Chapter 5

1792 Words
Chapter 5 ---FLASH BACK--- Halos lumuwa naman ang mata ni Nida sa nakita sa larawan dahil ang Matteo na sinasabing kakambal nito ay hindi lang masasabing may kapansan kundi mukhang halimaw. Hindi lang ito talaga ‘di mukhang tao. Dahil talagang hindi ito tao. Dahil ang Matteong ito ay may mukha na itsurang isda na mukha rin palaka, may bukol sa likod na parang pagong pero may palikpik, parang makaliskis din ito na madulas ang buong katawan para itong nadeform sa itsura nito. Kung magpapadescribe ng syokoy ay ito ang tamang description para sa ganung nilalang. Napakalayo sa mala-leading man na itsura ni Martin. "Ngayon Nida sa tingin mo ba maipapakita namin siya sa mga tao? Ano sa tingin mo ang sasabihin ng publiko kapag nalaman nila ang tungkol sa kanya?" Tanong ng mayor sa kanya. Hindi naman nakasagot ang dalaga sa tanong nito. Tinignan niya ulit ang picture at ang mayor. Napakalayo ng dalawa. Ubod ng gwapo ang mayor nila kaya nga lihim niya itong minamahal mula ng una niya itong nakita noong bata pa siya pero kabaligtaran naman ng itsura ng kakambal na mukhang halimaw at nakakatakot. Hindi niya malaman kung anong klaseng nilalang ito dahil ngayon lang siya nakakita ng ganoon. Hindi nga yata niya kayang lapitan ito dahil baka kagatin siya o  kaya ay saktan. "N-Nakakapag s-salita po ba siya?" Wala sa sariling tanong niya. Tumango ang ina nito. "Oo nakakapagsalita naman siya. Panlabas lang ang ibapero parang normal na tao naman kung kakausapin kahit kadalasan ay tahimik lang siya palagi. Isa pa ay kahit naman ganyan ang itsura niya ay mabait siya pero madalang kami nitong kausapin. Lagi lang ito nasa kwarto na pinagawa namin para sa kanya. Kasi ay gustong gusto niya sa tubig kaya ang kwarto nito ay may isang malaking swimming pool na nasa ilalim ng bahay namin halos buong buhay niya ay hindi siya nakalabas maski mga kamag-anak namin ay hindi alam ang tungkol sa kanya. Kami ng asawa ko, si Martin, ang doctor na nagpaanak sa akin at ngayon ay ikaw. Tayo lang ang nakakalam. Masyado namin siya kasing iniingatan. 30 years na siyang nakakulong lang sa bahay naming Nida. Alam mo naman ang mga tao mapanghusga at baka gawa siya ng masama o mapintasan. Napakabait ng kakambal ni Martin kahit paminsan minsan ay nasa ilalim lang ng pool at ayaw lumabas. Hindi kami nagkaroon ng sakit ng ulo sa kanya. Hindi rin siya nagtatangka na lumabas o lumayas kaya hindi ko alam kung napano na siya at kung nasaan siya ngayon" Naiiyak na naman na sabi ng ginang. Medyo nakaramdam naman na ng awa ang dalaga sa kakambal nito. Hindi rin biro ang pinagdadaanan nito. Wala naman siguro may gusto na ganung itsura ipanganak. Isa pa ay hindi nga malayong gawan ito ng masama kung makita ng mga tao baka nga patayin pa ito. Kinabahan naman siya. Sino ba magaakala na kamag-anak pala ng pinaka mayaman at makapangyarihan na pamilya ang Matteong iyon kung sakaling may makakita? "A-Ano po bang nangyari sa kanya paano po ba siyang nawala? Wala po ba lock ang kulungan este kwarto po niya?" Tanong niya ulit. "Busy kasi ako kaninang umaga dahil malapit na ang araw ng kamatayan ng ama nila marami akong inaasikaso para sa mga padasal at mga magaganap na gatherings kaya si Martin ang nagdala ang almusal niya pero nung dadalhan ko na sana ng pagkain para naman sa tanghalian wala na ito sa kwarto nito bukas na din ang gate na nag sisilbing daan paalabas sa kwarto niya. Martin sigurado ka naman diba na nalock mo ang pinto?" Tumango ang mayor. "Oo naman ma saka alam naman niya ang mga pwedeng mangyari oras na lumabas siya. Takot din naman 'yun" Sagot naman ni Martin. "Pero bakit siya nawawala? Imposible naman na nadukot siya! Tagung-tago ang kwarto ng kapatid mo mas mas mauuna pa nga makita yung safe box ng pera kesa sa daan sa kwarto niya" Humahagulgol na naman ito sa pag-iyak. "Saan naman siya pupunta? Hindi kaya nagtago lang? Baka nandun lang siya at nangti-trip" Napahawak na rin sa batok ang mayor sa pag-iisip. Umiling ang ginang. Nagpunas ito ng luha sa mga pisngi. "Martin, Bakit naman siya magtatago? Saka nahalughog ko na ang buong bahay natin ay wala siya talaga nagtataka na nga ang mga kasambahay natin at puro tanong kung ano ba ang hinahanap ko para matulungan ako hindi ko naman masabi sa kanila pero nitong mga nakalipas na araw ay parang malungkutin na siya lalo. Nung huli kami nag usap ang sabi niya ay parang ang sikip-sikip daw sa kwarto niya at gustong makalangoy sa may malaking pool kaya ang sabi ko ay papagawan ko siya ng mas malaki" Sagot ng ina. "Eh nasaan na ba kasi kaya 'yang si Matteo naku malaking issue ito kapag nalaman ng mga tao, Maapektuhan pa ang posisyon ko dito lalo na at baka gawan ng negative na kwento " Napahawak pa sa noo ang mayor pinagpapawisan ito sa stress. Kinabahan na din si Nida sa mga pwedeng mangyari kung sakaling kumalat nga ang balita sa mga tao. "Issue? Martin, Wala na ako pakielam kung magkaissue man! Pagchismisan man ang pamilya natin! Basta mahanap ko lang ang anak koi yon ang mahalaga! Bahala na silang magpiyesta sa balita ang mahalaga ay maiuwi ko si Matteo" Tumango naman si Martin. Alam niyang kapag nagtaas na ng boses ng ina ay seryoso na ito. Hindi naman alam ni Nida kung sino ang titignan sa dalawa. Nararamdaman niya na ang uumpisa ng magkainitan ang mag-ina sa tingin niya ay mukhang paborito ang kakambal kesa sa mayor. Kunsabagay nakakaawa nga naman kasi ang naging buhay nito malamang ay wala itong kaibigan o Hindi nakapag-aral o nakapamasyal man lang kabaligtaran ni Martin na napakaraming bansa na ang napuntahan. "Okay po ma pasensya na gagawin po natin ang lahat para mahanap siya basta huwag ka na po mag-alala" Naupo na ito ulit sa tabi ng ina at hinimas ang likod. "Ah ma'am? Pwede po mag tanong ulit" Napatingin naman dito ang ginang. Medyo kumakalma naman na ito. "Sige ano 'yon?" "Maari ko po bang malaman kung paano po siya naging ganun? M-May sakit po ba siya? K-Kasi po ngayon lang ako nakakita ng ganun k-klaseng nilalang" Nagkatingin naman ulit ang mag-ina. "Hindi ko rin alam Nida kung bakit siya naging ganoon ang naalala lang ay nahilig ako sa palaka at pagong nang magsimula akong maglihi at pagbabasa ng tungkol sa sirena at mga syokoy lalo nung kasalukuyan na bubuntis ako sa mga anak ko" Napayukong sabi nito sa dalaga. Napatango naman si Nida. "Para pong pinaglihian ninyo? Pero 'di ninyo po ba sila pinacheck up?" Usisa ulit ng dalaga. "Hirap ako magbuntis noon halos magkukwarenta na kami ng asawa kong doctor ng magkaanak. Ang kaibigan niyang si doktor din na si Jose Samonte lang na family doctor namin ang tumingin sa akin dahil ewan ko sa asawa ko tiwala siya sa kaibigan isa pa ay dahil maselan din ako nagbuntis noon. Wala naman siya makitang problema bukod sa deformities ng itsura nito. Oo nga pala in vitro fertilization ang ginawa sa akin kaya nabuntis ako sayang nga lang at halos sampung taon gulang pa lang ng mamatay ang asawa ko ng malunod sa isang dagat kung saan sila kumukuha ng mga bagong species" Napatango ulit ang dalaga. Kilala din niya ang ama ng mayor kahit ‘di naabutan noong nabubuhay pa dahil bukod sa doctor ay biologist at scientist ito. Maraming na didiscover na mga bagong uri ng hayop. Kilala din ito sa buong lugar nila at maraming larawan sa munisipyo. "Nida, Pakiusap sana ay walang makaalam nito maski sa mga kapatid mo" Sabi naman ni Martin. Puno parin ng pag-aalala ang mga mata nito. "Opo, makakaasa po kayo mayor" Naiintindihan naman ni Nida na malaking chismis ito sa parte ng mayor baka maging dahilan pa ito ng kung anuman masamang balita. "Salamat." Ngumiti na ito sa kanya. “Sir? Si Ma’am Natalie po? Alam rin po ba niya?” Tukoy nito sa girlfriend ng mayor. Umiling naman ang lalake. “Hindi, Tulad ng sabi ni Mama tayo lang ang may alam. Wala rin akong balak sabihin sa kanya” Napatango nalang ang dalaga pero napaisip niya na ikakasal na ang mga ito imposible naman na hindi niyon makita ang tinatago nila pwera nalang kung sa ibang bahay na titira ang mga ito. Medyo nakaramdam na naman siya ng lungkot kapag naiisip na magkakaroon na ng sariling pamilya ang lalakeng matagal nang minamahal. “O siya Martin mauna na ako umuwi dahil parang tumataas ang presyon ko gusto ko mahiga muna sana lang ay nasa bahay na siya at nagtago lang talaga kundi ewan ko baka mauna pa akong mamatay kapag may nangyaring masama sa anak ko” Napatayo na ang ginang at inalalayan ng anak. “Ma. Huwag kang magsalita ng ganyan” Saway naman ni martin. Maaga nga nag-out ang mayor dahil sinamahan na nito ang ina pauwi para hanapin ang kapatid. "Bakit hindi ninyo sinabi na galing sa isang species talaga ng hayop sa dagat si Matteo? Sinabi pa ninyo na naglihi kayo sa mga syokoy. Akala ko po ba aaminin na natin ang totoo kay Nida?" Magkatabi sila ng ina sa kotse nito pauwi nakatingin lang sa bintana ang ginang. "Martin, Hindi na dapat sabihin siguro iyon sa kanya ang mahalaga ay alam na may ganun tayong miyembro ng pamilya, Isa pa huwag mo nga siya sabihan na hayop. Hindi hayop ang anak ko!" Inis na sabi ng ginang. Natahimik si Martin. Ang totoo niyan ay hindi naman galing sa tiyan ng ginang si Matteo. Galing talaga ito sa isang itlog na nauwi noon ng ama galing sa isang research. ------------------------------------- Hindi naman halos nakatulog nang gabi na 'yon si Nida dahil sa nalaman. Halos nawala na nga siya sa sarili ng makaalis ang mag-ina kanina sa opisina. Hindi niya akalain sa likod ng magandang pamilya Rosario ay may tinatago pala ang mga itong sikreto. Nananalangin siya na sana ay makita na ang kaptid nito dahil ayaw niya nakikitang malungkot ang mayor maging ang ina nito. Naisip niya na malapit na itong ikasal kay Natalie pero hindi pa nito alam ang tungkol sa kakambal ng mayor ano kaya ang magiging reaksyon nito? Napakaarte pa man din ng babae at mukhang hindi matatanggap ang ganitong lihim. Kahit na sa ibang bahay tumira ang mga ito malamang naman ay dadalaw ito sa ina kaya imposible na hindi dumating ang araw na makita nito ang sikretong kakambal ng mayor. Kung siya lang sana ang minahal ng lalake sana ay magkasama nila ngayon kinakaharap ang ganitong problema ng pamilya nito. Umaasa siyang hindi matuloy ang kasal ng mga ito at mabigyan sila ng pagkakataon dalawa. itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD