Pagkatapos ng klase namin sa hapon ay derecho na ako ng girls locker para makapagbihis ng damit para sa volleyball practice namin mamaya.
Nasa loob narin ang ibang mga players at nagbibihis ng kanilang volleyball attire. Napansin nila ako kaya nginitian ko sila ganun din ang ginagawa nila sa'kin. "Hello everyone!'' unang bungad ko sa kanila.
Pumunta na ako sa locker ko at binuksan ito. Kinuha ko ang white t-shirt at green gym short, like Cloud lagi akong nag-iiwan ng mga pwedeng ipampalit at ito ang isusuot ko ngayon kasi practice pa lang naman.
Nang makapagbihis na. Sinuklay ko muna ang aking buhok kasi nalulugay na ang ibang hibla nung inayosan ako ni Cloud kaninang umaga. Itinali ko ito pataas para hindi sagabal sa practice namin mamaya.
Nag-angat ako ng tingin para makita ko sa loob ng locker room kung sino pa ang nandito, konti na lang ang naiwan dahil nauna ng pumunta ang iba sa gym.
Nakita ko pa sina Gail, Sophia at Mercy, nag-aayos parin. "Sabay-sabay na tayong pumunta ng gym ngayon," sabi ni Mercy. Umu oo kami.
Matapos naming mag-ayos ay lumabas na kami ng girls locker. "Sana naman maperfect na natin mamaya ang larong ito, para manalo tayo sa finals," sabi ni Sophia.
"Kaya nga malaking puntos yun' sa grades natin kapag nanalo ang team natin laban sa ibang section, noh?" pagsang-ayon naman ni Gail and we both nodded our head.
"Pag-igihan natin mamaya, ayoko pa naman sinisigawan tayo ng coach natin, nahihiya ako kapag na special mention ang pangalan mo hindi dahil nanalo ka kundi hindi pefect ang ginagawa natin, may pagkatigre pa naman si coach kapag nagagalit pero magaling siya na coach ha kaya daming gustong magpaturo sa kanya." puna naman ni Mercy.
"Ay oo nga, kahit konting mali lang, tataasan ka talaga niya ng boses at naka special mention pa ang pangalan mo," sabi ko dahil ganun talaga ang napapansin namin.
Pero sobrang ganda niyang magturo naiintindihan mo siya step by step kaya dapat everytime na nagpapaliwanag si coach ina apply mo dapat yan sa laro like volleyball.
Pero yun nga lang kapag mali ng isa, damay na ang lahat. Hindi kami titigilan hangga't may magkamaling isa, paulit -ulit ka talaga sa umpisa.
Nang malapit na kami sa gym, ako ang nasa panghuling sumunod sa mga kaklase ko para pumasok sa entrance pero bago pa man ako makapasok ay may biglang humawak sa kanang kamay ko, nagulat naman ako at kamuntikan na akong makasigaw dahil sa takot. Ang bilis ko kayang magulat.
Pagkalingon ko, si Cloud pala. "Cloudy! Langya ka nanggugulat ka?" sabay hawak ko sa'king dibdib mabuti na lang at wala akong sakit sa puso.
"Sorry, mukhang sobrang concentrate tayo sa pinag-uusapan nyo ah kaya hindi mo ako namamalayan na kanina pa ako nakasunod sa'yo sa likod, wala man lang lingon-longon sa paligid, hmm."
Napanganga ako sa kanyang sinabi, ganun ba kami ka chismosa ng mga kaibigan ko at di namin namalayan na may nakasunod sa'min, patay paano pa kaya kung yung coach namin ang nasa likod tapos rinig niya lahat na pinagsasabi namin. Masama ba yun? Pilit kong binabalikan ang mga sinasabi namin kanina, parang di naman namin ginagossip yung coach namin, pawang katotohanan lang yun, pinupuri nga namin, di ba?
"Really? Bakit hindi mo man lang ako tinawag o di kaya kinalabit man lang kaysa nanggugulat ka dyan?" nakasimangot kong tanong sa kanya.
Ngumisi lang ito, "Wala lang, nag-eenjoy din ako na makita kang nakikisalamoha ang mga kaibigan mo, tumatawa tapos may pahampas pa kapag sobrang tuwang-tuwa sa pinag-usapan." nakangiti pa rin ang loko.
Sinamangotan ko s'ya iba kasi naiisip ko. "Wee, di nga? Baka pinapantasyahan mo lang pwet ko eh," Yumuko ako at pinatagilid ang ulo pilit tinitingnan ang bandang likuran ko baka kung may mantsa o dumi ba, pero parang wala naman kaya gumaan ang loob ko.
"Ha? Hindi kaya, sa pagtawa mo kaya ang buong atenyon ko pero minsan napapatingin ako wala yun sa isip ko kanina pero dahil binanggit mo, well yeah you have a nice ass, baby," bulong nito sa tenga ko, hinahampas ko naman siya sa kanyang braso, for sure mukhang camatis na naman itong mukha ko.
"Langya ka talaga Cloudy, ngayon ko lang naisip na may pagkamanyak ka pala," kinukurot ko naman siya sa kanyang tagiliran at itong loko na to tumatawa lang.
"Baby, aw tama ouch…na, di ba dapat proud ka dahil sayo ko lang napansin ang perfect bum, ouch!" Mas napadiin tuloy ang pagkurot ko sa kanya, tumatakbo na siyang nauna sa gym.
Gong gong yun iniwan lang ako, dali-dali akong tumakbo sa loob ng gym para mahabol ko si Cloud, nang napansin niya akong paparating sa kanya dahil alam nya ano ang gagawin ko tumakbo na naman ito palayo sa akin with peace sign. Kaya wala akong ginawa kundi ang habulin din sya. Ang ending naghahabolan kami sa loob ng gym.
At ng mapagod ay huminto ito at hinayaan akong abutin sya. Kinikiliti ko na naman siya para kasi naging favorite ko na tong kinikiliti ko ito dahil naririnig ko ang malakas niya na tawa o di kaya ang matatamis niyang mga ngiti.
"Tama na baby, suko na ako," nilalagay niya na ang braso sa gitna ng dibdib para hindi ko siya maabot.
Dahil napagod na ako kahit hindi pa kami magsisimula ay huminto na ako inakbayan ko sya kahit na maliit ako sa kanya.
"Wag na wag mo talaga akong isama sa kahalayan mo ha, Cloudy?"
"Hindi naman ah, na aapreciate ko nga," hinampas ko siya ng mahina sa braso, nakangisi lang ito.
Tiningnan ko ang relo ko for sure paparating na ang Coach namin kaya magwawarm-up na kami.
"Peace na tayo ha? Akin na nga yang bag mo at ako na muna maging security guard nyan," natatawa na lang ako sa mga pinagsasabi nitong nilalang na'to kaya inaabot ko na lang ang backpack ko na kulay black sa kanya.
Wala na silang practice ng basketball kasi nakapaglaro na sila nung Wednesday.
"Magwa warm-up na kami kaya iiwan na kita dito," nakaupo na s'ya sa panghuling bleacher, nakatukod ang dalawang siko niya sa upuan at nakabukaka ang mga hita habang pinagmamasdan ako, inaayos ko pa kasi ang buhok at ang sapatos ko baka matanggal ang tali.
"May assignment pala ako, natapos ko naman yung gawin kanina habang naglelecture ang aming professor pero hindi lang ako sure kung tama, pa double check na lang Cloudy," lambing ko dito para naman atleast malibang sya doon sa mga letra ng assignment ko baka mamaya hindi lang ako ang tinitingnan nito habang nagwawarm-up o nagsisimula na ang practice baka ikukumpara nya pa kami sa ibang kaklase ko na may mga malalaking umbok na pwet, mahilig pala sa pwet tong lokong ito.
"Alright, I'll wait for you here, 'wag masyadong itodo ang practice baka mamaya nyan wala ka ng energy sa finals," taas kilay nito habang nakangiti, inirapan ko lamang siya pero natatawa narin kaya iniwan ko na sya at pumunta na sa gitna ng gym para makasimula, kakapasok lang ng coach namin sa Volleyball dito sa gym.
Habang tinataas ang dalawang kamay sa ere at baba tapos balik naman sa itaas, nagstestretching narin ang iba kongbka team.
Binalingan ko si Cloud sa may bleacher at nakita s'yang binubuksan ang bag ko at nilalabas ang mga notes ko, wala namang kababalaghan sa bag ko kaya ok lang pakialaman nya, sayang at hindi ko pala nasabi sa kanya na anong kulay ng notes ko para hindi na s'ya mahirapang maghanap. Ayaw ko namang isigaw baka sasabihin nila dito na si Cloud ang gumagawa ng mga assignment ko.
Pero parang ok naman siguro naging desisyon ko kasi nakafocus na ito sa pagbabasa kung saan sa mga notes na nilabas niya na may assignment ako .
Minsan lang siyang nakatingin sa banda namin, at least mas malaki ang oras niya sa kakatingin ng notes ko kaysa kakatingin sa banda namin baka mamaya nyan hindi pala sa akin nakatingin kundi sa kaklase ko.
Hay naku magtwo two years na kami at ganito na yata ako ka selosa, kahit sino naman siguro may karapatang magselos pero what if magkagusto nga s'ya sa iba? Paano ako? Kaya ko ba? Madali lang bang magmove-on?
Paano kung hindi ko kaya? Ipaglalaban ko syempre. Hay naku, bakit ko ba ito naiisip. Baka mawala ako sa focus.
"Alright teammates, magsisimula na ang practice natin sa hapon na ito. Dating gawi 6 groups..6 group... go..go.. go."
Inumpisahan na naming puntahan kung saan ang aming team. Ang kasamahan ko ay sina Gail, Mercy, Sophia, Susan, Fatima at ako.
Sinulyapan ko ulit si Cloud, nakatingin na ito sa banda namin dahil siguro sa narinig ng boses ng coach, ngumiti s'ya sa akin, may pang hand gesture pa na fighting. Nginitian ko lang s'ya at pagkatapos nakita ko syang binalikan ang mga notes ko. Seryosong-seryoso ang baby ko oh, paano na lang kung naging business man ito lalo at malapit na sa kanyang mga kamay ang negosyo na pinatayo ng mga magulang nya, sya ang magcocontinue kaya binibihasa na s'ya ng kanyang mga magulang tungkol sa negosyo sa edad nyang yan.
Ilang days na lang at intramurals na, sa wakas malapit naring makapagpahinga ang mga katawan namin sa kaka practice. After one hour na pag-eensayo, pinapahinga na muna kami, tumakbo ako kung saan nakaupo si Cloud, nakatayo na pala ito para iabot sa akin ang water bottle. "Here, drink this. Pawisan kana kaya dapat magpalit ka kaagad ng damit after ng practice nyo." paalala nito sa akin habang pinupunasan ng panyo ang mukha ko.
"Thanks Cloudy," After kong uminom, nilapag ko ang bottle kung saan ang mga gamit namin ni Cloud. May tatlong water bottle pa akong nakita na binili nya kanina, bago daw siya pumasok at naabotan ako kanina. Ang sweet talaga ng boyfriend kong ito, ginagawa akong baby.
Nang matapos niya ng punasan ang mukha ko umupo muna kami sa bleacher for ten minutes break. "Ano? Kumusta ang assignment ko, marami bang mali? tanong ko sa kanya habang ako naman ang nagpupunas ng towel sa bandang leeg ko.
"For me tama naman yung sagot sa ibang assignment mo, pero yung english subject mo dapat ginawa mo lang yun ng short summary, kunin mo lang ang mahahalagang words na kailangang ilagay sa papel, para ka kasing nagsusulat ng novel, parang kinekwento mo na lahat na panyayari," tuwang-tuwa ito dahil sa huling sinabi nya, nang-aasar eh.
"Kasi nga, gumagana yung utak ko kanina Cloud kaya di ko na napapansin na napahaba ko na pala ang sinulat ko pero sige gagawin ko yan mamaya bago matulog, thank you Cloudy ko." paglalambing ko sa kanya sa huling sinabi. Pinagpahinga ko ang aking ulo sa may balikat niya, wala naman itong reklamo kaya napapangiti ako.
"You're not welcome kasi may kasunod pa yan," inirapan ko s'ya, yeah may kasunod pa nga, palagi pa akong magpapaturo sa kanya kaya hindi nya pa matanggap ang thank you. Hay naku, ang mahal naman ng WELCOME nitong half italianong ito.
"Alright everyone,10 mins is up. Go back to your team ang lets start again." kanya-kanya ng tayo ang mga kasamahan ko. May sariling business din tong lima at saka nahihiya sila kay Cloud kaya ayaw silang tumabi kanina kung saan ako nakaupo.
Si Cathy nasa kabilang team naman sumali, "Babalik na ako Cloudy, I love you," bulong ko.
Bago pa s'ya makapagreact tinakbo ko na papalayo sa kanya ang sarili ko para lapitan ang mga teammates ko, alam kung aasarin na naman ako nun kaya umalis na ako, mamaya magcacamatis na naman itong mukha ko.
Narinig namin ang pito galing sa aming coach hudyat na tapos na ang practice namin. "Alright, thank you everyone for your cooperation, maganda ang resulta ng practice nyo ngayon parang handa na kayo sa paparating na intrams nyo ah?" Papuri ng coach namin at ito kami sayang-saya sa naging resulta.
"Thank you din coach," sabay-sabay naming sabi. "magaling ka kasing magturo coach eh," singit naman ni Diva. Tumatango naman kami at masaya si coach.
Nauna ng umalis ang coach namin samantalang ang ibang teammates ko ay nagsisitakbohan naman para kunin ang mga gamit nila sa bleacher at makapagpalit na ng mga damit nila.
Lumapit ako kay Cloud nakatayo na ito galing sa pagkakaupo at tinitingnan s'yang titig na titig sa akin, bakit kaya?. "Anong nangyayari sa'yo Cloudy?" tanong ko sa kanya. Bigla nya naman akong yinakap ng mahigpit pero bigla akong nailang lang ng kaunti dahil for sure amoy-pawis pa ako, samantalang itong yumakap sa akin ay sobrang bango.
"I'm so proud of you, you did a good job. Basta win or lose din, I'm always here for you so yeah you're right, let's both aim to be a winner this coming event, ok?"
Tumango ako para sa kanya, "thank you and yes let's win this fight," Pagkatapos ng yakapan kinuha na namin ang mga gamit at sumaglit ako sa may locker room ng mga babae para makapagbihis.
Pagkalabas ko ng locker ay naabotan ko sina Cathy at Cloud na nag-uusap, tumatawa si Cathy habang may pa hampas pa sa braso ni Cloud. Hmm, anong meron at ganyan sila ka sweet?
Shemaia kalma ka lang at wala lang yan, wag pag-iralin ang selos, ask first before you explode from anger. Baka ganyan din ang nararamdaman ni Cloud kapag may kumakausap sa akin na lalaki kaya patas lang na magseselos kayo pareho but before mo gumagailiti sa galit ay magtanong muna .
Napansin nyang papalapit ako sa kanya kaya pinuntahan nya ako habang nakangiti. Tiningnan ko si Cathy na napabaling na sa gawi namin, may ngiti ang mga labi pero hindi umabot ng tenga.
"Ikaw pala yan Shemaia," hindi ko alam saan banda sya naiilang, sa akin ba o kay Cloud."Sige Cloud mauna na ako punta ka na lang sa bahay sa birthday ng kuya ko sa susunod na linggo. Bye Shemaia."
Nakangiti lang ako sa kanya hindi ko narinig na nagsalita si Cloud, nang naka alis na si Cathy binalingan ko si Cloud.
"Pupunta ka? Kailan yun? Mag-iingat ka kung ganun kapag may inuman konti lang baka hindi kana makauwi mg maaga sa inyo," paalala ko.
May nakakalokang ngiti lang to sa akin, anong meron pinapayagan ko lang nan siya ah.
Hinawakan niya ako sa dalawa kong mga braso dahil matangkad sya sa akin kaya nakayuko ang ulo nito."As in naman pupunta ako, no way.. mas mabuti pang matulog buong maghapon sa linggo kaysa pumunta sa ganyan, pinapayagan man ako ng mga magulang ko na gumala o to explore something pero mas gustuhin ko pang magcomputer games o di kaya magbasa ng libro. Unless kong isama ka rin sa binanggit nya pero hindi kaya bakit ako pupunta?" mahabang paliwanag nito.
Tinititigan n'ya ako sa mga mata habang nakangiti, "papayag ka at bakit? Kahit hindi kita kasama ok lang sayo na pupunta ako?" tingnan mo parang napipilitan lang siya kanina at gusto talagang pumunta.
"Bakit naman kita pipigilan Cloud invited ka kasi nga may birthday kaya pwede naman at saka ikaw lang sinabihan kaya ikaw lang dapat pupunta?" kahit sa totoo nyan ayaw ko siyang pumunta.
"Nah I can read your eyes baby, you don't want me to go and me either, mas gugustuhin ko pang tayo ang magdadate kaysa pumunta akong mag-isa," sumilay naman ang ngiti sa aking mga labi dahil sa narinig.
Kay bilis umusad ang araw at oras, last practice na din pala namin next week. Magsisimula na ang intramurals sa susunod na buwan. I'm super excited, hindi lang ako excited sa papalapit na event kundi sa iba pang kadahilanan.
Ayaw ko pang bumangon sa higaan pero kinakailangan. Pupunta kasi kami ngayong araw ni nanay sa bahay nina Cloud para maglinis, balita ko uuwi daw ang parents ni Cloud saglit dito sa probinsya galing sa ibang bansa. Bati na naman siguro ang mag-asawa kaya magkasama.
Nagwarm-up exercise muna ako saglit sa aking higaan habang nakahiga pa.Tinataas-baba ko ang aking kaliwang paa nang sixteen counts tapos yung kanan naman. Dahil napagod na ako sa aking mga paa,.sinusuntok ko na naman sa hangin na parang nagbo boxing sa ere ang aking mga kamay, then shake habang nakahiga lang.
At nang napagod ay tumigil na ako ng ilang minuto at inaangat ko na ang katawan para bumangon pero umupo na muna ako kasi wala pa akong lakas na tumayo talaga, naka squat akong nakaupo sa kama namin na banig.
I closed my eyes and say a prayer for our almighty God for this beautiful and fascinating morning, after I prayed i position myself na parang nagyoyoga and doing my breathing, inhale then exhale.Ten minutes ko atang ginagawa yun.
Nang matapos na sa aking mga ritwal sa umagang ito at tuluyan na talaga akong bumangon, ganito ang ginagawa ko 'pag walang pasok.
Nililigpit ko na ang mga higaan namin ni nanay. Nilagay ko ang mga nakatuping higaan namin na banig sa ibabaw mg aming orocan. Nang makuntento na sa ayos, lumabas na ako ng kwarto at para tingnan at tulungan ko kung ano man ang ginagawa ni nanay sa mga oras na ito.
Nakita ko si nanay sa kusina na nagluluto ng agahan naming dalawa, nilapitan ko s'ya at niyakap habang ito'y nakatalikod.
"Good morning gandang nanay ko," hinilig ko ang panga ko sa may balikat nya.
"Good morning anak, nagluluto na ako ng almusal natin, diligan mo muna ang mga alaga mo sa labas bago tayo kumain at pumunta sa mansion ng mga Valentino."
''Okay nanay ko," kinalas ko ang mga braso ko sa pagkayakap sa kanya at dali-daling pumunta sa labas ng bahay para magdilig ng mga halaman. Di ko alam kung bakit ako nagmamadali, dahil ba sa pagkain o dahil malapit ko na naman makita si Cloudy ko kahit nagkita naman kami kahapon, hmm pwede both ata na sagot.
Kumuha ako ng balde at itinapat sa may gripo at binuksan ito. Kumuha ako ng tabo at nagsimula ng magdilig habang umaandar ang tubig sa gripo. Inuna ko munang diligan ang mga halamang malalapit lang para hindi mag-aapaw ang tubig.
"Hello mga babies namin ni nanay ko, kumusta kayo? Yan uminom kayo ng maraming tubig para lumaki kayong sagana sa mga bulaklak." Ganito ako, kinakausap ko ang mga halaman para hindi sila mamamatay o malalanta agad.
May kasabihan kasi na kailangang kausapin mo rin ang mga alaga mong pananim para hindi magtampo o malungkot, kailangan mong kausapin para sa gayun tumubo na sila lahat.
Meron akong roses, vietnamese rose, gumamela, daisy at orchid, hiningi ko lang ito sa hardenero na nagtatrabaho kina Cloud. Yung iba kinukuha ko lang kapag nagtitrim si kuyang Hardin ang pangalan ng hardenero nila, itatapon lang naman sa labas, sayang naman kaya hindi ako nagsisisi na inuwi ko yun at tinanim agad kaya ito sila blooming pa kaysa sa akin.
Make-up lang siguro katapat ng mukha ko para maging blooming din kagaya ng mga halaman kong ito.
Sa bandang likod naman ng bahay ay mga gulay like malunggay, camote, gabi, pechay, camatis, sili, okra at talong. Kaya minsan hindi na kami bumibili pa sa palengke ni nanay, mga karne at seafood na lamang at of course bawang, sibuyas at ibang gamit.
"Gusto nyo ba kantahan ko kayo mga halaman? Wag kayong mag-alala bago to hindi na muna natin kakantahin yung bahay-kubo, papatulugin na muna natin yun. Ok ba?"
The farmer plants the seeds
The farmer plants the seeds
HI -HO THE DIARY-O
Pagpatuloy ko sa pagkanta feel na feel ko kasi itong nursery song.
''Anak tapos kana ba dyan? Luto na ang mga pang-almusal natin, kakain na tayo." tanong ni nanay na nakahilig ngayon sa may pinto ng bahay.
"Oo nay, patapos na po, sige papasok na po ako," sabi ko kay nanay.
"Maiwan ko na kayo mga babies ha, see yah tomorrow, go grow and glow more kayo ha," paalam ko sa mga halaman ko..Pinagpatuloy ko ang kinakanta ko kanina habang naglilinis ng mga paa bago pumasok sa bahay.
Now it's time to eat
Yes, now its time to eat
Hi-Ho the Diary -O
Natatawa si nanay habang papasok ako sa loob dahil sa kinakanta ko na kahit sintunado ay binibirit ko pa with feeling. Derecho na ako ng kusina para kumain.
Paminsan-minsan nag-uusap kami ni nanay habang kumakain like about sa school at sa nalalapit ko na birthday.
"Simpleng handaan lang nay, mabuti nga at natuon sa Sabado ang birthday ko ngayong taon."
Hindi na ako maghahanda sa paaralan pero kung may pupunta sa bahay sa Sabado na yun, wala namang problema maghahanda parin kami. Pwede ko naring i invite si Cloud dito sa bahay kasi tanggap na kami ng mama ko. Magdadate naman kami nyan for sure pero ngayon talagang hindi na matatakot kasi may nakaalam na ang tungkol sa relasyon mamin at ito ang nanay ko,yun ang mahalaga sa lahat at tanggap kami ng buong puso.
At sa susunod na linggo birthday ni Devi Cloud Valentino, hmm ano kaya pwedeng i regalo doon sa jowa ko?
Sa yaman niya hindi na yun tatanggapin ang mga anong mga bagay. Ano ba? Ano ba? Isip. Isip brain. Aha! Alam ko na!
Pagkatapos hugasan ang mga pinagkainan, naligo na ako at nagbihis, nagdala narin ako ng pamalit if ever marami kaming lilinisin.
Sinarado ko na ang pinto at nagsimula na kaming maglakad ni mama. "Dala mo na ba ang mga damit nating pampalit kapag pinagpawisan tayo mamaya sa pagtatrabaho, anak?" tanong ni nanay.
Tiningnan ko ang tote bag na aking dala, dinouble check ko na baka bigla na lang nagpaiwan sa bahay ang mga damit.
"Opo ma, nandito na po," nakasunod lang ako kay mama ko.
"Ok, bilisan na natin ang paglalakad bago pa mag eeight ng umaga dapat nandoon na tayo sa bahay ng mga Valentino para marami tayong malilinisan."
"Ok po mama," hawak kamay kaming naglalakad ni nanay papuntang highway para makapag para ng tricycle at doon na sumakay ng makarating kami sa bahay nina Cloud. Hhmm, speaking of Cloudy ano na kaya ginagawa nun,gising na kaya?
Pagkarating namin sa tapat ng mansion nina Cloud, binayaran muna ni mama si kuya bago bumaba ng tricycle.
Binati kami ni Manong Nestor ang matagal nilang guard sa bahay ng Valentino. "Magandang umaga sa inyo," bati ni kuya sa'min at ngumiti lang ako.
"Magandang umaga din sa'yo Nestor, nandyan na ba yung ibang maglilinis din ng bahay?" tanong ni mama kay kuya .
"Dalawa pa lang yung pumasok baka maya-maya pa yung isa," sagot naman ni kuya guard.
"Ganun ba? Hala sige maiwan na namin kayo Nestor, uumpisahan na lang namin ang maglinis ng bahay," tango lang ang ginawad ni kuya.
Kami naman ni mama derecho lang ang lakad namin papuntang kusina sa likod ng mansion .
Madadaanan namin ang kanilang malalawak na garden, napapalibotan ng bermuda at sa mga gilid nito ay iba't ibang klase ng mga bulaklak, pinapalibutan ng mga maliliit na puting bato at meron ding malalaki.
Sobrang fresh dito, pwede kang tumabay maglatag ng malapad na carpet at matulog pwede namang gumugulong ka lang kung feel mo.
Dalawang palapag ang bahay nina Cloud. Doon ang mga kwarto ng mga magulang nya at sa kanya ,may mga guestroom din meron sa 2nd floor meron din sa baba. Hindi naman ito yung mansion kagaya ng mansion ni Queen Elizabeth sa England pero ito kasi ang pinakamalaki na bahay dito sa probinsya kaya para sa amin ito na ang matatawag na mansion.
Hiwalay ang tulugan ng mga kasamabahay at saka ang kusina nila na malawak din dahil kapag maramihan ang mga bisita doon na nagluluto, meron din namang kusina sa loob.
Pagdating sa likod bahay, nilagay ko muna ang mga gamit namin ni nanay sa may cabinet. Stay-out kami kaya dito lang sa may bakanteng cabinet sa kusina nilalagay ang dala ko.
Kung dito man matutulog si nanay, pwede naman syang makitulog sa kwarto ng ibang nagtatrabaho dito tulad na lang sa mayordoma, may double deck naman kaya hindi sila magsisikipan sa isang higaan lang. Meron din kasi silang sariling bahay ang mga kasamabahay dito. Ang mga babae nasa pangalawang palapag habang ang hardenero at guard, at driver ay sa 1st floor, pero depende kung gusto matulog ng mga driver at hardenero sa bahay na'to minsan daw kasi umuuwi sila sa bahay nila dahil may mga pamilya din, lalo kapag wala sa bahay naman at nasa Manila o ibang bansa ang mga magulang ni Cloud.
May apat sila na katulong dito talaga nagstastay, pang lima ang mama ko pero dahil narin sa katandaan at gusto na maalagaan ako kaya naging stay-out na lang yung plano nya.
May dumagdang lang ngayon na tatlo para mag-gegeneral cleaning kasi uuwi ang mag-asawang Valentino. Ayon kay Cloud galing ito sa ibang bansa dahil sa isang project siguro tapos na sila doon kaya nag plano ng umuwi at dito muna dederecho sa probinsya pero babalik din sa Manila dahil may on going project pa sila doon na hanggang ngayon malapit na daw matapos.
Parang kinakabahan ata ako, hindi naman ako ganito dati pero ngayon bigla na lang akong nanlamig malamang na uuwi sila. Dati excited ako kasi may bago akong chocolate na imported, binibigyan nila ako minsan ng mga damit pero ngayon bibigyan pa kaya ako, sabi ni Cloud hindi pa nya sinabi sa mga magulang nya ang tungkol sa amin,ito na ba yung pagkakataon? Magagalit kaya sila na sa isang hamak ko lang pumapatol ang anak nila?
Iwinaglit ko sa isip ko ang negatibong nararamdaman at isa pa wala pa naman, may tiwala ako kay Cloud kaya sa kanya ako kakapit.
At saka parang kanina pa kami dumating bakit kaya walang bulto ni Cloud na nagpapakita? Hmm dati kapag nandito na kami ni nanay sa mansion nila, sumisilip na yun kung saan ako, pasimpleng ngumingiti kapag nakikita niya akong nakatitig sa kanya. Kung may katulong naman parang hindi niya ako kilala napa cold na Italiano ang bumubungad sa'kin. Utusan ba naman akong kumuha ng tubig sa malamig na boses at kung inaabot ko na sa kanya ang baso, bago pa kunin imbis na ang baso ang kukunin niya ang kamay ko, napatingin agad ako sa kanya dahil sa gulat at ang loko tumaas lang ang kilay at gilid ng mga labi nito pinipigilan ang matawa, tumatsansing lang eh.
Pero kung wala sa paligid ang mama ko o ibang katulong walang ibang nasa bibig kundi 'I miss you' sa mahinang boses minsan walang sound pa yan.Talandi talaga.
Tiningnan ko ang pangalawang palapag ng bahay. Dapat nagpapakita na siya ngayon sa akin kasi alam naman niya na pupunta ako ah. Bahala kang Cloudy ka mabuti ng sa ganun makapaglinis ako ng maayos at walang disturbo. Umirap ako sa hangin medyo nagtatampo pero baka nga natutulog pa.
Strict ang mommy ng boyfriend ko ayaw niya ng makalat na paligid, kalat lalo at alikabok, may skin allergy kasi ito kaya halos araw-araw nagvavacuum nandito man sila o wala.
Bitbit ang walis tambo at basahan pamunas pumunta na ako sa sala ng mansion para makapagsimula na.Nandoon daw yung ibang mga katulong at nagsimula ng maglinis.
Ako kasi depende naman kung maglilinis din ako o tatambay lang kasi hindi naman talaga ako nagtatrabaho dito pero sayang naman ang extra income, inaabotan din kasi ako ng mayordoma dito kasi nakikita niya na nagtatrabaho din ako at saka kung nakatunganga lang ako habang nakikita ko ang nanay ko na nagtatrabaho sobrang guilty ko naman ata nun, malaki na ako at kaya ko naman hindi na ako yung anim taong gulang na paslit na walang ibang ginagawa dito sa mansion ang tumambay sa garden at gumawa ng bahay-bahayan, habang kinakausap ang mga bulaklak, dahil wala naman akong kalaro kasi wala namang ibang bata dito, may isang bata pala kaso masungit sa akin.
May sinasabi s'ya sa akin habang nagbahay-bahayan ako sa gilid ng malawak nila na garden, bigla-bigla na lang sumusulpot sa may harapan ko eh.
Dahil hindi ko nagustuhan yung sinasabi niya nagsimula ng tumulo ang mga luha ko hanggang naging hikbi na ito. Kaya agad akong dinaluhan ni mama ko pati ibang katulong. Ang lagi ko lang binabanggit sa mama ko kapag tinatanong anong nangyari sa akin ,sinasabi ko lang 'bad s'ya, bad s'ya, sabay turo ko sa batang lalaki na si Cloud.
Marami s'yang sinasabi sa salitang English, meron ding Italiano sa mama ko pero dahil hindi ko maintindihan iyak lang ako ng iyak at sumisigaw na bad s'ya. Doon nagsimula ang lahat matalim siyang makatingin sa akin kapag makikita niya ako kaya natatakot ako sa kanya.
Pero kalaunan taon ang lumipas kinausap niya ako in a nice way, sa mahinang boses nung nagkita ulit kami dahil nagbakasyon ito sa probinsya at may handaan dahil birthday ng lolo nya at dito ang celebration, doon kasi si Cloud sa Manila nag-aaral ng Grade school.
Nag sorry s'ya sa ginawa niya before kaya kalaunan tinanggap ko ang sorry, siguro hindi ko lang yun matanggap kasi yun ang sabi ni nanay ko tapos maririnig ko lang sa kanya ang kabaliktaran, kaya kapag maalala ko yun tinatawanan ko na lang, paslit pa ako noon wala pang kaalam-alam sa mundo.
Nakita ako ni manang Tori, ang mayordoma dito sa mansion. Ngumiti ako sa kanya ganun din ang ginawa niya. "Magandang umaga po manang Tori, kumusta po?" tanong ko sa kanya.
"Magandang umaga din sa'yo Shemaia, ito ok naman ako," ngumiti lang ako sa pagsang-ayon, tatalikuran ko na sana s'ya pagkatapos magpaalam para makapagsimula ng maglinis, uunahin kong linisin ang mga bintana sa loob ng bahay ng tinawag ako ni manang Tori.
"Iha! Bago pala natulog ang alaga ko kagabi ay pinapasabi pala niya sa akin na kapag dumating ka, gisingin mo daw s'ya," nagulat naman ako.
Hinarap ko si manang "Po? Hanggang ngayon tulog parin s'ya?" may hint na ako kanina pero talagang totoo nga.
Natawa si manang Tori sa akin "Paano kasi nagcocomputer games pa kagabi kaya matagal nakatulog, pero sabi nya ikaw na lang gumising sa kanya kasi may itatanong daw siya sa'yo?" ano naman itatanong?
"Binilin kana sa akin na ikaw ang gumising sa kanya, ako na bahala sa nanay mo kung hahanapin ka" tumango lang ako at umaakyat na sa pangalawang palapag para puntahan si Cloud.