MAAGANG nagising si John noon para sa oras ng ehersisyo niya. As usual, nilibot niya ang subdivision ng apat na beses bago bumalik sa malaking bahay ng mga Palma. Kalat na ang liwanag noon kaya kailangang punitin na naman ni John ang ngiti para sa apat na kasambahay na araw-araw na bumabati sa kanya sa t’wing babalik siya. “Goodmorning, Sarhento JJ!” kinikilig pa si Angelika na kumaway sa kanya. Ito ang pinakabata sa mga ito. Sa pagkakasabi ng kasamahan niya, 23 years old pa lang ito. Hindi niya tuloy malaman kung ano ang nakita ng mga ito sa kanya, bakit ganoon na lang kung landiin siya ng mga ito, Sarhento pa rin. Napailing na naman si John. Ilang beses na niyang sinabing hindi na siya sundalo at John na lang ang itawag sa kanya, pero sadyang makulit talaga ang mga ito. “Morning po,”