Papasok na kami sa gate ng paaralan ng sinalubong kami ng magandang ngiti ni manong guard.
Dino-double check niya ang mga estudyante kung tama ba ang suot na uniforms at nakasuot ba ito ng I.D.
Very strict din itong si manong.
Kung hindi mo sinusunod ang rules and regulations in school hindi ka talaga makakapasok, papauwiin ka sa inyong bahay at kukunin ang mga iniwan mo.
"Hello, kuya! Good morning po," binabati ko siya habang pinapakita ang I.D ko sa kanya, ganun din si Cloud.
"Good morning din sa'yo iha, good morning sir David," may katandaan narin si manong guard mga nasa edad 50 pataas. Akalain mo yun, twenty-five years ng naninil-bihan sa paaralang ito si kuya. Dito rin nag-aaral ang mga anak niya na isa din sa mga scholar.
"Good morning din po Kuya Salmo. Kumain na po ba kayo bago nagsimulang magtrabaho? Baka mamaya niyan, tulad ng dati nahimatay kayo," usisa ni Cloud kay kuya Salmo.
"Ayy opo sir David. Kumain muna ako bago pumasok sa trabaho at salamat sa palaging pagpa-paalala,'' sabi ni kuya.
"That's good at walang anuman po, sige mauna na po kami, mag-aalmusal pa kasi kami kaya hindi kami magtatagal," paalam ni Cloud.
"Sige ho, ingat kayong dalaw-opss, saan kayo pupunta na dalawa? Yung mga I.D nyo, hindi nyo pa sinusuot at paki-ayos ang mga uniforms niyo parang galing kayo sa sabong ah. Ang aga-aga nakikipag-rambolan na naman kayo sa ibang mga estudyante ata. Kayo talagang mga bata kayo." Tinaponan na lang namin ng tingin si kuya Salmo habang sene sermonan ang mga papasok na mga estudyante.
Hawak-kamay parin kaming naglalakad ni Cloud, nasa pasilyo kami ng school papuntang soccer field, meron kasing mga bench doon at malaking narra tree, hindi pa mainit doon kasi maaga pa kaya pwede pa na doon muna kami tumambay at kumain, magsiseven-five pa lang naman ang oras.
Habang naglalakad sa may pasilyo, may nakita kaming estudyanteng lalaki na tumatakbo, kasabay din nito ang babaeng humahabol sa kanya.
"Hoy!!! saan ka pupunta?" tanong ng babaeng katamtaman ang puti, naka air bangs ang buhok, the same height lang ata kaming dalawa.
"To the moon, sama ka hon?" sigaw ng lalaki habang tumatakbo parin habang tumatawa, paikot-ikot lang naman sila sa may soccer field.
"Bumalik ka dito Douglash Martinez!! Akin na ang kopiko ko! Ibebenta ko pa yang gunggong ka," galit na sigaw ng babae.
Naghahabolan parin silang dalawa sa malawak na field dito sa school. Ni walang pakialam sa ibang mga estudyante. Mga second year na ata ang babae? Ang alam ko magkaklase yung pangalang Douglash at si Cloud. "Classmate mo rin ba yung babae na humahabol sa kaklase mo?" binalingan ko si Cloud habang nakatingin din sa kanila, curious lang ako kaya ko naitanong.
Binalik ni Cloud ang tingin sa akin, "yup baby, pareho ko silang kaklase." I nodded at binalik ko ang tingin sa dalawa na pilit paring hinahabol nung babae.
May ibang mga estudyante napapahinto na lamang sa paglalakad at tumatawa habang pinapanuod ang dalawa na nagbabangayan na ngayon at pilit na inaabot ang isang bagay na nasa kamay ng lalaki na itinaas nya sa ere para hindi makuha. Ang cute nilang tingnan, parang mga bata.
"Hmm, walang duda magkakatuluyan tong dalawang to," nagtataka man nilingon ko ang katabi ko.
"Paano mo nasabi at kailan kapa naging manghuhula, Cloud?" taas-kilay kong tanong sa kanya.
"Baka nakalimutan mo na ganyan din tayo nagsimula Shemaia, hindi man tayo naghahabolan ng sachet ng kape pero tayo yung parang aso't-pusa dati, pero tingnan mo nga naman ang tadhana, tinadhana ka talaga para sa akin," proud niyang sabi habang may pilyong ngiti ang mga labi sa akin, akala mo naman nanalo ng lotto at naka jackpot sa casino eh.
Well for me magkaiba naman talaga ang tadhana ng bawat-isa sa atin, iba ang simula, iba din ang wakas. Kung kayo talaga sa una, kayo din sa bandang huli. Pagtatagpuin talaga kayo ng tadhana.
Basta ako sure na sure na ako sa nararamdaman sa taong katabi at ka holding hands ko pa ngayon. Wala ng bawian, wala ng atrasan, hinding-hindi ko siya iiwan kahit anong mangyari.
"Well...iba yung sa atin, iba din yung sa kanila, marami pang pwedeng mangyari, pero yeah..let's see nalang after graduation o ilang years, makikita natin na sila pala talaga ang para sa isa't-isa. Tingnan din natin tama ba ang hula mo, Cloud." nakangisi ako habang nakatingin sa kanya.
"Hmm..let's see about that baby. Dito na lang ba tayo? Di pa naman masyadong mainit." Tinuro niya ang isang bakanteng bench na malapit may nakahilirang limang puno ng narra sa malawak na field sa paaralang ito at bawat puno may nakalagay na bench para sa mga estudyante na gustong tumambay, presko pa ang hangin. May nakikita din ako na estudyante na nakaupo sa ibang bench, yung iba nagsusulat, nagbabasa at may iba naman na nagmamarites lang.
"Yes Cloud, ok na dito at saka pa gutom na ako," ngumuso ako habang hinihimas ang maliit kong tiyan.
"Alright, sit daw na aking prinsesa ko at umpisahan na nating lagyan ang tiyan ng baby ko nang pagkain," ngiting-asong sabi nito habang paupo na kami.
Nilabas n'ya ang laman na nasa paper bag at isa-isang binuksan ang takip ng lunch box ko, tinutulungan ko na siya ng mapadali na agad. May ulam din siyang dala, nilagay n'ya lang ito sa bag.
Nasa harapan namin ang mga pagkain like fried egg, bacon, hotdog, at may dalawang piraso na saging pa may dinala din s'ya na yakult. Dalawa sa akin at isa sa kanya o diba ganyan n'ya ako kamahal.
"Bandang three o'clock ng hapon, may practice kami ng basketball, 2 hrs lang naman. Pupuntahan mo ba ako sa basketball court or?" tanong nito sa akin habang nag-uumpisa na kaming kumain.
"Kung wala naman kaming assignments, pupuntahan kita doon para manuod narin sa inyo, pero kung meron, as usual doon ulit sa library mo na lang ako puntahan," sagot ko habang hinahati ang hotdog sa lima, tiningnan ko ang pinagkainan ni Cloud, malapit n'ya na itong maubos, sa bagay konti lang naman tong binaon namin.
Tumango lang s'ya. Mamayang lunch magdadala ng pagkain ang tita ni Cloud para sa asawa niya na dito rin nagtatrabaho sa school bilang head officer.
Madami daw ang lulutuin niya kaya papadalhan narin itong si Cloudy. Mas mabuti naman kung ganun makalibre tayo sa paggastos ng pera para pambili sana ng pagkain sa canteen.
Nagbabaon naman ako ng pang lunch, minsan ako ang naghahanda o nagluluto, depende kung maganda ang mood at maaga akong magising, minsan naman si nanay ko ang naghahanda ng baon ko.
Pero dahil nasabihan na ako ni Cloud kahapon kaya di na ako nagbaon pa.Tapos ng kumain ang boyfriend ko samantalang ako ulam na lang kinakain ko kasi tatlong kutsara lang naman ng kanin ang kaya kong ubusin.
"Malapit na mag-eeight baby, baka ma late ka sa klase," sabi nito habang tinititingnan ang relo niya sa may pulsuhan. Konti lang ang pagkain ko pero ang bagal ko paring matapos, paano ba naman kasi pabaling-baling pa ang ulo ko kung saang dereksyon habang pinapanuod ang ibang estudyante na may iba-iba ding ginagawa.
Tiningnan ko din ang wrist watch ko, may pagkaluma na ito pero atleast gumagana parin. "OK" tanging tugon ko habang sinimulang iligpit ang mga tupperware, busog na ako kaya okay na yung kinakain ko, may yakult at saging pa ako.
Tiningnan ko si Cloud para iparating na tapos na akong kumain. "Kainin ko na lang ito mamaya sa classroom o kapag nagugutom ako, busog na kasi ako," sabay turo ko sa saging at yakult at nilagay ko na ito sa side ng bulsa ng bag ko.
"Alright, 'wag mong ipamigay yan sa iba, ok? Kainin mo yan at inumin, dinala ko yan para sa'yo mismo tapos baka ibibigay mo na naman sa iba." May pagtatampo at pagbabanta sa boses nya habang binabalik na sa paper bag ang mga lunch box.
Nginitian ko lang siya habang tinitingnan ang mga mata nya at mukha habang nakapout ang mga mapupulang mga labi, so cutiee naman.
Ganito kasi ginagawa ko minsan kapag busog na ako at di na talaga kayang ubusin, nagshashare ako sa iba lalo na sa ka close ko na classmates. "Oo na' ito naman oh, hindi na yun mauulit kaya nga diba konti lang kinain ko na kanin para may reason ako na kainin ang natira ko na food mamaya."
Tinitingnan niya lang ako habang nagpapaliwanag. Hawak ni Cloud ang kanang kamay ko habang naglalakad na kami ulit sa pasilyo ng school papunta sa classroom ko.
Bago siya pumunta sa room niya, hinahatid niya muna ako sa labas ng pintuan ng room namin.
"Uyy! ang sweet niyo talagang dalawa, nakakainggit, mapa sana all ka na lang kaming nanunuod sa ka sweetan niyong dalawa."
Rinig ko na may nagsalita. Kinikilig na sabi ng isang babaeng taga ibang section, may kasamahan siyang mga classmates niya ata, nasa likuran namin sila at nakasunod sa amin.
Binalingan ko ang nagsasalita at nginitian, binalik ko din agad ang tingin ko sa harap ngunit kalaunan tinagilid ko ang ulo ko at itong kasama ko sumisilay lang ang ngiti sa mga labi nito. Proud jowa ata nasa isip nito.
Malapit na kaming mag two years ni Cloud at hindi parin ako minsan nasasanay na ganito ang mga reaction ng ibang students na nakakilala sa aming dalawa.
Paano ba naman kasi kahit lakad lang may paakbay o pahawak pa ng kamay tong boyfriend kong ito, sabi nga nila kami daw yung campus love birds sa school na'to, nahihiya nga ako nung una n'ya akong pinakilala sa mga barkada n'ya ang tungkol sa amin, hindi ako sanay na tinutukso o pinupuri ang mga achievements ko sa school na'to.
Di naman ako yung tipong maganda at sobrang talino pero dahil sumasali ako sa ibang mga contest o palaro sa school na'to, minsan nananalo din kaya medyo may confidence akong humarap sa mga tao. Hindi ako palangiti, depende kung sino kausap ko at anong topic para mapangiti ako. Baka mamaya panay ngiti ko pero pagnakatalikod kana, sinasaksak kana pala ng paulit-ulit kaya mas maganda kapag nararamdaman mo na tinatarayan ka o hindi ka belong sa group, distance is the key, mas maganda parin yung nag-iisa ka kaysa makisama sa mga toxic na nilalang.
Pero nung kami na sa taong kasama ko na to nasa ngayon pinagsiklop nya ang aming mga daliri habang naglalakad sa pasilyo, maya't-maya dinadala nya sa kanyang bibig ang kamay ko para halikan, nakakalma daw sya kapag ginagawa niya yan, ito tuloy nadagdagan pa ang confidence ko na naging boyfriend ko si Cloud, so far wala pa naman akong naririnig o bulongan na pagtutol sa relasyon naming dalawa, minsan gaya ng nasa likod naming nakasunod na mga estudyante kinikilig kapag nakikita kaming dalawa kung gaano ka sweet sa isa't-isa. Napa-isip tuloy ako, sweet? Kami?
Parang hindi naman, normal lang kaya kami. Normal lang lahat sa amin ang magbatokan, magkalmotan, sweet pero may pagkabitter minsan, paano kasi kapag may kumakausap lang sa akin na kapwa student o nagtatanong lang na ibang students sa school na to nagseselos agad, kamontikan na nga nyang masuntok yung estudyante nagtatanong lang kung anong oras na, lagi ko kasing suot ang relo ko kapag umaalis ng bahay, ewan ko lang masaya na ako na kahit ito lang kolorete sa kamay ko at wala ng pa bracelet at singsing, maganda na siyang tingnan.
Sobrang possessive ng boyfriend ko, ganun din naman ako, hmm. Kahit hindi ko sabihin nahahalata niya naman ata. Kapag may kausap s'yang ibang babae naging lion ako, iniirapan ko tuloy s'ya hanggang uwian, bitbit ko pa yan hanggang kinabukasan. Pero dahil sa paglalambing niya balik na naman kami sa pagiging asukal.
"We're here," hindi ko man namalayan na nasa harap na pala kami ng pinto ng classroom ko. Dami ko yatang naiisip ngayon, may sumabay kasi sa amin sa paglalakad ni Cloud kanina, kaklase niya at nag-uusap sila, hindi naman ako nakikinig kasi hindi naman siya topic na pati ako kasama. Nang malapit na ata kami sa room ko saka pa humiwalay ang kaklase niya.
Nang nasa tapat na kami ng pinto, tumagilid kami para makadaan ang ibang estudyante na papasok at palabas ng silid-aralan. Bitbit at yakap ang tatlong libro ko para sa subject ngayong umaga, hinarap ko si Cloud. "After your class this morning, pupuntahan kita dito para sabay tayong mag lunch and later pag-uwi nyo puntahan mo na lang ako sa basketball court kung wala kang assignment. Pwede narin hintayin mo ako para after ng practice namin pupunta tayo ng library and you can do your assignment with me, hmm! What do you think?" Cloud said habang kinukuha nya ang pantali ng buhok sa aking pulsuhan.
Pinatalikod niya ako para matalian ang buhok ko, ramdam ko ang panlalaking kamay niya sa buhok ko, sinusuklay muna ito gamit ang kanyang mga daliri at iniipon lahat pataas para itali, ganito ginagawa n'ya bago ako pumasok sa loob ng room ko, siya na mismo ang nagtatali ng buhok ko.
May minsan kasing napapadaan siya sa classroom namin dahil may pinapautos daw ang teacher niya sa kanya sa faculty office, kaya napapatingin sya o minsan sinasadya niya talaga na doon dumaan para masulyapan niya lang ako, namimiss niya daw agad ako eh, langya na pag-ibig kinilig ako.
Napapansin niya kasi na laging hawak ko ang tip ng buhok ko habang nagsusulat at nakayuko, kapag nilalalagay ko naman sa likod ko, bumabalik din sila sa harapan kaya ayun ang naabotan ni Cloud.
Nakaupo kasi ako sa pangalawang upuan sa likod malapit sa may pinto palabas ng classroom kaya madali akong makita kaya kinabukasan binilhan nya ako ng maraming hair tie, natatawa akong inabot yun sa akin, kung nadi distract ako sa buhok ko mas naste stress daw siyang tinitingnan ako na nahihirapan sa buhok ko, loko-loko talaga.
Simula noon, nanuod daw siya ng tutorial sa YouTube kung paano itali ang buhok na ibang tao ang gagawa, unang try ang dami paring naiiwan na buhok na hindi naisama sa tali, ingat na ingat siya baka daw masasaktan ang anit ko, pangalawa wala parin, tatlo o sampung try na niya ata ng natoto s'ya, of course ako ang ginawan niyang sample, alangan namang yung mga kasamahan nya sa bahay nila ang tatalian nya ng buhok o classmates na babae? Mabatokan ko ata na wala sa oras.
Kaya hanggang nakasanayan na nga nya at siya na ang gumagawa nun sa akin instead na ako, hmmm tumatsansing lang ata tong jowa ko eh? Ayaw ko nung una kasi kaya ko naman pero dahil sa makulit kaya wala naring nagawa, nilipad ko na lang sa hangin ang hiya ko nang matapos na pero I find it sweet na simpleng ginagawa lang ni Cloud, alam kong may halong loved at pag-alaga talaga, pero sa akin lang malamang, hindi niya daw kayang gawin sa iba.
Kaya ano pa ba ang hahanapin ko sa isang boyfriend material kung nandito na at sinalo na lahat ni Cloud, gwapo na maalaga pa, bunos na lang yung may kaya ang pamilya niya pero kahit ganun, ni minsan wala akong paki sa status ng pamumuhay niya, same din sa kanya sa akin, hindi ako gahaman sa ari nila, sinagot ko siya di dahil sa yaman nila kung hindi mahal na mahal ko sya.
Pero minsan naitanong ko sa sarili ko kung worth it ba ang lahat? Paano balang araw magsawa siya sa akin at humanap ng iba, kaya ko ba?.
Kalaunan tinakwil ko lahat ng naiisip ko na negatibo, mananatili ako sa kanya hanggang mahal pa namin ang isa't-isa. Pangako ko yun.
Nang makontento na sa ayos ko, pinaharap nya na ako sa kanya. "Ayan maganda parin kahit anong style ng buhok mo baby, nakatali man o nakalugay but as for now, I prefer to hair tied your hair para hindi ka na panay hawak sa buhok mo at nakaharang pa sa mukha mo." aniya nito habang nakangiti at tinataas pa ang mga kilay niyang makakapal.
Hindi ko alam na tama ba ang papuri nito sa akin na maganda ako o nambobola lamang. Pero langya hindi ko alam kung nagmumukha na namang camatis tong mukha ko dahil sa kinikilig ako. "Tse ka Cloudy, nambobola ka lang ata eh, sige na papasok na ako sa loob, paparating na titser namin oh," tinuro ko sa kanya ang pasilyo na kung saan naglalakad ang teacher namin sa unang subject papunta sa classroom namin.
Sinundan niya ng tingin kung saan ako nakaturo at binalik agad ang tingin nya sa akin. "Alright, miss beautiful, I'll go now, see yah later, ok?" I nodded my head.
"Bye baby, Love you," sabi nito na tanging kami lang ang nakakarinig, hindi naman kailangang isigaw pa ng buo para iparinig sa madla ang nararamdaman nyo sa bawat isa, sapat na kaming dalawa lang ang nakakarinig basta sincere sa mga sinasabi.
Nilagay niya ang kanang kamay niya sa batok ko para mahalikan ako sa noo. Narinig kong may nagsalita na classmate ko na papasok sa loob. "Sana all na lang talaga may jowa at hinahalikan sa nuo, nilalanggam na yung iba pero tayong single nilalamok na dito," nagtawanan ang mga classmates ko.
Nang makita ko na si professor na malapit na sa may pintuan namin, may kausap ito na co-teacher din habang naglalakad papunta sa kani-kanilang silid, lumapit ako kay Cloud at bumulong malapit sa may tenga niya para siya lang makakarinig "Bye for now Cloudy, my man, I love you 1billion times."
Pagkatapos kong sabihin yun kumarepas na ako ng takbo papasok sa room kasi ramdam ko na ang pamumula ng mga pisngi ko, hanggang ngayon ba naman nahihiya parin ako sa kanya, mas gustohin ko pang laging nagsusungit sa kanya.
Hindi naman sa ayaw ko sa pagiging showy o clingy ng boyfriend ko kundi kinikilig na ako masyado at wala ng paglalagyan tong nadarama ko.
Itong nararamdaman ko para sa kanya ay tulad na lang ng isang empty glass. Habang pinupuno mo ng tubig at di mo na namamalayan umaapaw na ito ng kusa at sa pag-apaw nito hindi mo na masasalo lahat ng tubig, kumakalat na ito kung saan-saan, kaya ang nararamdaman ko kay Cloud gusto ko yung manatili sa tamang sukat lang, hindi umapaw baka bigla na lang mapalitan.
Halos lahat ng classmates ko nasa loob na ng silid, tiningnan ko ang labas ng pinto at nakita ko pa si Cloud na nakangiti habang tinitingnan ang dereksyon ko. Hindi pa umaalis tong mokong nato?'
Nang makita niya na nakatingin ako sa kanya, seninyasan ko sya na umalis na kasi sobrang lapit na ng titser namin sa pintuan.
Kinawayan nya ako, ganun din ang ginawa ko wala na akong pakialam na panay bulong ng ibang kaklase ko na sana all na lang. Nang nasa harap na ng pinto si Mrs. Salve, guro namin sa first subject, binati ito ni Cloud at saka pa umalis.
Pumasok na sa loob ng classroom si Ma'am Salve para simulan ang klase namin sa umagang ito. Alam kong gusto pang makipagmarites tong katabi ko sa upuan na si Cathy pero hindi na natuloy kasi nagsimula na magturo si Ma'am, unang subject palang prepare na ng 1/2 sheet of paper kasi may quiz daw.
Sunod-sunod na ang class namin sa umagang ito. Pagdating ng oras ng tanghalian, umalis na ang last teacher namin at kanya-kanya ng paalam ang mga estudyante para mananghalian, yung iba pupunta ng canteen, yung iba naman umuuwi pa sa bahay nila kasi malapit lang daw dito sa school.
Sinimulan ko ng iligpit ang mga gamit ko tiningnan ko sa labas ng classroom, wala pa akong nakitang bulto ni Cloudy, baka hindi pa sila nagdi dismissal?
Pupuntahan ko na lang kaya sya sa room nila para hindi na niya ako pupuntahan dito total nauna na kaming nagdismissal. Ako na lang ang pupunta sa kanya, palitan kami minsan kung sino mauuna na puntahan ang isa't-isa.
Binalingan ko ulit ang pintuan sa labas ng room namin, pero wala parin si boyfriend ko. Nagpasya na ako na puntahan na lamang siya, iniwan ko na lang muna ang mga mabibigat ko na libro sa ibabaw ng upuan ko,wala naman akong assignment ngayon kaya ayos lang.
May naiwan pang apat na kaklase ko sa classroom, siguro may mga baon na sila at ayaw na lumabas kaya dito na lang sila sa loob kakain.
Pagkalabas ko ng pinto, bago pa man ako makaliko pakaliwa ay nakita ko si Cloud na tumatakbo papunta sa akin, nang medyo malapit na sya saka pa ako humakbang para salubongin sya. "Bakit ka tumatakbo? May humahabol ba sa'yo Devi Cloud?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
"Sorry baby! Kanina ka pa ba naghihintay sa akin dito sa labas?" tanong nito sa akin, hindi agad sinagot ang tanong ko.
"Ha? Hindi naman, ngayon lang ako lumabas dahil plano ko kasi na puntahan na lang kita sa classroom mo baka kasi may class pa kayo kaya plan ko na doon na din maghihintay sayo," paliwanag ko. "mabuti na lang at nagkaabotan tayo," patuloy ko.
"Sorry ulit, galing ako sa office ni tito, kinuha ko lang itong baonan natin na hinatid ni Tita para sa atin," sabay angat sa dalawang paper bag na kulay brown.
"Ok...akala ko na may naghahabol na sa'yo," tawa ko pero at the same time nakikita ko na pawisan na siya. Kinuha ko ang panyo ko sa bag at ng makuha ko na inilapit ko ito sa kanya para mapunasan ang pawisan niya na mukha.
"Tara kain na tayo, gutom na kasi si baby tummy ko, naamoy niya yata ang ulam na dala mo Cloudy ko," hindi ko na talaga mapigilang mapangiti.
"Let's go, gutom na din ako eh,"
pagkatapos ko siyang punasan kinuha n'ya ang kanang kamay ko para makaholding hands, tinuro ko ang isang paper bag para ako na lang ang magbitbit pero ayaw naman niyang ibigay.
Di naman daw sobrang mabigat kaya ayos lang na siya ng ang magdadala. Magkahawak kami na pumunta ulit sa bench kung saan kami kumain kaninang umaga.
Nang makarating na at makaupo na kami, isa-isa na naming nilabas sa paper bag at binubuksan ang baonan na pinaglagyan ng ulam at kanin na bigay ng tita Camille ni Cloud.
May beef caldereta, pritong tilapia, at kanin, may prutas din na apple at dalawang pack ng juice. "Wow!' dami naman nitong binigay ni tita mo Cloudy," mangha kong tanong sa kanya. Paano kaya namin ito mauubos.
"Alam niya ba na dalawang tao ang kakain nito o sinabihan mo sya?" tanong ko sa kanya habang isa-isa na naming nilalagyan ang paper plate na nakalatag sa amin, ok na to para derecho tapon na lang hindi na kami maghuhugas.
"Yup..nung sinabi na magdadala siya ng pagkain kay tito, nandoon din ako sa office niya kaya ayon tinanong niya ako kung gusto ko rin ba, kaya sinabi ko narin na dalawang tao ang kakain, tumango lang tugon ni tita sa akin," paliwanag ni Cloud habang nilalagyan ng Caldereta ang plate niya after nyang malagyan yung akin, konting sabaw o sauce lang para hindi matapon.
"Masarap ha, tama ang timpla, magthank you ka ulit sa kanya ha baka mamaya nyan kapag hindi niya marinig ang gratitude mo, di na yun magluluto at magbibigay sa'yo," sabi kong natatawa pero seryoso ako doon, akala mo lang.
"Ako pa ba! Malakas kaya ako kay tita Camille at tito Franco, kahit hihingi ako ng isang milyon bibigyan ako nun," si Cloud.
"Yabang nito oh-of course naman eh, paano ba naman kasi naging spoiled ka sa kanila, dahil siguro wala silang baby kaya kahit malaki kana, parang baby o anak na ang turing nila sa'yo," yes wala silang anak hanggang ngayon dahil may deperensya si sir Franco, good thing at hindi nakipaghiwalay ang asawa sa kanya, minsan kasi ang iba kapag hindi naibigay ang gusto nila iiwan na lang basta-basta ang tao na nagmahal sa kanila. "Ang swerte mo sa kanila Cloudy at swerte din nila sa'yo."
May ngiti sa kanyang mga labi ngunit bigla na lang din itong nagbago.
Tapos na akong kumain, kinuha ko ang isang pack ng juice, binutasan ko ito saka ininom gamit ang straw.
Kakatapos lang kumain ni Cloudy at nagliligpit na nang pinagkainan namin, tumulong din ako. Hindi namin naubos ang ulam kaya i decided na dadalhin ko ito mamaya para may makain kami. "Wag mo itapon ha, for sure ayaw mo naman magdala nyan sa inyo kaya sa akin na lang ito, ok?"
Ilalagay niya na lang daw ito mamaya sa refrigerator na andoon lang sa office ng tito nya. Tiningnan ko ang relo ko sa pulsuhan, meron pa kaming isang oras para tumambay.
Kinuha niya ang kanang kamay ko at dinala sa kanyang mga labi, his favorite ang halikan ang likod ng kamay ko. Tuwid kaming nakaupo sa bench and the same with Cloud, pinapanuod namin ang mga estudyante na may kanya kanyang ginagawa, direction kung saan pupunta, labas-pasok galing sa room nila, may nagtatakbuhan, tawanan at kwentuhan.
"Yeah, that's true ma swerte ako sa kanila ng tita at tito ko,maswerte din ako sa kanila pero sana kung gaano ako ka swerte sa ibang tao ganun din ang pamilya ko Rey," nasasaktan ako dahil sa tono ng boses niya. Tinagilid ko ang katawan ko para buong attention ko nasa kanya.
"Nasa Manila o di kaya ibang bansa si Daddy, samantalang my mom nandito sa probinsya. Kapag nagkikita naman sila akala ko nag-uusap lang pero kalaunan naririnig mo na lang na nagsisigawan, it's all about business na lang ang inaatupag nila halos wala na akong paki sa kanila, hindi nagkakaintindihan, dinadaan lagi sa galit na tono," malungkot na kwento ni Cloud sa akin.
Nasasaktan ako para sa kanya, na yung akala mo nasa iyo na ang lahat. Marami kang pera kaya dapat masaya kana pero sa sitwasyon ng boyfriend ko nakakaramdam ako ng awa, he needs attention, pagmamahal at aruga ng isang magulang pero dahil busy sa business halos wala ng time sa kanya.
Hindi ko alam kung anong sakit ang mararamdaman ko katulad ng kay Cloud dahil lumaki ako na di ko nakagisnan si tatay ko. Wala akong idea kung nag-aaway, nagsusumbatan rin ba sina nanay at tatay, ano kaya ang mafe feel ko?
Paano kaya kung buhay si tatay ngayon, pwede kaya yun pero ayun sa kwento ni nanay, mahal na mahal daw siya ng tatay, ganun din si nanay sa aking Itay.
Ganun ba talaga yun, mayaman ka man o mahirap, may pera o kapos, marami talagang pagsubok ang madadaanan mo. Walang pinipili ang status ng buhay mo.
Nasa iyo na iyon kung paano mo pahalagahan at ingatan. Sa sitwasyon ni Cloud hindi ko pa alam ang buong kwento ng buhay niya, ayokong himasukan, ayaw kong magtanong, gusto ko na marinig mismo sa kanya na kusa nyang sinasabi sa akin. Ganun din sya sa akin for sure.
Akala ko nga nasa kanya na ang lahat ang gandang lalaki at naliligo sa kayamanan pero may malungkot din pala sa mga labi nya, kaya yun ang kaya kong punan na kahit ganito lang ang estado ng buhay namin ni inay, kaya ko siyang alagaan at mahalin.
Pinag-usapan na namin ito ni Cloud na kapag may mga bagay na hindi maintindihan sa relasyon namin na imbis na mag-aaway at magtampo, magsigawan, sasabihin namin ang totoong nararamdaman namin.
Tinititigan ko ang lalaking pina pangarap ko noon na ngayon nandito na sa aking harapan. "It's not ok pero nandyan na at nangyari na, ang mahalaga hindi sila nagkasakitan physically dahil ibang usapan na yun. Pero look ang importante hindi dumating sa punto na naghiwalay sila, imagine sila parin hanggang ngayon. At higit sa lahat ang mahalaga ay yung mga tao na nagbibigay sa'yo ng halaga at pagmamahal, kaya lagi mong tatandaan na nandito lang ako para sa'yo.
"Im always here for you not just a friend, schoolmate, a boyfriend but also ang blanket, umbrella and a shoulder you can lean on, hmm?" sabi ko sa kanya para kahit papano maibsan ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
He put his head on my shoulder, "Thank you baby, sobrang thank you, now i knew kung bakit ang tadhana na talaga ang nag plano na iuwi ako ni mommy dito sa province, kasi may paparating pala na blessing at ikaw yun," sumaya naman ang puso ko dahil doon.
"At imbis na sa pamilya ko mararamdaman ang comfort na hinihiling ko, kaso hindi nila pinapadama yun sa akin, dahil siguro simula nung bigla na lang bumagsak ang company namin dati dahil sa sobrang confident nila na tataas ang sale, tataas ang kita, pasok lang ng pasok ang pera sa amin."
"Pero... nung nakabawi at muling lumago na ulit ang company namin, at dahil sa trauma na baka mangyari ulit yun, kaya ngayon nakafocus na lang sila palagi sa business nila, without even realizing I'm nowhere to be found sa buhay nila, though yeah they give me a worth of penny, but minsan hindi ako naging masaya na from the heart mismo."
"Maybe because i want their attention though i knew they work for me na only child nila, na gusto nila akong mabigyan ng magandang kinabukasan, I realized din that at the end of the day, ako ang mamahala sa company ng mga magulang ko kaya minsan naiintindihan ko sila pero minsan hindi." Cloud said.
Tumayo ako galing sa pagkaupo sa may bench, nagtataka man sa ginawa ko hinayaan nya ako, pumunta ako sa likuran n'ya at mula sa likod lumapit ako sa kanya para yakapin siya ng mahigpit.
"I'm always here at your back Cloudy everything's gonna be alright. Always remember na nandito lang ako, ok?" He nodded and said thank you after that long conversation.
Inaantok ako sa panghapon na klase kaya nilalabanan ko ang hindi pumikit. Ang daming nangyari sa class namin at ang pinakamasaya sa lahat ang dismissal.
Nang matapos sa pagtuturo ang professor namin dali-dali ko naman niligpit ang mga gamit ko para puntahan sa gym si Cloud, mabuti na lang at walang assignment kaya pwede akong manuod ng basketball at makapag cheer-up na rin sa super hot kong boyfriend, hmm sayawan ko kaya ng cheer up by TWICE.