''Baby, it's time to wake up.Lady Shemaia." Naalimpungatan ako dahil sa may narinig na tumatawag ng pangalan ko. Kailan pa naging lalaki ang boses ni mama?. "Shemaia,gising na anak, sabi mo maaga kitang gisingin dahil may event kayo sa school." yan biglang boses babae na ang naririnig ko. Dahil nga totoo ang sinabi ni mama na maaga akong papasok sa school ay napilitan akong bumangon. Hindi ko pa tuluyang idinilat ang aking mga mata sa kadahilanang inaantok pa. Pagkatapos kong magdasal ay tulungan na nga akong bumangon. Dahil nakaramdam ng pagkauhaw ay naglakad ako palabas ng kwarto, iniwan ko muna ang higaan na makalat dahil gusto ko na talagang uminom ng tubig. Nakapikit pa halos buong mata ko, kaya ang nakikita ko ay parang blurred ang vision ko. Napangiti ako na makita ang bulto ni