bc

[HOOKER SERIES 5 COLLAB] THE BILLIONARE'S EXCLUSIVE SÈX SLAVE

book_age18+
2.2K
FOLLOW
12.3K
READ
billionaire
dark
HE
arrogant
badboy
heir/heiress
bxg
campus
lies
like
intro-logo
Blurb

**Pinagtangkaan siyang gahasah!n ng ama-amahan kaya tumakas ng mansion. Sa kasamaang palad ay nahagip siya ng humaharurot na kotse at iniwanang nag-aagaw buhay sa gitna ng madilim na kalsada! Ang dalagang heredera ay mawawalan ng memorya at aampunin ng mag-asawang mahirap. Pero hindi naging madali ang lahat kay Apple. Dahil kung gaano kabait ang Tatay nito ay kabaliktaran naman sa kanyang Nanay na inaalila ang dalaga sa bahay. Hanggang sa magkasakit ang kanyang Nanay at nangangailangan ng malaking halaga!

Kapit sa patalim ay pumasok si Apple bilang stripper sa isang Stripper Club sa bayan para madaling makalikom ng pera. Dito ay makikilala ang binatang bibili sa kanya mula sa Club at mag-aahon sa kanya sa kahirapan. Pero kung kailan matututunan na nilang mahalin ang isa't-isa. . . ay saka naman unti-unting manunumbalik ang ala-ala ni Apple. Kung sino siya? At higit sa lahat. . . maaalala nito ang pagkakakilanlan ng taong nakabundol sa kanya!

Ano ang magiging epekto ng pagbabalik ng mga ala-ala ng dalaga. . . sa pagmamahalan nila ng bumili sa kanya para maging exclusive sexslave ng binata!

**Meet Apple Berry Wicharat from Hooker Series Collaboration!**

chap-preview
Free preview
Aksidente
APPLE BERRY WICHARAT: MARIIN AKONG NAPAPIKIT. Yakap ang larawan nila mommy at daddy habang nakatayo dito sa harapan ng kanilang puntod. Ang sanay masayang pagbabakasyon ng mga ito abroad ay napunta sa malagim na aksidenteng hindi ko kayang tanggapin. Papunta na dapat si mommy at daddy ng Hawaii para sa kanilang celebration ng ika-20th anniversary nila. Pero heto at iyon na pala ang magdadala sa kanila sa kanilang huling hantungan. Dahil maulan ngayon at madulas ang kalsada. Nawalan ng preno ang sasakyang gamit ng mga ito, dahilan para tumaob at sumalpok sa malaking puno ang kotseng gamit nila. "Apple hija. Let's go. It's getting dark" ani tita Christy. Ang kapatid ni daddy. "Mauna na po kayo" walang emosyong saad ko. Napahinga ito ng malalim na tinapik ako sa balikat bago umalis. Naiwan akong mag-isa. Luhaan. At bagsak ang balikat na nakatayo dito sa harapan ng puntod ng mga magulang ko. Nanghihina akong napaluhod kasabay ng isa-isang pagbagsak ng patak ng ulan. Napapikit akong yakap ang picture frame ng mga ito. "How can I live my life without you two? Bakit kailangang sabay kayong iwanan ako? Paano na po ako ngayon? Sinong mag-aalaga sa akin?" pagkausap ko sa mga ito. Napahagulhol akong yumuko. Hanggang ngayon ay hindi matanggap ang nangyari sa mga ito. Para akong sinasaksak sa puso sa tuwing iisipin ang bukas na wala na ang mga itong makakagisnan ko sa umaga. Wala ng maingay at makulit na ina na taga-gising sa akin sa umaga. Wala na akong malambing na ama na laging binibigay anuman ang gusto kong ipabili dito. Mag-isa akong anak ng tanyag na mag-asawang negosyanteng si Cherry at Franco Wicharat. ILANG ORAS din akong nanatili sa cemetery. Magdidilim na nang akayin ako ni manong Elton. Ang personal driver at bodyguard ko palabas ng cemetery. Tahimik ako buong byahe. Walang kalakas-lakas na ultimo magsalita ay hindi ko magawa. Bagsak ang balikat kong pumasok ng mansion. Naabutan ko naman si tita Christy na nasa sala. Prenteng nakaupo sa sofa habang umiinom ng wine. "Apple?" pagod ang mga matang sinulyapan ko ito at hinintay itong lumapit. "Are you okay my niece?" nag-aalalang tanong nito. Pagak akong natawang napailing ditong natigilan at namutla. "Sorry for being sarcastic Tita but, do I look like I'm okay? Namatay ang mga magulang ko sa isang iglap. How can I'll be okay huh?" sarkastikong tanong ko ditong tumulo ang luha. "Apple, nandito ako. Para saan pa na nandidito ako kung hindi kita matutulungan" mahinahong saad nitong napahawak sa mga kamay ko. Mapait akong napangiting nagpahid ng luha. "Thank you Tita Christy. Please try to understand me. Hindi ko na po alam kung anong dapat gawin, at maramdaman sa mga sandaling ito" napayuko akong ikinahinga nito ng malalim na tinapik ako sa balikat bago niyakap nang mahigpit. Napahagulhol akong sumubsob sa balikat nito. Iniiyak lahat ng sakit at bigat sa dibdib ko sa pagkawala ng mga magulang ko. "You are not alone Apple. Nandidito ako, na mangangalaga sayo" napabitaw ako ditong nagpahid ng luha. Kunot ang noong napatitig ako dito. "W-what do you mean Tita?" nalilitong tanong ko ditong napangiting humaplos sa ulo ko. "From now on? I am your legal guardian. You're only seventeen hija. Hindi mo pa pwedeng makuha, ang mana at mga ari-arian niyo habang wala ka pang eighteen" napahinga ako ng malalim na matabang napangiti. "I don't fūcking care about those things anymore Tita. Anong saysay na tagapagmana ako? Kung wala na ang mga magulang ko" pilit itong ngumiting napahinga ng malalim. "I understand how you feel right now Apple. Ako ng bahala, sa negosyo at mana mo" "It's up to you Tita. Do whatever you want. I won't mind" pagod kong saad na tumalikod ng umakyat ng hagdanan papuntang silid ko. DAYS PAST. Lagi akong nagkukulong sa silid. Kahit anong kulit sa akin ni tita Christy na lumabas. Magpaaraw, magpahangin, magliwaliw ay hindi niya ako mapilit. Wala akong kagana-gana sa lahat. Na kulang na lang ay tapusin ko na rin ang buhay ko at sundan ang mga yumaong magulang ko. Until one day. Habang nakatambay ako ng sala. Nanonood ng movie para magpaantok nang bumukas ang pinto at niluwal non si tita Christy na may kayakapang lalake. Nangunotnoo akong napatitig sa mga itong naglalampungan at hagikhikan na pagewang-gewang ang lakad at kitang mga lasing. Naningkit ang mga mata ko. Kailan pa siya nag-uuwi nh lalake dito sa mansion? "Apple. Good to see you here hija" masiglang saad nitong napapahagikhik sa pangungulit ng lalakeng kasama nitong nakayakap dito. Na tila walang pakialam kahit may ibang taong kasama nila. "Who is he Tita?" pormal kong tanong. Napaayos ito ng tayo na matamis ngumiti. "Apple, he's your tito Juancho. From now on? He's living with us. Okay?" napaawang ang labi kong nagpalipat-lipat ng tingin sa mga ito ng kasamang napakalapad ng ngisi na nakamata sa akin. Napatitig ako dito. Sa uri ng tingin at ngiti nito ay kinikilabutan ako. Para niya akong pinagnanasaan sa isip-isip nito kung makatitig. "Hi Apple. Juancho" pagpapakilala nitong nakangiting naglahad ng kamay. Napangiwi akong hindi ito pinansin na bumaling kay tita. "Can we talk Tita?" "Yeah. We're already talking. Didn't we?" anito. Napangisi akong humalukipkip. Nahihiya namang nagbawi ng kamay ang lalake nitong napakamot sa batok na hindi ko pinansin lalo na ang tanggapin ang pakikipagkamay nito. "Okay. Let's talk here" makahulugang saad kong ikinapalis ng ngiti nitong bumitaw sa pagkakayakap sa kasama nito na hinila ako palayo sa boyfriend nitong nagniningning ang mga matang napapagala ng paningin dito sa kabuoan ng mansion. Napahilot ito ng noo na problemada ang mukhang napatitig sa akin. Napahalukipkip akong napahingang malalim. "Tita. Hindi ko kayo pagbabawalan makipagrelasyon. Pero ibang usapan na ang magpatira kayo ng ibang tao dito sa mansion" mahinang saad ko. Napasulyap naman ito sa kasintahanan na napangiti. "Hindi na siya iba sa atin Apple. I know him, mapagkakatiwalaan natin siya kung 'yan ang inaalala mo" "Really? Look at him Tita. Daig pa niya ang mga gangster sa kanto ang itsura. At wala akong tiwala sa kanya" prangkang sagot kong ikinatigil nito. Awang ang labi na napatitig sa akin. "Mabait si Juancho hija. Bigyan mo naman ng pagkakataon 'yong tao para sa akin. Please?" pakiusap nitong napahawak sa kamay ko. "Mabait? Mukha nga siyang hindi gagawa ng matino Tita. I'm pretty sure, pera lang ang habol niyan" "Apple" napahinga ako ng malalim sa nagbabantang tono nitong pagbanggit sa pangalan ko. "Fine. But never cry to me once that guy fool's you one day. Cause when that day happens? You only hear four words from me" sumusukong pagsang-ayon ko "I. Told. You. So" LUMIPAS ANG MGA ARAW. Dito na nga tumira sa mansion ang kinakasama ni tita Christy na si Juancho. Mukhang sinabihan ito ni tita na hwag naglalalapit sa akin kaya lumalayo kaagad ito sa tuwing nasa paligid ako. Bagay na ipinagpapasalamat ko. Dahil hindi ko kayang masikmura, ang pagmumukha at prehensya nito. Hindi ako komportable sa kanya. Malakas ang kutob kong, hindi siya mapagkakatiwalaang tao. Isang gabi habang nasa kalagitnaan ako ng paninimbing. Naramdaman kong tila may nakatutok na mga mata sa aking ikinagising ng aking diwa. Napabalikwas ako na pagdilat ay nabungaran si Juancho sa gilid ng kama kong matamang.... pinagmamasdan ako!! "Tito!?" napaupo akong napakunotnoo na napatitig ditong ngumising napadila ng ibabang labi! Napalunok akong nilukob ng kakaibang takot at kaba sa dibdib! Bakas sa mga mata nito ang matinding pagnanasa habang pinapasadaan ako ng tingin mula ulo hanggang paa! Kinilabutan ako sa nakikitang pagnanasa dito. Pero pilit kong pinatapang ang itsurang pinapakitang hindi ako natatakot dito. "What do you think you're doing huh!? Get the hell out of here" madiing asik kong napatayo ng kama at lumayo dito. "Bakit ba ang layo-layo ng loob mo sa akin Apple hmm?" kinilabutan akong nagsipagtayuan ang mga balahibo sa katawan. "Labas" madiing asik kong naiduro ang pinto pero napangisi lang itong humakbang palapit sa aking ikinaatras ko. Lalo akong nilukob ng takot nang mapasandal ako ng study table na ikinangising aso nito lalo. Nababalot ng pagnanasa ang mga matang pabalik-balik ng tingin sa dibdib at mukha kong ikinakilabot ko. "Labas" madiing utos ko. Pero para itong binging walang narinig! "Alam mo Apple, wala naman akong pakialam sa tita mong makunat" paanas nitong ikinatigil ko. Napangising aso itong napapadila ng ibabang labing panay ang sulyap sa dibdib kong nakalantad ang cleavage sa suot kong nighties. "Dahil ikaw naman talaga, ang gusto ko--urrgghh!" napadaing ito sa pagtuhod ko sa kanyang itlog sa akmang paghawak sa aking nakasuksok sa gilid! "I knew it. Hindi ka nga, mapagkakatiwalaan" pang-uuyam kong ikinatawa lang nitong sapo ang pāgkalalakeng natuhod ko. "Isusumbong kita kay tita" "Gawin mo. Nakakatiyak naman akong.....ako ang paniniwalaan niya sa ating dalawa" panghahamon nitong dahan-dahang lumalapit na napapangisi. Nataranta akong nadampot ang display jar ko sa ibabaw ng mesa at malakas na naihampas sa ulo nito nang akmang hahawakan ako nito! Natuod akong mapasunod ng tingin ditong dahan-dahang bumagsak ng sahig na nakadilat ang mga mata! Sa lakas ng pagkakahampas ko ng vase dito ay nabasag itong....ikinaagos ng masaganang dugo sa kanyang ulo! "Oh my God! Napatay ko ba siya!?" gimbal na bulalas kong nanginginig ang katawang napatakbo palabas! Gulong-gulo. Takot na takot. Wala sa sariling tumakbo akong lumabas ng mansion! Balisa na hindi malaman kung anong dapat gawin! Napahagulhol akong mabilis na tumakbo palayo. Nanginginig ang katawan ko na sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Para akong nalulutang sa kaisipang....may napatay ako! Basang-basa ng pawis, hinang-hina, at hinihingal akong napatigil sa gitna ng kalsada. Ni hindi ko na namalayan kung nasaan ako. Napalinga ako sa paligid na lalong ikinagimbal kong masuri ang kinaroroonan ko! Walang kabahayan sa malapit. Madilim na tanging ang liwanag na nagmumula sa bilog na buwan ang nagbibigay liwanag sa paligid! Napahagulhol akong napayakap sa sarili. Para akong mawawalan sa katinuan. Takot na takot na hindi malaman kung anong gagawin! Napapihit ako paharap sa likuran ko nang mailawan ako kasabay ng hugong ng papalapit na sasakyang ikinamilog ng mga mata kong mabungaran ang humaharurot na kotse! Namanhid ang buong katawan kong naramdaman ang sariling umangat sa ere bago malakas ang impact na bumagsak ng kalsadang ikinanigas ko! Umiikot ang paningin ko at dama ang matinding pagkirot ng ulo kong umaagos na sa harapan ko ang sariling dugo! Napatitig ako sa kotseng huminto at pilit kinabisa ang plate number nito bago nagpatangay sa unti-unting pagsara ng mga mata ko. "AYT596. Black Mclaren" CLAUDE IVAN MADRIGAL: I WAS SHOCKED. Nanginginig ang katawan na nakamata sa katawang nakahandusay sa kalsadang.....nabundol namin. Napasapo ako sa ulo na tumulo ang luha. "Damn dude! P-patay na yata!" natutulalang bulalas ni Jace. Ang nasa backseat namin ni Miggy na driver. "C-Claude, check mo naman dude" "Ano?! Bakit ako? Ikaw na lang!" asik ko kay Miggy na nakasilip din sa rear view mirror ng kotse at kita naming hindi na nga gumagalaw ang babaeng nabangga namin. "Ako na" ani Jace na bumaba ng kotse at nilapitan ang babae sa 'di kalayuan. Napalapat ako ng labing nahihipnotismong bumaba rin ng kotse at lumapit sa mga itong dinama ang pulso ng babae sa leeg kung humihinga pa. "How is she?" napatingala itong umiling na ikinanigas kong napalunok. "Let's go. It's too late. She's not breathing anymore" untag nito sa pagkakatulala ko. "Claude!!" napabalik ang ulirat ko sa pagbulyaw nitong nakabalik na pala ng kotse! Akmang tatalikod na ako nang maramdamang may humawak sa paa kong ikinanigas ko! "H-help me" dinig kong mahinang sambit ng babaeng ikinatulo ng luha ko! Hindi makakilos. At binalot ng takot ang puso! Dahan-dahan ko itong nilingon na ikinaatras kong mapatitig ditong naliligo sa sariling dugong dilat ang mga mata. Napaawang ang labi nitong tila may gustong sabihin at bahagyang gumalaw ang kamay na duguan din. "Claude hurry!!" "Jace buhay pa siya!" "Let's go mamatay din 'yan sa layo ng hospital dito dude! Tara na!" "Are you out of your mind huh!?" bulyaw kong nakwelyohan ito! Bumaba na rin si Miggy na inaawat kami at pilit pinaghihiwalay! "Damn dude she's our responsibility! Buhay pa siya! Tayo ang nakasagasa sa kanya, tao 'yan hindi hayop na basta na lang nating iiwang nag-aagaw buhay dito!" bulyaw ko sa mga itong pagak nilang ikinatawa at iling na pinagtulungan akong isinakay ng kotse! "Forget about what happened here Claude. Mamatay din naman siya, either we'll help her, or not. Okay?" ani Miggy na tinapik ako sa pisngi. Tulala akong tumulo ang luha. Hindi makakilos. Hindi makaapuhap ng isasagot sa mga ito. Napasulyap ako sa side mirror sa gilid ko na napatitig sa babaeng nakahandusay sa kalsada habang palayo na nang palayo ang kotse ko. "I'm sorry. May you rest in piece who ever you are. Patawad, hindi kita.....matutulungan" piping usal ko. Mariin akong napapikit na hinayaang tumulo ang luha.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bewitching The Daddy (Cougar Series #3) -SPG

read
147.7K
bc

Daddy Granpa

read
208.5K
bc

My Cousins' Obsession

read
178.1K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
49.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
144.1K
bc

Mahal Kita, Matagal Na

read
74.1K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
64.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook