Chapter 6: It's her!

1808 Words
AGAD na sumaludo si John kay Chief of Staff Atlas Palma nang pumasok ito sa building na iyon. Nasa meeting kasi ito kanina kaya hinintay niya sa upuang tinuro sa kanya ng staff nito. “How was your trip?” Tinanggal nito ang suot nitong headgear nang harapin siya. “A-ayos lang po, Chief.” Tumango sa kanya si Chief Palma kapagkuwan. Pagkagaling sa bus station, dito na siya sa Camp Aguinaldo dumiretso. Iyon din kasi ang bilin nito sa kanya sa telepono. Pero ang immediate nito ay hindi nasunod. Isang linggo ang binigay nito sa kanya na bakasyon kasama ang ina. Pagdating niya kasi, saktong inaapoy ng lagnat ang ina, kaya inasikaso pa niya. Saglit lang sila sa opisina nito bago sila pumunta sa bahay nito. Pagdating nila doon, sinalubong sila ng magandang asawa nito. Hindi lang siya ang kasama ng CofS, meron pang dalawa. Sila pala kasi ang magiging personal na bodyguard nito. Ang isa raw sa kanila, sa misis nito pero hindi pa sigurado kung sino sa kanilang tatlo. Nang gabing iyon, pinaalam na ng Chief sa kanila kung saan sila magratrabaho. Siya ang napili nito bilang personal bodyguard ng asawa nito. Dahil galing siya sa kulungan, hindi pa siya pwedeng bumalik basta. Pero pinangako nito sa kanya na balang-araw, ibabalik siya nito sa serbisyo base raw sa nabasa nito sa file niya. Pero kahit na ganoon, isang karangalan para sa kanya. Hindi na nga siya makapaniwala na tinawagan siya nito ng personal mas lalo itong pagtalaga nito sa kanya bilang bodyguard. Hindi niya pa alam kung paano nito nakuha ang profile niya pero nagpapasalamat siya. Dininig ng Diyos ang hiling niyang magkaroon ng matinong trabaho. Dahil kinabukasan pa ang simula ng trabaho nila, nagpahinga muna silang tatlo. Marami siyang natutunan sa nakaraan niya kaya hindi siya basta-basta nakikipag-usap sa mga ito. Ngiti at tango lang siya. Maaga rin siyang nagpaalam sa mga ito para matulog. Sa loob ng isang linggo bilang bodyguard ni Ma’am Keana, naging maayos naman. Kung saan naroon ang amo, nandoon din sila. Pero hanggang ngayon, hindi niya pa nakikita ang anak nito. Matagal na raw kasi bumukod ang anak nito dinig niya sa kasamahan niya lang din na mga guard naman. Sa condo na raw nito ito naglalagi. Kakauwi lang nila noon ni Ma’am Keana nang makatanggap ito nang tawag mula sa ospital. Agad na pinuntahan nila ang ospital na kinaroroonan ng anak nito. Pero pagdating doon, pinadiretso sila ng staff ng ospital sa ICU dahil nandoon ang anak nito. Ilang beses na tumawag siya sa opisina ng CofS pero wala doon ang chief. Kanina pa raw kausap ang Secretary of Defense maging ang Pangulo ng bansa. Kaya naman pala hindi rin ito makontak ng boss. Kaya siya ang inutusan nito na tawagan si CofS para ipaalam ang kalagayan ng anak. Ayon sa initial na imbestigasyon, mga nagwawala sa bar ng anak ng amo ang salarin. Personal raw kasing binaba ng anak ng boss ang mga nagwawala hanggang sa magkaroon ng tensyon. Noong una hindi siya makapaniwala dahil babae ang anak ng boss, kaya imposibleng magkaroon ng tensyon. Babae versus mga lalaki? O baka talagang mapagpatol ang mga lalaking iyon. Madaling araw na nang ma-contact ni Ma’am Keana ang asawa. Pero nasa ICU pa rin ang anak ng mga ito kaya hindi makausap nang maayos. Kaya siya ang tinawagan ng CofS para sa update. Kasalukuyan niyang kausap noon ang Chief nang ilabas ang anak nito sa ICU. Kasalukuyan na rin itong papunta kaya agad na nagpaalam ito sa kanya. Paglingon niya, nakalayo na ang hospital bed na kinalulunanan ng anak ng amo. Nasa gilid iyon nakakapit si Ma’am Keana. Agad na sumaludo siya kay CofS nang dumating ito. Kasalukuyan siyang nasa labas noon ng pribadong silid na iyon ng anak nito. Pero hindi pa nagtatagal sa loob si Chief nang lumabas ito, may kausap ito sa telepono at galit na galit. Kaya naman kabado siya nang harapin siya nito at sinabing samahan niya sa police station. Sa police station kung saan pansamantalang nakapiit ang isang suspek. Lalong tumindi ang galit ng CofS nang ireport dito ng may hawak sa kaso ng anak na mukhang intensyon ang pagsaksak sa anak nito. Kaya naman nagpa-imbestiga pa ito lalo para malaman kung ano ang naging puno’t dulo niyon. Pagbalik na pagbalik ni John at ng CofS sa ospital ay agad na kinausap ng huli ang asawa tungkol sa nangyari sa anak. “S-sa tingin mo ba, may kinalaman ito sa trabaho mo?” Marahang tumango si Atlas sa tanong na iyon ng asawang si Keana. “Malakas ang kutob ko,” aniya sa asawa. “I think kailangan mo ring bigyan ang anak natin ng bodyguard na magbabantay sa kanya. Una sa lahat, hindi rin safe sa bar niya. Pangalawa, anak mo siya kaya damay din siya lahat. Kaya higit na kailangan niya nang proteksyon.” “Pero may mga bodyguard naman siya—” “Meron nga! Pero lagi niyang pinapaalis. Kaya walang mga silbi, Atlas! God! Naka-survive na nga siya nitong nagdaang taon, tapos mukhang mapapahamak ulit siya dahil sa trabaho mo.” Tumigil si Atlas sa paghakbang. Nakailang pabalik-pabalik siya nang lakad dahil nag-iisip siya. Alam ng kalaban niya na mahalaga sa kanya ang pamilya niya lalo na ang anak kaya ito ang gusto ng mga ito na tirahin. Never niyang pinalabas sa media na anak niya si Kana. Ramirez ang laging dala nito noon pa man. Ang anak kasi mismo ang ayaw rin na magpakilala sa madla dahil ayaw nitong maging sentro nang usap-usapan. Minsan nga lang siyang lumabas na kasama ito. Maliban na lang sa ibang bansa dahil siya ang laging kasama ng anak kapag nagbabakasyon noon. Saka malalapit lang sa kanya ang nakakaalam na may anak pa siya. Kaya alam niyang ang mortal na kaaaway niya ang may pakana nito, na dati niyang kaibigan sa serbisyo. “Fine, kukuha na lang ako ng bago na hindi aalis sa tabi niya.” “Please lang, Atlas.” Saglit na natigilan ang asawa at tumingin sa kanya. “Si JJ kaya?” “JJ?” kunot noong tanong niya sa asawa. “‘Yong bodyguard ko. Si John!” “Oh. Bakit hindi ko alam na may iba siyang pangalan?” aniya. “Iyon ang tawag kasi sa kanya ng mga katulong natin that’s why JJ na rin ang tawag ko.” Hinawakan ng asawa ang kamay niya. “Subok ko na siya, love. He’s very attentive and alert pagdating sa labas. Sa isang buwan niya sa akin, masasabi kong tama ang analisa mo sa kanya.” Napatitig siya sa asawa. Oo, nabanggit niya ito sa asawa nang sabihin niyang si John Serrano ang ibibigay niyang personal bodyguard nito. Saka alam na niya ang background nito. Kaya rin niya ito kinuha dahil nalaman niyang kasama ito nila Astin, ang anak-anakan ni Sebastian na nagdala noon nang malaking karangalan sa bansa nila. Kaya subok na subok ang serbisyo nito, maliban lang sa nangyari sa Malaysia na naging dahilan para makulong ito ng dalawang taon. PARANG posteng nakatayo si John sa labas ng silid na iyon, ganoon din ang dalawang kasamahan niya. Tanging mata lang yata nila ang gumagalaw. May mga nag-picture na nga sa kanila mula sa malayo dahil sa amazement. May kumakaway din sa kanya na dalawang dalagang nakaupo sa unahang pribadong silid. Mayamaya lang ay may lumapit na naman sa kanya. Hindi siya kumurap nang huminto ito sa harap niya. “Kuya pogi, baka may number ka raw, tanong ng alaga ko.” At umulit ang kasamang yaya ng isang dalaga. Hindi naman talaga dapat nakaupo ang mga iyon doon. Pero dahil sa kanila, aba’y naglabas ng upuan para gawin silang pulutan. Naririnig niya ang mga kasamahan niya na kinukumbinsi siyang ibigay dahil magagandang dalaga raw. Sumagot na siya kanina na hindi pwede. Saka wala siyang cellphone kaya. Kaya anong maibibigay niya. Akmang magsasalita ulit ang Yaya na nasa harapan ni John nang tumunog ang seradura, mabilis na iginiya nito ang sarili na palayo sa harap niya. Kaya paglabas ng nasa loob, wala na ito sa harap niya. “Serrano, pumasok ka muna saglit,” dinig niyang sabi ng amo na si Ma’am Keana. Agad siyang sumunod dito na nakayuko. Nakita niya si Chief na nasa tabi ng kama habang nakatunghay sa natutulog na anak nito. “He’s here, love.” Nilingon sila ng CofS. Huminto ang amo kaya huminto rin siya. Seryoso lang siyang nakatayo. Hinihintay niyang magsalita ang Chief kasi. “From now on, ikaw na ang magiging bodyguard ng anak namin, JJ,” ani ni Ma’am Keana na ikinatango niya. Sinegundahan din iyon ng asawa nitong si Chief Palma. Tumayo pa ito kaya naging clear ang view ng taong nakahiga sa hospital bed na iyon. Kanina, makinis na kamay lang nito ang nakikita niya dahil nakabalot ang ibang bahagi ng katawan nito ng kumot. Napaawang ng labi si John nang makilala ang babaeng nakahiga sa kamang iyon. Si Kana iyon! Ang babaeng matagal na niyang pinapahanap. Ngayon na niya naiintidihan ang sarili kung bakit minsan ang paningin niya kay Ma’am Keana ay si Kana. Dahil talagang mag-ina pala ang mga ito! Pero bakit ngayon lang? Kung kailan nakalaya siya. Pero saglit na gumana ang isip niya. So, may possibility pa na malinis ang pangalan niya? Pero ano naman ang sasabihin niya? Na magdamag silang nag-angkinan? At mukhang napahirap dahil ama lang naman nito ang nag-iisang Atlas Palma! Biglang namuo ang pawis sa noo ni John sa kaba nang mapagtanto. Paano kung malaman ng CofS na tinalo niya ang anak nitong— mamamatay? Sandali lang! ‘Di ba, ilang buwan na lang ang taning ni Kana sa mundong ito nang magkakilala sila? Bakit buhay pa rin siya hanggang ngayon? So, dininig ng Diyos ang malakas na sigaw noon ni Kana sa balcony ng hotel na iyon? Kung hindi siya nagkakamali, mahigit sampung sigaw iyon na muntik na nga nitong ikawala ng boses. Kaya nga nang muli niyang inangkin nito, halos sa tainga na niya ito umuungol ng mga sandaling iyon. “Ano, JJ? Kaya mo bang bantayan ang Prinsesa namin?” untag ng ginang sa kanya na ikinapitlag niya. Muntik nang umabot ang pagbabaliktanaw niya sa maiinit na tagpo nila ng anak nito kaya napalunok siya. “C’mon, JJ. I know you can do it,” ani ulit ng ginang. Baka dahil sa paglunok niya kaya nito iyon nasabi. “K-kaya ho, ma’am,” nauutal niyang sambit. Kayang-kaya naman. Ang hindi niya alam, kung makakaya ba niya ang reaksyon ni Kana kapag nakita siya. “Good, Serrano. Sa ‘yo nakasalalay ang buhay ng anak ko. Kapag nagawa mo ito, maybe mapapadali ang pagbalik mo sa serbisyo once na matapos ang problemang ito,” ani ni CofS Palma sa kanya. Doon siya nagalak kaya hindi na niya naiwasang i-express ang gratitude dito kahit sa asawa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD