NAPABALING si John sa kasamahan nang sikuhin siya nito. Nginuso nito si Kana na sunod-sunod ang lagok ng alak. Nasa loob sila ng VIP room nito. Lima silang nakabantay sa dalawang dalagang nag-iinuman. Pinpalabas sila ng dalaga kanina pero hindi sila natinag dahil kabilin-bilinan ng ama nito na hindi nila pwedeng iwan kahit na sa VIP room pa ‘yan. Kahit na ito pa ang may-ari ng bar na ito. “Grabe! Ang lakas pala ni Senyorita sa alak,” ani ni Tonyo na kasamahan niya. “Masarap siguro siyang kainuman.” Imbes na sumagot, siniko niya ito. Doon pa lang sa salitang masarap na sinabi nito, nainis na siya bigla. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Ayaw niyang naririnig ang mga kasamahan na pinagpapantasyahan si Kana. Kahit na sabihing wala itong gusto sa kanya, pero siya ang nakauna rito. Kun