NAALARMA ang buong building dahil sa pagtunog ng alarm bell gawa ng usok na nagmula sa unit ni Kana. Pero agad ding kumalma ang mga tao nang malamang mula lang sa soup at pot na usok iyon na nasunog dahil sa tagal nito sa kalan. Naubos na kasi ang sabaw at ilang ingredients na lang ang natira sa pot na naging dahilan para masunog iyon. Nagkatinginan si Kana at John nang makaalis ang pulis at ang manager ng condominium. Ngiti ang sumunod na rumehistro sa kanila. Hindi naman nila pwedeng sisihin ang isa sa kanila dahil parehas silang dalawa na nakalimot. “Sorry,” ani ni John sa kanya. Umiling si Kana. “Let’s forget about it.” Akmang aalis si Kana nang pigilan ito ni John. “Hon,” “Hmm?” Nilingon ito ni Kana. “Hindi ba natin pag-uusapan ang tungkol sa atin? Hindi ba oras na para lagyan