DAYO 2

762 Words
Matamang pinagmamasdan ni Shanaya ang asawang si Luke. Hindi niya akalaing sa ganito hahantong ang kanilang pagsasama. Hinaplos niya ang ulo nito at hinalikan sa pisngi. Noong nakaraang taon, nalaman nga nilang may cancer ito. Parang gumuho ang kaniyang mundo, lalo na ang nag-iisang anak na si Jeselle. Muntik na itong tumigil sa pag-aaral para alagaan na lang ang ama. Si Luke lang ang tanging lalaking minahal niya kaya napakasakit sa kaniya na makitang maaga itong iginugupo ng sakit na walang lunas. Isang beses, naisip niyang bumalik sa mahiwagang lugar para humiling sa mga dayo na pagalingin ang kaniyang mahal na asawa. Isa na siyang mortal at wala na siyang kapangyarihan para gawin iyon. Subalit, urong-sulong siya na pumunta pa roon. Alam niyang may kapalit ang bawat hiling. Ganito pala ang pakiramdam nang mga mortal noon. Mahirap at nakakatakot. Kaya inabot na ng isang taon ay hindi pa rin siya nakakadalaw sa mahiwagang lugar. Hindi kasi alam ni Luke na isa siyang dayo dati. Baka isipin nitong nababaliw na siya. At iwanan siya pati ng kaniyang anak. Hindi niya kakayanin iyon. Subalit, ngayong mas lumalala ang kalagayan nito at sa nakikitang sobrang nasasaktan ang anak, panahon na siguro para bisitahin ang mga dayo. *** "Ma! I'm home!" Matapos ilapag ni Sandra ang gamit sa sofa ay hinanap niya ang ina. Isang lugar lang naman sa bahay ang pinupuntahan nito; kusina. At hindi nga siya nagkamali. "O, kanina ka pa?" Hinalikan sa pisngi ng anak si Carmela bago hinarap niyang muli ang bineyk na mga cupcakes. Ito ang pinagkakaabalabahan niya matapos mag-resign sa pagiging Head sa isang hotel. Nag-aral siya ng six months cooking and baking. At may mga umoorder na sa kaniya. Balak niyang magtayo ng sariling pastries shop pero hindi muna sa ngayon. Nais niyang tutukan ang tatlong anak at asawa. Tutal, may trabaho naman ang asawang si Johnny. Isa itong pediatrician. Oo, sa sobrang tuwa nito sa mga bata, nag-aral itong maging doktor. Kaso, mas gusto nitong magpunta kung saan hindi inaabot ng mga katulad niya, kaya madalas wala ito sa bahay. Okay lang naman sa kanila dahil lubhang matulungin talaga ito. Umiling si Sandra bago kumudlit sa icing na nasa ibabaw ng cupcake. "Masarap?" Tumango ang nasisiyahang si Sandra nang tuluyang iabot sa kaniya ng ina ang cupcake. Mahilig kasi siya sa sweets. "Sila Jimboy at Karen po?" Pinunas muna niya ang icing na tumama sa gilid ng kaniyang labi. Ang lima at dalawang taong gulang na kapatid ang tinutukoy niya. "Ayun, nakatulog din sa taas. Maghapong naglalaro 'yong dalawa." Nagpagpag ito ng kamay bago inilagay isa-isa sa isang hindi kalakihang kahon ang mga cupcakes. Iba't ibang kulay ang mga iyon at makukulay ang toppings. "Kanino 'yan, ma?" Halos tatlong dosena ata ang mga iyon. "Kina Mindy, birthday no'ng anak niyang si Shaun, one year old na iyong inaanak ko kaya ito na lang ang sabi kong ise-share ko." Malapit na itong matapos sa ikatlong kahon ng mga cupcakes. Si Sandra na ang nagsara ng mga ito. Natutuwa siya at si Mindy at Karl din pala ang magkakatuluyan. Kahit pa halos tatlong taong niligawan ni Karl ang maarte pero matalinong si Mindy. Isa pa lang ang anak ng mga ito dahil kakakasal lang nila noong isang taon. Abogado ang kinuhang kurso ni Mindy na nais munang maglingkod as public attorney. Kahit ganoon ang kaklase dati na naging kaibigan na rin niya ay sobrang laki ng puso nito sa mahihirap. Namana siguro nito iyon sa namayapang amang pulitiko. Samantalang isang sikat na actor si Karl. Hanggang ngayon e, lumalabas-labas pa rin ito sa movie at tv. Isa rin siguro iyon sa dahilan kaya hindi magawang sagutin dati ni Mindy si Karl. Napabalitang babaero ito. Subalit, napatunayan naman nito ng tanging si Mindy lang ang minahal niya ng alukin niya nga ng kasal ang abogada. "Ikaw na muna bahala sa mga kapatid mo. Siguro bago mag-alas sais e, makakauwi na rin ako." Hinubad ni Carmela ang apron at bahagyang inayos ang buhok. Sumulyap pa ito sa orasang nasa kusina; alas dos y medya na. Alas tres ang birthday party na gaganapin sa isang malaking hotel sa Maynila. Tumango lang si Sandra bago kinuha ang dalawang kahon ng cupcakes habang ang isa ay binitbit ng ina. May hawakan naman kaya hindi sila nahirapang ilabas sa garahe. Inilagak nila ang mga ito sa backseat ng kotse ni Carmela. Kulay gray ito na two years ago pa nito nabili. Humalik si Sandra sa ina bago sinabihang mag-ingat. Kumaway pa siya bago isinara ang gate. Oo nga pala, tatawagan niya si Jeselle para kamustahin. jhavril---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD