"Huwag!" Napabalikwas nang bangon si Jeselle. Agad namang lumapit sa kaniya si Shanaya at nag-aalalang dinaluhan ang anak. "Ma!" Agad niyang niyakap ang ina at nanginginig na impit na umiiyak. "Shhh... okay na. Nananaginip ka lang." Agad na bumitaw si Jeselle mula sa pagkakayakap ng ina at pinunasan ang luha. "Hindi! Ma, kitang-kita ko ang napakaraming patay. Nasa gitna raw ako ng mga taong nakaputi. Tapos... tapos... isang babaeng nakaitim. Tawa siya nang tawa habang..." Hinawakan ni Shanaya ang mukha ng anak at pilit na inaalo. Nanginginig na rin ito sa sobrang takot. "Jeselle, please... makinig ka kay mama. Panaginip lang iyon anak. Hindi totoo at hindi magkakatotoo ang isang masamang panaginip." Hinalikan pa nito sa noo ang dalaga. Magsasalita pa sanang muli si Jeselle ng isan