HABANG KUMAKAIN ay tahimik lang si Ember. Panay ang kuwentuhan ng mga magulang niya sa kaniyang Tita Merceditas. Abala ang mga ito sa pag-uusap tungkol sa negosyo at hacienda. Biglang siyang napatigil sa pagsubo ng makarinig ng mga tawanan at mga yabag palapit sa dining area.
"Hi, Mommy! Hello, Tito Franco!" wika ng isang babaeng morena. Matangkad ito at mukhang modelo ang tindig.
"Azariah, halika at ipakikilala ko kayo sa mga tita ninyo," sabi ni Merceditas sa anak at sa mga kasama nito. "Catherine, this is my daughter, Azariah Ara Gustaves. These are our nephew and niece, sina Apollo Kayson and Aliona Krysleigh. Anak sila ni Eliseo. They're twins."
"Grabe, ang gaganda at gwapo ninyo. Parang kailan lang nang huli ko kayong makita," bulalas ng ina ni Ember. Pasimpleng tumaas ang kilay niya dahil ang tinutukoy nitong huling pagkikita nila ng mga ito ay iyong mga panahon na pinalayas sila ng haciendang ito.
"Thanks, Tita Cathy. I'll call you Tita Cathy na lang para nakakabata," magiliw na wika ni Azariah.
Mga nagmano at humalik ang mga ito sa kanyang mga magulang.
"Naku, okay lang kahit ano ang itawag mo sa akin," natatawa namang sabi ni Catherine.
"Mabuti at nakasama po kayo ni…" Hindi naituloy ni Apollo ang sasabihin nang magtagpo ang kanilang mga mata. "H-hi!" bati nito sa kaniya. Kagaya kanina ay nanatili ang walang emosyon niyang tingin sa mga ito.
"She's my daughter. She's Cadence Ember," ani Catherine sabay hawak sa kamay ng anak. May ngiti ito sa mga labi na kay gandang tingnan.
Hindi maintindihan ni Ember kung bakit kay dali na ibigay sa iba ang ngiti nito gayong may madilim na nakaraan at malaki ang kasalanan ng mga ito sa kanila lalo sa ina nya.
Isa-isa niyang tiningnan ang mga ito. Si Apollo ay moreno rin gaya ni Azariah pero si Aliona ay hindi. Maputi ito kahit na medyo maliit. Hindi kagaya ni Azariah. Hindi rin magkahawig ang kambal kaya hindi halata na magkapatid ang mga ito.
"Hello, cousin. Welcome rito sa hacienda natin! Sana mag-enjoy ka rito," ani Azariah na gumawi sa kaniyang tabi at humila ng silya. Naupo ito ngunit paharap sa kaniya. Kahit nagsisimula na siyang makaramdan ng iritasyon ay pilit niyang pinakakalma ang sarili. "Azariah nga pala, Cadence…right?" Nilahad nito ang kanang kamay upang makipagkamay ngunit tiningnan lang niya ito saka bumalik sa pinggan ang kinakain.
"Ember," tipid niyang pakilala.
Sumipol si Apollo sa gilid at natatawa naman si Aliona. Si Azariah naman ay gulat na gulat sa kaniyang inasal. Narinig niyang nagsalita ang daddy niya at humihingi ng pasensiya sa mga ito dahil sa inasal niya.
"Ember, please. Ayusin mo naman ang pakikitungo sa mga pinsan mo. Ang babait nila, o!" bulong ng ina niya.
Sumubo lang siya ng isang beses at mabilis na inabot ang baso ng tubig. Lumagok siya roon at nagpunas ng bibig pagkaraan. "Thank you for these food. May I know where is my room? I need to take some rest." Nasa pinggan niya ang mga mata habang nagsasalita.
"Ember—"
"Franco, hayaan mo na ang anak mo. Baka pagod lang talaga sa byahe kaya ganiyan ang mood." Pinutol ng Tita Merceditas niya ang pagsasalita ng ama.
Tumayo na siya at mabilis na sinuot ang earplug sa magkabilaang mga tainga. Pero dahil wala pang tunog na nagmunula sa kaniyang cellphone ay rinig na rinig niya ang mga pinsan niyang nasasalita sa kaniyang likuran.
"Napahiya ako, Ate Aliona!" mahinang wika ni Azariah.
Sinulyapan niya ito at nahuli niyang mangiyak-ngiyak ito habang nagsusumbong sa pinsan. Si Apollo naman ay hinihimas ang likod nito bilang pang-aalo. May sumundot sa konsensiya niya pero mabilis din na nawala.
"Pagpasensiyahan mo na. Ang laki mong babae, iyakin ka!"
"Ayaw niya yata sa atin, e." May bahid ng pagtatampo ang boses ni Azariah habang nakanguso.
"Hayaan na muna natin siya magpahinga. Ang layo ng Bulacan, e."
"Halika, hija. Ihahatid kita sa kuwarto mo," ani Tita Merceditas niya.
Hindi nakatakas ang masamang tingin na ipinukol ng kaniyang daddy sa direksyon niya pero nanatili siyang kalmado sa labas. Sa loob-loob niya ay nagpupuyos ang galit niya para dito.
DAPIT-HAPON NA nang magising si Ember. Nang sulyapan niya ang kaniyang cellphone ay alas sinco y media na. Naparasap ang tulog niya dahil sa sobrang pagod. Bumangon siya at bahagyang nagtaka pa nang makitang hindi niya kwarto ang kinaroroonan.
Malaki ang silid at maaliwakas. Kulay rosas ang dingding nito at mukhang antigo ang mga kagamitan dahil kulay tanso, lilak at ginto ang mga muwebles. Ang kama ay malaki. May poste ang bawat kanto nito ay animoy may malaking kurtina na nakasabit at nakalaylay. Kulay rosas ito katerno ng dingding at kisame. Malakas ang bugso ng aircon kaya humiga siya ulit at pinakiramdamang mabuti ang sarili.
'Na saan kaya sina Mommy? Nand'yan na kaya si Abuela?'
Kumirot na naman ang dibdib n’ya nang maalala ang kanyang abuela.
Sobrang close kasi nila nito at tanging ito lang ang taong hindi sila pinagmalupitan noon.
Mabilis siyang tumayo ay tumungo sa banyo. Nang maalala wala siyang damit at kaagad din na lumabas. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makitang nasa gilid ng kama ang kaniyang bag at maleta.
"Mabuti at sinunod rito," aniya at nagsimulang maggayak ng susuotin.