DAYO 6

1011 Words
"Jeselle! Jeselle, ano ba?" Agad na nahawakan ni Sandra si Jeselle at iniharap sa kaniya. Nahigit ni Jeselle ang hininga nang sa ulo naman ni Sandra niya nakita ang mga letrang mula pa sa ama, kay Junnie at ngayon naman ay kay Sandra niya nakikita. "Please, tell me Jeselle. I'm worried." Natitigan niya ang mukha nito at bakas ang pag-aalala nito sa kaniya. Agad niyang naipiksi ang kamay ni Sandra at biglang nawala ang mga letra. "Please, tell me Jeselle. I'm worried. What is –" Hindi naituloy ni Sandra ang sasabihin dahil biglang umatras si Jeselle na parang takot na takot sa kaniya. Eksakto ang mga salitang sinabi ni Sandra sa mga nabasa niya sa ulo nito kanina! Ano bang nangyayari sa kaniya? Nababasa niya ang mga maaaring sabihin ng mga ito? Mga iniisip? Pero, bakit? At bakit ngayon ay wala na? Kahit anong titig niya sa ulo nito. "I-I need to go." At mabilis na siyang tumalikod at nagtatakbo palayo sa naguguluhang si Sandra. Mayamaya pa ay napabutong-hininga si Sandra at kinapa ang regalong nasa bag. Para sana iyon sa kaarawan ngayon ng kaibigan. *** Litong-litong nagpatuloy sa paglalakad si Jeselle. Hindi niya alintana kung sino man ang nababangga niya o nakakasalubong kaya. Kahit ang humingi nang tawad ay hindi niya magawa. Naguguluhan siya sa mga nangyayari! Mayamaya ay nag-ring ang kaniyang cellphone. Hindi sana niya ito sasagutin pero naalalang baka ang mga magulang ang tumatawag. Agad niya itong kinapa sa bulsang suot at sinilip kung sino iyon. Mama calling... "Hello, ma?" Sinagot na niya habang marahang naglalakad. Nakayuko siya at pinakinggan ang sasabihin ng ina. "Anak, ka-kamusta ka? Okay ka lang ba?" Bakas sa tinig nito ang pag-aalala. Sabagay, ganoon naman siguro talaga ang mga ina, madaling makaramdam kapag may problema ang anak. Kahit hindi naman siya nito nakikita, pilit na ngumiti si Jeselle. "A-ayos lang, ma. Si papa, kamusta? Pauwi na po ako kaya... AY!" Hindi naituloy ni Jeselle ang sasabihin dahil isang kamay ang biglang humawak sa beywang niya para alalayan siya. Muntik na kasi siyang lumagpak sa sahig sanhi nang pagkakabangga nila. Hindi niya napansin ang isang lalaking mabilis namang naglalakad dahil sa nakayuko nga siya. "Miss, pasensiya na..." Inalalayan siya nitong makatayo nang ayos at hindi sinasadyang nahawakan nito ang kaliwang kamay niya. Ngingiti sana si Jeselle para sabihing ayos lang siya subalit natigilan nang matitigan ang lalaki. May mga salita na namang naglabasan sa ulo nito! "Nakakainis! Nakatakas na naman si Rue!" Napaatras naman si Jeselle at nahintatakutan. Nawalang muli ang mga salita nang matiim na tumingin ang lalaki sa pasilyong pinaggalingan ni Jeselle kanina. "Excuse me." At mabilis itong tumakbo palayo. Nalilitong sinundan lang ito nang tingin ni Jeselle at napatingin sa cellphone. Kausap nga pala niya ang ina. Subalit, wala na ito sa kabilang linya. Nais nang sumigaw ni Jeselle dahil ngayon lang nangyari ang mga ito. Tumalikod na siya at ipinagpatuloy na ang paglalakad. Uuwi na lang siya. Masiyado nang nakakabaliw ang maghapon niya. *** Nakangiting nilapitan ni Tamara si Torikara. Kasalukuyan itong nakahiga sa kama at nagbabasa ng libro tungkol sa dayo. "Ma! O bakit?" Napabalikwas nang bangon si Torikara at sumandal sa headboard nang kinahihigaan. Ang kuwarto niya ang pinakamalaking silid sa kanilang mansiyon. Mahal na mahal siya at alaga ng lahat. Tinuruan na rin siya ng ilang mahikang magagamit niya kung sakali sa mga mahiwagang dayo. "Maligayang kaarawan, anak!" Iniabot niya sa anak ang isang kuwintas. Maliit pa lang ito ay tinanggal na niya ang kuwintas na nakasabit dito. Kailangang mapaniwala niya si Torikara na siya ang tunay nitong ina. Pinalabas niya ring matagal ng patay ang ama nito at ang mga mahiwagang dayo ang may gawa niyon. Itinatak niya sa isip nito ang mga bagay na iyon para ito ang makapaghiganti para sa kaniya. Nakawala man sila sa pagkakakulong sa kuweba ng kadiliman ay hindi pa rin bumabalik ang kanilang kapagyarihan. Tanging ito na lang si Torikara ang kanilang pag-asa. Sa kaniya nakasalalay ang lahat. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa nilang lahat sa kaniya. "Keres? Bakit Keres ito?" naguguluhang saad ni Torikara. Hawak niya ang kuwintas na may ganoong pangalang nakalagay. "Iyan ang bago mong pangalan. Simula ngayon, tatawagin ka na sa pangalang, Keres." Nakangiting kinuhang muli ni Tamara ang kuwintas at siya na mismo ang nagsuot nito. Nagpaubaya naman si Torikara kahit pa nalilito na siya sa mga nangyari. Nakangiti namang pinagmasdan ni Tamara ang kuwitas na nakasabit na sa leeg nito. Hinawakan pa nito at tinitigang maigi. Isa iyong butterfly style na kulay asul na may pangalan nito sa gitna. "Kahit kailan, huwag mong huhubarin ito. Ito ang magiging gabay mo sa pupuntahan mo. Ito na ang simula!" At tumayo ito habang humahalakhak nang malakas. Napangiti na rin si Torikara at sisimulan na pala nila ang paghihiganti. Kating-kati na rin kasi siyang makilala ang mga mahiwagang dayo na sinasabi ng ina. At nais na niyang ipalasap ang paghihiganti sa kanilang lahat! "Sige. Kailan ba 'yan?" Lumingon si Tamara kay Torikara at ngumisi. Mayamaya pa ay lumapit ito sa dalaga at naupong muli sa tabi nito. Hinawakan na muli ang kuwintas at tumitig nang matiim kay Torikara. "Ngayon!" At nabigla na lang si Torikara nang sakalin siya ni Tamara. Nanlalaki ang mga matang pilit niyang tinatanggal ang kamay nitong mahigpit na nakahawak sa kaniyang leeg. Pahigpit nang pahigpit at hindi na siya makahinga! "Akkk..." kaunting hangin na lang ang natitira nang bigla siyang hipan sa mukha ng kinikilalang ina. At sa isang iglap, bumagsak ng walang malay si Torikara. Tinubuan ito ng mga pasa at sugat sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan at mukha. Nakangising tinawag naman ni Tamara ang dalawa sa kaniyang alipores. Ipinabuhat niya ang dalaga para itapon sa lugar ng mahiwagang dayo. Mabuti na lang at kaya pa pala niyang gumawa nang mahika. Iyon nga lang, kailangan niya pang isakripisyo ang kapakanan ng dalaga. Pero, ayos lang. Dahil ito naman talaga ang plano niya. "Keres, the goddess of cruel death!" At makapanindig-balahibong tumawa siya ng walang humpay ito. Ang saya-saya niya dahil magsisimula na talaga ang totoong paghihiganti! jhavril---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD