Pagka akyat ko sa pangalawang palapag ng bahay na mangha ulit ang mga mata ko kung gaano ka ganda ang design nito, simple pero maganda sa paningin.
Limang beses lang ata ako naka-akyat dito kasi hindi naman ako ang tagalinis dito, buntot lang ako sa aking ina kung saan s'ya naglilinis dito sa mansion na to.
May limang kwarto ang nandito, yung last na kwarto na nasa dulo for sure yun ang kwarto ng mag-aasawa. Bandang kanan ay ang rooms ng guestroom.
At itong natatanging design na'to na kulay black na may nakasabit pa. "Do Not Enter" ay malamang sa alamang, wala na talagang iba kundi kay Devi Cloud Valentino.
Malapit na ako sa pinto ng kwarto ni boyfriend ko, pagkatapat ko ng pinto kakatok na sana ako ng may napansin ako na post note malapit sa door knob.
Kinuha ko ito at binasa, ''TANGING ANAK LANG NI MANANG CARMELITA NA MAY MAGANDANG PANGALAN NA SHEMAIA ANG PAPASOK AT GUMISING SA AKIN. THANK YOU."
Lokong taong to may pasulat-sulat pang nalalaman. Mabuti at wala pa s'ya sa harapan ko baka matatawa na naman ito kapag nakita akong namumula. Ang aga-aga sumasayaw ang mga bulate ko sa tiyan dahil sa mensahe niya. Paano na lang kung may ibang nakabasa, Gosh ka talagang Cloudy na to pereng tenge.
Kumatok ako para atleast kung gising na s'ya hindi na ako kusang papasok kundi lalabas na lang ito. At kung may makarinig man sa baba ay alam nila na ginising ko lang ang alaga nila hindi yung kusa ko na lang itong pinasok sa kwarto baka makasohan pa tayo nyan ng...ng..di ko na tuloy maalala yung binasa ko sa libro about law, hays.
"Senyorito, gising na po!" tawag ko dito habang kinakatok ko ang pintuan niya.
"Sir, boss, prinsipe, kamahalan gising na po daw kayo, magtatanghali na." tawag ko ulit.
Natatawa na lang ako sa mga pinangalan ko sa kanya. Eh, sa ganun s'ya Shemaia.
Wala paring sumasagot o kalampag man lang na naririnig sa loob hudyat na gising ito. Lumilinga muna ako sa paligid baka maya-maya may tao at sigawan ako na ewan ko na lang, kasalanan ito ni kamahalan.
Pinihit ko ang doorknob
at hindi ito naka lock, sa bagay nakalagay na nga sa post note ang pagpasok ko. Sinarado ko agad ang pinto baka mamaya hubad baro ito at kapag may naka-akyat dito ano na lang iisipin.
Pagpasok ko pa lang sumalubong na sa akin ang lamig ng aircon. Grabe naman makapag-aircon tong half Italiano half Pinoy tong nilalang na'to. Ma double check nga baka mamaya naging yelo na ito.
Amoy lalaki talaga ang kwarto niya halatang hindi nagdadala ng babae, hmm matanong nga. Lalaking-lalaki din ang design, magkahalong kulay black and gray ang dingding at kurtina.
May walk-in closet din at ang katabi ay ang bathroom. Dumako ang tingin ko sa king size bed niya na kulay gray ang kulay ng bedsheet at comforter at unan.
And here you go, a creature who sleeps peacefully. Natabunan ng makapal na comforter ang halos buong katawan, ang ulo lang n'ya ang kita.
Lumapit ako sa kanya, nakatayo ako sa kanang bahagi ng kama niya malapit sa ulohan ng headboard para gisingin s'ya. "Boss, gising na daw!" tinapik ko s'ya sa may balikat para magising, walang response, tinakip ko ulit.
''Sir, gising na, prinsipe, senyorito, gising na po. Nagpapagising ka raw pagkarating ko, ito na po at ginigising kana." Akala ko ako lang tulog mantika nito, ang isa rin palang ito.
Ayaw talagang magising, kikilitiin ko kaya? Baka naman makatanggap ako ng malakas na suntok galing dito masama pa naman ang taong pinipilit na gisingin kagaya ko kasi buong araw ang pagkabad mood ko.
Naglalakad tapos babalik ako sa kung saan ako kanina nakatayo. Ano kayang magic word para magising si boyfriend.
Aha! Alam ko na. Nilapit ko ang bibig ko sa may tenga niya baka sakaling dito na sya magigising, I'll make sure na hindi mabaho ang hininga ko, ng maamoy ko ang mint na ginamit ko na toothpaste kanina kaya nagsalita na ako. Medyo nakatagilid ito sa akin at likod nya lang ang halos nakaharap sa akin. Medyo nakayuko ang kalahating katawan ko habang tinutukod ang dalawang kamay sa kama para malapit ako sa may tenga nya.
"Baby Cloudy gumising kana po." second parang hindi effective, bago ko pa mailayo ang aking mukha sa kanya, bigla na lang siyang humarap kung saan ako banda, mahihimatay ata ako nito ng maaga dahil sa gulat at lapit ng mga muka naming dalawa.
Ngiting-ngiti itong nakatitig sa akin
"Good morning lady," tatayo na sana ako ng tuwid ng bigla na lang niyang hinawakan ang maliit ko na bewang palapit sa kanya kaya napasubsob ang aking mukha sa may leeg niya.
"Cloudy! Anong ginagawa mo? Baka may biglang bumukas ang pinto at maabotan tayo sa position na ganito?" nahihirapan ko na sabi dahil naipit ang mukha ko sa may leeg niya, kahit buong gabing tulog to amoy baby parin.
Hindi nakikinig ang mokong na ito sa halip hinapit niya pa talaga ako sa bewang para halos buong katawan ko mapunta sa kama. Hindi naman ako nakadagan talaga sa kanya, half lang ng katawan ko bali magkadikit ang dibdib namin, mabuti na lang at naka white t-shirt ito at hindi hubo't-hubad na natutulog.
"Akala ko hindi mo na babangitin ang gusto ko na marinig galing sa'yo. Mabuti na lang at ginawa mo kaya nagising ako," ani niya na nakangiti.
Sinimangotan ko s'ya "so, ibig sabihin na gising kana talaga kanina pa?" tanong ko sa kanya.
"Yep habang nasa labas ka pa lang , alam mo bang madali akong magigising lalo pa at yung boses ni Shemaia Rey ang narinig ko, mas nagising lalo ako ng ginamitan mo ng magic word ang paggising sa akin." hinampas ko na naman ang balikat niya pero mahina lang naman.
"Ikaw talaga pinagod mo lang ako sa kakatawag sa'yo, yun naman pala kanina kapa gising, tsk"
"Bumangon kana nga, sabi ni manang Tori na gisingin daw kita pag nandito na ako oh nandito na ang mahal mo at gising kana kaya bumangon kana dyan." nakangiti kong sabi sa kanya.
Hinapit niya pa lalo ang dalawang braso niya sa akin para makayakap ako ng mahigpit pero hindi naman yung sobra na mawawalan na ako ng hininga. "15 mins. baby please inaantok pa ako." pakiusap nito.
"Yan computer games pa, sabi ni manang Tori, yan daw ang rason kung bakit halos madaling araw kana raw natulog?" kahit hindi ko man nakikita ang mukha niya alam kong nakangisi ito habang nakapikit ang mga mata.
Hinayaan ko na, ten minutes lang naman daw, ''sarap pala ng feeling kapag ganito, pagkabukas ng dalawang mga mata mo, mukha ng mahal mo ang una mong nasisilayan sa umaga," hindi ko alam kung kinakausap niya ba ang sarili o nagpaparinig ito sa akin.
Inangat ko ng kaunti ang ulo ko para makita ang kanyang mukha nakapikit pa rin siya habang hinahaplos ang bewang ko at likod ko.
Parang gusto ko narin ding matulog ulit dahil sa ginagawa niya para akong hinehele para patulugin dagdagan pa na amoy na amoy ko ang leeg niya, mabango syempre.
"Parang gusto ko naring matulog Cloudy," nag-oopen close na tong mga mata ko, dagdagan pa na may aircon sa kwarto niya. At saka maaga akong nagising kanina, pero hindi pwede dahil kasama ko si nanay ko baka mamaya at hindi ako nakita sa baba kahit sabihin nating pinagpaalaman ako ni manang Tori ay di parin sapat na matagalan ako sa kwarto ng alaga nila.Lalo na si nanay na alam niya na ang tungkol sa amin ni Cloud. Baka mamaya bigla na lang bumukas ang pinto tapos ganito pang posisyon ang bubungad sa kanya.
Tiningnan ko ang alarm clock nya na nakalagay malapit sa side table ng kanyang kama.
"Lampas ten minutes na Cloud, bumangon na tayo, please baka mamaya biglang bumukas ang pinto at si nanay pa ang nakapasok, patay tayo nyan baka babawalan ka na niyang pumunta sa bahay." sabi ko kahit joke lang yun pero baka kasi ano na lang iisipin ni nanay habang ganito kami, nagyayakapan sa sa ibabaw ng kama niya nakalimutan ko pa naman yung I lock.
"s**t!" bigla na lang siyang bamangon at ngayon nakaupo na. "oo nga pala, sorry may pagka leon pa naman ang mama mo minsan, baka mamaya bigla na lang akong sarhan ng pinto kapag nakapunta na ako sa inyo," sabi nito.
Mabuti na lang at nakatayo na ulit ako at bumalik malapit sa headboard ng kama nya ng lumampas na ang 10 minutes, saka siya bumangon bigla.
"Kaya nga Cloudy at isa pa pwede ka namang matulog ulit kahit hanggang hapon pa yan, walang problema. Isa pa wala namang pasok ngayon bakit ka nagpapagising na ganito kaaga, may lakad ka ba ngayon?" Tanong ko sa kanya, kanina pa kasi ako nagtataka.
"Yep! May lakad tayong dalawa! Tayong dalawa, mag gogrocery date tayo, ok lang ba?" tanong nito, hmm. Parang magandang idea yan ha para makaiwas ako sa mga gawain dito sa bahay nina Cloud, easy lang naman ang mag grocery kasi pipili ka lang ng mga gusto mong bilhin at ilalagay naman sa shopping cart then itutulak.
"Talaga?" panigurado ko.
"Yes!'' bibili na lang tayo ng pasalubong kay manang Carmelita para hindi yun magtampo, ako kasi ang nagpresinta kagabi, instead na si yaya Tori ang mag grocery. Gusto ko kasi na makasama ka, ayoko namang hanggang takaw-tingin na lang ako sa'yo dito sa bahay habang naglilinis ka," paliwanag ni Cloud.
"Ok, kaya bumangon kana dyan ng lubusan at makapagligo na at magbihis. Ako na bahala magligpit sa higaan mo," taboy ko sa kanya.
Sumunod naman ito at tuluyan ng hinawi ang makapal na comforter sa kanyang buong katawan, mabuti na lang ulit at naka pajama itong natutulog, sabagay sa sobra ba namang lamig ng kwarto nya. Medyo nanginginig na nga ako dahil sa lamig pinipigilan ko lang, hindi pala ako pwede nito sa Amerika lalo kapag winter at may snow sa kanila. Mindset, kapag every winter uuwi ako ng Pinas at babalik lang ulit kapag summer na, nge.
Matutupad siguro yan kapag sobrang yaman ko na, ay kung ganun man lang na uwian kapag tang lamig mas mabuti pang mag stay sa Pilipinas kaysa maglayas.
Pagkaapak ng kanyang paa sa sahig ay tumayo na ito pero bago pa siya pumasok sa loob ng banyo, nilapitan nya muna ako para halikan ako sa aking noo.
"Good morning my lady, alright wait for me here, ok? May offer ako, baka gusto mo sabay pa tayong maligo?" tawang-tawa ito ng pinaghahampas ko sa kanya tong unan nya, magsimula na sana akong magligpit na may pa hirit pa.
"Ang aga-aga Cloudy, mahalay kana ha! isa pa bagong ligo lang ako, kaya tsupe na at baka magbago isip ko at hindi kita sasamahan," pagbabanta ko sa kanya, panay ngisi lang nito.
"Baka one of these days, month o ilan taon na lang pwede na tayong sabay na mali, aw baby!" bago ko pa maihampas sa kanya ang isang unan ay kumarepas na ito ng takbo papuntang banyo habang tawang-tawa sa sinasabi niya kanina. "I love you, SHEMAIA baby!" malakas na sabi nito bago sinarado ang pinto.
Ako naman, ito at hindi ko mapigilan pamulahan ng mukha dahil mahalay ngayon si Cloud, ewan wag naman sana akong matukso.
Habang naliligo si Cloud, sinimulan ko ng iligpit ang higaan n'ya. Itinabi ko muna ang comforter n'ya at inayos mismo ang bedsheet at unan. May nakita akong libro sa ilalim ng unan at tungkol ito sa inspirational book. Ibinalik ko lang ito sa ilalim ng unan, mahilig din pala si Cloud sa ganyan, nagbabasa s'ya bago matulog siguro para pangpa-antok. Sunod naman na nilagay ay ang makapal na comforter. Ayan maayos na, napapangiti na lamang ako na makita ang resulta, parang walang natutulog kanina lang ah, sunod ko naman niligpit yung mga saksakan ng kanyang mga games at ibang bowl na nasa table kung saan siya naglalaro baka nilagyan niya ng mga snacks ang mga ito kagabi.
Maya-maya ay narinig kong bumukas na ang pinto ng banyo kung saan naliligo si Cloud. Wala pang 10 minutes, tapos na s'ya? Ang bilis naman? Excited lang?tanong ng isip ko.
"What a nice view, kapag ganito every morning." Rinig kong sabi nya, nilingon ko s'ya at bigla ko na lang binalik ulit ang mga mata ko sa higaan niya, paano ba naman kasi tanging tuwalya lang ang nakabalot sa kanyang kalahating katawan, nakakita tuloy ako ng pandesal, langya.
"Derecho sa walking closet mo Devi Cloud at magbihis kana," sabi ko pero hindi ko na binalik ang tingin sa kanya, kunwari inaayos ko pa ang higaan n'ya kahit wala na dapat akong aayusin.
Tumatawa lang ito, "Ganda talaga kapag nagbablush ang mahal ko," sabi nito habang papunta sa closet nya at bago pa maisarado ang pinto ay nagsalita na
naman ito. "I love you my life, Shemaia Rey Ocampo," langya talaga tong lalaki to, kamuntikan na akong bumagsak sa sahig bigla ba namang lumambot ang mga tuhod ko dahil sa sinasabi nya.
Paano na lang kung may nakarinig sa labas pero sabi niya soundproof naman daw itong kwarto niya, sinadya raw lagyan kasi naglalaro siya ng games, baka daw bigla niya na lang murahin ang kaaway niya sa laro at marinig pa ng mga magulang o mga kasama sa bahay.
Hay naku, bakit ko pa ba ginising yun? epekto ata yun sa kulang na tulog kagaya ko hindi naman ako mahalay pero nagjejelley -ace na lang bigla ang mga tuhod ko dahil sa kaharutan ng boyfriend ko.
Ilang minuto lumabas na si Cloud mula sa closet niya. Wearing his simple White V-neck shirt and pair with khaki short and white shoes, isinabit nya ang kanyang wayfarer sa kanyang shirt malapit sa dibdib. What a nice view ang handsome at hot naman tong nilalang na'to, bagay na sa kanya yung school uniform niya mas bagay din ang ganitong simpleng damit lang. Edi s'ya na.
Pero wait lang paano naman ako? tiningnan ko ang damit ko, naka short lang ako na pang bahay at blue round neck shirt. Para naman akong alalay nito kay Cloud. Hindi na lang kaya ako sasama? Si manang Tori na lang kaya o di kaya yung ibang kasama nila sa bahay? Yan ang mga nasa isip ko na sasama sa kanya pero parang naninikip ang dibdib ko. Hay ewan na lang.
"What are you thinkin, right now, hmm?" hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa tabi ko at hinawakan ang dalawang braso ko habang nakayuko ang mahal ko na titig na titig sa akin.
"Alam kong sasabihin mo na naman na bakit ang gwapong-gwapo mo? same baby ganun parin ang isasagot na baka," di ko na siya pinatapos magsalita dahil tinakpan ko na ang kanyang bibig.
Natatawa ko siyang tiningnan, "Cloud ha kanina pa yang kaharotan mo," tinanggal ko na sa kanya ang kamay ko na nakatakip sa bibig n'ya at bago ko pa maibaba kinuha nya ito at binalik sa kanyang bibig para mahalikan.
"Isa na yan sa sinasabi ng utak mo pero parang may iba pa akong nababasa sa mukha mo, care to tell me?" ay abaw confirm ko na talagang manghuhula tong tao na'to. Marunong siyang magbasa ng mukha ng tao kung masaya ba ito o may pinagdaanan. Kagaya ko kitang kita ba talaga ang expression ko na bigla na lang lumungkot?
"Hmm, hindi na lang kaya ako sasama Cloud, wala akong ibang damit na pamalit, mga pambahay yun meron akong extra na dala ang okay lang doon ay ang high waist shorts ko na khaki din, yun kasi ang ipapalit ko pagkatapos maglinis mamaya." paliwanag ko dito.
'Its ok, why? Do you think you're not pretty while wearing that, sayo its a simple outfit but for me, you wear it sexy baby, hmm kaya I don't want to hear that word na sineself down mo ang sarili mo, always remember marunong ka magdala ng damit either pang-alis man yan o pambahay. For me you look beautiful whatever you wear baby. Pero hindi lang ako papayag na magsuot ka ng bikini na marami ang nakakita dapat ako lang," nakangisi na naman ito oh ok na sana yung nauna dinagdagan pa sa huli.
"Ang sabi mo its ok kahit anong idamit ko bakit sa bikini ayaw mo? Paano kapag plano ko maligo sa dagat o di kaya swimming pool, ano gusto mo? Magsusuot ako ng gown?" natatawa na rin ako dahil sa kalokohan namin.
"Nah, better to wear a rush guard baby,"
"At Bakit? '' tanong ko.
"Para hindi ka mainitan!"
"Wee, for sure may iba ka pang rason. Bakit nga? Eh sabi mo maganda ang katawan ko. So ibig sabihin pwed... " nilagay n'ya ang kanyang hintuturo sa aking bibig para tumigil sa pagsasalita
"For my eyes only yang katawan mo baby, ok? Kaya wag mo nang gawin, magseselos ako kapag may iba pang nakatitig sa katawan mo baka masapak ko pa" naka igting na ngayon ang kanyang panga, ginalit ko ata.
Iba naman tong mag-isip oh, anong masama sa pagtingin. Kung may kasama na yung kamanyakan ay ibang usapan na yun.Tinapik ko ang kanyang noo habang nakangiti, "Dapat ganyan din ang gagawin mo ha, bawal kang magpakita ng katawan? Gagawin mo ba yun for sure
naipakita mo na yan sa ibang babae, balita ko kagaya dito may swimming pool din sa bahay nyo sa Manila." usisa ko sa kanya.
"Hindi na kaya at saka bata pa ako nun yung hindi pa tayo, pero nung tayo na may rush guard ako na suot promise, unless kong maliligo akong mag-isa dito sa bahay ako lang naman kaya ok lang?" hindi sigurado niya na tanong o sagot, iwan ko ba bakit umabot kami sa usapang ganito.
Bago pa ako makasagot ay nakarinig kami ng katok sa labas. Dahil nakasarado ang pinto at soundproof itong kwarto kahit magsigaw ako hindi maririnig ng tao sa labas ang boses ko.
"Si nanay Cloud," tawag ko sa kanya.
"Alright labas na tayo," kinuha n'ya muna ang wallet at key na nakapatong sa kanyang maliit na lamesa.
Pagbukas ni Cloud ng pinto ay nakita kong nasa harapan na si mama, "Hi mama, hinahanap nyo po ba ako? tanong ko nito? Sa nakikita ko sa kanyang mukha ay hindi naman ito mukhang galit. Pero parang may panghuhusga. Hala may ginawa ba kaming hindi maganda?
"Hinanap kita kanina tapos sabi ni Tori na umakyat ka daw dito sa palapag kaya pinuntahan kita dito kasi medyo kanina pa kayo dyan sa loob."
Tiningnan ko si Cloud, ang loko pinipigilan ang pagtawa. "Eh paano kasi nanay, akala ko ako lang matagal gumising ang isa din pala nato," tinuro ko ang lalaking nasa right side ko.
"Pasensya manang napuyat kasi ako kagabi kaya yun nga ang nangyari," sige idagdag mo pa na naghaharotan tayong dalawa at ng masipa kita.
"Ganun ba? O sige kumain ka muna, sabi ni Tori na ikaw na ang mag gogrocery? kasama mo ang anak ko?" tanong ni nanay kay Cloud.
"Ay opo, kung ok lang po sa inyo, grocery date narin din namin," natatawa na lang ang mama ko dahil sa mga naiisip ni Cloud.
"Date ka dyan! Wag ng pumunta kung saan-saan ha ibalik mo ang anak ko na kompleto pa, baka mamaya...may bago akong walis-tambo sa bahay baka matamaan ka sa akin gamit yun," pagbabanta ni nanay sa lokong ito, at ito naman panay ngisi lang with peace sign.
"Don't worry mama kasal muna bago kita bibigyan ng apo," shuta talaga tong nilalang na'to kung makahirit.
Tiningnan ni mama ng masama si Cloud, "Ikaw talagang bata ka, tama yang sinabi mo pero tapusin nyo muna ang pag-aaral nyo at gawin nyo muna ang mga bagay na nagpapasaya sa inyo bilang individual, bilang single, wag kayong magmadali sa pag-aasawa. Saka kung kaya nyo na talagang buhayin ang isa't -isa at ang magiging anak nyo, hay naku bakit ba yan ang topic natin ngayon, hala masipaglayas na nga kayo at marami akong gagawin dito sa itaas." mahabang linyahan ni mama.
Ngumiti ako kay mama pagkatapos nagpaalam na payagan niya ako na sumama sa half half na ito. Pagkatapos kumain ni Cloud at nakapagbihis narin ako mabuti na lang at ang nahablot ko na damit kanina ay pwede ring palang pang-alis at ang swerte naman ng tadhana at kulay puti din ito.
Matchy-matchy na kami ni Cloud. Nagsandal lang ako ng kulay brown bagay naman siya sa khaki ko na shorts na nilagyan ko ng maliit na belt kasi medyo maluwag ito sa akin. Yung buhok ko naman itinali ko pataas at ang tali ko ay ang kulay yellow na bandana.
Pinuntahan ko na si Cloud sa garage doon ko na sya pinahintay. Nang makita niya ako kinuha niya ang kanyang cellphone for sure kinukuhaan na naman ako ng larawan, ang loko may pa squat pang nalalaman para makuha ang magandang angle."Nice baby, look to the other side nice, nice and face on me nice shot," para kaming mga tanga dito sa garage ng bahay nila, sinasabayan ko rin kasi mga sinasabi n'ya, ano to photoshoot? Nang mapagod na ay tumigil narin kami.
"Ganda talaga.. let's go!" Binuksan nya ang pinto ng kanyang black Porche isa lang ito sa mga sasakyan n'ya dito,gift daw ito ng mga magulang nya, see kahit hindi man sila magkakasama at wala ng oras sa kanya pero halos na kailangan ni Cloud o hindi kailangan ay binibigay sa kanya, pero iba parin ang pakiramdam na masaya at magkasama ang buong pamilya.
Habang nasa daan kami, nagpapatunog ito ng sound, sinasabayan namin ang kanta ng artist kapag alam namin ang lyrics pero kung hindi sinasabayan na lang din namin pero yun nga lang maraming mali. Naluluha na kami sa kakatawa para kaming mga batang walang pakialam sa mundo.
Mahigit isang oras ang biyahe pero hindi naman boring dahil sa ginagawa namin kanina. Nang makarating na kami sa mall ng Dumaguete.
Pinarada ni Cloud ang sasakyan sa parking lot. Tinanggal niya ang seat belt ko at hindi ko na hinintay na buksan ako ng pinto gaya ng mga nasa movie. Sapat na sa akin na sinundo niya ako kung saan nakabukas ang pinto ko at magkasama kami ngayon. Pinagsalikop niya ang aming mga kamay papasok sa mall.
Napapatingin halos lahat sa kanya at lamang ang mga kababaihan, halos mabali na ang leeg sa kakatitig sa taong mahal ko. Well, hindi ko kailangan pairalin ang selos lalo at kanina pa ako kinakausap ni Cloud habang nakayuko at ng makita ako. So ibig sabihin sa akin lang ang buo niyang attention.
Pagkapasok namin agad sa mall ay dumerecho na kami sa grocery store para simulan ang aming date, paano?
Kasama namin ang driver nina Cloud, dala niya ang pick-up para doon ilagay ang ibang mga pinamili, naka convoy lang ito sa amin plano kasi nitong si Cloud na tapusin ang grocery para mauna ng makauwi si manong kasi magsa sightseeing pa daw kami dito sa Dumaguete City Baywalk mamayang hapon bago umuwi.
Nakalista naman ang gustong ipambili ni manang Tori kaya madali na lang sa amin. "Wait Cloudy!" hawak ko sa may braso n'ya may nakita kasi ako na food taste kaya gusto ko magtry, nasa likod lang si manong, nasa counter na yung isang cart at malapit narin mapuno ang dala niya.
"Free test Cloud, dali tikman natin?" hawak ko s'ya sa braso habang tinutulak papunta kung saan may free test."
"Ma'am, Sir free test lang po kapag nagustuhan nyo may products po kami dito para ma add to cart nyo," sabi ng sales lady, kumuha ako ng toothpick para makuha ang maliit na food para matikman.
"Wow, masarap Cloudy. Tikman mo!" Tinapat ko sa kanyang bibig ang free test kumuha na din si manong, dahil nagustuhan namin hindi namin namamalayan na naubos na pala namin ang free test kaya may nagreklamo sa may likod namin na di sila nakatikim.
Panay sorry namin sa costumer kasi nasarapan kaming tatlo. Ako, si Cloud at si Manong Dino. Dahil nagustuhan namin bumili si Cloud, dinamihan na niya kasi ibibigay daw sa iba para makatikim naman, lalo na yung babae na nagreklamo kanina, tuwang-tuwa naman ito at ang kanyang anak.
Nakalinya na kami ngayon sa check-out line madali lang kami natapos kasi tumutulong din ako. Halos ako lang pala ang pumipili ng tama kanina. Ito kasing isa di naman pala maalam sa ganito kung ano nakalagay sa listahan yun lang hinahablot dahil yun ang nabasa nya pero dinouble check ko baka mamaya malapit na pala ma expire o di kaya hindi magandang pagkabalot. Bumobuntot lang ito sa akin habang tulak-tulak ang cart namin, minsan kinukuhaan niya ako ng mga picture mag-isa o di kaya kaming dalawa, si manong nakalinya na para kung tapos na kami madali na lang sa amin. Kagaya ngayon, mabuti na lang at umalis yung ate kanina kasi kulang pa daw yung sa kanya pero nung bumalik nakita n'yang marami yung sa amin kaya lumipat ng counter.
Nilalaruan niya ang mga daliri naming dalawa, habang hinihintay na matapos ang pinamili namin na ma check-out.
"After this maglu lunch muna tayong tatlo and then kung wala ng kailangan si manong na bilhin ay mauuna siya sa atin.Tayo naman ay manunuod ng sunset, ok lang ba yun sayo?" sinuklay ko ang kanyang buhok gamit ang aking kaliwang daliri dahil abot ko lang sya dahil kinakausap n'ya akong nakayuko.
"Ayos lang naman sa akin yun kasi matagal naring hindi ako nakapunta dito, na miss ko maglakad-lakad na kita ang dagat ng Dumaguete." explain ko sa kanya.
"Sino kasama mo pumunta dito?" nakakunot noo ito, wait lang wag mong sabihin.. sinamangutan ko s'ya pero nakasilay na ang ngiti sa mga labi.
"Syempre ang mama ko sino pa ba, may ina asikaso lang si mama kaya dito pumunta at isinama niya ako, gets?" natatawa ako sa reaction nya dahil alam niya na nag-aadvance na naman itong mag-isip.
Pinatalikod niya ako habang siya ay nasa aking likuran, for sure na guilty, tinawanan ko na lang. Isa- isa ng nilagay ni manong ang mga pinamili sa sasakyan na dadalhin pauwi.
Nang matapos kami sa aming grocery date na di ko alam saan banda yun, yung sa free test ba o halos magwawala na ako dahil sa kakulitan ni Cloud.
Bago muna namin pinauwi si manong ay kumain muna kaming tatlo sa kilalang fast food dito. Kwentuhan at asaran lang naman ang nangyayari sa amin habang kumakain kaya si kuya nakikisabay narin sa pagpipikon sa akin.
"Mag-iingat po kayo manong, pakisabi ulit si manang Carmelita na mamaya pa kaming hapon uuwi, mag-iikot lang muna kami sa Baywalk. Bago kayo umuwi sa inyo at yung naglilinis sa bahay pakibigay nyo na lang yung pinatikim sa atin kanina isa-isa kasama na yung sa bahay." paalala ni Cloud kay manong.Tumango lang ito sa amo at sumakay na sa sasakyan at pinaandar na ito.
Hinawakan ako sa bewang ng boyfriend ko ng makarating kami sa baywalk, pinark nya lang ang car niya malapit dito. 3 o'clock ng pumunta kami dito nagpapalamig lang muna kanina sa mall kasi baka mainit pa dito .
Unti-unti naring dumadami ang mga tao dito, ganun parin na kahit dito ay meron talagang nakatingin sa amin ay Cloud lang pala banda. Binalingan ko siya nakatitig din pala ito sa akin.
"Nagugutom kana ba?" tanong nya sa akin, huh?
"Hindi pa Cloud medyo naparami ang kinain ko kanina kaya busog pa ako." sagot ko sa kanya. Ngumiti lang ito sa akin. "Baka gutom kana, pwede naman tayong pumunta sa malapit na restaurant near here para makakain ka," paalala ko sa kanya baka mamaya gutom na pala ito at hindi nagsasabi.
" Nah, I'm good. I asked you baka nagutom kana dahil katulad mo busog pa ako pero kung may makita tayo na food, kakain tayo, hay sana may free test ulit," nagkatinginan kami at kapwa nakangisi dahil sa mga naiisip.
Kulay kahel na ang langit kung saan bababa ang araw at kulay blue naman at pakonti-konti na ang mga ulap sa bughaw na kalangitan. Perfect timing ang pagpunta namin dito.
May naglalakad, nag-eexercise, nagjojogging, meron ding magkaibigan o magkapamilya na kumukuha ng mga larawan sa magandang tanawin. May naglalaro rin ng sport like volleyball, badminton at iba pa.
Makikita kasi dito sa Baywalk ang terminal ng barko at maliliit na bangka kung saan may mga foreigner karing nakikita na kumukuha ng mga litrato. Ang linis ng dagat ang sarap tuloy lumangoy kaso hindi ako marunong kaya katulad ko hanggang tanaw na lang namin ang paghampas ng dagat-tubig sa dalampasigan. Pagkatapos naming magpicture ni Cloud sa may nakalagay na Dumaguete ay naghanap kami na pwede naming maupuan.
Umupo kami sa bakanteng bench malapit kung saan maririnig at makikita namin ang tubig-dagat na walang tigil sa kakahampas sa dalampasigan. Tiningnan ko ang paligid, dumadagsa na ang mga tao at ingay ng mga sasakyan at minsan maririnig ko ang tunog ng barko kung may aalis o paparating.
Hinawakan ni Cloud ang kanang kamay ko at dinala sa kanyang mga labi habang nakangiti na tinitingnan ako, "Are you happy baby? What do you think about this kind of date?" tanong nito.
Nginitian ko s'ya, "Walang kapantay ang saya ng puso ko ngayon Cloudy. Sobra-sobra at thank you dahil sa'yo pwede maging possible na akala ko like now hindi na ako makakabalik dito pero nandito ako ngayon at higit sa lahat nabusog pa ako," hinimas-himas ko pa ang maliit ko na tiyan para ipaalam sa kanya na nabusog ako.
"Good, next time iba naman ang pupuntahan natin, kung saan mo gusto puntahan natin at kahit sa ibang bansa pa yan. Thank you kasi nagustuhan mo ang isang pangarap ko na makasama ka sa lugar na ito. Thank you." alam kong namamasa na itong pisngi ko, mga bata pa kami pero yung pangarap namin para sa kinabukasan ay sobrang advance at hiniling ko na sana unti-unti namin yun na matutupad.
Niyakap ko sya ng patagilid at ng mapagod nilagay ko na lang ang ulo ko sa balikat niya, hinihintay namin ang oras na mamamaalam na kami sa lugar na kung saan kami nagdadate at uuwi na may alaala.