.
Chapter 3
---FLASH BACK--
1980
Masayang-masaya si Nida na nakapasa siya ng civil service exam dahil pangarap niya na makapagtrabaho sa gobyerno. Bilang panganay na anak ay siya na ang nagtaguyod sa mga nakababatang kapatid mula nang mamatay ang mga magulang nila.
Buti na lang ay nabiyayaan siya ng katalinuhan kaya mula't sapul ay scholar siya at walang binabayaran sa tuition fee. Naka-gradate na siya ng college sa kursong Commerce sa edad na 20 years old. Isa rin sa pinagpapasalamat niya ay dahil sa batam-bata na mayor nila na si Mayor Martin Rosario. Tinulungan siya nito at ng pamilya nito na makatapos ng pag-aaral. Maging ang mga kapatid niya ay pinag-aaral ng mga ito dahil dating janitor ang ama niya sa munisipyo. Maaga naman nawala ang ina sa panganganak sa dapat na bunso nila.
Palagi kasi siya noon nagpupunta sa ama maski noong bata pa siya para dalhan ito ng pagkain, kaya nakilala na siya ni Martin. Tuwang-tuwa ito sa kanya dahil nababalitaan nito na naghahakot siya ng mga medals at awards.
30 years old pa lang ito pero Mayor na ito ng Lungsod. Isa itong Abogado na mula pa sa mayamang angkan pero kahit ganoon ay mabuti sa lahat ng tao na nakakasalamuh, maging ang pamilya nito na kilalang matulungin lalo na sa mahihirap na tao. Lihim niya itong minamahal mula pa pagkabata kahit halos sampung taon ang tanda nito sa kanya, kaya naman nang inalok siya nitong maging sekretarya noong namatay ang kanyang ama ay sobrang natuwa siya.
kahit alam niya na may nobya na itong isa ring abogada ay hindi niya mapigilan na mahalin ito nang lubos ng patago. Wala siya ni isa man na pinagsabihan na lihim na nararamdaman dito kahit pa ang magulang o mga kapatid.
Nahihiya din siya na magtrabaho sa munisipyo na hindi pasado ng civil service kahit graduate ng kolehiyo dahil ayaw niya na may masabi ang mga tao kaya ginawa niya ang lahat upang makapasa. Na dininig naman ng diyos ang dasal niya dahil siya pa ang naging top notcher sa batch nila.
Unang araw niya bilang secretary ni Mayor Martin ay aaminin niya na sobrang kaba ang nararamdaman niya dahil halos araw-araw niyang makakasama ito at makikita. Hindi nga siya makapag-concentrate kakatingin dito nang palihim.
"Nida, Congrats! Ikaw pala 'yung nag-top-notcher sa civil service. Ang galing mo talaga. Nasisiguro 'ko na proud na proud ang magulang mo sa'yo. Next time, i-ti-treat kita kasama ang mga kapatid mo. Mag-ce-celebrate tayo." Hinawakan pa nito ang balikat niya na lalong nagpabilis ng t***k ng puso niya. Naalala pa niya ang paglilibre din nito noong nag-graduate siya at naging c*m laude. Ito pa nga ang nagsabit sa kanya ng nakuhang medalya. Sobrang galante nito sa kanilang magkakapatid. Lalo tuloy siya nahuhulog sa mga mabubuti nitong ginagawa hindi lang sa kanya maging sa buong pamilya. Alam naman niyang awa lang siguro ang nararamdaman nito sa kanya pero ayos na siyang makasama at makita ito palagi sa trabaho.
Alam niyang wala itong gusto sa kanya at parang naaawa lang siguro dahil mga ulila na sila kahit pa na maraming nagsasabi na maganda siya at bagay sila nito dahil matagal na itong may karelasyon. Sasagot sana siya pero biglang pumasok ang girlfriend nito na kilala bilang mataray at masungit. Ni minsan ay hindi ito marunong bumati o ngumiti man lang sa kahit na sino sa munisipyo. Wala nga itong pasabi kung pupunta sa opisina ng mayor. Hindi rin ito kumakatok at diretso lang na pumapasok sa loob.
"I miss you, Honey!" Tinabig siya nito at yumakap sa lalake.
Napayuko na lang siya at bumalik sa mesa niya. Parang biglang bumigat ang pakiramdam niya lalo nang pumasok na ang mga ito sa opisina nito. Naiwan siyang tulala at malungkot.
Lumipas pa ang ilang buwan ay nasanay na siya sa trabaho bilang secretary ng mayor. Ang dalawang nakakabatang kapatid niya ay scholar din ng pamilya Rosario kaya naman malaki ang utang loob niya rito.
Binigyan pa sila nito ng libreng matitirhan sa isa sa mga paupahang bahay ng mga ito kaya kuryente, tubig at pagkain na lang ang inaalala nila sa araw-araw.
Nalulungkot lang siya dahil napapabalitang malapit na ikasal ang mayor at ang girlfriend nitong si Natalie. Mukhang wala na talaga siyang pag-asa sa lalaking palihim na minamahal. Galing din kasi sa mayamang pamilya ang babae, walang-wala siyang panama rito kahit pa halos mas maganda siya rito at mas bata.
"Nida, naririnig mo ba ko?" tanong ng mayor.
Nakatulala na napatingin siya sa lalaki. Nagulat siya dahil nasa harap na niya ito. Bigla siya napatayo sa gulat.
"Po? M-Mayor A-ano po 'yon?" natatarantang tanong niya.
"May problema ka ba, Nida? Are you okay?"
"Opo, pasensya na po, Mayor"
"Ang mabuti pa, umuwi ka na. Baka mapano ka diyan. Gusto mo bang ihatid kita?"
"Hindi na po salamat po," tanggi niya.
"Parang nitong mga nakalipas na araw mukhang malungkot ka at tulala. Bakit? Anong problema?"
"W-wala po." Pero sa totoo lang, gusto niya sabihin na huwag sana ito magpakasal. Na mahal niya ito at masasaktan siya nang sobra kapag nagkaroon na ito ng asawa.
"Hindi nga? Tell me. I know there's something wrong."
"K-kasi po..."
Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil biglang dumating si Mrs. Soledad Dionio-Rosario, ang ina ni Mayor Martin. Mukhang balisa ito at kakagaling lang sa iyak.
"Ma? anong nangyari?" Nilapitan nito ang ina na mugtong-mugto ang mga mata.
"Anak." Bigla itong humagulgol nang iyak. Nagtataka naman si Nida kung napaano ang butihing ginang.
"Ma? Please, calm down. Baka mapano ka niyan. Tell me, anong nangyari?" Inakay ito maupo sa sofa na nasa malapit sa lamesa ni Nida.
"Anak. Ang kapatid mo, nawawala." Patuloy ito sa pag-iyak habang nakayakap kay Martin.
Nagtataka naman si Nida sa sinabi nito. Hindi nya alam kung sino ang tinutukoy nito na nawawala dahil ang alam niya, pati ng mga tao ay solo lang na anak si Martin. Parang bigla namang natauhan si Mrs. Soledad Rosario sa presensya ni Nida na nakatingin sa kanila. Agad nitong pinahid ang luha at umayos ng pagkaka-upo.