Chapter 5: Unexpected call

1621 Words
NAPABALIKWAS nang bangon si Kana nang mapagtanto na nasa hospital siya. Pagmulat niya kasi kanina, napasinghot siya dahil parang iba nga sa pang-amoy niya ang kinaroroonan. Halos puti kaya mabilis na gumana ang ulo niya. “Hospital?! Sh*t!” Sabay talon mula sa kama. At akmang huhubarin niya ang hospital gown nang biglang bumukas iyon at iniluwa ang magulang niya kasama si Cassandra at Lily. “Oh, girl, gising ka na!” bulalas ng dalawa. “Y-yeah. What are you two doing here? Where are France and Mera?” “Umuwi lang saglit, friend.” Tumango siya kay Lily. Tumingin siya sa ina na maga ang mata. “M-Mom, what happened?” “Why didn’t you tell us about your—” “Mrs. Palma.” Hindi na natuloy ng ina ang sasabihin nang putulin iyon nang isang pamilyar na boses. Nanlaki ang mata niya nang makilala ito. Ang doctor niya na tumingin sa kanya at nag-diagnose na may cancer siya! Anong ginagawa nito dito? Nasabi na ba nito sa magulang niya kaya ganoon na lang ka-maga ang mata ng ina? Wala siyang makita na luha sa ama pero ang mata nito ay namumula. Sunod-sunod ang lunok niya nang tumingin sa kanya ang doctor. “D-doc, s-sinabi niyo na po ba?” tanong niya. Ngumiti sa kanya ang doctor bago tumango. Agad nitong pinaliwanag sa kanya na agad siya nitong pinadala sa ospital nito nang makilala siya. Pumunta lang daw ito sa ospital na pinagdalhan sa kanya noong una dahil may dinalaw na kaibigang naka-confine doon. At saktong dumating din ang magulang niya kaya agad nitong pinaliwanag sa magulang niya ang possible na nangyari sa kanya. Yeah, hindi nga siya nalasing kaya nakakapagtaka na nagsuka siya. Never pa siyang sumuka kahit na gaano pa siya kalasing. Napapikit si Kana nang yakapi siya ng ina nang mahigpit. Maging ang ama niya ay ganoon din. “Kaya ba gusto mong open ng bar para malibang ka, huh? At kaya ba bigla kang nahilig sa pag-travel nitong mga nagdaan?” naiiyak na tanong ng ina. “A-at ‘yong party na dinaluhan ng mga kaibigan mo sa villa, p-para ba ‘yon sa ‘yo, anak?” Kagat ang labi na tumango siya sa ina. “Oh, Kana… baby.” Isang mahigpit na yakap ang sumunod na ginawa ng ina mayamaya. Dahil sa nalaman ng ina, kinausap nito ang ama at hiniling na sundin ang lahat nang kahilingan niya. As in lahat-lahat. Pero hindi siya na-check up ng mga sandaling iyon dahil biglang nasira ang MRI scanner ng ospital na iyon. At dahil nahuhulaan na niya ang magiging findings, nagpumilit siya sa magulang na umuwi na lang. Okay naman na ang pakiramdam niya ng mga sandaling iyon. At babalik na lang siya sa sunod na araw. Ang sabi niya rin, wala namang mababago sa resulta, mamatay pa rin siya. Frustrated na siya nang sabihin iyon kaya pinayagan na siya ng ama. Pero gusto nitong sa CMC siya magpa-second opinion at pumayag naman siya, but, not now. Nang mga sumunod na araw, lagi nilang kasama ang ama sa bahay nila. Nag-leave pala ito sa trabaho. Ang ina naman abala sa paghahanda at pag-aasikaso sa kanila. Lalong sumaya si Kana nang ibalita ng ama na nakakuha ito ng magandang pwesto sa may Timog para sa bar na gusto niya. Kaya iyon ang sumunod na pinagkaabalahan niya. Pinahiram din sa kanya ng ama ang isang staff nito sa planning department mula sa kumpanya nito. At para maibalik din ang kabutihan ng magulang, pumayag siyang i-train sa kumpanya nito at sa publishing house ng ina. Araw nang check-up niya noon sa CMC kasama ang magulang kaya maaga silang gumayak. Ang ina niya, kabado na. Maging siya din naman pero hindi niya pinapahalata. Ama niya ang may gusto ng second opinion dahil wala itong tiwala sa ospital na pinuntahan niya. Hindi raw gaya ng CMC na subok na pagdating sa ganoong field. Saka kaibigan nito ang doctor na pupuntahan nila kaya sigurado ito na accurate ang magiging findings. Nang lumabas ang araw ng result ng isinagawang tests ay kumpleto rin sila. At hindi akalain ni Kana na ang resultang iyon ang makakapagpabago ng buhay niya. SAMANTALA, sa rehas lang nakatingin si John. Hinihntay niyang may lumapit doon at sabihing may dalawa siya. Ilang buwan na pero walang Sigrid na bumalik. Kahit na si Jackson na isa rin sa tauhan niya ay hindi na rin bumalik. Ang dami na niyang nami-miss sa labas. Sabi nga niya, ang last resort niya ay ang dating superior, si Astin Kier Hernandez. Nang may nakitang dumaan na officer ay tinawag niya ito at tinanong kung may dalawa siya. Muli, nabigo siya. Dumating din ang araw nang napag-usapan nila ng kaibigan pero hindi ito dumating. Ni isa sa mga tauhan niya ay walang dumalaw sa kanya pero nakiusap siya sa isang opisyal na nagbabantay sa kanila na tawagan ang dati niyang superior pero walang sumasagot. Ang sabi, baka nagpalit ng numero. Hindi niya alam ang numero ng bahay nito kaya doon na siya pinanghinaan nang loob. “‘Wag kang mag-alala, makakalaya ka rin bata. Sa nakikita ko sa ‘yo, mabuti kang tao. Kaya ngayon pa lang magpasalamat ka sa akin,” ani ng isang kasama niya na matanda sa seldang iyon. Tiningnan niya lang ito dahil mukhang malabo iyon. “Ayoko na hong umasa,” aniya rito sabay sandal sa pader. Pero nakatanim na sa isipan niya ang pangalan ni Rogando. Sa huling pag-uusap nila ni Sigrid, nabalitaan niyang tumaas ang rank nito samantalang nag huling misyon nito ay ang misyon nga nila sa Malaysia. Hindi maiwasang sariwain ni John ang nangyari iyon nang bumalik siya sa tinutuluyan. ***Flashback*** Gulong-gulo si John habang pinoposasan siya. Ano ba ang kasalanan niya at bakit siya pinosasan kaagad? “Nadatnan ang heneral na duguan at nakahandusay sa may banyo. At ikaw lang ang huling umalis sa unit niya. May mga ebidensya din kaming hawak na magpapatunay, Master Sergeant,” ani ng isang otoridad na nagmula pa sa Pilipinas. “Isa pa, naatasan ka para bantayan ang siguridad ni General. Pero ano? Wala ka sa pos—” “Wala akong kasalanan, Sir,” putol ni John dito. “Maniwala ka’t sa hindi. Kahit tanungin mo pa ang mga kasamahan ko—” Pero natigilan siya nang makitang isa-isang dumaan sa harapan niya ang mga nakasama sa bar. Hindi makatingin ang mga ito sa kanya habang bitbit ang mga gamit ng mga ito. “Corporal Rogando!” tawag niya rito. Ang mga mata niya ay puno nang pakikiusap na tulungan siya ng mga sandaling iyon. “Aminin mo na lang sa korte ang kasalanan mo, Serrano,” ani ni Corporal Rogando sa kanya na ikinakuyom niya ng kamao. “Ikaw lang ang may motibong gawin iyon kay General Melchor.” Tama ba ang intindi niya? Siya ang tinuturo din ng mga ito gayong kasama niya ito kagabi sa bar! Ito pa nga ang halos tumutulak sa kanya sa babaeng nakilala nila sa bar! “H-hindi totoo ‘yan, Corporal! Alam mo kung sino ang kasama ko magdamag! Hindi ko pinatay si General!” aniya. “Patunayan mo na lang sa korte, Sergeant.” ‘Yon lang at tinalikuran na siya nito. *** Napangisi si John, obvious naman na sinet-up lang siya ng mga ito. Sino bang nagyaya sa kanya? Si Rogando din naman. Kaya kung magkakaroon siya ng chance na makalaya rito, una niyang sisingilin talaga si Rogando. Simula nang araw na iyon, hindi na siya nag-e-expect na may dadalaw pa sa kanya. Ang ginagawa niya rin para mawala ang pagka-miss sa ina, tumatawag siya rito para hindi na rin ito mag-alala sa kanya. Araw-araw na lang niya lang din inaabala ang sarili sa pagpapakita nang mabuti sa loob ng kulungan. Kahit na ilang beses na siyang pinagtangkaan na patayin doon, hindi pa rin niya hinahayaang siya ang dehado. Minsan, hinahayaan niyang siya ang saktan para makita ng mga nagbabantay na hindi siya ang nauuna, sakaling i-frame up ulit siya. Two Years Later… “LAYA ka na, Serrano.” Napakunot ng noo si John nang marinig ang sinabi ng officer na lumapit sa kulungan niya. Kasalukuyan din nitong tinatanggal sa pagka-lock ang kandado. “Ho?” Hindi pa rin maaalis ang kunot noo sa mukha niya. Paano siya makakalaya? Bakit walang abiso sa kanya ang abogado niya? “N-nagbibiro lang ho ba kayo?” “Sa tingin mo?” Bukas na noon ang kulungan. Nasa gilid ito at naghihintay sa paglabas niya. Nagkatinginan sila ng matanda. Pero siya lang itong maraming katanungan sa isipan. “Mukhang seryoso nga siya, bata,” anito. Hindi alam ni John kung tatalon ba siya sa tuwa ng mga sandaling iyon. Laya na nga siya! At heto, palabas na siya. Agad niyang tinawagan ang ina niya na nasa probinsya at sinabing nakalaya na siya at pauwi na siya ng Bicol. Marami siyang na-miss sa ina kaya nagpasya siyang umuwi muna. Gusto niya munang masiguro ang kalagayan nito bago ulit maghanap ng trabaho. Hindi na siya makakabalik sa pagiging sundalo kaya baka mag-apply na lang siya ng bodyguard sa mga establisyemento, sa mga exclusive subdivision, o kahit na ano, magkaroon lang ulit nang pagkakakitaan. Kararating pa lang ni John sa bahay nila sa Bicol nang makatanggap siya nang tawag mula sa pinakamataas na opisyal ng military mismo— kay Chief of Staff Atlas Palma. Sa pagkakatanda niya, ilang buwan pa lang siya sa kulungan nang iluklok ito sa posisyon nito. At habang nakikinig sa mga sinasabi ng CofS sa kanya, hindi niya maiwasang mapangiti. Pinapa-report kasi siya nito sa opisina nito, immediately. Hindi pa klaro sa kanya ang lahat, pero sa paraan nang pagsasalita nito, kailangan na niyang magsimula sa trabaho bilang bodyguard.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD