Papalapit pa lang ako sa gym naririnig ko na ang mga ingay ng mga sapatos at pagdi-dribble ng bola at ingay ng mga estudyante.
Aba'y practice pa lang yan pero makasigaw ang mga schoolmates ko parang championship na ah.
Pagpasok ko sa main entrance ng gym, naghanap agad ako ng mauupuan sa bleachers at nang may nahanap na ay uupo na sana ako na may tumawag sa pangalan ko.
Si Cloud pala, tumatakbo ito papunta kung saan ako, "Wag ka diyang umupo, I reserved this sit for you," sabay turo sa bakanteng upuan kung saan malapit ang mga gamit ng kanilang players.
Naririnig ko ang ibang tuksohan ng ibang estudyante na kilala kami. Hindi ko sila pinansin baka kung balingan ko sila at ngingiti, baka mamaya kasing pula na ng camatis itong mukha ko, hanggang ngayon medyo hindi parin ako sanay na tinutukso kami ni Cloud na may namamagitan sa amin. Na boyfriend ko ang captain nila.
Nahihiya talaga ako. Hindi ko na hinintay na puntahan ako ni Cloud, bumaba na ako ng ilang baitang lang naman ng hagdan. Nang nasa harapan na ako ni Cloud, hinawakan niya ang kanang kamay ko at isinama kung saan ako uupo, binalingan ko s'ya at ngumiti.
"Thank you, kanina pa kayo naglalaro?" tinanong ko base kasi sa hitsura niya ngayon ay pawisan na ito.
"Hindi naman, siguro mga 30 mins pa lang bago ka dumating," sabi nito habang pinupunasan ang mukha ng maliit at malinis na towel.
Kaya pala at pawisan na talaga s'ya.Tinitigan ko si Cloud, kahit nagpupunas lang ito ay talagang lumalabas ang gandang lalaki nito.
Di na ako nakatiis, as a girlfriend you have to do your job at iyon ang tulungan s'ya, kahit kaya naman nya pero ewan, gusto ko lang. Isang halimbawa na supportive girlfriend.
Tumayo ako kung saan ako nakaupo at inagaw ko ang towel na hawak-hawak nya habang nagpupunas parin ito. "Ako na Cloud para madali kang matapos," maraming nagpapantasya sa'yo sa likod gusto ko pa sanang idagdag sa sasabihin pero sinarili ko na lang baka sasabihin na lang na nagseselos ako kahit hindi naman, hindi nga ba?
Walang paligoy-ligoy na binigay agad sa akin ang malinis na towel niya habang ngumingiti, nasiyahan ang loko oh, ang sarap takpan ang buong mukha at dalhin sa bahay. "Thank you baby, parang gaganahan akong maglaro ngayon dahil nandito ka sa harapan ko, akala ko magchecheer ka lang sa'kin, may free service pa palang kasama," nakangisi nitong sabi. Hinampas ko s'ya sa kanyang kaliwang braso.
"Syempre girlfriend mo ako, alangan namang iba ang gagawa nito sa'yo ay naku subukan mo lang baka lumabas kung sino man nyan ng gym na wala ng mga kamay," basta ko na lang sinabi kahit hindi naman totoo.
Natatawa si Cloud habang tinitingnan ako, natapos ko na siyang punasan at nilagay ko lang sa tabi ng bag ko ang towel na ginamit nya kanina."Selosa talaga ng slight tong girlfriend ko kaya love na love ko eh," sinimangotan ko s'ya ngunit kalaunan natatawa narin.
"Time is up players, tama na yan love birds at magsisimula na ulit ang practice at maawa naman kayo sa ibang estudyante na nandito sa gym na nanunuod sa inyo na parang mga uod na binudburan ng asin, nangingisay sa kilig," sabi ng Coach nila.
Inilibot ko ang mga mata ko sa gym at may mga estudyante nga na nakakatitig banda sa amin, yung isa hinahampas niya sa balikat ang babaeng kaklase.
"Sana all na lang talaga, hanap din ako ng jowa ng ma-inspire," sabi nung isang estudyante.
Tiningnan ko lang sila at binalik ko agad sa harapan ng gym kung saan pumupunta na sa gitna ang ibang mga players. Nakabalik narin si Cloud sa kanyang mga teammates para ipagpatuloy ang practice.
Rinig na rinig ko narin ang mga tilian at pagchecheer ng ibang estudyante para sa mga pambato nila na player. "I love you Douglash, e shoot mo ang ball sa akin ay sa ring pala!" sigaw nung isang babaeng estudyante. Nagtatawanan ang ibang nakakarinig ganun din ako kasi you know.
Patuloy parin sila sa pagpa practice, nakikisali narin ako sa pagchecheer everytime na makakashoot si Cloud, everytime na nakikita ko s'ya na sa akin nakatingin ay tinataponan ko siya ng love language like finger heart at minsan flying kiss, natatawa na lang ito sa mga pinanggagawa ko.
Wednesday ngayon at sa darating na friday pa ang practice namin sa Volleyball. Yes, kasali ako dahil dagdag points narin yun sa grado kapag sumasali ka sa mga events o sports sa school kagaya na lang sa darating na intramurals nitong October.
"Good job everyone hanggang dito na lang muna ang practice natin, may meeting pa kasi ako at uwian narin kaya goodluck sa final may three weeks pa tayong magpa-practice," narinig kong sabi ng coach sa mga basketball players.
Nang matapos ang coach na magsalita at umalis na ng gym ay nakita ko si Cloud na naglalakad papunta dito sa bleacher kong saan ako nakaupo, kinuha ko ang bottle ng gatorade na binili nya ata kanina bago nagsimula ang practice at inabot ko sa kanya.
"Thanks Rey," sabi nito. Binuksan nya ang takip saka inilipat sa kanyang bibig para makainom sa bottle. "What do you think about my moves a while ago? Ok na ba o may babaguhin pa ako?" tanong nito sa akin.
Pinunasan ko ulit ang mukha nya ng maliit na towel, dalawa kasing towel dinadala niya para sa unang gamit at may panghuli.
Tinititigan ko siya sa malaabong mga mata niya na may halong blue. Nag-iisip about sa laro nila kani-kanila lang habang pinupunasan parin s'ya.
"Well so far, maayos naman ang paglalaro mo kanina, nakaka three points ka kahit sa malayo. Maayos din ang moves mo, alerto ka naman at ang ibang team mo kapag nandyan na sa likod ang katunggali, basta ang importante laging focus sa game, gaya ni Coach napapansin ko rin kanina pagsabihan mo ang ibang teammates mo lalo na si number seventeen, napapansin ko kanina, may tumawag lang sa pangalan n'ya nadidistract agad s'ya, dagdag points yung may nagchecheer pero dapat kahit may distraction, nakafocus parin tayo kasi may goal tayo. Ito ang mananalo sa laro, yun lang naman ang napapansin ko kanina Cloud and I'm so proud of you sobra grabe for being captain in your team," mahabang paliwanag ko sa kanya, nakatitig lang ito sa akin habang sumisilay ang mga ngiti sa kanyang mga labi.
Binigyan nya ako ng madaliang halik sa noo bago nagsalita. "Thank you Shemaia, my only Captain, kaya gusto ko na nanunuod ka eh kasi may inspiration ako, and don't worry pagsabihan ko ang ibang mga teammates. And yeah, i agree with you, napapansin ko rin kanina na hanggang ngayon nadidistract parin ang ibang team ko lalo pag' napalakas ang pagchecheer ng ibang mga estudyante. Lalo na si #17, si Douglash Martinez yun. Akala kasi niya na kapag may naririnig sya na tumatawag sa kanya ay si coffee girl na yun pero di naman pala," tinutulungan ko na siyang iligpit ang mga gamit.
Nakakunot naman ang noo ko dahil sa huling sinabi nya, "May kaklase kayo na ganun ang pangalan?" natatawa si Cloud ng binalingan nya ako.
Naglalakad na kami papuntang boys locker para makapagbihis na ito. "Hindi naman coffee girl ang name non, si Douglash ang nagbigay ng nickname sa kanya kasi nagbebenta s'ya ng kape at tinapay, malapit sa may gumagawa na building, malapit sa kanila yun at madadaanan natin." tumango lang ako ng maalala yung building na yun, "minsan may mga sobra kaya dinadala niya parin sa school."
Huminto na kami sa paglalakad ng malapit na kami sa locker ng mga lalaki, ''Kaya pala, napapansin ko rin kanina, tingin-tingin sa may bleacher eh, may pa sulyap-sulyap pala ang isang yun," sabi ko.
"Dito ka lang muna magbibihis lang ako, saglit lang ako, ok?" nag thumbs up ako sa kanya para pumasok para makapagbihis at makauwi na kami.
Mabuti na lang at hindi nagbigay ng assignment ang guro namin at nakakapagpahinga din ang utak ko pero magrereview parin ako lalo at malapit na ang third grading.
"Hello Shemaia! Bakit ka nandito?" may lumapit sa akin na estudyante, wala namang malisya ang tanong n'ya kaya dapat hindi tayo bratty ngayon.
"Hinihintay ko kasi ang boyfriend ko, nagbibihis lang saglit.Tamang word naman ata ang ginamit ko, para hindi na sya magtagal sa harapan ko at baka makauwi yun na may black eye. Medyo seloso boyfriend ko pero hindi naman nakakasakal ang pagiging seloso nya. Depende naman sa sitwasyon. Nang marinig niya ang sinabi ko ay nagpaalam naman din ito kalaunan, hindi ko alam kung may pupuntahan ito o dahil kilala si Cloud sa paaralang ito.
Nang matanaw ko na si Cloud na lumabas sa pintuan ng locker room ng mga boys, naka kulay white v-neck t-shirt na ito at black uniform nya sa pang ibaba, "Let's go," hinuli nya ang kanang kamay ko at sabay na kaming naglalakad palabas ng gate, nginitian lang namin si manong guard at nagpatuloy sa paglalakad patungo kung saan naka parada ang motor n'ya at ibang sasakyan ng ibang mga estudyante. Ang iba na walang masasakyan ay naglalakad na lang pauwi, lalo at malapit lang din naman ang bahay nila sa school.
Pagkarating namin sa kanyang motor tinutulungan nga akong isuot ang helmet ko at sumampa na rin ako sa motor nya. "umusog ka ng kaunti sa gitna baby baka mamaya mahulog ka, kumapit ng maigi sa bewang ko," sinunod ko ang sinabi nya at nilagay ang dalawang braso ko sa bewang nya papunta sa kanyang abs hello dear abs nice to touch you again, hmm hinilig ko ang ulo ko sa kaliwang balikat nya kahit nakaharang tong helmet ko.
"Ayos na ako sa likod Cloudy ko," inaamoy-amoy ko pa ang balikat nya at natatawa s'ya sa ginagawa ko .Dahil nahihirapan at nangangawit na ako dahil sa helmet na nasa ulo ko itinuwid ko na lang aking pang-upo baka mamaya madisgrasya pa kami.
Wala pa yata si mama sa bahay ngayon, kaya pwede akong ihatid ni Cloud sa tapat ng aming bahay. Sinabihan kasi ako ni mama kagabi na gagabihin siya ng konti kasi may pinapagawa sa mansion nina Cloud.
Nang makarating na kami sa tapat ng bahay ay bumaba na ako galing sa motor, tinulungan niya ako ulit na tanggalin ang helmet na suot ko. "Salamat Cloudy, ingat sa pag-uwi, ok?"
"Alright, bukas ulit sa dating tagpuan bandang 6:30 ng umaga yan ang sabi mo kanina kaya kung hindi kapa darating sa ganong oras puntahan na talaga kita sa bahay nyo," aba may pagbabanta pa, di ko tuloy alam kung excited ako o kakabahan sa naisip niya na plano.
" Aba att ano naman yun? Sasabihin mo na kay mama kung pupunta ka dito na sinusundo ko ang girlfriend ko?" tanong ko.
"Yes!" ay walang paligoy-ligoy at alinlangan na sagot nya "Cloudy!" tinawanan lang ako dahil pinapadyak ko ang mga paa ko sa lupa.
Wala na itong suot na helmet ngayon, tiningnan niya ako sa mga mata, ngayon nakangiti na lang. "So cute, well kung ayaw mo pa ipaalam it's ok, it's alright. Hindi na muna natin sasabihin. Hmm, How about next anniversary natin ilang year na tayo nun, parang unfair na sa mama mo na hindi natin sasabihin ang status ng relasyon natin. What do you think, Shemaia Rey Ocampo?"
Napaisip ako, sabagay matagal na kami kahit magto-two years pa lang naman pero we considered it na matagal na, maiintindihan naman ata ni mama na nagboboyfriend na ako, so far simula na naging kami ni Cloud hindi ko naman napabayaan ang pag-aaral ko, sobrang unfair nga na mas nauna pang nalaman ng classmates o ibang estudyante sa school namin keysa kay mama ko o pamilya ni Cloud. Pati yata guto alam narin, buti at hindi pa ito umabot sa mama ni Cloud.
Binalik ko ang atenyon ko sa kanya. "hmm, pwede ko ng sabihin kay nanay ang tungkol sa atin Cloud, sa tingin ko naman hindi yun magagalit, pagsasabihan lang ako, maiintindihan naman siguro ni mama at saka maayos din naman performance ko sa school kaya pwede na," paliwanag ko kahit medyo kinakabahan, hindi ko alam anong maging reaksyon ng mama ko.
Nginitian lang ako ni Cloud "Ok, gusto mo tayong dalawa ang magsabi? tanong nito habang hinahawakan ang kanang kamay ko, nilalaro niya ang mga daliri ko.
"Wag muna, ako lang muna baka mamaya mabigla si mama at makatanggap ka ng palo ng kanyang spatula," natatawa kong sabi.Tumawa narin sya dahil sa mga na iimagine namin.
"Alright, just let me know kung anong nangyari sa pinag-usapan nyo kung hindi maganda at hindi papayag si manang Carmelita ay magtanan na lang tayo," taas kilay nitong sabi habang nakangisi.
"Anong tanan ang pinag-uusapan nyong dalawa!?" Biglang nanlamig ang batok ko na may narinig na nagsasalita sa may likod ko, pinaikot ko ang katawan ko para makaharap si nanay, kunot-noo noo itong nakatayo sa may bakuran namin.
"Nay, nandyan pala kayo, kumusta?" tanong ko? Hindi sinagot ang unang tanong niya.
''Magandang hapon po manang," si Cloud.
"Hindi maganda ang hapon ko dahil sa narinig ko kanina lang, ano yung sabi mo na magtanan na lang kayo?" Tinawid ko na ang distansya namin ni Inay, para kasi s'yang susugod kong nasaan si Cloud, tapos may bitbit pa itong walis-tambo.
"Mama kalma lang po, nagbibiro lang po si Cloud," sabi ko habang hinahawakan ang kanang braso ni nanay.
"May hindi ka ba sinasabi sa akin, Shemaia Rey?" ang lakas ng kalabog ng dibdib ko, akala ko pa naman na sasabihin ko sa kanya ang tungkol sa'min ni Cloud sa mahinahon na pag-uusap, dito pa pala at ngayon pa talaga.
Hinarap ko si nanay "mama, ano po..hmm.." s**t kinakabahan talaga ako, hindi naman ako ganito kapag may exam o may sinasalihan ako sa school.
"Boy.friend.ko.na po si Cloud mama ko, matagal na po magto-two years na po.Sorry mama di ko po to agad nasabi sa inyo, natakot po ako at kinakabahan aminin sa inyo, baka kasi magagalit kayo at ayaw nyo na po akong isama papuntang mansion dahil pagbabawalan nyo na po ako kaya sorry po at ngayon ko lang sinabi," naiiyak kong sabi, hindi parin nawawala ang talbog ng puso ko.
"Sorry po Manang Carmelita kung ngayon lang po namin inamin ang relasyon naming dalawa sa inyo po." magalang na sabi ni Cloud habang nakatayo na malapit sa amin.
Tiningnan ko si mama sa harap ko nakayuko kasi ako kanina dahil nahihiya ako na baka hindi ko masabi ang gusto kong sabihin.
Bumuntong-hininga ito. "Alam ba ito ng mama mo Cloud?" Binalingan ko si Cloud.
"Hindi pa po, kayo po muna ang sinabihan ko, namin pala ni Rey, dahil nasabi na po namin sa inyo ay baka sa pag-uwi ni mommy galing Maynila po sasabihin ko po sa pamilya ko ang tungkol sa'min," bumuntong hininga ulit si mama.Tinititigan kami isa-isa, sinusuri ng mabuti.
"Hindi ko pipigilan ang relasyon nyong dalawa, nandyan na yan basta ipapangako mo sa'king bata ka na alagaan at mahalin mo ang anak ko pero mas higit ang pagmamahal ko sa kanya kaya wag na wag mong lalamangan." banta ni Inay.
Para naman akong nabunotan ng tinik sa narinig ko galing kay inay, ang saya pala sa pakiramdam pamparampampam, shuta sa sobrang saya ko napapakanta ako.
Niyakap ko si mama ng mahigpit.
"Promise po yan manang Carmelita si Shemaia lang hanggang pagtanda," pangako ni Cloud. Nilagay nya pa ang kamay niya sa ere kung saan para syang nagpapanatang makabayan. Tinititigan ko lang ang bawat reaksyon nila parang nag-uusap sila mata sa mata, kalaunan may lumalabas na ng konting ngiti sa mga labi ni Cloud, nasiyahan ang loko na to na ok na kaming dalawa proud na proud jowa ah, well ako din naman, parang nabawasan yung mga tinik sa aking katawan.
"Thank you mama, matagal ko na po itong pinag-isipan kaso natatakot talaga ako, hindi ko alam kung paano knowing na mga bata pa po kami."
"Nak, di ba sabi ko sa'yo na walang maglilihim sa ating dalawa? Tapos ngayon magtwo two years na kayong dalawa tapos ngayon nyo lang sinabi at ang malala pa ako pa talaga unang nakadiskobre tapos ang mas malala pa kung hindi ako papayag magtatanan kayo? Titirisin ko kayong dalawa nyan sa mga singit nyo ha!," nag-aalboroto na wika ni inay.
"Titirisin nyo din po singit ko manang?" tanong ni Cloud.
"Hindi ka naman bingi at kakasabi ko lang bata ka ha akala mo nagbiboro lang ako, kabahan kana!" masama ang tingin ni inay kay Cloud pero may ngiti namang sumisilay sa mga labi pareho.
"Ay wag manang, masakit daw yun!" tumatawang sabi ni Cloud. "Joke lang naman po yung tanan, hindi ko po yun gagawin dapat alam nyo muna," tawang-tawa ang lokong ito habang nakasimangot naman ang mukha ni nanay.
"Ewan ko sa'yong bata ka, basta anak alagaan at mahalin ka lang ng lalaking ito na kay laki ng ngisi na parang nanalo ng lotto, paliparin ko kaya itong walis-tambo ng mabawasan ang kagwapohan." si inay habang kinukuha ang walis-tambo na tinapon nya kanina sa lupa.
"Mama naman, 'wag namang ganyan," alam kong nagbibiro lang itong ina ko pero mas mabuti na yung handa, binalingan ko ulit si Cloud na hindi parin napawi ang mga ngiti.
Hindi ko alam kong kinikilig ba ito o nasiyahan dahil nagtagumpay ang plano.
"At wag na wag mo talagang tinatanan tong anak ko Valentino baka ililibing kita na buhay." banta ni nanay.
"Hindi po yun mangyayari manang mahal na mahal ko po ang anak nyo, joke lang po yung sinabi ko kanina, hinding-hindi po yun mangyayari sa aming dalawa, makakaasa po kayo."
"Talaga lang ha, nag-iisa ko lang yan na anak si Shemaia, Valentino, nung buhay pa ang tatay nyan hangga't maaari wag na wag muna daw siyang magboboyfriend o mag-aasawa kapag lumaki na, hanggat hindi pa nya naabot ang mga pangarap nya sa buhay bilang isang dalaga at dahil gusto nya pang makita ang anak nya na lumaki na naging independent sa lahat ng bagay at hindi umiiyak dahil sa nasasaktan sa pag-ibig kaya ikaw na bata ka wag kang mangako lang Valentino, tuparin mo ng buong puso at pag-aalaga," mahabang linyahan ni mama, sobrang saya ng puso ko at the same time kumikirot ito ng banggitin ni nanay ang tatay ko, kung nandito lang sya sa harapan ko, ano kayang magiging mukha at reaksyon nya na may boyfriend na ako, magagalit kaya sya,katulad ba ni Inay tatanggapin nya kaya agad kung sino man ang manliligaw ko,patawad tatay bulong ko sa hangin.
"Ang ayaw ko sa lahat hangga't nabubuhay pa ako, ayokong mawalay sa akin ang anak ko, naiintindihan mo ba Ulap?" hindi pa pala tapos si nanay kakasermon at ito namang boyfriend ko tango lang ng tango tapos tinaas na naman nya ulit ang kamay nya sa ere na parang nanunumpa.
"Yes po, makakasa po kayo, na aalagaan ko at mamahalin ang natatangi nyo pong prinsesa, maraming salamat po," nginitian ako ni Cloud habang nasa akin ang mga mata nya na binabanggit ang mga katagang yun.
"Hay nakong bata ka, oo na at wala na akong masabi kaya uwi na at malapit na maggabi tingnan mo pa ang langit, kaya umuwi kana ngayon din at bago pa magbago ang isip ko." pagtataboy ni mama kay Cloud.
Hinarap ko sya at nginitian, yung ngiting tagumpay na walang halong pangamba na kahit sa labas ng bakuran kami nagkaaminan, masaya ako at makakatulog ako ng mahimbing ngayong gabi at sa susunod pa.
Tumingala ako at nagkulay kahel na ang langit, unti-unti naring nagdidilim ang ibang parte ng kalangitan dahil papalubog na si haring araw at ito ay hudyat na malapit na ang panibagong gabi.
"Hindi kita pinagtatabuyan pero kailangan mo ng umuwi tulad ng sabi ni nanay ko malapit ng gumabi Cloud, tapos bukas pwede mo na akong sunduin dito sa bahay. Thank you at mag-iingat ka sa daan, dahan-dahan lang sa pagmomotor ok?" sabi ko sa kanya.
Parang ayaw pang umuwi pero napipilitan kasi tinataboy na naming mag-iina. "Alright, dederecho na pala ako dito bukas,YES! Manang Carmelita thank you po at hindi kayo galit sa amin at tinanggap nyo po ang relasyon naming dalawa at lalong-lalo na po ako para sa inyong nag-iisang prisesa, sige po mauna na po ako," tumango lang si Inay.
"Sige mag-iingat ka iho, sa Saturday na ako pupunta sa mansion nyo, pakisabi kamo sa mayordoma nyo.
"Sige po manang, sasabihan ko po at salamat ulit," binalingan ako ni Cloud, nilingon ko naman si mama ,tumango lang ito at nagpaalam na pumasok na sa loob ng bahay para magluto ng kanin dahil may ulam pa kaming natira kanina ni Cloud nung tanghali at yun na lang iinitin namin para sa panghaponan mamaya.
Aalokin ko pa sana si Cloud na dito na kakain kaso pagabi na at baka ano pang mangyari nito sa daan lalo at ang saya-saya niya dahil sa magandang balita. Baka mamaya hindi pa nakauwi ito at biglang tumawag ang mommy nya sa kanya at mapagalitan pa sya. Mas lalo ngayon at nakamotor lang gamit nito.
Hinawakan ni Cloud ang bewang ko habang naglalakad papunta sa kanyang motor. Sumampa na ito ng nasa harap na kami at inihanda ang kanyang helmet para suotin.
Tiningnan niya ako na may ngiti ang mga labi, "What do you feel right now? Relieved?" Tumango ako at nginitian sya ngunit hindi na ako nakatiis lumapit ako at niyakap sya ng mahigpit.
"Im so happy Cloudy, grabe parang nabunutan ako ng tinik sa araw na ito wala na yung espasyo na mabigat sa puso ko, gumaan ang pakiramdam ko," naiiyak ako na bumubulong sa kanya na kahit medyo mahina ang boses ko ay alam kong naririnig nya ito.
"Good! Mabuti na lang at nilakasan ko ang pagkasabi ko kanina kahit nagjojoke lang naman ako, yun tuloy perfect timing at napapaamin ka tuloy tayong dalawa pala na wala sa oras," pinanliitan ko sya ng mga mata.
"Bakit napansin mo ba si mama kanina na nandito pala sa bahay at sinadya mo yun?" tanong ko sa kanya.
Ngiting-aso lang ang sagot nito. Wala na akong masabi ang talino talaga ng Italianong half na'to samantalang ako halos maiihi na sa panty ko dahil sa kabang-kaba ako kanina tapos, itong isang to masayang masaya.
"Ewan ko sa'yo, Cloudy samantalang ako kanina ang lakas ng t***k ng puso ko," nakasimangot ko syang tiningnan.
"Sorry na pero di ba atleast gumana naman ang lahat at ito tayong dalawa malayang naghaharotan, aw baby," kinurot ko siya sa kanyang tagiliran.
"Ikaw talaga ang dami mong alam na kalokohan, isa pa hindi naman tayo naghaharotan ah, naglalambingan tayo ok, naglalambingan, tingnan mo oh?" kinikiliti ko ang malapit sa kanyang kili-kili, may kiliti kasi siya banda doon.
"Baby aw nooo noo tama na baby,'' patuloy parin iniiwasan ni Cloud ang mga kamay ko na target ay kilitiin sya sa may kili-kili. "No na baby, stop it stop at sige ka hahalikan talaga kita pero tatawagin ko ang mama mo para malaman nya na sobrang lambing nati...aw baby," hinampas ko siya sa balikat pero mahina naman.
Natigil lang naman ako sa kakakiliti sa kanya dahil sa sinabi nyang hahalikan ako habang nanunuod ang mama ko.
"Ewan ko sa'yo Cloudy, uwi ka na nga baka hindi ako makapagpigil at ako ang hahampas sa'yo ng walis-tambo," natatawa kong sabi sa kanya.
"May pinamanahan talaga, sige alis na ako at pakisabi kay manang na umalis na ako.
"Ok, mag-ingat ka sa daan ha, gusto pa kitang makita bukas," ngumisi lang ito. Pagkatapos akong halikan sa may noo ay sinimulan na niyang paandarin ang kanyang motor.
"Ba bye, see yah tomorrow," paalam nito sa akin, binigyan ko siya ng matamis na ngiti habang patuloy parin akong kumakaway sa kanya kahit malayo na at ng di ko na matanaw ang motor nya saka palang ako pumasok sa loob ng bahay.
Pinuntahan ko si nanay sa kusina kung saan naririnig ko ang mga gamit pangluto na maingay.
Nakatalikod ito sa akin pero alam kung naririnig niya ang mga yabag ko.
"Nakaalis na ba si Cloud? Sayang sana dapat dito na natin yun pinakain para mainterview ko pa ng maayos," isa-isa na nilalagyan ni mama ang mga pinggan namin ng kanin, umupo na ako sa plastic chair at nagsimula naring maglagay ng mga ulam sa pinggan, suot ko pa ngayon ang uniform ko at hindi pa ako nakapagbihis ng pambahay dahil sa nangyari kanina sa labas ng bahay. Sa bagay maliligo pa naman ako kaya mamaya na lang ako magpapalit ng damit. Binalingan ko ang nanay ko.
"Nanay na interview nyo na po s'ya kanina kaya bukas na lang din yung iba," nginisihan ko lang ang nanay ko.
"Ikaw talagang bata ka ha, naglalove life kana pala tapos hindi mo man lang nababanggit sa'kin."
May pagtatampo nitong sabi.
"Sorry po, natatakot po talaga ako kasi di ba lagi nyong pinapaalala sa akin na tapusin ang pag-aaral, sorry po nanay na nilihim ko ito ng matagal sa inyo ang relasyon namin ni Cloud, kaya sorry na nanay ko hindi na po mauulit, sasabihin ko na po sa inyo lahat, hindi na po ako magsesecret," masarap parin itong caldereta na natira kanina.
"Basta ito lang ang maipapayo ko sayo anak, ikaw lang ang nag-iisa kong anak kaya ayaw kong mapaliwara ka, alam natin ang estado ng buhay ng mga Valentino, hindi naman ako advance mag-isip pero dahil napagdaanan ko narin ang mga bagay na iyan ang magmahal ha, alam mo bang hindi madali lalo at minahal mo ng sobra ang tao pero kapag darating ang araw na sasaktan ka ng taong mahal mo, dapat handa ang puso mo. Do not beg for love, wag mong ipilit ang sarili mo sa taong ayaw na sa'yo. Walang masama sa second chance pero kung paulit-ulit ka ng sinasaktan emotionally lalo pa kung may kasama ng physical ibang usapan na yan.
'Kapag pumasok ka sa relasyon ,wag na wag mo agad ibibigay ang buong pagmamahal, tumira ka sa sarili mo lalo at bata kapa, its ok na magkaroon ng crushes o manliligaw pero ang importante iniingatan natin ang puso natin.Yun ang mahalaga anak.
"Pero sa nakikita ko sa relasyon nyo ni Cloud, seryoso naman ang batang yun, pero sa susunod na taon o totally mag matured na kayong dalawa hindi natin hawak ang kapalaran at marami ang pwedeng mangyari, mabuti at umabot kayo sa ganyang taon, nung kabataan ko titigan ko lang ng masama ang mga magtangkang manligaw sa akin, lumalayo na ang ganda ko naman dati pero takot sila sa akin.
"Ang tatay mo lang ata ang makapal ang mukha at may lakas ng loob na ligawan ako kahit nakatikim yun ng unang suntok galing sa akin dahil sinabihan ba naman akong pangit hindi ko matanggap yun dahil alam kong maganda ako, see..kaya magkamuka tayo eh naipamana ko sa'yo," nagtawanan kami dahil sa mahabang kwento ni nanay tungkol sa kanyang kabataan.
"At alam mo ba ang tatay mo magdadate daw kami,treat nya pero pagkatapos naming kumain sa labas sasabihin nya sa akin habang bumubulong na di daw nya dala ang wallet nya, kaya ako ang nagbabayad pero hanggang paulit-ulit ang nangyari kaya doon ko nalaman,langya gusto nya lang palang ako ang magbabayad dahil wala talaga syang pera. Kaya ayun nakatikim ng isang malakas na hampas ang mga braso. Kahit kuripot yun sa sarili nya pero nung nagkatrabaho sya binibigay nya lahat para sa atin dal'wa.
"Hindi ko kino compare ang tatay mo sa kay Cloud ha, ok lang yang pumasok ka sa relasyon pero wag na wag kang papayag na para kang tinatali sa leeg,
pwede magselos sa paraang tama ang pagseselosan.
"Bata kapa anak marami kapang mararating sa buhay gaya ng sabi mo na gusto mong maging nurse,right? .Kaya tuparin mo yun.Makakapaghintay ang totoong pag-ibig Shemaia, Wag kang matakot subokan ang opportunity na darating sa buhay mo at sana the same kayo ni Cloud na maging successful balang araw.
"Kapag nalaman ito ni mam Lourdes sana matanggap nya kayo dahil kung hindi ako ang kakalabanin nya."
Ang sayang nadarama ko kanina parang biglang bumigat, paano kaya ang mga magulang ni Cloud? Mabait naman si Mam Lourdes sa akin pero payag kaya sya sa relasyon naming dalawa? For sure hindi naman siguro sila mapili di ba? Pinapangako ko na mamahalin ko ang anak nilang lalaki at iyon ay si Devi Cloud Valentino lamang.
Paulit-ulit kong sinasabihan ang sarili ko na tanggap ako ng magulang ni Cloud kahit sa totoo nyan bumalik na naman ang kabang nadarama ko hindi na kay nanay kundi sa mga Valentino.
May tiwala ako kay Cloud, hindi nya ako pababayaan, inalis ko lahat ng negative thought sa isip ko, dapat positive lang tayo always.
Nang matapos na kaming kumain ni nanay ay ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin. Pagkatapos kung hugasan ay pumasok na ako sa kwarto namin ni nanay para kunin ko ang damit at tuwalya para makaligo na.
Kahit wala kaming assignment ay nag review ako baka kinabukasan may long quiz na naman ang mga teachers namin at saka pangpa antok narin,dahil wala naman akong cellphone para maging textmate kami ni Cloud kaya itong Dear Diary na lang ang sinusulatan ko na kung ano-anong maisip ko lalo tungkol sa mga dreams ko pagkatapos mag-aral at saang bansa magbabakasyon kasama ang mama ko, binalingan ko ang katabi ko, sleeping peacefully in our bed is a stronger women who gives me life and air.
Tinititigan ko siya ng maigi, "thank you nanay, wag po kayong mag-alala dahil pagkatapos ng pag-aaral ko maghahanap agad ako ng magandang trabaho at makapag-ipon at bibilhan kita ng lupa't bahay, ililibot kita sa buong Asya 7 continents rather," napapangiti na lang ako sa mga naiisip ko dahil ramdam ko na ang antok, tinabi ko na ang mga gamit ko at tumabi ng higa sa nanay ko, yumakap ako sa may bewang nya. "Goodnight mama ko, I love you."
Ano na kaya ang ginagawa ng boyfriend ko ngayon? Kagaya ko kaya nasa higaan na ito at nagpapa antok lalo at excited yun na gumising ng maaga bukas papunta samin?
Goodnight Cloudy ko. Huling bulong ko bago naramdaman ang mga talokap kung bumibigat na.