Chapter 7
Nagising si Selena sa isang hospital. Masakit ang mga sugat na tinamo mula sa mga bubog pero wala na yatang sasakit pa sa nalaman na nakabuntis ang asawa ng ibang babae. Daig pa yata niya ang binagsakan ng langit at lupa sa sobrang hinagpis na nararamdaman.
Napatingin siya sa gilid niya at nakita ang asawa na nakasubsob sa kamang hinihigaan. Gusto niya sanang sampalin at sabunutan ang lalake. Murahin ng paulit ulit pero naiyak nalang siya ng tahimik dahil may parte ng utak niya ang nagsasabi na kasalanan rin naman niya kung bakit iyon nagawa ng asawa.
Naghanap ito ng babae na makakapag bigay sa kakulangan niya bilang asawa. Parang sasabog ang puso niya pero pinilit na intindihin ang lalake. Alam naman niya na kahit magkasintahan pa lamang sila noon ay hinihiling na nito na magkaroon sila ng maraming anak. Bagay na kahit kelan ay hindi niya matutupad pa. Nagising si Miguel dahil medyo lumalakas ang pag-iyak niya. Niyakap siya nito at nagsimula na rin na maluha.
“Patawarin mo ako Selena, Sinusumpa ko ikaw lang ang baabeng minamahal ko kung may nangyari man sa amin ni Marie ay hinid ko sinasadya. L-Lasing ako noon at sobrang sama ng loob na malaman na hindi na tayo magkakaroon ng sarili nating anak. Alam mong matagal ko na ‘yun na pangarap” Humahagulgol na sabi nito.
Hindi naman nakakibo si Selena walang boses na lumalabas sa kanya parang nauupos siya na kandila. Wala na siyang lakas. Gusto na niyang mawala sa mundo dahil pakiramdam niya at wala siyang kwentang babae.
“Patawarin mo ako. Nagsisisi na ako Selena” Patuloy ito sa pag-iyak.
“M-Magsasama na ba kayo? I-Iiwan mo na ba ako?” Halos pabulong niyang sabi. Magkakasunod na iling naman ang ginawa ng lalake.
“Hindi Selena, Hinding hindi kita iiwan” Bumitaw sa pagkakayakap si Selena at tinignan sa mata si Miguel.
“Paano ang anak ninyo?” Tanong niya.
“K-Kukunin ko ang bata. Kung papayag ka ay ikaw ang kakalakihang ina niya-” Nabuga ng hangin si Selena.
“Alam mo ba ang sinasabi mo? Sinong matinong tao na ipapamigay ang anak? Narinig ko na gusto ka ni Marie! Gusto pa nga niya na kayo ang magsamang dalawa!” Sigaw nito sa asawa. Napayuko naman si Miguel.
“Kung hindi niya ibigay ay wala akong magagawa. Sosoportahan ko ang bata pero ilalayo ko silang talaga. Malayo sa atin dalawa.” Napaluha ulit si Selena. Naiisip niya ang magiging reaksyon ng mga magulang at pamilya nila.
Naging maayos naman na siya at nag-aya ng umuwi. Naabutan nila ang umiiyak din na si Marie. Hindi ito makatingin sa kanya kahit ilang paghingi ng tawad ang sinabi nito. Tulala lang siyang naglakad hanggang sa makapasok sa kwarto nila ng asawa at inilock ang pinto.
Pumasok siya sa banyo at pinuno ang bathtub saka naupo. Gusto niyang lunurin ang sarili pero naiisip ang mga magulang. Nangako siya sa mga ito na aalagaan nia kaht magkaroon ng sariling pamilya.
Mabuti na lang talaga at nasa katabing bahay lang nila ang mga ito nakatira at hindi naririnig ang mga nangyayari dahil sigurado siya na oras na malaman ay ipapahilay siya sa asawa at baka ipakulong pa nila ito.
“Marie, Mag-usap tayo” Napatingin naman dito ang dalaga at umiiyak na lumapit.
“Ano nang mangyayari ngayon?” Umiiyak na sabi nito.
“Mahal ko si Selena. Kung anuman ang nangyari sa atin ay hindi sadya pero papanagutan ko ang bata. Kung gusto mo ay pagkapanganak mo ay kukunin ko ang bata sa ngayon ay Ikukuha ko kayo ng bahay malayo dito. Ako na ang bahala sa pinasyal ninyo at iba pang pangangailangan” Tumango naman ito at pumayag na rin.
Nang umalis kanina ang dalawa para isugod ang among babae sa hospital ay parang nagising ang diwa niya na hinding hindi siya magugustuhan ng lalake at ang asawang babae pa rin ang pipiliin nito anuman ang mangyari.
Nagbalot na ito ng gamit at pinahatid sa isang apartment na kinuha ni Miguel. Pinangako nito na buwanan ay magbibigay ito ng pera pampachek up at para sa mga bayarin na bills at pagkain sa araw araw. Hindi lumabas si Selena ng kwarto hanggang hindi nakakaalis ang babae sa pamamahay nila.
Lumipas pa ang mga buwan na hindi na masyadong nagpapakita ng amor si Selena sa asawa madalas lang ito sa bahay at nakakulong sa kwarto. Hindi naman tumigil si Miguel na ipakita na nagsisisi na ito.
Mag-a-anim buwan ang lumipas ay nakatanggap ng tawag si Miguel mula sa isang hospital dinala daw si Marie dahil aksidente na nahulog sa hagdaanan. Sumama naman si Selena dahil ayaw niyang pagbigyan ng pagkakataon ang dalawa. Wala na siyang tiwala sa mga ito at baka gawa gawa lang na nahospital.
Pagkadating sa hospital ay kasalukuyan inooperahan ang comatose na si Marie. Kinailangan din na kunin na ang bata sa sinapupunan nito maski kulang pa sa buwan. Inilagay nalang ito sa incubator habang nakikipaglaban sa binggit ng kamatay ang ina.
Ialng oras pa ang lumipas at nakita nilang umiling na ang doktor. Nagkatinginan silang mag-asawa at nakumpira na wala na ito ng sabihin ng doktor na ginawa nila ang lahat pero malaki ang damage na nangyari sa ulo nito ng maaksidente at mabagok.
Dahil si Miguel naman ang ama ng bata ay ito na ang nag-asikaso sa katawan ni Marie. Pinabalita sa probinsya ang nangyari dito at laking gulat nila na hindi pala alam na buntis ito.
Titig na titig si Selena sa baby na nasa loob ng incubator. Nakaramdam siya ng awa dito. Wala naman itong alam sa mga kasalanan ng magulang pero aaminin niya may nararamdaman siyang sakit pa rin dahil ito ang nagpapa alala ng kataksilan ng asawa.
“Selena” Tawag ng lalake sa kanya. Lumapit din ito sa Nursery at sumilip.
“Paano na ngayon. Anong balak mo sa bata?’” Tinginan siya nito pero nanatiling sa baby nakatuon ang paningin niya.
“H-Hahanap ako ng mag-aalaga sa kanya” Napatingin na siya dito at kumunot ang noo.
“Mag-aalaga?” Tumago si Miguel.Napapikit si Selena.
“Ayusin mo ang mga papel niya saka natin Iuwi natin ang bata. Palabasin natin na galing sa akin at hindi sa ibang babae” Nanlaki ang mga mata ni Miguel sa sinabi ng asawa.
“A-Akuin mo ang pagiging ina sa bata?” Hindi makapaniwalang sabi nito. Lumayo naman na si Selena at naupo sa upuan.
“Hindi ko ito ginagawa dahil napatawad na kita. Iniisip ko lang ang mga magulang ko tiyak sasama ang loob nila at baka may mangyari pa sa kanila kapag nalaman ang ginawang kataksilan mo” Napayuko ulit si Miguel.
“Sorry Selena. Sorry talaga. Lahat ng gusto mo ay gagawin ko mapatawad mo lang ako” Lumuhod pa ito sa harapan niya kahit pinagtitinginan ng ibang tao na naroon.
“Miguel, Hindi ko alam kung kelan pero hayaan mo muna akong tanggapin ang lahat. Hindi biro ang ginawa mo sa akin. Ang mahalaga ngayon ay hindi malaman ng iba ang kalokohan na ginawa mo. Mas gusto ko na solohin ang sakit kesa malaman pa ng pamilya ko” Tumango ang naiiyak na si Miguel saka tumayo. Niyakap nito ang asawa pero hindi gumanti. Napatanaw lang ito sa baby. May namuo naman mga luha sa kanya pero pinilit na huwag tumulo.
Isang linggo ang lumipas bago umuwi ang mag-asawa galing sa hospital. Kay Selena na ipinangalan ang sanggol sa tulong ng kaibigan na abogado. Gulat na gulat ang pamilya nila ng umuwing may sanggol na.
SIinabi nalang nila na hindi alam na buntis si Selena at parang milagro ang naganap. Nakuha naman nila na paniwalaan ang pamilya at mga kamag-anak kaya tuwang tuwa ang mga ito.
Sa ibang tao ay parang napaka ganda ng pamilya nila pero ang totoo ay sa bawat na lumilipas ay parang lalong nadudurog ang puso ni Selena tuwing makikita si Martin dahil kamuka nito ang asawa at may hawig din sa ina.
Pinunasan ni Selena ang mukha hindi na muna dapat niya isipin ang nakraan ang mahalagaay mahanap si Matteo. Tumayo siya at kinuha sa isa pang box ang isang bilog na box. May laman itong shell. Sa shell na ‘yun nagmula si Matteo. Doon lumabas ang itinuturing na sariling anak. Naaalala pa niya ang lahat ng mga nangyari noon mula ng makuha ito ng asawa.
itutuloy