bc

My Monster Lover

book_age16+
267
FOLLOW
1.8K
READ
dark
arranged marriage
drama
tragedy
mystery
city
office/work place
small town
betrayal
lies
like
intro-logo
Blurb

Taong 1980 nang kumalat ang balitang may nahuli ang mga mangingisda na halimaw sa ilog ngunit mariin itong pinabulaan ng kasalukuyang mayor nila sinabi nito na isa lamang pagkakamali at walang katotohanan.

Ilang dekada pa ang lumipas nalaman nila Charee ang tungkol sa napabalita noong halimaw sa ilog kaya naman ito ang napili niyang maging topic sa ginagawang thesis niya.Naging curious siya dahil ngayon lang niya nalaman na may ganoong kwento pala sa lugar nila.

Nalaman niya na sa secretary ng ama na meron palang Kakambal ang lolo niya pero kakaiba ang itsura nito. Hindi ito normal na tao. Mukha itong halimaw kaya pinili ng mga magulang na hindi na ito ipakilala sa publiko para na rin maprotektahan ito at makaiwas sa mga chismis.

Pero may katotoohanan nga ba ang balitang ito? O isa lamang haka- haka at alamat na pinilit na gawing totoo?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 1980 Sigpa River Nagkakagulo ang mga reporter at ang mga nag-uusisa na mga tao dahil mayroon nakapagsabi na may nahuli ang dalawang mangingisda na mukhang halimaw sa ilog. Lahat ay nais makita kung totoo ito. Hinaharang naman ng mga pulis ang mga tao maging mga reporter na gustong lumapit sa ilog. Maya maya pa ay lumabas si Mayor Martin Rosario sa sasakyan at lumapit sa mga tao. "Mga kababayan, hindi po totoo na may nahuling halimaw sa ilog. Isa lamang pagkakamali. Mabuti pa ay umalis na kayo salamat" Nagtaka ang mga tao dahil itinanggi ng mayor na may nahuling halimaw kahit pinatotohanan ito ng mga mangingisdang nakahuli dito. ------------------------------ 2019 MDR International School of the Philippines                                                                                                      Sigpa city Dito nag-aaral ang mga anak-mayaman sa buong pilipinas, Maging ang mga anak ng ibang lahi ay dito ginugustong pag-aralin ang mga anak dahil kilala ito hindi lamang sa Pilipinas pati na rin sa buong mundo. Pang world-class kasi ang turo dito dahil magagaling ang mga guro kaya naman halos 500,000 pesos per semester ang tuition kada taon. Isa na rito si Charee Rosario, 20 years old. Anak ng kasalukuyang Mayor ng Sigpa city na si Mayor Mar Rosario. Anak ng dating Mayor Martin Rosario. Kilala ang pamilya nila dahil sila rin ang nagmamayari ng MDR International School of the Philippines kaya naman sobrang respetado ang pamilya nila at hinahangaan. Mabait at maganda si Charee. Hindi siya mayabang sa kabila ng marangyang buhay nila at mula sa angkan ng mga Politiko. Kumukuha ito ng Political Science na kurso at planong kumuha ng law pagka-graduate. Pangarap din kasi nitong makapagtayo ng Law Firm. "Hay, salamat! malapit na matapos ang school year. Thesis na lang ga-graduate na tayo!"  masayang sabi ni Charee sa kaibigang si Mia. Anak mayaman din ito at anak ng vice mayor nila. "Oo nga eh. Teka, ano nga pala ang nabunot mo na lugar na gagawan ng research?" tanong ni Mia. "Hulaan mo?" Tumawa si Charee. "Hindi ako manghuhula, girl. Sabihin mo na. Pasasakitin mo pa ulo ko wala na ngang laman." "Sigpa City." Muling tumawa si Charee. "Ay, ang galing naman! Okay ah! Ako sa Valenzuela city. Okay din do'n, maganda doon. Ilang beses na ko nakapunta," sabi ni Mia. "Talaga?" "Oo, malinis at maganda ang mga mall. Magaling din na mayor ang mayroon sila doon." "Teka, Mia, gusto mo ba magtulungan tayo sa paggawa ng research? Tutal naman madali lang itong sa akin, pwede ako magpatulong sa mga tao sa munisipyo sa pagkuha ng research ko." Alam niya kasing medyo mahina ang kaibigan sa Academics. "Hindi na, okay lang. Kaya ko na itong research ko pero teka, ano ba ang magiging topic mo? Sa akin kasi mayroon na kong naisip. Mayroon silang parang maliit na Cityhall kung saan sa isang building iba't iba na ang mga nakapaloob, may pulis, day care, pwedeng magbayad ng Tax. Marami na ko magagawang essay about doon kaya pwede 'yon na lang. Eh sa iyo?" "Ahh, ano nga ba ang maganda? Hmm... magiging mukhang mayabang naman kung ang gagawin kong research eh tungkol sa nagawa nila Daddy at Lolo rito sa city natin. Baka sabihin nangangampanya na agad ako," Tumawa siya nang malakas. "Teka, ano kaya kung mga chismis na lang?" "Anong chismis?" Natawa rin si Mia. "Mga chismis sa munisipyo na naririnig ko. Si counsilor ganyan, kabit si counsilor gano'n. Pwede kaya 'yon?" Napahagalpak sa katatawa si Mia. "Pwede rin kaso baka magalit sa iyo ang daddy mo kapag nalamang ganyan ang ginawa mong research. Mamaya hindi pa niya kaalyado ang mga 'yon, sabihin sinisiraan ninyo. Eh kung urban legend kaya gawin mo?" "Sabagay. Eh ano namang urban legend? Dito sa Sigpa? Meron bang gano'n? Wala yata akong alam ah." "Hmm... narinig ko lang kahapon actually. Kasi 'di ba, nagpalinis ng river natin dito sina Daddy. Sumama ako no'n tapos may kasama sila na mga naglilinis. Ang sabi ba naman no'ng isang babae, 'wag daw silang lumayo masyado o mag-isa na maglinis baka hilain sila no'ng halimaw." "Ha-halimaw?"tanong ni Charee. "Oo, halimaw daw. Eh sinaway lang sila no'ng isang tauhan ni Daddy nang nakita na narinig ko kaya hindi na natuloy usapan nila, pero rinig na rinig ko talaga ang usapan. Sabi pa nga baka pinapanood kami no'ng halimaw habang naglilinis." "Talaga? Parang 'di ko yata alam 'yan. Kung sabagay, minsan lang ako tumambay sa Munispyo o sa bahay ni Lolo Martin kaya wala akong naririnig na mga kwento," sambit ni Charee. "Sa 'tin satin lang to ha?" Nilapit pa nito ang bibig sa tainga ni Charee. Tumango si Charee. "Sige." "Alam mo ba, nagkalkal ako sa office ni Daddy noong araw din na 'yon pag-uwi namin. Mangdedekwat sana 'ko ng cash kasi hindi ako binayaran sa pagtulong ko sa paglilinis ng ilog, pero wala akong nakita. Kaso alam mo kung ano'ng nakita ko?" "Ano?" pabulong din na tanong nito. "Mayro'n akong nakitang lumang diyaryo 1980 pa 'yung date. Ang nakalagay, halimaw sa ilog Sigpa. At alam mo ba sa nabasa ko, maraming nakakita at nagpapatotoo pero nakakapag taka lang..." "Bakit?" "Kasi sa balita, sabi eh maraming nakakita na mangingisda. Sayang lang daw hindi nila na-picture-an. Natali pa nga raw nila. Marami talagang nagpapatotoo kaso alam mo, itinanggi ni dating Mayor Martin—ng lolo mo—ang balita. Wala raw gano'ng nahuli." "Ha? Ba-baka hindi naman talaga totoo," sambit ni Charee. "Hmm... ewan ko lang. Baka siguro, malay natin." Tumawa si Mia. "Tara, uwi na tayo. Gusto mo bang sumama? Mag-sho-shopping ako ngayon. Maraming bagong labas do'n sa favorite brand natin ng bags at shoes." "Hindi na, mukhang iyon na lang ang gagawin ko na topic sa research ko. Sisimulan ko nang magtanong-tanong sa munisipyo ngayon." "Bakit doon pa? Eh di sa lolo mo na lang ikaw magtanong. Diretso ka na masasagot, 'di ba?" "Mia, sabi mo itinanggi niya na 'yan noon, 'di ba? Baka 'di niya rin ako matulungan. Sabihin pa no'n chismis lang." "Kung sabagay. Eh sa daddy mo kaya?" "Try ko. Oh sya, sige, ingat na lang." "Okay, bye, friend. See you!" Sumakay na sila sa mga sariling sasakyan at nagkanya-kanya na ng alis. Dumiretso naman si Charee sa city hall para simulan ang research.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.5K
bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

His Property

read
951.2K
bc

My Secret Agent's Mate

read
119.0K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.9K
bc

Mistakes (Montemayor Series3)

read
368.3K
bc

Secretly Married To The Campus King (Filipino)

read
274.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook