walanghiya. Nalunok ko pa naman ang tamōd niyang ipinutok sa loob ng bibig ko. Tapos wala pa lang datung pang bayad sa kalibugan!" nagtawanan ang mga kasama nito maging si Melon na napapailing sa mga kasama.
"Ikaw Elvie, kumusta? Nagpalabas ka 'di ba?" baling nito sa tahimik nilang kasama. Napangisi naman itong tumango-tango.
"Oo, pero gāgo 'yon. Tricycle pala ang dala akala ko pa naman de kotse na. Anak ng pūta buti sana kung nag-lodge kami para naman sulit pero sa bording niyang bulok naman ako dinala. Magdamag akong iniyōt limang daan lang ang binayad sa akin eh nagkagasga-gasgas na ang pūki kong pinaluwag nito lalo kahit pwēt at bibig ko hindi nakaligtas!" pagkukwento nitong ikinahagalpak ng tawa ng grupo.
NAPAPATAKIP AKO ng palad sa bibig habang nakikinig sa kwentuhan ng mga ito. Matapos nilang mag-agahan ay muli din silang bumalik ng kanilang silid. Saka lang ako nakahinga ng maluwag na umalis na ang mga ito at malayang lumabas sa pinangkukublian ko.
"Anong ginagawa mo dyan beshie?"
"Ayt! Anak ng palaka!" napatalon ako sa biglang pagsulpot ni Peach at Quince na mukhang mag-aahahan din.
"Okay ka lang?" ani Quince na hinawakan ako sa kamay at iginiyang maupo. Naghain naman si Peach ng sinangag, pritong itlog, hotdot at tucino na agahan namin bago naupo.
"Um, ako na ang magtitimpla" prisinta ko sa akmang pagtayo ni Quince para magtimpla ng kape namin.
"Thanks Apple"
"Thanks Apple" panabay nilang pasasalamat na ikinangiti at tango ko lang.
Habang kumakain ay naalala ko ang mga narinig kanina sa usapan ng grupo nila Melon.
"Um, may itatanong sana ako Quince"
"Go ahead bhe" anito habang nagkakamay na kumakain.
"Narinig ko lang sa usapan kanina nila Melon at grupo nito. Bakit ang baba naman ng presyo nung mga kasama niya? Ganon din ba sa atin?" napakunotnoo ito na kalauna'y napahagikhik na umiling at uminom ng kape.
"Hindi naman kasi sila mga talent ni madame. Mga backup lang sila dito, tayo kasi nila Melon, tayo 'yong mga talent nito na hindi basta-basta ang presyo kapag naki-table or inilabas tayo. Kaya hwag kang mag-alala Apple, hindi halagang sampung piso ang kepyas mo" paliwanag nitong ikinatango-tango kong pilit ngumiti.
"Pero honestly, ayoko na magpakantut. Nako hanggang table lang ang kaya ko maliban sa pag-perform sa stage" ani Peach na sarap na sarap sa kinakain. Malungkot akong napangiti na napansin ng mga ito.
"Okay ka lang ba? May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Quince. Napahinga ako ng malalim na pilit ngumiti sa mga itong napailing.
"Iniisip ko lang kung hanggang kailan ako dito sa lugar na 'to. Kung saan hinuhusgaan ng lahat ang mga nagtatrabaho dito at binabansagang mga kalapating mababa ang lipad" malungkot kong saad na nangilid ang luhang kaagad kong pinahid na ngumiti sa mga ito.
"Bhe, masasanay ka rin sa matatabil nilang dila. Ang mahalaga hindi tayo nagnanakaw, walang inaapakang dignidad ng kapwa. Sa una lang 'yan. Isipin mo na lang ang dahilan kaya ka nandidito" pag-aalo sa akin ni Quince na tumayong niyakap ako kasama si Peach.
"Makakaahon din tayo dito bhe, tiwala lang" ani Peach na hinahagod ako sa likod.
"Salamat. Pasensya na. Ang bigat lang kasi ng pinagdadaanan ko ngayon, tas dumagdag pa ang mga taong mapanghusga sa labas" aniko na nagpahid ng luha at pilit ngumiti sa mga ito.
"Basta kapag may maitutulong kami ni Peachy sayo, magsabi ka lang huh?" ani Quince na ikinatango ko.
"Salamat"
LUMIPAS ang ilang araw. Natutunan na din namin ni Peach kung paano sumayaw sa entablado. Nakakakaba pero kailangan ko na ring lumabas sa comfort zone ko. Ang sumayaw ng kapiraso lang ang suot, sa stage.
Mariin akong napapikit habang hinihintay na matapos ang kasalukuyang sumasayaw ngayon sa stage nang maramdaman ko ang ilang yabag na pumasok dito sa dressing room namin.
"Ahhh!" impit akong hablutin bigla ni Melon ang buhok ko na muntik akong isubsob sa lamesa!
"Melon ano ba! Bitawan mo ako" impit kong daing pero lalo lang humigpit ang pagkakasabunot nito sa akin. Tuwang-tuwa naman ang mga alagad nitong nagkakahagikhikan sa likod nito.
"Hoy mansanas binabalaan kita, matuto kang lumagay sa lugar mo!" asik nito na pabalang akong binitawan.
"Melon nasasaktan ako. Ano bang nagawa ko?" impit kong daing na binabaklas ang kamay nitong nakasabunot sa akin. Sa higpit ng pagkakahawak nito ay para na itong matatanggal sa anit ko!
"Anong kasalanan mo? Malandi ka masyado! Sipsip ka kay madame! Para ano huh? Para lagpasan ako ganon ba?! Ang kapal ng mukha mong pumayag maka-table si Gello gayong matagal ko na siyang na-spot-an!" nanggigigil nitong asik na malakas akong sinampal na ikinamanhid ng pisngi ko!
Hindi pa man ako nakakabawi ay sunod-sunod na akong pinagsasampal, tadyak at sabunot ng mga alipores nitong ikinasira ng ayos at maging ng costume ko!
Napayuko itong madiing oumisil sa panga kong iniangat ang mukha ko dito. Napangisi ito na napailing.
"Sa susunod, hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin mansanas, humanap ka....ng ibang target mo. Hwag, ang Gello ko. Nagkakaintindihan ba tayo?" kaagad akong napatango-tango na panay ang tulo ng luhang nakatitig dito.
"Good girl" anito na pabalang akong bimitawan at napapampag ng palad at damit.
"Let's go girls"
Hilong-hilo akong napasalampak ng sahig na binitawan ng mga ito. Sabog-sabog ang buhok, pumutok ang mga kilay at labing dumugo at maraming kalmot sa leeg, braso at dibdib! Napahagulhol akong walang nagawa na napasunod na lamang ng tingin sa mga itong tatawa-tawang maarteng umiindayog ang kanilang balakang na lumabas ng dressing room.