Chapter 4
---FLASH BACK---
Nagkatinginan naman bigla ang mag-ina dahil narinig ng dalagang sekretarya ang mga sinabi niya tungkol sa nawawalang anak. Pinakatago-tagong lihim pa naman nila ito. Hindi na kasi napigilan ng ginang na sabihin agad ang problema sa isa pang anak. Sobrang taranta na siya at kanina pa hindi mapalagay mula ng malaman na wala na ang anak sa tagong kwarto nito sa bahay nila.
Nalibot na kasi niya ang buong sulok ng bahay ay hindi ito makita kaya nagsadya na ito sa opisina ang isa pang anak para humingi na ng tulong dahil iba na ang pakiramdam niya. Hindi kasi pangkaraniwan na mawawala ang isa pang anak dahil hindi naman ito lumalabas. Maski katulong nila o driver ay hindi pa rin ito nakikita kaya hindi niya pwedeng sabihin sa mga ito ang problema.
Lalo tuloy siya nalulungkot na wala na ang asawa na pwedeng makagawa ng paraan para makatulong sa paghahanap sa isa pa nilang anak.
“Nida” Ang nasabi nalang ng mayor saka tinignan ang ina na lumuluha pa rin habang umiinom ng tubig pero medyo nahimasmasan na.
"P-Pasensiya ka na Nida, Wala na sanang makaalam ng narinig mo sa mga sinabi ko" Tumango naman ang nagugulugan na dalaga sa ina ng mayor.
"Opo naman ma'am malaki po ang utang loob ng pamilya namin sa inyo kahit noon pong buhay pa ang mga magulang namin. Pangako ko po na wala po ako pagsasabihang iba makakaasa po kayo ng katapatan mula sa akin." Naiiyak pa rin ang ginang kaya napatakip nalang ng panyo sa mga mata habang tumatango sa dalaga.
"S-Salamat kung ganoon" Dahil curious at Hindi maintindihan ang sinabi ng ginang ay hindi mapigilan ni Nida na magtanong tungkol sa kapatid ng mayor na nawawala.
"Umm ma'am, Mawalang galang na po pero tama po ba yung narinig ko may kapatid po si Mayor Martin? Sabi ninyo po nawawala po siya gusto ninyo po ba mag patulong tayo sa mga puli-" Hindi na nito natuloy ang sasabihin sa biglang pagtutol ng mayor.
"No!" Ang biglang sigaw naman ni Mayor Martin. Mukha itong balisa na rin at bakas sa mukha ang pag-aalala at kaba. Pinagpapawisan pa ito ng malapot sa mukha.
Nagulat naman si Nida sa biglang pagsigaw ng mayor ngayon lang niya nakitang nagtaas ito ng boses para naman ito nahiya ng makitang natigilan ang dalaga kaya napayuko ito. Hinawakan naman ng ina ang kamay ng lalake.
“Martin, Huwag kang magtaas ng boses” Saway ng ina nito.
"S-Sorry Nida medyo tensyonado lang ako hindi kasi ganun kadali ang lahat kung pwede lang ako pa mismo ang tumawag sa mga pulis para hanapin siya" Hingi nito ng paumanhin sa babae.
Ngumiti lang si Nida kahit naiilang naiintindihan naman niya na may pinagdadaanan ang mga ito ngayon. Nagsisi tuloy siya na nagtanong pa sa personal na problema ng mga ito nakalimutan niya ang lugar niya. Isa lang siyang hamak na empleyada ng nga ito at walang karapatan manguna sa desisyon.
"Martin Anak, siguro naman ay dapat na natin din sabihin kay Nida ang totoo, Matagal naman na natin siya kakilala mula pagkabata nila ng mga kapatid niya ay nakakasama na rin natin. Isa pa ay siya ang personal secretary mo sa mga ganitong emergency ay dapat alam din nila ang mga nangyayari dahil siya ang magiging spokeperson mo kung sakali" Nagulat naman si Martin sa suhestiyon ng ina.
"Pero ma.” Napailing ito sa ina. Halatang ayaw nitong sabihin sa dalaga ang totoo. Hindi ito sang-ayon na may iba pang makaalam ng lihim ng pamilya nila lalo na ang sekretarya nito. Hindi niya alam kung paano magre-react ang babae sakaling malaman baka matakot o hindi maniwala.
“Martin, Malaki ang tiwala ko kay Nida alam kong hindi naman siya magsasabi sa iba kung malaman ang lihim ng pamilya natin. Ikaw na rin ang nagsabi noon na sa lahat ng tao rito ay siya lang ang nag-iisang inaasahan mo na totoo saiyo” Tinignan siya ng mag-ina. Napakamot naman ng ulo si Nida.
Hindi niya alam kung matutuwa o kikiligin sa nalaman na ganoon pala ang tingin ng lalake sa kanya pero kinakabahan siya sa kung anong totoo na sasabihin ng mga ito. Nagsisisi siya na nagtanong dahill hindi niya dapat pinahihimasukan ang buhay ng mga amo niya para tuloy may bomba sa dibdib niya sa sobrang kaba at anumang oras ay sasabog sa mga malalaman.
Nawala na tuloy sa loob niya ang nararamdaman na lungkot kanina sa nalaman na nalalapit na pagpapakasal nito sa nobya. Siya ito kaninang may gustong sabihin at aminin sa totoong nararamdaman pero ngayon ay parang siya ang makakaalam ng lihim ng minamahal at ng pamilya nito.
Matagal naman na niya kilala pamilya ng mayor at ilan beses na rin nakapunta sa tahanan ng mga ito tuwing may okasyon kasi ay kumbidado sila kaya halos pati mga katulong ay kilala na niya at maging ang mga iba pang kaanak ng mga ito.kaya hindi niya alam kung meron pa talaga itong kapatid o ibang kasama sa bahay na pwedeng matawag na kapatid nito.
"Ma'am. Mayor Martin... A-Ayos lang po kung 'di ninyo na sabihin sa akin ang tungkol po sa l-lihim pasensya na po sa pagtatanong ko nagulat lang po ako talaga na dumating kayo na umiiyak at ang dahilan ay mawawala ang isa pa ninyong anak. Buong lugar po kasi natin at mula pagkabata ko ay nag-iisang anak ang alam ng lahat kay Mayor Martin. Hindi po dapat ako nanghihinasok at nakikielam sa kung anuman po ang mga problema ninyo. Pasensya na po talaga" Hingi ng dispensang sabi nito. Ngumiti naman na nang malungkot ang ginang at tinignan ulit ang katabing mayor bago nagsalita.
"Nida, Ang totoo niyan ay may kakambal talaga itong si Martin. Hindi siya talagang solong anak naming ng namayapa kong asawa." Nanlaki lalo ang mga mata ng dalaga. Akala pa man din niya ay nakakabatang kapatid o mas matanda sa mayor na tinatago sa publiko.
"P-po? May kakambal si Mayor?" Tumango ang ginang tahimik naman ang lalake sa tabi nito para talagang nag-aalinlangan ang mga ito sa pagsasabi tungkol sa isa pang anak ng mga Rosario.
"Oo Nida may kakambal si Martin. Siya ay si Matteo." Tinignan nito si Martin na umiwas naman ng tingin at kumagat sa ibabang labi saka humawak sa noo ng nakapikit.
"B-Bakit po siya nawawala? Kelan pa po siya nawawala? Saan po siya kaya nagpunta? Wala po ba siyang kasamang bodyguard o alalay? Teka baka naman po may pinuntahan lang na kaibigan? o Baka namasyal lang po?" Ang sunod-sunod naman na tanong ng dalaga. Umiling naman ng malungkot ang ina ng mayor.
"H-Hindi.” Napaisip ulit si Nida ng dahilang ng pagkawala nito.
"Baka po nagmall? O kaya nasa ibang kamag-anak ninyo po? Pwede rin po baka nasa trabaho siya o nagsimba po?" Umiling ulit ito.
"Nida, Hindi ganoon" Sagot ni Martin. Medyo naguguluhan naman ulit ang dalaga. Sa loob loob niya ay saan naman nagsuot ang kakambal ng mayor. Naiisip tuloy niya minsan kaya ay ito ang pumapasok sa munisipyo at hindi ang totoong si Martin. Medyo nahihiya tuloy siya kapag naiisip na minsan ay medyo seryoso ang lalake at parang nakakatakot lapitan, minsan naman ay palabiro at nakikipag tawanan. Nanlilibre pa nga ng pagkain. Kumbaga iba iba ang mood nito tuwing papasok sa trabaho pero maaari ba ‘yun na makipagpalitan dito. Hindi niya tuloy alam kung sino sa dalawang iyon ang totoong minahal niya.
Medyo natuwa siya dahil kung hindi na talaga sila pwede ni Martin dahil may nobya na ito at nalalapit na ang kasal ay baka sakaling may pag-asa sila ng kakambal nito malamang naman ay kamukha ng mayor ang kakambal. Pero nasaan na kaya ito?
Kung si Martin lang kasi na kasama ngayon ang pagbabatayan niya ay hindi umaalis ng walang alalay o driver dahil bukod sa mayor ito ng lungsod ay anak mayaman pa kaya maraming tagapag silbi kaya nagtataka siya kung bakit hindi yata ganun ang isang anak ng mga Rosario. Siguro naman ay may mga alalay din ito dahil anak din ito ng isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa lugar nila.
Naisip tuloy niya na siguro naman hindi ito nakikipagpalit kay Martin baka nga may kapansanan pa ito sa pag-iisip kaya ganun nalang ang takot ng ina ng malaman nawawala ito. Marahil nga sabi niya sa isip.
"Kung hindi ninyo po talaga aolam kung nasaan siya ano po kaya kung magpakalat na po kaya tayo ng picture niya para kung sakaling may makakita at mapagbigay alam po agad sa inyo. Siguro naman po kapag nalaman na isa sa kapamilya ninyo ay agad may magsasabi ng impormasyon" Nakita naman niya na nagkatingnan ulit ang dalawa at lalong parang nalungkot.
"Nida, H-Hindi maaari. Hindi tayo pwedeng magpakalat ng larawa niya. H-Hindi kasi pangkaraniwan na tao si Matteo." Sagot ng ginang. Parang napipi naman si Nida sa narinig. Hindi raw pangkaraniwang tao? Nagpapatawa ba ang mga ito. Pakiramdam tuloy niya ay nangti-trip ang mga ito pero mga seryoso naman. Napabuga naman ng hangin ang mayor na napatayo pa at pumunta sa bintana habang nakapasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa napatingin siya dito.
"A-Ano po ang i-ibig ninyo sabihin na hindi pangkaraniwang tao?" Huminga muna ng malalim si Mrs. Rosario bago siya tinignan sa mata at hinawakan pa ang mga kamay.
"Nida, Iba sa lahat ang kakambal ni Martin. Hindi mukhang tao si Matteo. Hindi normal ang panglabas niyang anyo. Hindi siya pangkaraniwan. Iyon ang dahilan kaya inilihim namin siya at hindi pwedeng humingi ng tulong sa mga pulis o kunsino man dahil maaring matakot o kutyain siya ng iba” malungkot na sagot nito lalo naman naguluhan si Nida sa rebelasyon na nalaman.
May kakambal si Martin pero hindi mukang tao? Tinignan niya ang mayor na nakatalikod lang sa kanila. Ang akala pa naman niya ay may pag-asa na siya sa kakambal nito at kasing gwapo’t kisig nito. Ano nga bang itsura ng Matteong sinasabi ng mga ito? May kulang ba sa bahagi ng katawan nito o may sobra?
Humarap na ito sa kanila at nagtama ang mga mata nila. Inilabas nito ang wallet sa bulsa saka kinuha ang isang larawan. Lumapit ito sa dalaga at tumabi ng upo.
“Nida, Siya si Matteo. Siya ang nawawalang kakambal ko" Ang sabi nito sabay pakita ng larawan ng kapatid. Napatitig naman dito si Nida at nalaki ang mga mata sa nakita.
“S-Siya po ang kakambal ninyo?” Naglipat ang tingin nito sa mayor at ang nasa larawan.
Itutuloy