WALA na sa harapan ni Kana si John pero ang puso niya parang sasabog. Hindi niya maintindihan kung sa kilig ba o may ibang sakit naman siya, tapos sa puso na naman. Wala siyang sakit. Wala! My God! Napabaling tuloy siya sa kabilang side dahil sa mga isiping iyon. Pero mukhang mali siya nang ginawa dahil umikot bigla ang paningin niya. Dahil ito sa wine na nainom niya. Naubos niya ang apat! Bumalik pa siya kanina dahil parang walang epekto sa kanya ang wine. Sabi niya nga, sana whiskey na lang ang ininom niya dahil walang epekto sa kanya. Pero ‘yon ang akala niya. Ngayon, sumisipa na sa kanya! “Sh*T!” Sinapo pa niya ang ulo at pumikit na lang. Pero biglang tumunog ang telepono niya kaya kinuha niya pa iyon— lalo tuloy na umikot ang paningin niya. Natigilan si Kana nang makita ang caller