PAMILYAR na naman ang naramdaman ni Kana nang gumalaw ang labi ni John sa loob niya. Pero mas matindi ang galit na nararamdaman niya para kay John dahil sa nakaraan nila. Kaya naman inipon niya ang lakas niya at tinulak ito palayo sa kanya. Kasunod nga iyon ang mag-asawang sampal na binigay niya dito. Nagulat ito sa ginawa niya. Dumilim pa ang mukha nito. Mukhang siya pa ang may utang rito sa paraan nang tingin nito. Pero sa huli, hindi ito nakaimik. “Get out of the car, John,” aniya sa seryosong himig. “Mabilis lang ang biyahe, tiisin mo na lang muna ang presensya ko,” anito, imbes na sundin siya. “Lumabas ka na sabi, e!” malakas na sigaw niya na ikinatigil ni John. “I. Hate. You!” sigaw niya ulit dito. “I hate you, John! ” Doon na ito natigilan nang matagal. Tumitig din ito sa kany