HINDI maipinta ang mukha ni Kana hanggang sa makabihis siya. Hindi raw siya nito type, pero pinatulan siya nito way back? Hindi maintindihan ni Kana ang sarili kung bakit naiinis siya. Pero dapat hindi na siya nagulat. Hindi nga rin nito gustong magkaanak sa kanya kaya ano pa ba ang ini-expect niya? Biglang ragasa na naman sa dibdib ni Kana nang maalala ang nakaraan. Nang mabangga siya ng sasakyan na pagmamay-ari nito, ikinamatay ng batang nasa sinapupunan niya. Nang araw na iyon, naipangako niya sa sariling maghihiganti sa taong gumawa no’n. At ngayon, nandito na nga sa harapan niya ang taong iyon pero parang siya ang napapaikot sa mga palad nito. Para bang mas may kapangyarihan ito sa ngayon, na kahit ang ama ay napapaikot nito. Kung alam lang ng ama ang ginawa nito sa kanya, mag-stay