"Ma? Okay ka lang?" alanganing lumapit si Jeselle sa ina. Ngumiti naman si Shanaya at sinenyasan ang anak na maupo sa kaniyang tabi. Kasalukuyan silang nasa garden. Mahilig talaga sa bulaklak si Shanaya, kaya kahit ang maliit nilang lupang nasa likuran ay ginawa niya nang paraan para magkaroon ng kahit kaunting mga bulaklak. May upuan doon at napakaganda nang paligid lalo na at bilog ang buwan. "Pasensiya na kayo ng papa mo kanina. Sasabihin ko rin ang dahilan pagdating ng panahon. Sa ngayon, hayaan na muna ninyo akong mag-isip." Malungkot na tumanaw si Shanaya sa bilog na buwan. Humilig naman sa balikat nito si Jeselle at nakitanaw rin sa buwan. Naiintindihan niya ang ina. Masasabi niyang napakasuwerte niya sa pagkakaroon ng mababait na magulang. "Oo nga pala. Nagbilin si Calvin kanina