Chapter 2
Sigpa City Municipal hall
Binati si Charee ng mga tao na nakakasalubong niya sa loob ng Munisipyo lalo na ang mga staff. Nginingitian naman din niya ang mga ito. Isa ito sa mga magagandang katangian ng pamilya nito—mga palangiti at approachable sa mga tao. Kahit sino ay kinakausap ng mga ito, mapamahirap o mayaman. Dumiretso siya sa opisina ng ama pero ayon sa mga Staff nito ay mayro'n itong meeting kasama ang iba pang opisyal ng lungsod.
Nilapitan naman niya si Nida na Personal Secretary ng ama. Ito rin ang secretary ng lolo niya noong ito pa ang mayor. Hindi na nila ito pinalitan kahit 59 years old na ito dahil malaki ang tiwala ng pamilya nila rito. Isa pa ay tumanda na ito at hindi na nagkaroon ng sariling pamilya.
"Ate Nida, kumusta ka na po?"
"Ayos naman, Ma'am Charee. Ikaw? Lalo kang gumaganda ah! Dalagang-dalaga ka na. Bakit minsan ka lang madalaw dito?"
"Naku, huwag mo na nga ako i-Ma'am, Ate Nida. Ikaw talaga. Saka pareho tayong maganda, 'no. Ikaw nga parang di ka tumatanda eh." Nagtawanan ang dalawa.
"Ikaw talaga. Teka, ano ba kailangan mo kay mayor? Hindi ko kasi alam kung anong oras sila matatapos. Mga investor kasi 'yung kausap nila kaya lahat ng ibang meeting niya ay canceled na. Mukhang importante 'yung kausap nila kasi lahat ng officials ay pinatawag kanina."
"Gano'n po ba? Wala naman po. May itatanong lang ako. Malapit na po akong mag-graduate, Ate." Nilapit nito ang upuan sa lamesa ng sekretarya.
"Aba! Congrats ah! Mukhang ikaw na ang papalit sa Papa mo 'pag lumipas ang panahon. Tungkol saan ba ang itatanong mokay Mayor? Baka makatulong akong makasagot, huwag lang Math ha. Nakalimutan ko na ang mga formula." Tumawa si Nida.
Kumislap naman ang mata ni Charee. Bakit ba hindi niya naisip na ito ang pagtanungan tungkol doon? Lalo na at nandito na ito mula nang maging mayor ang lolo niya, kasabay ng tsismis na narinig ni Mia at nabasa nito sa Diyaryo. Pwedeng may alam ito sa mga nangyari o kung ano ba ang totoo sa mga tsismis na kumakalat.
"Ate Nida, pwede ba akong magtanong sa iyo? Para kasi ito sa reseach ko sa thesis sa major subject ko. Ito na lang kasi ang kailangan para maka-graduate ako."
"Ah, Oh sige, ano ba 'yon?"
"Ate Nida, tungkol sa mga tsismis dito sa munisipyo."
Humalakhak si Nida. "Tsismis? Naku. Mahirap yata 'ya. Ang daming tsismis dito eh. May pakpak ang balita."
Tumawa si Charee. "Eh kaya nga po sana masagot ninyo."
"Tungkol sa tsismis ang Thesis mo?" natatawa nitong tanong.
"Hindi ko po masabi kung tsismis 'yon talaga, kasi wala talaga akong ideya, pero sobrang na curious ako kaya iyon ang napili kong topic."
"Susubukan kong sagutin, ah! Tungkol ba saan?"
"Ate Nida, totoo ba na may halimaw sa ilog Sigpa natin?"
Hindi naman nakakibo ang babae at lumaki ang mga mata nito sa gulat. Nawala rin ang pagkakangiti nito sa tanong ng dalaga.
"K-kanino mo nalaman 'yan?" gulat na tanong nito.
"Ahh... ehh... narinig ko lang po. Parang urband legend na tsismis, gano'n po." Ayaw rin naman niya ipahamak ang kaibigan dahil baka pagalitan ito ng ama. Mas mahigpit pa naman ang Vice Mayor. Kilala itong Strikto kaya gusto nga sana niyang tulungnan ang kaibigan sa thesis nito dahil baka hindi ito pumasa at mapagalitan. Kabaliktaran ng kanyang ama na makamasa sa lahat ng tao at friendly.
"Teka, 'yan ba ang itatanong mo sa papa mo?" Nasa mukha pa rin nito ang gulat.
"Ah, opo sana, kaya nga dumiretso na po ako agad dito. Hindi ko na siya mahintay sa bahay mamaya."
"Huwag!" bulalas ni Nida.
Nagulat naman ang dalaga sa biglang pagtaas ng boses nito. Bigla naman itong huminahon nang makitang nagulat ito sa pagsigaw niya. Napatayo pa ang sekretarya sa upuan.
"Ate, okay ka lang?" Hindi niya akalain na parang sobrang affected naman nito sa tanong niya. Lalo tuloy niya gustong malaman ang totoong nangyari noon.
"P-pasenya ka na. Mahigpit kasing pinagbawal ng lolo mo 'yan noon na banggitin dito sa munisipyo. Hindi pwedeng pag-usapan ng mga empleyado. Kahit pa nga ang Papa mo na ang pumalit na Mayor ay bawal pa rin. Kaya baka magalit sa iyo kapag inungkat mo pa. Isa pa, huwag mo na 'yon isipin maraming pwedeng maging topic na magagandang proyekto rito."
"Po? Bakit naman magagalit? Pero may narinig po ako na may nakakita raw talaga eh. Nasaan na po 'yung sinasabing mga mangingisda na nakakita?"
"H-hindi ko alam." Umiwas ito ng tingin kay Charee.
"Please, Ate Nida, kung gusto mo, bayaran kita para sa info. Na ibibigay ko kahit gawin kong from anonymous source na lang, saka kung pinagbawal ni lolo 'yan at ni papa, mukhang wala din pala ako pwedeng pagtanungan dito. Kaya please po, para sa research ko."
"Please din, iba na lang, Charee. Huwag na tungkol doon. 'Yung mga project na lang na nagawa noon ng lolo mo na pinagpapatuloy ngayon ng papa mo, mas okay pa. Mas madali pa 'yon, pwedeng kopyain mo na lang sa Bulletin board. Hindi ka pa mahihirapan. Madami na rin picture for reference ng mga bawat project. Tiyak naman makakapasa ka, lalo anak ka ni Mayor at kilala ang pamilya ninyo dito sa lugar natin."
"No, Ate Nida, Iyon po ang gusto kong topic, kaya please, huwag kang mag-alaala, hindi ko sasabihin na ikaw ang nagsabi. Saka gusto ko rin malaman ang totoo. Please, help me." Hinawakan pa niya ang kamay nito.
Napatigin naman si Nida sa kamay ni Charee. Para na rin niyang anak ito dahil mula pagkabata ay nakikita na niya ito hanggang magdalaga. Mabait ang pamilya Rosario sa kanya. Halos lahat ng kapatid niya ay nakatapos sa tulong ng mga nito. Hindi na siya nakapag-asawa dahil may lihim siya na pagtingin sa lolo nito, ang dating Mayor Martin Rosario.
Matagal-tagal na rin ang balita sa halimaw ng ilog Sigpa pero malinaw pa rin sa kanya ang lahat ng mga nangyari noon