Chapter 8: Shocked

1632 Words
DAHIL hindi naman kayang matapos ni Kana ang mga papeles na dinala ng sekretarya niya, nagpasya siyang hindi na muna uuwi. Tumawag siya sa ina at sinabing marami siyang gagawin. “I’ll tell your dad about this. Alright?” “Thanks, Mom. Love you!” Nang maalala si John ay pinahabol niya sabihing. “So, pwede ko na ho siyang pauwiin, Mom?” “Who?” “John. JJ.” Napangiti si Kana nang sagutin siya ng ina na pauwiin na lang muna niya ang bodyguard. Kaya naman after na pinutol ng ina ang linya, agad siyang lumabas at hinarap ang bodyguard. Napasimangot si Kana nang maabutan sa sala ang boduguard na prenteng nakaupo sa sala. Nakataas ang kamay nito sa armrest ng sofa niya, naka-cross legs pa habang nanonood ng pelikula. Tumingin siya sa upuang dinala dito kanina. Naiwan doon sa may pintuan banda. “What are you doing?” Kalmadong tumingin sa kanya ang bodyguard at ngumiti. “Nanonood ho, ma’am.” Tinuro pa nito ang TV. Nakaramdam siya nang inis sa inasta nito. As if, hindi siya ang amo kung kausapin nito. “I know. Pero wala akong sinabing manood ka. Right?” “Wala nga po. Eh, na-bored ho ako, e.” Napahilot si Kana sa noo. “Alam mo ang pinaka ayaw ko? ‘Yong nakikialam ng gamit ko nang hindi nagpapaalam. Feeling close lang? My God!” Pinatay ni John ang TV at tumayo ng straight. “Patay na ho, ma’am. Okay ka na ho?” Kalmado lang si John. Lalong uminit ang ulo niya dahil parang balewala lang dito ang sinabi niya. Hinihintay niyang mag-sorry, pero wala man lang itong sinabi. “You know what? Sasabihin ko sa Daddy ko na huling araw mo na rito. Nakaka-stress ka. Kaloka!” Akmang tatalikuran niya ito nang maalalang sasabihan nga pala niya itong umuwi na. Hinarap niya ito nang maayos. “Makakauwi ka na. Tapos na nag serbisyo mo sa akin.” “Ho?” “I said makakauwi ka na! Bingi lang?” “Bakit ho ba ang init ng ulo niyo sa akin, Ma’am?” tanong nito imbes na sundin siya. Napaingos siya. “Sino bang hindi maiinis sa ‘yo? Saksakan ka ng kulit at atribida pa!” Actually, hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit uminit ang dugo niya rito. “You’re just a stranger!” dugtong pa niya. Mukhang natinag si John sa sinabi niya. Hindi na kasi ito nakaimik. Matagal din siya nitong pinag-aralan at mukhang hindi ito makapaniwala sa mga sinabi niya. “I mean it. Kaya makaka—” Hindi pa man niya natapos ang sasabihin nang bigla na lang itong umalis sa harapan niya. “Aba’t ang bastos!” asik niya habang sinusundan ito nang tingin. Kinabukasan, pag-uwi niya sa bahay nila, hindi na niya nakita si John. Wala siyang balita rito dahil hindi na bukambibig ng ina. Naitawag niya iyon sa ama na ayaw niya kay John. Baka pinalipat ito o tinanggal ng ama. Sa kabilang banda, nakaramdam tuloy siya ng konsensya. Baka may pamilya itong pinapakain tapos bigla na lang natanggal? Pero kasalanan naman kasi nito! Prinovoke ba naman siya? Kung si John, makulit para sa kanya. Ang pumalit naman dito, saksakan nang hinhin na parang hindi makabasag ng pinggan. Kapag nakasunod ito sa kanya sa labas, parang wala rin sa sarili. Ilang beses na nga niyang tinawag na bitbitin ang pinamili niya pero ilang beses niya rin yatang inulit para maintindihan nito ang utos niya. Sabagay, simpleng tao lang ito. Talagang driver nga lang daw sabi ng Daddy niya. Pero may nakabantay ba sa kanya, nasa kabilang sasakyan na laging sumusunod sa kanya saan man siya magpunta. Araw ng Sabado noon pero maaga siyang nagpunta ng opisina. Agad na sumalubong sa kanya ang secretary niya sabay kuha ng handbag niya. “Ma’am, approved na po ni Chairman ang budget para sa foundation. Pero by Monday ko pa ho mase-send sa bank nila.” “Good. How about sa pubhouse? Could you please let me know how things are going? Kinukulit na kasi ako ni Mommy.” Tumigil siya para harapin si Kitkat. Pina-follow up na ito ng Mommy niya sa kanya kanina lang. “W-wala pa ho, ma’am. Wala ho kasi akong mahanap na kagaya ng built ni Sir. But, marami na ho akong natanggap na application. Isa-isahin ko na lang po check ang profile nila.” “Please prioritize this matter, Kit.” “Yes, Ma’am.” Dumiretso si Kana sa conference dahil may naghihintay na sa kanya. Monthly meeting nila ngayon. At half day lang kapag Saturday kaya inagahan nila ang meeting. Agad na nagsitayuan ang mga nakaupo nang pumasok siya sa conference. Nauna na sa kanya si Kitkat para ipaghila siya ng upuan. Agad namang dumilim ang paligid at nagsilbing liwanag nila ang malaking screen na iyon. At nagsimula na ngang mag-report sa kanya ang iba’t-ibang representative. Siya, si Kana Ramirez Palma ang kasalukuyang nakaupong CEO ng Palma Group ngayon. Kaya naman talagang hindi biro ang trabaho niya pati ng nasasakupan niya. Dati parang naglalaro lang siya, ngayon, hindi na. Ang dami nang ipinagbago niya sa sarili. At sa Lunes nga, may magaganap na board meeting para sa pagpasok ng tatlong kumpanya sa kanila kasama na ang publishing house ng ina. Bale, bibilhin ng Palma Group ang halos 80% shares nito para maging ganap na subsidiary ng Palma Group o PG kung tawagin nila. Ang 13% shares ng publishing ng ina ay pagmamay-ari pa rin ng mga Moore. Habang ang natitra ay pagmamay-ari na ng ibang authors na naging successful na rin dahil sa kabilaang offer sa kanila ng mga networks sa bansa. Nang malaman ni Kana na hindi siya mamamatay, naipagpasalamat niya iyon sa Diyos. Pinagpatuloy na lang din niya ang nasimulan noon. Pero may mga bagay na kinalimutan siya gaya na lang ng lalaking unang nanakit sa kanya nang todo. Matindi ang pinagdaanan niya ng mga sandaling iyon mahanap lang si Serrano. Dahil sa isiping iyon, napapikit siya pagkuwa’y kinapa ang tiyan. Magdadalawang taon na rin pala. At magdadalawang taon na rin siyang namumuhi sa lalaking iyon. Pinilig niya ang ulo para palisin sa isipan ang lalaking iyon. Nagpasya si Kana na umuwi ng malaking bahay nila right after ng meeting nila. Aalis kasi ng bansa ang ina at ang ama kaya kailangan niyang mag-spend ng oras sa mga ito hanggang bukas. “May kailangan ho kayo, Ma’am?” tanong ng driver niya. Hinanap pa niya ito dahil tumawag si Francy Lou na pupunta sa bar niya. Kaya heto, kailangan niyang samahan. “Magpapasama lang ako sa bar,” aniya. Tumingin siya sa apat na kalalakihan na nag-e-ehersisyo. Hubad ang pang-itaas ng mga ito kaya napalunok siya. Isa lang ang hindi tumingin sa kanya. Nakatalikod ito. “Kuya John, sunod na lang kayo, huh.” Nanlaki ang mata niya nang marinig ang boses ng nakatalikod. Si John iyon! Hindi pa pala ito umalis? Ang buong akala ni Kana, umalis na sa kanila si John, hindi pa pala. Lumipat lang pala ito sa kabilang sasakyan. Alam naman niyang may sumusunod sa kanya, at iyon ang isa pang sasakyan na lulan ng mga nagbabantay sa kanya, na kinuha din ng ama niya. Pero hindi niya akalain na naroon pa rin si John. Akala niya, sinukuan na siya nito. Bago umalis si Kana ay sumulyap siya kay John na nakatalikod. God, pamilyar sa kanya rin ang magandang pangangatawan nito. Aminado siyang ganoon ang tipo niya. Kahit ang boses ganoon din. Kaya ba siya naiinis dito dahil kay Serrano? Dahil malaki ang pagkakapreho ng boses at pangangatawan nito? Kahit nga sa mata, e. Pero mukhang may edad na ito, a? Base lang sa balbas nito. Saglit na natigilan siya nang makalayo sa mga ito. Dati bang sundalo si John? Wala sa sariling inulit-ulit niya ang pangalang John sa isipan niya. Two years ago, may binanggit sa kanya ang lalaki na pangalan. At nagsisimula iyon sa J. Nawala na sa isipan niya dahil puro Serrano siya nang Serrano noon hanggang sa Serrano na lang din ang binabanggit ng inupahan niya sa kanya. Ano nga ba ang first name ni Serrano? J-jay? Jo? John? Wala sa sariling nausal niya ang pangalan ni John na may karugtong na Serrano. Napailing siya kapagkuwan. Pinunit na nga pala niya ang papel na binigay ng inupahan niya noon dahil sa galit. Pero parang ganoon kasi ang tunog ng pangalan ni Serrano! Dinaanan nila muna si Farncy sa bahay nito bago dumiretso sa bar. Napakunot ng noo si Kana nang mapagtantong hindi nakasunod sa kanya ang kaibigan. Nilingon niya ito. Palapit na rin pala ito sa kanya. “Mga sundalo pala ang mga bodyguard mo, besh,” nakangiting sabi nito sa kanya. Natigilan sa paghakbang si Kana nang marinig ang sinabi ni Francy Lou. “What did you say?” “Mga sundalo pala ang mga asungot mo.” Napataas siya ng kilay. “Paano mo naman nalaman?” Tumingin siya sa limang nakasunod sa kanila kasama na si John na seryosong naglalakad. As usual, ang haba ng balbas nito. Lalo itong tumanda sa oaningin niya dahil sa pagiging seryoso nito. Pero hindi niya inaasahan ang sinabi ng kaibigan. Akala niya, galing sa private agency ang mga kinuha ng ama. Kaya pala ganoon na lang ang pangangatawan ng mga ito. Lalo na si John din. “Of course, nakipag-usap!” Sabi na. Paano nga naman talaga nito malalaman kung hindi ang kausapin ang mga ito. Pero hindi niya maiwasang mapatitig kay John. Kasalukuyan na itong naka-side view dahil nililinga nito ang sarili sa paligid. Wala sa sariling tinaas niya ang kamay at tinapat kung saan naroon si John. Bahagyang napaawang ng labi si Kana nang mapagtanto matapos na takpan ang ibabang bahagi ng mukha nito gamit ang kamay sa malayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD