DAYO 1

986 Words
Makalipas ang labing limang taon... "Hoy, ano'ng problema mo?" Napalingon si Jeselle sa kaibigang si Sandra. Kinalabit kasi siya nito habang nakapangalumbaba sa kawalan. Kawalan nang magagawa. Maliit na babae lang si Sandra pero napakakinis ng kutis. Maganda rin ito gaya niya. Minsan nga ay napagkakamalan silang magkapatid dahil hawig daw sila. Lalo na sa kulot-kulot nilang buhok. Mas mahaba nga lang ang sa kaniya at may kulay ginto ang dulo. Natural na kulay iyon na namana niya sa ina. Samantalang si Sandra ay itim na itim na sa ina rin nito namana. Mas matangkad siya kay Sandra dahil namana naman niya iyon sa ama. Five flat lang ito samantalang siya ay five six. Kaya maraming naiinggit sa kaniya dahil nasa kaniya na raw ang lahat ng gugustuhin ng isang lalaki; maganda, matalino at mabait. May kaya rin ang pamilya nila. Isang registered nurse ang ina samantalang ang ama ay hindi nagustuhan ang pagiging nurse kaya nag-engineer ito. Kasalukuyang itinatayo na nito ang pangarap na firm nang magkasakit nga ito. "Wala. Naisip ko lang si Papa." At pilit na ngiti ang ibinigay niya sa kaibigan. Umupo na rin si Sandra sa tabi niya at tipid na ngumiti. Grade 12 sa course na ABM silang pareho. Dalawang taon pa lang silang magkakilala. Lumipat ito dahil sa K12 program. Pero, sobrang naging malapit na sila sa isa't isa. Parang instant connection ata iyon. "Oo, nga pala. Kamusta na ang papa mo?" Kahit minsan hindi pa nakikita ni Sandra ang magulang ni Jeselle, pero base sa mga kuwento nito, mababait ang mga iyon, parang ito lang. At ganoon din si Jeselle sa mga magulang niya. Baka one of these days e, dalawin niya sa ospital ang ama nito kapag hindi na sila busy sa eskuwelahan. "E, 'di ayon ganoon --- ay, ano ba?!" Pabiglang tumayo si Jeselle dahil may naramdaman siyang malamig na bagay na bumagsak mula sa ulo niya. At ngayon ay kalat na sa buong uniform niya ang kulay itim na likidong iyon. "O, ayan na 'yong request mong palamig. Inutusan mo pa 'yong boyfriend ko para..." Natigil si Junnie nang pabiglang hilahin siya ng boyfriend daw niyang si Calvin. "Anong ginawa mo kay Jeselle, Junnie?!" Nagtitimping pabiglang binitawan nito ang braso nang naiinis na bakla at nilapitan si Jeselle. Tinutulungan siya ni Sandra na tanggalin ang mga s**o at gulaman sa uniform nito. Pero, kumapit na ang mantsa sa puting-puti niyang uniform. Nagtitimping hinarap ni Jeselle ang baklang si Junnie na ngayon ay nakataas ang isang kilay na ahit. "Ano bang problema mo?! Sayong-sayo na 'yang Calvin mo dahil wala akong balak pumatol sa..." tiningnan niya pa nang masama si Calvin. "...mayabang at bastos na 'yan! Ahhhh... nakakainis!" At padabog na iniwan niya ang mga ito. Paismid namang sumunod si Sandra bago pinandilatan ng mata ang baklang si Junnie. "Tse! Akala mo kagandahan kayo! Anyway, papa Calvin..." Nakangiting hinarap nito si Calvin na biglang naikuyom ang isang kamao. Nahintatakutan naman si Junnie kaya agad na umatras ito nang bahagya. Balak niya kasing hawakan ito sa braso. Pero, dahil nakita nito ang pagtiim-bagang nang kinababaliwang lalaki ay medyo natakot din siya. "Kapag ginawa mo pa ulit ang bagay na iyon. Humanda ka sa aking bakla ka," mahina subalit may diin ang bawat salitang namutawi kay Calvin bago mabilis na sinundan si Jeselle. "Sis, natalbugan ka na naman ng pangit na si Jeselle. Tsk... Tsk..." Umiling-iling pa ang katabi niyang si Fushia, isa ring sirena. Nagngingitngit na sinundan lang ito nang tingin ng baklang si Junnie. Napangiti sa naisip para tuluyang maalis sa eskuwelahan ang buwisit sa buhay niyang si Jeselle. Ang mang-aagaw na si Jeselle! *** "Hello, Ma? O, bakit po?" Halos hindi na maintindihan ni Jeselle ang sinasabi ng ina dahil panay hagulgol ang tangi niyang naririnig. Dali-daling siyang lumabas kahit pa tinatawag siya nang nagtatakang si Sandra. "Mom, wait lang po, ha? Papunta na ako riyan, wait lang." Mabilis na pinatay ni Jeselle ang cellphone at mabilis na tumakbo sa loob ng silid. "Hey, uuwi ka na?" Nakakunot-noong tinitingnan nito ang kaibigan habang ipinapasok sa loob ng bag ang mga gamit nito sa desk. "Emergency. Text kita!" At tuluyang lumabas na si Jeselle ng silid. Naiwang napapakamot sa ulo si Sandra. Hindi niya nasabing may quiz sila ngayon, major subject pa naman iyon. Ipapaalam na lang niya sa teacher nila tutal emergency naman. *** Tulalang nagpunas ng luha si Jeselle habang nakatingin sa walang malay na ama. Katatapos lang ng chemo nito at nagpapahinga na. Mahal na mahal niya ang ama, kaya labis siyang nasasaktan sa nangyari rito. Na-diagnose kasi itong may brain cancer last year. At hindi niya matanggap iyon. Ang dating matikas nitong pangangatawan ngayon ay yayat na. Hapis man ang mukha nito ay mababakas pa rin ang taglay nitong kagawapuhan. Napalingon siya sa nang may humawak sa kaniyang balikat. Pilit na ngiti ng ina ang kaniyang nasilayan. "Anak, pahinga ka na muna. Ako na muna rito, hindi ka pa nakakapagpalit ng damit. Ang tito Justin mo na muna ang kasama mo, buti na lang at walang pasok iyon. Sige na, kaya ko na ito." Malungkot na tumayo si Jeselle bago niyakap ang ina. Nilapitan ang ama at hinalikan sa noo bago tinungo ang pinto. Nagsabi na rin siya sa ina na babalik mamaya para makapalitan nito. Pinipigilan niya pa rin ang luha habang palabas ng hospital. Ayaw niyang isiping mamatay ng ganoon lang kaaga ang ama. Nais pa niyang makasama ito nang matagal. Iyong masaksihan nito ang kaniyang debut ilang buwan mula ngayon. Maghahatid sa kaniya sa dambana pagdating ng araw. Masaksihang lumaki ang magiging apo niya sa kaniya. Ganoon niya nais itong makasama, matagal na matagal. At hindi ngayong iginugupo na kaagad ito ng sakit na maaaring ikamatay na nito ilang buwan o araw na lang. Mabilis siyang pumara ng taxi. Kahit anong pigil niya ay sunud-sunod na dumaloy ang luha sa magkabilang pisngi niya pagkaupo sa loob ng sasakyan. jhavril---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD