“A-ANONG ginagawa mo rito?” Mabilis na binalik niya ang cycling shorts pagkuwa’y pinulot ang dress saka tinakip sa sarili. “Hindi ka man lang kumatok, John. Namimihasa ka na,” aniya Napaangat ng kilay si John. “Hindi ka pa rin ba sanay sa presensya ko? Nakita ko na ‘yan lahat, kaya bakit mo pa tinatago? Saka hindi kita pipilitin. Mas masarap kung parehas natin ang gusto.” Nanayo ang balahibo ni Kana sa mga sinabi ni John. Tama bang sabihin iyon? Wala na ba itong nasa isip kung hindi ang s*x? Naglakad ito palapit sa kanya. “Sira ang shower sa kabila kaya makikiligo lang ako,” dugtong pa nito. “Saka baka magalit ka, amoy Simone ako. Inuunahan na kita.” “Ah, John! Tigilan mo nga ako!” “Bakit ko pipigilan ang sarili ko, Kana? Sa ‘yo lang ako ganito kaya dapat na matuwa ka.” “Huh! Wala ak