Chapter 6

1878 Words
Chapter 6 ---1980 FLASH BACK--- Inis na inis si Martin. Akala pa naman niya ay masosolo na niya ang pagmamahal ng ina ngayong wala na ang halimaw na si Matteo pero parang lalo naman nakuha nito ang atensyon ng ina dahil sa paghahanap dito. Maski noon nabubuhay pa ang ama ay ramdam niya na mas mahal ang halimaw na kapatid kesa sa kanya. Ang totoo niyan ay ilang linggo na niyang itong sinasabihan na magandang pumunta sa ilog dahil malaki ang malalanguyan nito doon kesa palagi na lang siyang nasa isang sulok lang at nagtitiis sa swimming pool. Malapit lang din kasi halos sa ilog ang subdivision nila. Mukha naman sinunod siya nito dahil sinadya niyang hindi isara ang pinto sa labas kaya nakalabas ito ng kwarto. Medyo natawa na siya ng maalala kung paano udyukin ito na magpunta sa Ilog Sigpa. Katulad ng nangyayari sa araw-araw ay palagi lang itong nasa loob ng kwarto nito at hindi lumalabas. Dinadalhan lang ito ng ina ng pagkain dahil natatakot din na makita ng mga katulong sa bahay o kung sinoman. Mabait naman na kapatid si Matteo ang totoo ay sweet ito kahit na mukhang halimaw. Tuwang-tuwa nga ito kapag pinupuntahan niya para makipag-usap o makipag laro noong bata pa sila. Noon ay medyo natatakot din siya sa itsura nito dahil mukha itong alien at hindi normal na tao anf panlabas na anyo pero pinalaki silang dalawa na ang turing sakanila ng magulang ay kambal. Ayaw man niyaay wala namaan siya magawa dahil gusto niyang mahalin siya ng mga magulang. Natutunan na rin naya itong matanggap pero ng tumagal ay namuong inggit sa puso niya dahil ramdam niya talagang mas mahal ito kesa sa kanya. "Martin, Maganda ba talaga sa ilog?" Tinitignan nito ang mga litrato na pinakita ng kapatid. Napangisi naman si Martin. "Oo naman. Sobrang ganda! Alaga ng administrasyon ko ngayon sa munisipyo ‘yun. Sa palagay ko nga mas makakalangoy ka ng maayos doon at mas makakahinga. Kaso alam mo naman medyo delikado pero kung saglit lang naman siguro ay hindi na masama. Pinagbabawal ko naamn ang pagtambay doon para maiwasan na marmihan alam mon a baka tapunan ng basura o ihian. Gusto ko kasing maging tourist spot iyon. Sana nga ay makita mo para masabi mon a totoo ang sinasabi ko." Tumango ang kapatid. “Sana nga Martin at mapagbigyan ako masilayan itong ilog. Mukhang masarap dito at pakiramdam ko ay maginhawa.” Titig na titig pa rin ito sa mga larawan. Lalo naman natatawa si martin at nasabi na lang sa isip na “uto-uto talaga” “Kapag nandoon nga ako ay nakakapag relax ang utak ko nakakapag isip ako ng maayos at mas nagkakaroon ako ng peace of mind. Sa tagal mo dito alam ko na sobrang lungkot hindi naman masama siguro kung minsan ay susuway sa utos kung sa tingin mo naman ay makakabuti sa iyo. Kadalasan sa umaga wala gaanong tao doon sa pagkakaalam ko sa hapon lang madaming tambay na kabataan o mga nagchichismisan” Pangbuburyo pa ni Martin. Palabas na ng kwarto si Martin ng maisip na hayaan nakabukas ang gate. Alam niyang sobrang sabik na ang halimaw na makalabas ng bahay. Ni minsan yata ay hindi pa nito naranas na tumabay sa kahit sa loob ng malawak nilang bakuran. Tatawa-tawang iniwan niya ito para mas mahikayat ito na lumabas sa kwarto nito. "Huwag na sanang bumalik ang Matteong 'yun!" Iritang sabi nito saka nahiga. ---------------------------- Malungkot na nakahiga si Mrs. Rosario sa kama. Naiyak na naman siya ng maalala na nawawala si Matteo. Alam niyang hindi talaga naging patas ang pagtingin niya sa mga anak. Mas minahal niya talaga si Matteo kesa kay Martin. Kung sabagay lingid sa kaalaaman nito ay hindi niya rin totoong anak ang lalake at inampon lang din nila sa isang katulong na nabuntisan ng asawa kesa masira ang pagsasama nila ay kinuha na lang nila ang anak nito dito at tinuring na anak pero aaminin niya hirap pa rin siya na mahalin ito dahil naaalala ang kataksilan ng asawa. Hirap kasi siya talaga magbuntis at kalaunan ay nalaman na baog siya talaga. Pinilit naman niya na pagaain ng loob kay Martin lalo ng mamatay ang totoong ina nito dahil sa panganganak marahil ay bata pa kasi kaya hindi kinaya. Pinalabas nilang buntis siya at sa kanya ito talaga galing. Halos mawalan siya ng amor sa asawa dahil sa nangyari pero isang araw magtatatlong taon gulang na noon si Martin ng dumating ang isang itlog na galing sa isang research ng asawa. Dahil sa itlog na iyon ay nanumbalik ang pagmamahalan nila ng asawa at mas tumibay pa. Para na rin niya naranasan na maging totoong ina mula ng dumating si Matteo. Hindi man maayos ang itsura nito, Nakakatakot man ay ito ang nagparanas sa kanya na maging totoong ina. Binigyan siya nito pag-asa na huwag mawalan ng gana sa buhay. Binuo ulit ng ang nasirang pagsasama nila ng namayapang asawa. Napahagulgul ng iyak si Selena. Kinuha nito sa tinatagong box ang mga lampin nito noon na may burda ng pangalan nito saka niyakap. Hindi maalis ang takot niya na may gawing masama dito ang makakakita. Alam niyang nanganganib ang buhay nito at pwedeng mapahamak oras na may makakuha dito. Hindi pa naman ito sanay lumaban dahil napakabait nito. Mas madalas nga itong nagpapatalo dati tuwing naglaalro sila ni Martin maski alam niyang sinasadya nito para lang mapasaya ang kapatid. Napatingin siya sa larawan nila na nasa bedside table niya. Ayaw naman niya mag-isip ng masama. Huwag lang niya malalaman na si Martin ang may pakana nito dahil siya mismo ang gaganti rito oras na may mangyaring masama kay Matteo. Aaminin niya tuwing nakikita niya ang ampon ay naaalala pa rin ang mga masakit na nakalipas na pagtataksil ni Miguel sa kanya. Ramdam niya noon na medyo nawalang ng kibo si Miguel sa kanya mula ng umuwi sila galing sa check-up at malaman na baog siya at hindi na talaga makakabuo pa. Masakit sa kanya na malaman na siya pala ang may problema sa kanilang dalawa. Palagi ng ginagabi ng uwi ang asawa mula noon halos dalawang linggo na nagpapakalunod ito sa laboratory kung uuwi man ito ay madaling araw na. Sumama rin ang loob niya dahil imbes na palakasin ang loob niya ay pinaparamdam nito na wala siyang kwentang asawa. Wala siyang kwentang babae dahil hindi makakapagbigay ng anak para masabing pamilya sila. Napagpasiyahan niya na pumunta muna sa mga magulaqng. Linggid sa kaalaman ng mga ito ang problema nilang kinakaharap ng asawa pero dahil magulang ay naramdaman ng mga ito na hindi siya okay kaya doon na bumuhos ang luha at nasabi niya ang totoo. Awang-awa ang mga ito sa kanya pero sinabing huwag mawalan ng pag-asa. Lasing naman na umuwi si Miguel. Si Marie ang sumalubong rito mula sa pintong pinagkakalampag niya. “Kuya, Bakit po kayo naglasing? Naku wala po si Ate dito ngayon umalis kanina” Sabi nito. Inakay naman siya nito sa kwarto at sa hindi malaman ay biglang nayakap ni Miguel ang dalaga. Nagising nalang siya kinabukasan na magkatabi na sila nito at walang saplot. Halos magdadalawang buwan ang lumipas ay nakita nilang nagsusuka sa lababo ang batang katulong. Medyo nag-alala si Miguel at kinabahan dahil nitong mga nakalipas na linggo ay nagiging bugnutin ito at lumalakas kumain ng kung anu-ano. “Napano ka Marie?” Tanong ni Selana dito at hinagod pa sa likod. “Ewan ko nga po ate. Nangangasim po ang sikmura ko. Kumain naman po ako” Sagot nito tapos ay sumuka ulit. Napailing naman si Selena. Ilang beses na niya itong nakitang nagsusuka sa loob ng linggong ito. “Umamin ka may nobyo ka ba? Noong isang araw ay nakita kong nagsusuka ka. Tapos hindi mo pa nagalaw yung mga sanitary napkins na supply na binibigay ko tuwing buwan. Buntis ka ba?” Tanong nito ulit. Lalong kumabog ang dibdib ni Miguel sa tanong ng asawa. Napatingin sa kanya si Marie kaya iniwas niya ang tingin at lumabas. “A-Ate, W-Wala po. B-Baka po may nakain lang ako na sira” Kinakabahan naman na sagot nito. “Naku Marie, Kinuha kita sa probinsya para hindi matulad sa mga babae roon na maagang nakakapag asawa. Sayang naman ang pag-aaral mo kung mabubuntis ka rin” Napapailing na sabi nito. Nagninight Schooling kasi ito para naman matuto at magkaroon ng maayos ng trabaho. Hindi nakasagot si Marie at tinanaw si Miguel. Medyo nagsisisi siya na nagpadala noong gabing iyon. Napakabait ng babaeng amo. Malaking tulong ang naibibigay sa kaniya at sa pamilya. Nahihiya siya kung totoo man na buntis siya at asawa pa nito ang ama. Kung bakit pa kasi siya lihim na nagkagusto rito. Hindi kasi niya maiwasan na marinig ang usapan ng mga ito tungkol sa pagiging baog ni Selena. Akala niya ay Kung sakaling may mangyayari sa kanila ay siya na ang magustuhan. Hindi naman niya naisip na mabubuntis siya. Napatunayan din niya na hindi naman siya nito talaga gusto at mukhang natakot ng marinig na pinaghihinalaan siyang buntis. Gusto na niyang maiyak pero pinigil ang sarili. Nang gabi na ‘iyon ay humingi siya kay Miguel ng pregnancy kit. Kabadong kabado siya na inantay ang resulta at napatakip ng bibig nang makita na positive at kumpirmadong buntis nga siya. Nanginginig ang mga kamay na pinakita niya ito kay Miguel na hindi naman mapakali. Napatulala ito at bakas ang gulat sa mukha. “A-Anong gagawin natin ngayon?” Tanong niya sa lalake na nakatingin pa rin sa pregnancy test kit. “Pananagutan ko ang bata” Medyo nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito. “Magsasama na ba tayo?” Tuwang tanong niya. Kumunot noo naman ang lalake. “Ano?” Tanong nito. “S-Sabi mo p-pananagutan mo ang bata?” Naiiyak na sabi ng batang katulong. Napailing naman si Miguel. “Marie, pananagutan ko ang bata pero hindi ibig sabihin na magsasama tayong dalawa” Sagot naman nito na napahawak pa sa batok. “Ganun nalang ba ‘yun? Paano naman ako Miguel? Saan ako pupunta kapag nalaman ni Ate Selena na nabuntis mo ako. Akala ko gusto mo ako?” Ang umiiyak ng sabi ni Marie. “Marie, Lasing lang ako walang ibig sabihin kung anuman ang nangyari sa atin ” Napapikit na sabi ni Miguel at napasandal pa sa pader. “Magkakaanak na tayo! Narinig ko na baog ang asawa mo bakit hindi mo siya hiwalayan at ako kasama ng magiging anak natin ang makisamahan mo. Tayong tatlo ang bumuo ng pamilya. Matagal mo ng gusto magkaanak diba? Paulit ulit mo sinasabi na gusto mo ng anak noong gabing may mangyari sa atin. Ito naibigay ko na sa iyo” Kumapit pa ito sa mga braso ng lalake. Nagulat naman sila pareho ng marinig ang nabasag na baso. Nanlaki ang mga mata nila pareho ng makita ang tulalang si Selena na tahimik na lumuluha habang nakatingin sa kanila. Hindi akalain ni Miguel na gising pa pala ito at parang nauhaw kaya lumabas ng kwarto. Nagulat siya ng biglang nawalan ng malay ang babae at sa mismong mga bubug pa ng baso bumagsak. “S-Selena!” Sigaw niya saka mabilis na dinaluhan ang asawa. Dinala ito agad sa hospital para magamot ang mga tibo na kumapit sa katawan. itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD