Hindi maimulat ni Torikara ang kaniyang mga mata. Ilang beses na pagpipilit pa at napagtagumpayan na rin niya. Masakit din ang kaniyang ulo at nang hawakan niya ay may benda iyon. Nakapikit pa ang isang matang inilibot niya ang paningin. Nasa isang maganda siyang silid subalit hindi ito ang sa kaniya. Pumikit pa siya at pilit na binuksan ito para mapalinaw ang kaniyang paningin. Nang lubos na siyang nakakakita, sakto namang bumukas ang pinto. Isang napakagandang babae ang kaniyang nasilayan na may bitbit ng isang tray. May kasunod itong isang matikas na lalaki. Kapwa mga nakangiti habang palapit sa kaniya. "Gising ka na pala. Heto, kumain ka at nang makainom ka na rin ng gamot." Inilapag ng babae ang tray sa isang tabi at nilapitan siya. Inalalayan siyang bumangon bago marahang isinandal